After a month.. Isang linggo na lang at kaarawan na ni Lily. Abalang-abala si Kuya Gerald at ang mga umampon sakanila para pasayahin si Lily sa araw ng birthday niya. "Hindi ako makapaniwala na labing limang taon na si Lily. Parang kailan lang, walong taon lamang siya." sabi ni Kuya Gerald "Buti nga at pumayag ka sa surprise party na hinanda ko para sakanya. Salamat ha? Alam kong hindi tayo sang-ayon sa isa't isa, pero para kay Lily sumang-ayon ka." sagot ng matandang babae kay Kuya Gerald "Alam mo naman na mahal na mahal ko siya. Bata pa lang siya pero kapag tumanda na kami. Gusto ko, kami ang magsama." sabi naman ni Kuya Gerald "Oo nga, saka na ang panliligaw na iyan kapag tama na ang oras para sa inyong dalawa. Kung kayo naman ay kayo talaga para sa isa't isa eh. Basta nandyan ka

