Paggising ni Lily ay nasurpresa siya dahil nagluluto ang matandang lalaki ng longganisa at itlog para sa umagahan nila. "Pakitang tao nanaman iyan, ano naman kaya ang naisip niyan at ginawa niya iyan?" sabi agad ni Kuya Gerald "Hayaan mo nga, tara na. Kumain na tayo. Ang sarap nga ng ulam natin eh. Sabayan mo na ako." masayang sagot ni Lily sa Kuya Gerald niya "Hindi na ako sasabay sa iyo. Sa labas na lang ako kakain, may karinderia naman doon." sagot ni Kuya Gerald "Pero kuya, paano--" hindi na natapos ni Lily ang kanyang sinasabi dahil umalis na ang kanyang Kuya Gerald "Halika na, Lily. May niluto para sa iyo ang Papa mo. Dali, masarap itong almusal mo ngayon." yaya ng guro ni Lily "Sige po, Mama. Saglit lang, magbibihis lang po ako tapos lalabas na po ako." sagot ni Lily Pagkatap

