Excited na pumasok si Lily sa bago nilang bahay. Nung nakita niya ang bahay ay sobrang laki nito. Parang hindi na nga sila magkikita ni Gerald eh. "Paano mo napagawa ang bahay na ito na hindi ko alam? Ang galing mo ah, naitago mo sa akin 'to." sabi ni Lily kay Gerald "Syempre, magaling akong magtago basta para sa iyo. Nagustuhan mo ba ang wedding gift ko?" sabi ni Gerald kay Lily "Grabe ka naman, ang laki ng wedding gift mo para sa akin. Haynaku, ang swerte ko talaga sa iyo! I love you so much, hindi ako makapaniwala na asawa na kita." sabi ni Lily kay Gerald "Ako nga din eh, feeling ko nga ngayon girlfriend ulit kita pero mas leveled up nga lang." sabi ni Gerald kay Lily "Grabe 'no? Ang daming nangyari sa buhay natin simula bata pa tayo pero ito tayo ngayon, magkasama pa rin." sabi n

