After 1 year Nanganak na si Lily sa isang baby girl. Pinangalanan nila itong Gabriela Mary. Gabriela kasi ang pangalan na nahihiligan ni Lily at Mary dahil sabi ng marami ay kamukha ng baby si Mama Mary. Sa kasamaang palad ay namatay ang nanay-nanayan ni Lily kaya hindi na rin nito naabutan ang pangalawang apo. Namatay ito dahil sa sakit sa bato. Labis na nagsisi si Lily noon dahil hindi niya naalagaan ang taong kumupkop at nagmahal sakanya nang tunay. Mahal na mahal niya ang kanyang nanay-nanayan, sadyang hindi lang siya maka-uwi sa probinsya. "Tara na, Gerald. Pagkatapos natin dumalaw sa puntod ni Mama ay dederetso na tayo sa event. Bilisan mo na ha, ayusin mo na ang sarili mo." sabi ni Lily kay Gerald Inayos na ni Lily si baby Gabriela at si Emman naman ay inayos na ng kanyang yaya
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


