Pag-uwi nina Kuya Gerald at Lily ay kasama nila ang mga pulis. Sumama rin sakanila si Hasmin at ang ilang mga guro. Pagbukas ng pinto ni Tiya Miding ay nagulat siya dahil nakita niya ang mga pulis. Dali-dali niyang tinawag si Tiyo Alberto para kausapin ang mga ito. "Alberto, Alberto! May mga pulis sa labas, hindi ko alam kung bakit may ganoon pero natatakot ako!" tarantang sagot ni Tiya Miding sa asawa "Pulis?! Bakit naman magkakaroon niyan? Baka naman sinumbong na tayo ni Lily sa mga iyan!" sagot ni Tiyo Alberto "Ang batang iyon talaga! Pahamak iyon sa buhay natin! Sinasabi ko na nga ba dapat noon pa lang ay pinabayaan na natin iyon!" sagot ni Tiya Miding Agad na bumaba ang mag-asawa, iniba nila ang kanilang itsura, para na silang mababait na anghel ngayon sa harapan ng mga pulis. "

