Pagdating nila Lily at Gerald sa bahay ng guro nila ay nakahinga na sila ng malalim. Sa wakas, nakulong na rin ang masasamang tao na katulad ni Tiyo Alberto at Tiya Miding. "Uuwi na ako sa amin ha? Ayos na ba talaga kayo rito? Kung gusto niyo ay pwede namang doon muna kayo sa bahay namin." sabi ni Hasmin sa dalawa "Naku, huwag na. Nakakahiya. Nakakahiya na nga sa inyong lahat dahil ang dami kong naabala ngayong araw." sagot ni Lily "Ano ka ba? Ayos lang naman na tulungan kita dahil kaibigan kita. Sige, sabihan mo na lang ako bukas kung ano ang nangyari. Mag-ingat ka dito ha?" sagot ni Hasmin Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay umuwi na si Hasmin. Naiwan na lang si Kuya Gerald at Lily. "Dito muna kayo sa sala, Gerald at Lily. Tatawagin ko lang ang asawa ko para makilala niyo siya." sabi

