Paggising sa umaga nina Lily at Kuya Gerald ay kumain na sila. Tahimik pa rin sila dahil hindi naman sila pinapansin ng asawa nung guro nila. "Lily at Gerald, sasama kayo sa akin sa eskwela ha? Maghanda na kayo. Papasok na tayo." sabi ng guro nila "Hindi ba ang sabi ko po ay si Lily na lang po ang papasukin ninyo? Huwag niyo na po ako alalahanin. Mas importante po si Lily kaysa sa akin." sabi ni Kuya Gerald "Hindi naman pwede iyon, gusto ko pa rin na mag-aral ka. Aalagaan kita at pag-aaralin sa ayaw at sa gusto mo." sagot ng guro nila Lily "Sinabi na nga noong bata hindi ba? Hindi na siya mag-aaral. Kaya sasama na lang siya sa akin sa palengke para magtinda doon." sagot naman ng asawa "Pero kasi, sayang ang oportunidad na pwede sa bata. Huwag mo naman ganyanin ang bata." sabi naman n

