Pagkatapos na mahuli si Amanda nina Pablo at Jaxson ay malakas na nagpakawala ng buntong hininga si Ismael. Ito pa lang kasi ang simula ng katapusan ng kanyang problema pero pakiramdam niya ay nawala na agad ang bigat sa kanyang balikat. Dahil ngayon na alam niya na nakakulong si Amanda ay bahagya na nakampante siya para kaligtasan ng mag-iina niya. Na mababawasan ang sinumang maaaring sumira ng kanyang masayang pamilya. Napapikit pa ng mata si Ismael at bahagya na inaalala ang magandang pinagsamahan nila noon ni Amanda. Hindi niya alam kung saan nabago ang lahat para humantong sa ganito si Amanda. Aaminin niya na may paghihinayang siya para sa dating kaibigan na naging kasangga niya sa kahirapan ng buhay. "Sa panahon ngayon ay iba talaga ang nagagawa ng kasakiman sa pera ng isang tao,

