"C-Cathy... Pwede na ba ako umalis?" nakangiwing tanong sa akin ni Ezra, "M-May pupuntahan pa kasi ako ngayon. Importanteng importante na mapuntahan ko iyon." Matamis na nginitian ko siya bago iniling ang aking ulo. "No, huwag ka muna umalis," sagot ko, "Maaga pa naman di ba?" Tumingin naman siya sa mga kaibigan niya para humingi ng tulong pero nginisian lang siya ng mga ito. Halatang tuwang tuwa sila na mapipirmi ng mahabang oras sa isang lugar ang kaibigan nila kung saan saan na lang napupunta tuwing nalilingat sila. Bawat lugar pa na pinapadparan ni Ezra ay may babae na nabibiktima at iiyak. Kaya tingin nila na mas mabuti na manatili na lang muna siya rito pasamantala. Hindi na nakapagtimpi si Ezra at nanlulumo na binalingan ang mga kaibigan. "Ano ba kayo! Tulungan niyo ko! May dat

