Habang abala sa pagtipa si Ismael ay may dumaang kakaibang lamig sa kanyang likuran para matigilan siya sa kanyang ginagawa. Agarang napalingon pa siya sa kanyang likod para alamin kung ano na gumawa nito. Ngunit wala naman siyang makitang kahit ano roon. Naisip na lang niya na baka may mga tao na pinag-uusapan siya at may kung ano lihim na balak sa kanya ang mga ito. Kaya malakas na napabuntong hininga tuloy siya. Dahil kung anuman ang dahilan nito ay tila ayaw na niya na alamin pa. "Is there something wrong, Mr. Alcazar? Didn’t you like the plan I had submitted?" concern at kinakabahang pagtatanong ni Mr. Chang sa kanya dahil sa biglang natigilan siya sa kanyang ginagawa. Mabilis na iniling ni Ismael ang kanyang ulo para itanggi ang akala na iyon ni Mr. Chang. Pagkatapos ay nagpatu

