Mariing napakagat ng kuko si Amanda dahil anumang gawin niya ay hindi nababago ang tingin sa kanya ng mga kapwa Pilipino na nakakita ng larawan nila ni Ismael. Lahat sila ngayon ay siya ang tina-target sa mga social media. Pakiramdam niya ay tila aping api siya ngayon. Naranasan niya lang naman ang tinatawag na cyberbullying. Sinubukan na nga niya na gumawa ng mga dummy account para ibaling ang atensyon ng mga ito at pamukhain ang kanyang sarili na mabait. Ngunit ang nangyari ay tulung tulong pa na ni-report siya ng mga ito para ma-ban din ang mga ginawang dummy account na iyon. Hindi na tuloy niya alam ang dapat gawin para baguhin ang kaisipan sa kanya mg mga tao. Pakiramdam niya ay na-trap siya sa sarili niyang patibong. "s**t, s**t, s**t! Hindi dapat ganito ang tinatakbo ng lahat!

