Paulit ulit na napatapik ng daliri si Jaxson habang nakatingin sa monitor na nasa harapan niya. Pinagmasdan niya roon ang isang tao na ilang araw na niya minamanmanan nitong mga nakaraang linggo. Kahit sobrang binago niya ang kanyang itsura at gumawa ng pekeng identidad ay hindi nakatakas ito sa kanya. Siya ang malalagot kung makalampas sa kanya ang ganitong klaseng trick niya. "Tch!" hindi natutuwang bulalas pa ni Jaxson habang nakatingin sa panibagong itsura ng taong iyo , "Hindi na talaga siya natuto. Siya na ang mismong nagtungo rito," iiling iling na komento pa niya. "S-Sir...?" natatakot na bulalas naman ng kasama niyang assistant dahil sa pagdilim ng mukha niya. Hindi man alam ng assistant kung bakit ilang araw na nila minamanmanan ang taong iyon. Pero isa lang ang alam niya, i

