After three months... Nakahinga kami ng maluwag ni Ismael nang makita sa wakas na mahimbing nakatulog na ang aming mga anak sa kani-kanilang crib. Halos dalawang oras din ang binuno namin para mangyari ito. "A-At last... Nakatulog na rin sila..." nakahingang bulong pa ni Ismael. Dahil doon ay agad ko na tinakpan ang kanyang bibig. Pinanlakihan ko pa siya ng mata sa takot na magising niya muli ang mga anak namin. Nag-usap kaming dalawa gamit ang aming mga mata. Dahan dahan naman itinango ni Ismael ang kanyang ulo para iparating sa akin na naiintindihan niya. Pagkatapos ay dahan dahan na tinanggal niya ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya saka walang kung anu ano hinalikan ang likuran nito. Nanlalambing na yumakap pa siya sa bewang ko saka mabilis na dinampian niya ng halik ang no

