"Hoo... Hoo... Hooo... S-Si Ismael..." medyo nahihirapang sambit ko nang malaman na wala sa tabi ko ngayon ang asawa ko, "A-Ang asawa ko... Hoo...Ho... N-Naiwanan natin..." Biglang hindi maipinta ang mukha ng mga kaibigan ni Ismael. Sa sobrang pagmamadali kasi nila pati na rin sa pananakit ng tiyan ko ay hindi namin napansin na hindi pala nakasunod sa amin si Ismael. Ngayon ay tila gusto ko maiyak dahil naiwanan namin siya. Siya pa naman ang taong pinakagusto ko makasama sa oras na ito. Gusto ko magkasama kami sa sandali na pinapanganak ko ang aming mga anak. "I-Ismael... K-Kailangan ko si Ismael..." nagsusumamong paghiling ko pa sa mga kaibigan ni Ismael. Lalong nalukot tuloy ang mga mukha nila. "P-Patay tayo! Sa lahat lahat ba naman ng maiiwanan natin ay si Ismael pa!" hindi malaman

