MAXI's POV Tatlong linggo na ang nakalipas mula nang maging official mag-boyfriend kami ni Jake at, so far, ay maayos naman ang lahat sa aming dalawa. Masasabi kong mas nakikilala na namin ang isa't isa on a deeper level. Ngunit may mga pagkakataong hindi ko maintindihan si Jake dahil bigla na lamang nag-iiba ang kanyang mood. Minsan ay nakikita at nararamdaman kong masaya siya kapag magkasama kaming dalawa pero may times na bigla na lamang siyang magsusungit sa akin at hindi ko alam ang dahilan. Gusto kong isipin na nagseselos si Jake sa tuwing sinusubukan ni Lyndon na muling makipaglapit sa akin ngunit ayoko namang mag-assume at baka mali rin ako. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit bigla na lamang muling nakikipag-close sa akin si Lyndon na para bang walang nangyari at hindi ito

