MAXI’s POV Hindi ko napigilang mapangiwi nang makita ang biglang pagbabago ng mukha ni Aris habang nasa video call kaming dalawa kasama ang dalawa pang kaibigan na sina Devon at Ruby. Naisipan naming apat na magkumustahan sa pamamagitan ng video call dahil ilang araw na rin kaming hindi nagkakasama dahil naging busy din sa kanya-kanya naming mga buhay. Lalo na si Aris na kaka-hire pa lamang sa kompanyang pagmamay-ari ni Vladimir Juntanilla, ang namayapang asawa ng aking Tita Frida. Nang pumanaw si Tito Vladimir ay si Tita Frida na ang namamahala sa mga negosyong iniwan ng asawa. Sa pagkakaalam ko ay ito lamang ang itinalagang tagapamahala pero hindi ang owner ng company. Kung ano ang dahilan ay hindi ko alam dahil para sa akin ay wala naman akong karapatang mag-usisa tungkol sa ba

