BHARMONY 01

1037 Words
BROKEN HARMONY 01 Rinig na rinig mula sa labas ang dugundong ng malakas na musika sa labas, habang ang mga gaurds ay maiging sinusuri ang mga ID ng bawat pumasok.  Napabuntong hininga nalang ako at sinara ang sasakyan na dala-dala ko. Kahit kailan talaga ‘tong si Danica. “ID, maam?” sita ng guard na mukhang sinusuri ang buong pagkatao ko. Pinakita ko ang ID na nasa kamay ko, at ilang sandali niya ‘yong tinignan bago tumango, “Pasok na po,” nakangiti nitong sabi. Ngumiti ako sa guard na sumunod ang tingin sa akin. At sa pagpasok ko ay nakakasurang amoy ang agad na sumalubong sa akin, ang mga pinahalo-halong pabango, alak, at sigarilyo na umiikot sa loob ng buong lugar. Hindi ko na pinansin ang iilan na nagtangkang humarang sa akin at dumiretso sa mesa ng pakay ko dito. Nakita ko ang isang babae mula sa kaluyuan, tahimik lang siyang umiinom mag-isa at nakatingin sa kawalan. Muli akong napailing. Mag-iinom nalang doon pa sa mamahalin kung pwede naman sa bahay. “Danica! Bakit nandito ka na naman?” inis kong tanong sa kanya bago na upo sa tabi niya. “Great! Paano mo nalaman na nandito ako?”  tanong niya  bago tumawa nang malakas, “Kaunti nalang, bestfriend. At iisipin ko na may hidden chips ka na na nila sa akin.” “Tumawag sa akin ang mommy mo, hinahanap ka. Ano na naman ba ang nangyari?” nag-aala kong tanong. Agad na napa-iwas siya ng tingin sa akin at ininom ang laman ng baso niya, “Pinagpipilitan na naman nila ang ayaw ko, Prestine.” “You mean--?” “Oo, pinagpipilitan nila akong ikasal sa gunggong na ‘yon. Kahit ilang beses ko ng sabihin na niloko ako no’n,” peke siyang tumawa at binaba ang baso na hawak niyya, “Kailan kaya nila ako maiintindihan ‘no?” Nagkibit balikat ako, “Isa lang ang alam ko, Danica. Parents know the best, pero kung kasal lang ang usapan isang malaking kalokohan lang ‘yan.” “Hindi kalokohan ang kasal, Prestine. Ang kalokohan ay papakasalan mo ang isang tao na hindi mo naman gusto pakasalan, ‘yon ang kalokohan.” Umiling ako, “Anong sense ng kasal kung maghihiwalay din naman? Tsaka, ang mga lalaki na ‘yan wala ng ginawa kundi ang manakit. Kahit alam nilang may anak na sila makukuha pa rin mangabet,” kalokohan. “Pero hindi lahat ng lalaki katulad ng daddy mo, Pres.” Iiling-iling nito. Mapakla akong napangiti. Kung matino lang naman sana ang daddy ko ay hindi ako mabubuhay ng ganito, at kung marunong lang sana siya magpahalaga ng pamilya ay sana may magulang pa ako na nasa tabi ko. Wala eh, sarili lang niya ang inisip niya noon ng gawin niya ang mangabet. “Sa paningin ko pareho-pareho sila. At ano ba ang pinaglalaban mo dyan, Danica?” inirapan ko siya bago kinuha ang baso niya na nasa mesa, “kung mag-iinom ka sana pumunta ka nalang sa unit, paano kung may mangbastos sa’yo dito?” “Nakaka-touch ka naman, bessy,” sabay hawak niya sa dibdib niya, “Alam kong nag-aalala ka pero hindi ako pupunta dito na ako lang mag-isa, may hinihintay ako no.” “Who?” tanong ko bago nilibot ang buong paningin sa lugar. Marami ng lasing na nasa taas ng entablado habang ang iba naman ay naghahalikan na sa gilid. Hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Hindi naman kailangan ng babae ang lalaki. “Ikaw. Alam ko naman na susunduin mo ako dito,” sabay tawa niya ng malakas, “May dala kang sasakyan? Uwi na tayo.” “Oo na, maraming lalaki dito at nakakadiri na.” Inirapan ko siya at na unang lumabas mula sa bar na ‘yon. Ilang saglit lang ay sumunod na rin siya at lumapit sa akin. “May nanghingi ng number mo sa loob sa akin,” nakangiti niyang sabi bago ako inakbayan,”Malakas naman ang appeal mo sa mga lalaki, nagtataka lang ako kung bakit ayaw mo gamitin?” “Hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko,- no, kailangan ko pala ng sperm nila kung sakaling gusto ko na magka-anak,” natatawa kong sabi. “Edi, magpapakasal ka rin?” mangha nitong tanong. Umiling ako, “Nope. Sperm lang nila ang kailangan ko at hindi ko kailangan ng asawa, Danica. Alam mo naman kung gaano ako ka-ayaw sa mga lalaki ‘no.” “Yeah! Yeah! Sabi mo eh. Ayaw ko makipagtalo sa bitter ‘no” “Hindi ako bitter. Nagsasabi lang ako ng totoo na ang mga lalaki ay walang gagawing tama sa mga babae.” Binuksan ko ang pinto ng sasakyan ko at pumasok sa loob at ganon din ang ginawa niya. “Pero binigay mo ang number ko?” curious na tanong ko. “Yep!” proud na proud niyang sabi bago humarap sa akin ng malaki, “Bakit hindi ka makipag-date ‘no?” “Great, Danica. Magpapalit na naman ako ng sim card dahil sa ginawa mo. At sa tanong mo, AYAW KO.” inis kong sagot sa kanya bago nag-start ng engine. “Magpaparty talaga ako pag hindi ka na bitter,” may halong pang-aasar niya. Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ang paningin sa pagmamaneho. Alam ko naman na hindi niya ako titigilan sa pangungulit na iblind date ako kung kani-kanino. Sa gitna ng byahe ay naputol ang katahimikan ng mag ring ang cellphone ko, kinuha ko ‘yon at tinignan kung sino. Si papa. “Honey,” bati niya mula sa kabilang linya. “Anong kailangan mo?” diretso kong tanong sa kanya. “Kailangan agad? Hindi ba pwede na miss lang kita?” napairap ako sa hangin sa rason niya. “Last time na tumawag ka, may problema at may kailangan ka. So, what do you expect?” Bastos na kung bastos pero hindi ko kayang makalimutan ang ginawa niya sa pamilya namin. At ng dahil sa kanya ay na sira kami, hindi lang si mama kundi ako. Ang pinapangarap ko na isang buong pamilya ay na wasak ng dahil sa kanya, dahil sa pangangabet niya. “Prestine, anak, masama ba na kamustahin kita at mag-aalala sayo?” lumamlam ang boses niya at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya mula sa kabilang linya. “Sana naisip mo ‘yan bago ka gumawa ng kalokohan dati. Bye, dad.” Mabilis kong sabi bago pinatay ang tawag. Napabuntong hininga nalang ako at hininto ang sasakyan sa harap ng building kung nasaan ang condo unit ko. “Tatawagan ko si Tita Marga na dito ka matutulog, Danica. At wag na wag kang tatakas bukas ng umaga.” Bilin ko. Para naman siyang bata na tumango-tango, “Sasamahan kita bukas.” Napahinto ako sa sinabi niya at napatingin muli sa kanya, “Paano mo nalaman?” “8 years na palagi tayong magkasama, kung gaano mo ako kilala ganoon din ako sa’yo, Prestine.” Nakangiti niyang sabi bago ako niyakap, “kaya wag mong sarilihin ang problema mo dahil nandito ako na kaibigan mo.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD