BHARMONY 02

989 Words
BROKEN HARMONY 02 Maaga akong bumangon upang ipagluto ang mahal na prinsesa na si Danica. Simple lang naman ‘yon at kakasya lang sa amin dalawa bago ko hinanda ang susuotin ko sa puntod ni lola. Si Danica ang nag-iisang kaibigan ko na hindi ako hinusgahan pati na rin ang pamilya na meron ako. Siya lang ang nag-iisang umiintindi sa akin at nagpapayo ng mga bagay-bagay sa mga panahon  na gulong-gulo na ako, mas lalo na nang mamatay ang lola. Siya ang nakasaksi kung paano ako umiyak at parang isang kandila na bigla nalang na natunaw ng malaman na patay na ang lola. Nang maghiwalay ang dalawang magulang ko ay na iwan ako sa lola ko, sa side ni mama. Sa edad na pitong taong gulang ay na mulat na ako sa katotohanan sa pamilya ko, at ‘yon ay hinding-hindi na mabubuo dahil sa ginawa ni Daddy. Iniwan niya kami ni mommy at mas pinili ang kabit niya, dahil sa nangyari ay nakita ko kung gaano umiyak si mommy ng dahil sa kanya, mas lalo na ang pangarap niya para sa akin. Namuhay ang sama ng loob ko ng mga panahon na ‘yon, mas lalo na ng sa mismong harap namin ni mommy na mas pinili niya ang kabit niya. Naisip ko no’n baka nga siguro ay hindi para sa akin ang magkaroon ng buong pamilya, at dahil ‘yon kay daddy. Dahil mas pinili niya pa ang kerida kesa sa’min na legal na pamilya. Sa huli ay iniwan din ako ni mommy sa puder ng lola ko, at siya ang nag-alaga sa akin hanggang sa magkaroon ng ako ng isip. Ngunit, malupit sa akin ang tadhana na pati ang lola ko ay agad din na kinuha ng hindi na ‘ko nasusuklian. Sa Edad na labing walo ay lumisan na si lola. Hindi ko alam kung sino ang kakapitan ko ng mga panahon na ‘yon at tumatak sa isip ko na nag-iisa nalang ako. Tanging sustento lang ni Mommy at daddy ang bumubuhay sa akin hanggang ngayon. “Ang lalim naman ng iniisip mo. Papayag ka na ba sa blind date na offer ko sa’yo?” nakakalokong ngiti ang lumabas sa labi niya bago ako kinindatan. “Tigilan mo ‘ko, Danica. O iuuwi na kita sa inyo at mag-umpisa na sa pagpaplano ng kasal niyo?” may halong pananakot ko sa kanya. “Sabi ko nga hindi na,” natatawa niyang sabi bago na upo sa lamesa  at nag-umpisa nang magsandok ng pagkain, “pero ayaw mo talaga?” “Danica!” suway ko sa kanya.  Lumakas ang tawa niya sa reaksyon ko at nag-umpisa ng kumain. Mabilis na natapos ang pagkain namin at nagkanya-kanya na kami ng bihis dalawa. Mabuti nalang at may mga damit na siya dito na isusuot, kundi ay uutusan niya lang ako na pumunta sa kanila at pakuhain ng mga kailangan niya. “Matagal pa ba?” tanong ko. “Wait!” sigaw niya mula sa banyo at ilang saglit lang ay lumabas na siya habang nakatapis ang towel sa katawan niya. “Ang tagal mo!” reklamo ko bago siya tinulak at pumasok sa loob ng banyo. Nag-ayos na ako ng sarili, at naglagay ng kaunting pagkain at inumin sa isang bag. Araw ko ngayon para kay lola. Ayaw ko umalis sa tabi niya ngayong araw na ‘to, marami pa akong kwento sa kanya. “Tara na.” Sumakay kami sa sasakyan at dumaan muna sa isang flower shop bago dumiretso sa libingan ni Lola. “Ayos ka lang ba?” nag-aalala na tanong ni Danica.                         Tumango ako at binigyan siya ng isang mapaklang ngiti, “It’s been three years simula ng mawala siya sa akin, Danica. Siya nalang ang pamilya na meron ako, na wala pa.” “Hindi siya na wala, Prestine. Nandito lang siya sa tabi at puso mo.” “Hindi niya manlang makikita na aakyat ako sa stage para kumuha ng medalya,” nanghihina kong boses. Nangako sa akin si Lola na nandoon siya sa mismong araw na ‘yon pero hindi niya natupad. Gusto ko magtampo sa kanya pero mas hindi ko kaya na makita siyang nahihirapan at humihiyaw sa sakit na nararamdaman niya. “Sigurado ako na proud na proud siya sa’yo dahil nakayanan mo ang lahat. Nakayanan mo mag-isa at mas lalo kang tumapang,” pag-checheer up niya. Nagpakawala nalang ako ng malalim na buntong hininga at umiling-iling nalang. Hindi rin katagalan ang byahe at nakarating na kami sa puntod ni Lola, nag-alay kami ng dasal pagtapos namin ilapag at sindihan ang kandila. “Hello, lola!” masayang bati ni Danica. Na-upo kaming parehas sa puntod ni lola at tinitignan ko ang lapida niya. “Nandito na po kami lola,” pilit kong binubuhayan ang boses ko pero kabaliktaran lang non ang nangyayari. Nag-umpisa na magpatakan ang luha ko, hinayaan ko na magpatakan ‘yon sa pisngi ko. Hindi ko na naman mapigilan ang emotion ko, paulit-ulit na dumadagsa sa isip ko kung paano mamatay si Lola habang hawak ang kamay ko. “Sorry, la. Hindi ko pa rin po kaya maging malakas katulad ng bilin niyo,”sandali akong natahimik. Hinahayaan ko ang luha na magpatakan lang. Pagod na ‘ko mag-isa. Ayaw ko na. “Naiinis ako kay daddy dahil kung hindi niya pinili ang kirida niya, at hindi sila naghiwalay ni mommy ay ‘di sana ay hindi na ako naiwan sa’yo. Hindi ka na po sana na stress sa pagbabantay sa akin, at mas lalong hindi ka na po na punta sa sitwasyon na pati ikaw ay nadamay sa problema namin.” Ilang sandali lang ay may isang kamay ang umalo mula sa likod ko, nang lingonin ko ang katabi ko ay tumango lang siya. “Lola, isang sem nalang po at matatapos na ako sa College. Diba, promise mo pupunta ka sa araw na ‘yon at ikaw ang magkakabit ng medal ko?” isang malakas na hangin ang humampas sa katawan ko. Lola. “Sino nalang po ang magkakabit no’n ngayon? Wala na po akong magulang, La. Ikaw nalang inaasahan ko pero iniwan mo pa ako, nag-iisa nalang ako.” “Shhh, hindi ka nag-iisa. Nandito ako, Pres, at hindi kita iiwan,” pag-aalo ni Danica. Tinignan ko lang siya at niyakap ng mahigpit. Tatlong taon na pero mahina pa rin ako sa tuwing nakikita at naiisip na wala na si lola, pero kailangan ko ipagpatuloy. ‘yon ang pangako ko sa kanya. “Salamat.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD