BHARMONY 03

1024 Words
BROKEN HARMONY 03 “Danica, saan ka ba galing bata ka?” bungad ni Tita Marga ng makababa kaming dalawa ni Danica sa sasakyan bago siya bumaling sa akin, “Salamat sa pagbabantay dito sa anak ko, Prestine. Maasahan ka talaga.” Tumango ako at lumapit kay tita para makipagbeso, “Walang anuman po, Tita Marga. Kabisado ko na po ang anak niyo at hindi rin po ako papayag na mapahamak siya.” “Ang sweet mo naman, bessy!” sabay irap sakin ni Danica at nakipagbeso sa mommy niya. “Matagal ng sweet sa’yo itong kaibigan mo, Danica. Ikaw lang naman ang sakit sa ulo at palaging na wawala! Maaga akong mamatay sa iyong bata ka,” iiling-iling na sabi ng mommy niya, “Osya, pumasok muna kayo at kumain.” Sumunod kami sa sinabi ni Tita Marga at pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi na ako iba dito dahil ako ang madalas na kasama ni Danica simula ng highschool kami at hindi na rin ako iba sa kanila, ramdam ko ‘yon. “Manang! Maghanda ka nang makakain ng dalawa bata,” utos ni Tita Marga sa isang kasambahay na mabilis na pumasok sa kusina. “Anak, Danica, 21 ka na sa lingo at alam mo naman ang daddy mo hindi ba?” kausap nito kay Danica na tumango, “Good.” Nagpaalam si Tita Marga na may kukuhanin sa kwarto niya. At ng makasigurado ako na wala na nga siya ay hinila ko ang buhok ni Danica. “Aray ko naman, Prestine!” reklamo niya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Wala akong maisusuot.” “Akala ko ba kilala mo na ako?” nakataas ang kilay niyang tanong bago sumandal sa akin, “Dito ka nalang kaya muna hanggang bukas? Sigurado ako na pag naka-alis ka ay bubungangaan ako ni mommy.” “Bahala ka. Hindi mo nga sinabi sa akin na may magaganap pala,” nagtatampo ang boses ko na sagot sa kanya pero niyakap niya lang ako. “Please?” umiling ako. “May pasok na bukas at wala akong dalang uniform, Danica.” Paalala ko sa kanya. Akala ata nito ay bakasyon na para magpuyat kami ng magpuyat. “May extra ako d-“ “Hindi kasya sa akin.” Putol ko sa sasabihin niya. Lumayo nalang siya sa akin at inirapan ako. Ayan na naman siya sa pagtatampo niya sa tuwing  hindi nasusunod ang gusto niya. “Bukas na ako matutulog dito, kakausapin ko si Tita Marga para hindi ka na pagalitan. Wag ka na magtampo dyan, ang panget mo.” Sundot-sundot ang tagiliran niya pero inirapan niya lang ako. “Ayaw ko na pala matulog ka dito.” Kumunot ang noo ko, “Bakit? Ano na ang gusto mo?” “You know, Prestine. Mahalaga sa akin ang isang salita dahil ako ang taga pagmana at isa akong business studen-“ “Business student din ako, Danica.”                                                                  “I know. Kaya ng dapat alam natin ang bawat lumalabas sa bibig natin. Sa alok ko kanina ay parang deal na tinanggihan mo na, kaya hindi ko na tatanggapin dahil may solusyon naman na,” sabay taas baba ng kilay niya at ngumiti ng nakakaloko, “Ang gusto ko na ngayon para hindi ako magtampo ay makipag-date ka.” “Ha?!” hindi ‘ko makapaniwalang tanong. “Alam kong hindi ka bingi. Kung hindi mo gagawin ‘yon ay magtatampo na talaga ako, tsaka pwede ba pakisagot na ang tumatawag sa’yo dahil kanina pa pumupasok sa isip ko na umu-utot ka.” Ngumuso siya sa phone ko na nakalapag sa sofa. “Ikaw sumagot” sabi ko ng makitang unknown number. “Hindi akin ‘yan, Pres.” Bumuntong hininga nalang ako bago sinagot ang tawag. “Hello?” walang gana kong bati sa kabilang linya. “Ow, HI! Akala ko ay fake number ang binigay sa’kin ng kaibigan mo. Btw, my name is Sean Batan,” mabilis nitong sabi bago sa kabilang linya. “O-MY-G” bulong ni Danica bago nilayo ang tenga niya sa cellphone na nasa tenga ko. Sumenyas siya na sagutin ko kaya inirapan ko nalang siya. “Prestine. Nice to meet you too.” Boring kong sagot sa kanya ng biglang agawin ni Danica ang cellphone ko. “Hello!... Ako ang nagbigay ng number niya sa’yo… Okay! 7:00 pm Saturday next-next week…. Bye!” sabay abot niya ng phone. “Ano ‘yon?” “Niyaya ka niya na lumabas. At bilang best friend ako na ang sumang-ayon para sa’yo, katulad ng sabi ko kanina pag hindi ka pumayag magtatampo na ako.” Nakanguso niyang sabi. Inirapan ko nalang siya. Maya-maya ay bumaba na rin si Tita Marga bitbit ang tatlong paper bag sa harap niya at mabilis na inabot sa akin. “Pasalubong ko, ija. Alam ko na pinasakit ng anak ko ang ulo mo, tsaka na isip agad kita ng makita ko ‘yang dress.” Sabay kindat ni Tita Marga. “Aw, thank you, Tita.” Pasasalamat ko at niyakap si Tita. “Basta ikaw, Prestine.” Sabay kindat niya sa akin. “Paano ako, mom?” may halong pagtatampo ni Danica. “Nagrereklmo ka na sa closet mo ‘di ba? Kaya hindi na kita binilhan.” Diretso na sabi ni Tita Marga na ikinasimangot ng anak. “Sino ba talaga ang anak mo, mommy?” pabirong tanong ni Danica. Nagtawanan nalang kaming tatlo. At maya-amaya ay dumating na si Manang para sa pagkain sa kusina. Sabay kaming kumain ni Danica habang si tita ay bumalik na sa kwarto niya. Nang matapos ako kumain ay nagpaalam na ako kay Danica na uuwi na ako at pasabi nalang kay Tita Marga. “Mag-ingat ka, bessy!” paalala niya bago ako niyakap, “wag ka ng iiyak ulit.” Tumango-tango ako, “Iiyak nalang ako pag-ikakasal ka na.” “Hindi ako ikakasal.” Nakasimangot niyang sabi. Tinawanan ko nalang siya at pumasok sa loob ng sasakyan bago nilapag ang binigay ni tita. Mukhang may maisusuot na ako para sa birthday party ni Danica. Nice. Habang nasa byahe ay nagpatugtog lang ako. Maaga pa ang pasok ko sa school bukas para sa finals namin. Seryoso lang akong nag drive ng isang aso ang biglang tumawid na muntik ko ng masagasaan! Mabilis ako lumabas sa kotse at tinignan ang aso na mukhang palaboy lang. “Omyg! Im so sorry, baby!” sabi ko sa askal na nakahandusay sa daan na mukhang napilyan. Agad ko ‘yon na ipinasok sa loob ng kotse ko at naghanap ng vet  na pwedeng pagdalhan sa aso. Muli kong nilingon ang aso na nasa tabi ko.  Naka-upo lang siya habang umiiyak at dinidilaan ang kanyang paa, doon ko namalayan na may sugat din pala siya pero hindi galing sa pagsagasa ko. “Mag-isa ka nalang ba?” tanong ko sa kanya. Umiiyak lang siya na animo’y nahihirapan, “Sorry.” ‘Kung palaboy lang ang aso na ‘to at nag-iisa, pareho lang pala kami. Mapakla akong napangiti at hininto ang sasakyan ko sa maliit na clinic. “You’ll be okay, baby.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD