Chapter Eleven

2359 Words
BREAK TIME at magkakasama kami ngayon sa cafeteria— as kaming lahat kasama si Meg Concepcion. Actually, sa nakikita kong masayahin si Meg kahit hindi gano'n ang pinapakita niya sa T.V. Approachable rin siya at parang hindi artista kung umakto minsan. Suprisingly, unang pagpapakilala ni Caen sa 'kin ay ang bait niya. Hindi mo makikitaan ng ka-plastikan o kaartehan. Kaya wala akong rason para magtanim ng kung anong sama ng loob sa kanya. Magda-dalawang linggo ko na siyang nakakausap pero si Caen ay parang wala ako, parang hindi ako kasama sa grupo. Hindi ko nararamdaman na ayaw niya ako na kasama sila pero hindi niya lang talaga ako pansinin kaya hindi ko na rin naman sinubukang kausapin siya. "Hindi lang talaga ako makatanggi sa director, eh," naka-ngusong saad ni Meg bago sumubo ng malaki sa burger niya. Walang arte, kaya nagustuhan siya ni Caen. Maybe 'yong sa 'kin ay pangpalipas lang niya or dahil madali niya akong nabihag kaya naging gano'n siya sa 'kin. Hindi ko rin naman siya masisisi, naging marupok ako. "Did you tell it to your manager? How 'bout your parents?" may pag-aalalang tanong ni Caen at nahahalata rin sa itsura niya. Ngumuso lalo si Meg, "Oo kaso wala rin silang magawa dahil kasama 'yon sa script.." Ang tinutuloy niya ay 'yong sa Movie kung saan need niya makipag torrid kiss sa kapares niyang lalaki kaso ayaw niya dahil hindi siya komportableng gawin 'yon. "Two days na lang pala at makikita mo na tatay mo," bigla ay pasok ni Xylene sa gano'ng topic. Nasabi ko kasi kay Xylene 'yon last week at dahil may kadaldalan siya ay nasabi niya 'yon sa mga kasama ko. Ang masayang mukha nina Makoy, Xanjo at Meg ay nabaling sa 'kin, pwera lang kay Caen na parang walang paki sa palikod at sa cellphone niya lang 'to nakatutok. "Balitaan mo kami," anang ni Makoy na binalingan si Caen bago ibalik sa 'kin at nakangiti pa. "Feeling ko ay masungit kambal mo," natatawang dagdag pa ni Xanjo na binalingan pa saglit si Caen bago ibalik sa 'kin ang tingin. Pasimpleng ipinagtakhan ko ang ginagawang side glances nila kay Caen na busy naman. Pinangwalang sabahala ko na lang 'yon. "Goodluck!" anila. Nahihiya naman akong napangiti. Sobrang excited ako. Last week nga ay hinihiling kong magdalawang linggo na at ito na nga, dalawang araw na lang at makikilala ko na ang Tatay ko maging ang kambal kong lalaki! Si Mama ay binilan na niya ako ng simpleng dress lang dahil sabi niya ay nagpa-booked daw ang tatay ko sa mamahaling restaurant na ayaw naman sana ni Mama pero nagpumilit daw ang tatay ko kaya ayon, magsusuot kami ng dress. Mas na-excite ako dahil sa wakas makikita ko na ang kambal ko, My Long Lost Twin! Siguro kung okay kami ni Caen ay sa kanya ko unang sasabihin 'yon, ang kaso sa araw na nalaman ko na may kapatid pala ako ay siyang pag-iiba niya bigla sa 'kin. Suddenly ay naging cold siya at parang hindi niya ako kilala. "Take a pic with him, ah?" Nakangiting request ni Xylene, "Tapos send mo sa 'min," aniya.q Nakangiti akong tumango. Siguro kapag single 'yong Kuya ko ay pwede ko siyang ireto kay Xylene? Tapos magiging match maker nila! "Hi, Caie," Lumingon hindi lang ako maging ang mga kasama ko sa likod ko. Tumambad sa 'kin ang may katangkarang lalaki, may clean-cut na gupit, gwapo at may magandang pangangatawan. Nahihiyang nakangiti 'to sa 'kin. "Y-Yes?" "Ahh.." parang hindi pa niya alam ang sasabihin. Nahihiyang napatingin siya sa mga kasama ko, "I-I'm T-Toby," inalok niya ang kamay sa 'kin. Tinitigan ko pa ang nahihiya ata namumula niyang mukha bago ako bumaling sa kamay niya. Ngumiti ako bago ako nakipag kamay sa kanya. "Caiella pala," pakilala ko. Nakipag bitaw na kami ng kamay. "Y-Yeah, I-I know you," nahihiya na naman niyang sabi, "P-Pwede ba ako makipag kaibigan?" Agad naman akong tumango. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may nagpakilala ng lalaki sa 'kin ng lumipat ako dito sa school na 'to. "Sure, why not?" nakangiti ko pa ring sabi. Napamaang siya at parang natulala pa sa mukha ko bago malapad na ngumiti, "Thank you!" Nagpaalam na 'to na aalis na. Pinanood ko pa 'tong maglakad bago bumaling kay Xylene na may ngiti sa mukha. "Gagi! May gusto sa 'yo 'yon!" aniya na nanlalaki pa ang mga mata, "Ramdam ko!" "Baka gusto lang niya makipag kaibigan talaga sa 'kin," sagot ko naman. Umiling si Xanjo, "Tama si Xy, that guy likes you, Caie. Lalaki ako kaya alam ko kung may gusto ang lalaki sa isang babae dahil sa kinikilos niya." "Sooner or later manliligaw na sa 'yo 'yon," ngumisi 'to ng nakakaloko si Makoy at bahagyang tumingin kay Caen na kunot na kunot ang noong nakatingin sa baso niya. Muli ay binalingan ako ni Makoy, "Ang tanong, papayag kaya ang kuya mo na may manligaw sa 'yo?" Napamaang naman ako. Sa isiping pagbabawalan ako ng Kuya ko ay natutuwa ako dahil nga may Kuya talaga ako! "Hindi." bigla ay sagot ni Caen. Napatingin kami sa kanya. Ang seryoso at malamig na mata at sa 'kin nakatutok 'yon. Walang nagsalita, pero natatawa ang mga reaksyon nila habang ako'y nagtataka naman. Bumuntong hininga siya bago tumingin sa relos niya, "Time na," aniya bago tumayo. Pinanood kong alalayan niya si Meg na tumayo bago magkasiklop ang kamay na naglakad paalis. May kung anong kirot sa puso ko, may kung anong malamig na bigla ko nalang naramdaman sa sikmura ko. Sobrang layo ko talaga kay Meg. Nagdaan pa ang isang araw at ito na nga ang araw na hinihintay ko. Mga alas-tres ay naghanda na kami ni Mama. Dahil si Mama ay magaling mag-ayos ay siya na ang nag-ayos ng buhok ko at nagmake-up. Simpleng make-up lang ang ginawa niya sa 'min at ang buhok ko naman ay hinati niya sa gitna bago itali sa likod. Simple lang talaga at magmukha lang presentable. "Go, wear you dress na, 'nak," nakangiting anang ni Mama na ngayon ay ang buhok naman niya ang inaayos. Tumango ako at nagmadaling pumunta sa kwarto ko. Napangiti ako nang makita ang dress na susuotin. It's a Silk Beige lace-up V-neck dress na hanggang above the knee, mayro'n 'tong long-sleeves na pa-puff. Dahan-dahan ko 'tong sinuot. Agad akong tumingin sa salamin ko at napangiti nang makita na bagay na bagay sa 'kin ang suot. Pagkatapos ay pinaresan ko ng Beige and Black Slingback na ay 2-3 inch manipis na takong. Kinuha ko ang white purse ko na kung saan ang cellphone at wallet ko bago lumabas ng kwarto. Mag-a-alas-sais pa lang ng gabi kaya naupo muna ako sa sala. Maya-maya ay lumabas na si Mama wearing the same outfit like mine. Ang kaibahan lang ay ang kulay at hindi deep v-neck masyado 'yon at medyo may kahabaan pa ang palda. Kulay red ang dress ni Mama and her stelletos ay kulay light red. Hindi kagaya ko ay handbag ang bitbit ng nanay ko. "Malapit na daw ang driver na magsusundo satin," anang ni Mama na lumapit sa mga bintana at chineck na lock ang mga 'yon bago pumunta sa iba pang part ng bahay. Sabi sa 'kin ni Mama ay ipapasundo daw kami ng Papa ko sa isa sa mga drivers nila. Siguro nga ay mayaman ang Tatay ko? Ilang sandali lang ay nakarinig kami ng tatlong busina. Agad chineck ni Mama ang cellphone niya. "Nandyan na si Manong, let's go!" At bago umalis ay dinoble pa ni Mama ang mga lock bago kami lumabas ng bahay. Tumambad sa 'min ang kulay abong mercedez-benz na kumikinang pa at mukhang bagong-bago. May naka Black suit doon na lalaki na medyo may katandaan na at nakatayo 'to sa gilid ng backdoor. "Good Evening, Mrs. Zaffiero," Magalang na bati ng matandang lalaki. Nanglaki naman ang mga mata ko dahil sa tinawag niya kay Mama ko. Hindi agad ako nakapag-react dahil ako ang binalingan ni Manong at matamis na ngumiti sa 'kin. "Magandang Gabi, Miss Caiella, It's been years scines I last saw you, you were still a baby back then," nababasa ko ang kasiyahan sa mukha niya. Napamaang ako at hindi ko maiwasang lalong ma-excite dahil baka may mga nakakakilala pa sa 'kin simula bata pa lang ako. Doon ko lang napansin na pinapanood na pala kami ng mga kapitbahay namin. May iba ay mukhang chinichismis agad kami. "Mr. Zaffiero are already waiting, Madame," anang ni Manong at pinagbuksan kami ni Mama ng pinto. "Thank you," Pasalamat namin ni Mama nang makapasok na kami sa magarang kotse. Zaffiero.. Bigla ay may sumagi sa isip ko na gano'n din ang apilyedo pero agad kong iniling ang ulo ko. Marami naman siguro na gano'n ang apilyedo, 'di ba? Mahaba ang naging byahe namin at medyo naging matagal dahil sa traffic. Halos isang oras din ang byahe bago kami huminto sa harap ng isang mataas na building. Maliwanag ang building at may lights na nakapalibot. "Nasa Fifth floor ang restaurant kung nasaan ang Daddy mo," aniya, "Itong building na 'to ay pagmay-may-ari niyo, nandito ang high-end restaurants and at iba pang pangmayaman na businesses," natatawang sabi ni Manong Rey. Si Manong Rey ay nasa 60 years old na pala pero hindi halata sa kanya. 18 years old pa lang siya ay driver na siya ng family ni Papa at pagmamaneho niya napagtapos ang mga kapatid maging ang kanyang tatlong anak. Mabuti na lang ay naka-formal kami kasi maa-out of place talaga ako kahit pa naka-semi formal ka lang, take note ay sa lobby pa lang 'to. Hindi na ako mapakali nang nasa Elevator na kami. Halos maya't-maya ko kung tignan ang suot ko. Nang makarating ay si Manong Rey na mismo ang naggiya sa 'min papasok sa malawak at eleganteng restaurant. Hindi gaano matao pero mukhang parang pang business meeting lang ang restaurant na 'to. Iginiya pa kami ni Manong Rey hanggang sa dulo kung nasaan ang glass walls. Doon ay napansin ko ang isang lalaking nakatalikod sa gawi namin at nakaharap sa magandang tanawin ng city lights. Matangkad ito at mukhang matipuno, ang dalawang kamay niya ay nasa magkabilang bulsa ng kanyang slacks. Nang nasa tapat na kami ng lamesa ay si Mama na ang kumuha ng atensyon ng Papa ko. "Honey," malamyos at masayang pagkakatawag ni Mama sa kanya. Doon ay dahan-dahang lumingon sa gawi namin ang Papa ko. Namilog ang mata ko at napamaang ang bibig ko nang makit ang hindi inaasahang tao. Ronnick. Siya 'yonh ka-date ni Mama noon na pinakilala niya sa 'kin! Napatingin ako kay Mama na nangingilid ang luha sa mata at tumango sa 'kin. Muli ay binalingan ko ang Papa ko na ngayon ay lumuluha na habang papalapit sa 'kin. "My Princess," anang niya nang yakapin ako ng mahigpit. Hindi ko na rin mapigilan ang mapahagulgol na rin at yakapin si Papa ng mahigpir. "I'm s-sorry, sorry," maya't-maya kung halikan ni Papa ang ulo ko, "H-Hindi ko kayo hinanap agad," Humiwalay si Papa at siya ang nagpunas ng luha ko sa pisngi, "Nakikita na kita noon pa man kahit sa picture lang noong bata ka, I even watched you from afar when you were with your friends.." Kinuha na ni Papa ang panyo niya sa bulsa, "Hindi ko lang kayo nagawang lapitan noon ng Mama dahil magulo pa ako at hindi ko kayang harapin ang Mama mo noon— the one who make me sane is your twin brother," Lumapit si Mama upang halikan kami sa pisngi ni Papa ko, "Upo muna tayo at um-order bago tayo mag-explain sa kanya," Kaya gano'n nga ang ginawa namin. Si Papa ay may naorder na palang pagkain para sa 'min. Panay naman ang linga ko sa paligid kasi inaabangna ko ang kapatid ko dahil sabi ni Papa ay parating na 'yon. Naka-upo ako sa harap nila Mama at Papa na sweet na sweet ngayom habang hinihintay namin ang mga pagkain. Nasa gilid namin ni Mama ang Glass wall nitomh restaurant at hindi ko maiwasang mamangha dahil sa ganda ng city lights mula rito. Maya-maya pa'y dumating na ang mga waiters upang i-serve na ang mga pagkain. Nang matapos ay umalis din agad sila, babalingan ko na sana ang lamesa pero agad akong natigilan ng mahagip ng mata ko si Caen Renz na gwapong-gwapo sa suot na black long sleeves polo shirt, gray trousers at black leather shoes. Ang Buhok niya'y na ka brush up pero magulo 'to. Blangko ang ekspresyon na naglalakad 'to, binabati siya ng mga crew or guests pero hindi niya pinapansin ang mga 'to. May kikitain ba siya rito? tanong ko sa sarili. Pinanood ko lang siya hanggang sa mag-angat siya nang paningin sa 'kin at ang malamig niyang titig at mapupungay niyang mata ay sa 'kin tumutok. Halos mahigit ko ang hininga dahil sa kakaibamg epektong no'n sa 'kin. Binaling niya ang paningin sa gilid ko which is sila Papa bago muli ako tignan. Walang ekspresyon ang mukha niya, malamig nga kung titignan. Napaiwas ako nang tingin at sa Parents ko bumaling na ngayon ay napalingon sa derekayon kung saan ang entrance. "Oh, nandito na pala ang kambal mo," Nakangiting anang ni Mama, nag-uumpisa ng nangilid ang luha niya. Nakangiti akong nilingon sana ang entrance pero naagaw muli ng atensyon ko ang papalapit na si Caen sa pwesto namin. Sinubukan kong tumingin sa likod niya pero wala na akong nakitang pumasok doon na iba. "Son," anang ni Papa. Natigilan ako at halos maramdaman kong binuhimusan ako ng malamig. Ang lamig ng restaurant ay nanoot sa buto ko dahilan kung bakit nanginig ang kamay ko maging ang bibig ko. Nag-angat ako nang tingin muli kay Caen na ngayom ay nakatingin na sa 'kin. Kaya pala pamilyar ang itsura niya, lalo na ang mga mata. Kung pa'no siya magsalita sa 'kin, kung pa'no siya magtanong sa bagay-bagay na related sa kapatid niya... The way my Mama threated him, ang akala ko ay dahil.... Alam din ba ni Xylene? Sa tingin ko ay Oo. Hindi magiging iba reaksyon niya no'ng araw na natulog siya sa bahay kung hindi niya alam.. Parang dinurog ang puso ko. Hindi ako makapag-react, hindi ako nakagalaw sa kina-uupuan ko at nakatitig lang kay Caen na kakambal ko pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD