bc

My Long, Lost Love (Forbidden Love Series #2)

book_age18+
109
FOLLOW
1.8K
READ
forbidden
family
HE
dominant
badboy
heir/heiress
drama
bxg
campus
highschool
like
intro-logo
Blurb

Everything WAS perfect for Caiella and her Mom. Namuhay ng simple sa probinsya. Maganda ang trabaho ng kanyang ina, mababait na kaibigan at kapitbahay at maayos na unibersidad. Until one day, mas magandang oportunidad ang nakuha ng kanyang ina sa Maynila. They left their province para makipagsapalaran sa syudad.

She transferred in one of prestigious universities in the philippines. Nakakilala ng mabait na kaibigan at nakilala niya ang isa pinakagwapo na lalaking kanyang nakita.

A blue-green eyes that looks familiar to her. His eyebrow, eye-lashes, nose, lips and his face that looks familar to her too.

Her heart skip a bit when Caen Renz laid his eyes on her. Parang ang kulang na piraso sa hindi mabuo-buong puzzle ay natagpuan niya. She thought that everything WAS perfect, ngunit ng malaman niya ang totoo, ang maganda niyang mundo ay biglang gumuho.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Chapter One. MALUNGKOT KONG yinakap ang mga kaibigan ko. Alas-tres pa lang ng madaling araw ay gising pa ron sila para lang masilayan kami bago umalis. "Ma-mi-miss kita, Caie.." malungkot na saad ni Niña habang yakap ako. "Ma-mi-miss din kita.." saad ko rin. Humiwalay siya nang yakap sa 'kin at bumaling kay Mama. Binalingan ko naman ang iba ko pang kaibigan. Kaibigan ko na sila simula pagkabata pa lang kaya nakakalungkot na maiiwan ko sila rito. "Bibisita naman kami rito, pangako 'yan." anang ni Mama. "Tita Larra, ingat po kayo do'n, ah?" si Nadia, "Ikaw naman, Caie, Magreply ka naman sa text namin sa 'yo!" aniya nang bumaling sa 'kin. Ang mga gamit namin sa bahay namin dito ay pinamigay na ni Mama. Mga damit at importanteng gamit lang ang dadalin namin. May mga appliances kami na nauna na sa tutuluyan naming bahay doon sa Maynila at meron na rin daw ibang gamit ang bahay na ang company na papasukan ni Mama ang bumili. Medyo nagulat ako ro'n. Mukhang maganda talaga ang napasukan na company ni Mama at talagang pinagkagastusan pa ang mga magiging gamit namin sa bahay. Muli kong yinakap ang mga kaibigan bago pumasok sa bus. Mula sa bintana ay kumaway ako. Nakita ko pa ang mugtong mga mata nina Niña at Nadia dahil sa pag-iyak at pagpupuyat dahil hindi natulog. Sampung oras ang byahe papuntang Maynila kasama na doon ang stop over namin. "Alam ko maninibago ka kasi wala ang mga kaibigan mo.." anang ni Mama nang ilagay ang ulo ko sa balikat niya. "Masasanay naman siguro ako, 'ma.." sagot ko. "Hmm. Makakakilala ka naman ng kaibgan mo siguro sa bago mong school." aniya. Si Mama, inasikaso na niya ang mga kailangan ko, maging ang magiging school ko sa Maynila. Na-enroll na rin niya ako para sa darating na pasukan. Anang ni Mama, mero'n na rin daw akong uniporme para sa school na papasukan ko. Nakita ko na ang university na papasukan ko, not personally. Lagi ko naman nakikita 'yon sa social media at T.V. Nagulat ako dahil mahal doon at do'n ako pag-aaralin ni Mama. Sabi naman ni Mama ay malaki ang magiging sahod niya kaya, kayang-kaya raw namin ang tuition ko at bills sa bahay. Nakatulog kami sa byahe at nagising ng mag alas-siete ng umaga para sa stop-over namin. Saglit lang 'yon kaya ang nagawa lang namin ni Mama ay magbanyo at bumili ng almusal na makakain sa bus. Muli kaming nakatulog ni Mama at nagising ng mag-a-ala-una. Nakita ko kung gaano ka-traffic dito sa syudad— nasa Maynila na kami. Si Mama ay gising na at inaayos na ang bitbit naming bag habang ako ay pinapanood lang ang paligid. Hindi naman unang beses ko rito sa Maynila pero hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa mga matatayog na building. Meron naman doon sa 'min pero mas matataas dito. Nagstop ang bus sa stop light at sakto doon ay tumapat kami sa malaking billboard pero mababa lang 'yon kaya kitang-kita ko ang modelo na nando'n. Naka-topless siya at naka denim pants. Basa ang buhok maging ang katawan na para bang pawis. May katabi siyang babaeng fresh na fresh ang itsura at para bang bangong-bango siya sa modelo. Sa gilid ay ang kilalang deodorant na panglalaki. Pamilyar na sa'kin ang lalaki dahil laging pinapalabas ang mga commercials niya at model crush siya ng mga kaibigan kong babae. "Oh? 'Yan ba 'yong model?" tanong ni Mama na nakisilip na rin sa billboard. "Opo." sagot ko at nilingon ko si Mama. Nakatingin siya sa 'kin at tipid na napangiti bago bumuntong hininga. Pagkarating sa terminal, bitbit ang dalawang malaking maleta ay pumunta muna kami sa fastfood restaurant para magpatake-out ng pananghalian namin bago pumara ng taxi. Lumiko kami sa isang village. Hindi naman ekslusibo 'yon pero medyo matao rin at may mga tindahan at karendirya. Pinara ni Mama ang taxi sa isang magandang bahay. May gate 'to na kulay itim at maayos din ang bakod. Ang bahay ay naiiba sa mga bahay na nadito dahil mukhang bagong ayos. Pagkapasok sa gate ay medyo namangha pa ako dahil sa maayos na maliit na garden doon at maganda ang bermuda grass. Kung maganda na sa labas, mas maganda ang loob. Dalawa ang pinto, una ang isang glass sliding door bago ang pinaka pinto na gawa sa matibay na kahoy na kulay brown. Malawak ang salas at kompleto ang set. May dalawang mahabang sofa na kulay brown maging ang dalawang single sofa, may T.V set na rin doon na may pamilyar na block box ng isang sikat na cable network. Ang mga bintana namin ay sliding window. Hindi ako makapaniwalang matanaw ang centralize airconditioner sa sulok na agad binuksan ni mommy bago isara ang glass sliding door namin. "Maganda ang nakuha ko dahil hiwalay ang kusina sa sala.." masayang saad ni Mama habang naglalakad patungo sa isang pintuan. Sinundan ko siya at napagtantong kusina 'yon. Maganda,maayos at kompleto sa gamit ang kusina. May Oven na may apat na stove. Tiled ang mga counter maging ang lababo. Ang Ref ay malaki at double door 'ypn! Binuksan ko 'yon at nagulat na bukas na 'yon at punong-puno ng mga pagkain, mapasnack, inumin, meat, gulay at prutas— kompleto! Ang dining table doon ay pahaba, kasya ang walong tao. Gawa sa mamahaling kahoy, ang ibabaw ay may makapal na salamin. Ang mga upuan ay may cushion. "Sagot din ba ng company 'to, 'Ma?" tanong ko habang inililibot ang paningin. Tumikhim si Mama, "Y-Yes.." sagot niya. Napatango ako at tinignan nalang ang bawat kabinet doon na may mga laman din. Lumabas na ako doon kasunod si Mama at nagtungo naman kami sa mga silid. Apat ang kwarto, Ang isa ay master's bedroom, katabi no'n ay medyo maliit na kwarto. Sa harap ay kwarto pero parang pangtambakan lang siya at ang huling kwarto at napagtanto kong banyo. "Ma, dito ako?" masayang tanong ko habang nakaturo.sa pinto ng katabing master's bedroom. Ngumiti si Mama, "Yes, At dito naman ako." turo naman ni Mama sa master's bedroom, "Mag-ayos ka na ng gamit mo at pagkatapos ay kakain na tayo ng tanghalian natin.." Sinunod ko si Mama. Pagkabukas ko ng kwarto ay halos malaglag ang panga ko nang ilibot ang paningin sa loob no'n. Wooden floor, a closet, dresser, study table, sofa at Queen size bed na ang headboard ay cushion. Sa taas no'n ay glass window ko na may kulay pink na kurtina. Laglag ang panga ko ng i-angat ko pa ang mata ko at napagtantong may centralized aircon din ako doon. "What the.." bulong ko. Namamangha akong inilibot ang paningin sa kwarto. Napagtantong kulay pink ang halos lahat ng gamit doon pwera lang sa sahig, pader at closet ko na kulay puti. Napansin ko ang isa pang pinto sa katabi lang ng closet ko. Pinuntahan ko 'yon at binuksan at halos malaglag uli ang panga ko na mapagtantong banyo 'to. Agad akong lumabas at pumunta sa katabing kwarto. Nakabukas 'yon at namataan si Mama na nag-aayos ng gamit. "Ma—" natigilan ako at nailibot ang paningin din sa kwarto ni Mama. Kung nalaglag na ang panga ko sa kwarto ko, ngayon ay natanggal na ang panga ko. Malawak ang kwarto ni Mama. May Sofa set 'yon at ang kama niya ay King size. May Walk-in closet siya at may sariling banyo. May Vanity table at T.V set din! "Ma? Bakit ang laki naman nitong bahay?" manghang tanong ko. Ngumiti si Mama, "Sabi ko naman sa 'yo ay magandang company ang napasuka ko, 'di ba? Maganda ang benepisyo.." aniya. Ang pagiging secretary ang trabaho ni Mama. Hindi ako makapaniwalang ganito kaganda ang magiging bahay namin dito Sa probinsya ay maliit lang bahay namin, isang kwarto lang at isang banyo lang din. Ang sala namin at ang kusina ay magkasama, divider lang ang pumapagitna doon. Pero dito.. Wow.. Pagkatapos mag-ayos ay agad namin bininyagan ang kusina para kumain ng tanghalian. "Mag-ayos tayo ngayon para bukas ay makapamili na tayo ng kakailanganan mo sa school.." anang ni Mama. Dalawang linggo nalang kasi ay pasukan na namin. Isa na akong 3rd year college sa kursong Education. Gusto kong maging guro at ang tuturuan ko ay ang mga kinder dahil mahilig ako sa mga bata. Si Mama na rin ang lumakad ng kakailanganin ko sa school. Wala kaming masyadong inayos bukod sa nagpunas lang. Hindi naman masyadong maalikabok ang paglalagyan namin ng picture frames namin sa divider sa salas. Kumpleto sa gamit ang bahay kaya wala na kaming kailangan bukod nalang sa gamit ko para sa pasukan. Kinabukasan ay nakakausap na namin ang mga kapitbahay namin. Nang maghapon ay tumulak kami pa-mall ni Mama para pumunta sa NBS. "Hindi ka ba sasali ng varsity sa school mo?" kapagkuwan ay tanong ni Mama habang nagtitingin ng ballpen. Umiling ako, "Hindi na, 'Ma, mahihirapan ako lalo na't isang taon na lang ay graduating student na ako." "Kaya mo naman pagsabayin ang paglalaro ng badminton sa pag-aaral, ah?" "Opo, pero.. mas gusto kong mag-focus sa pag-aaral po tsaka ayaw kong mapagod masyado.." sagot ko at kumuha ng supplies. Marami kaming binili na school supplies. Pagkatapos doon ay dumertso kami ng department store para sa bago kong bag, school shoes at mga panlakad ko na hindi naman na kailangan. Habang nagtitingin ng backpack ay nag-ring ang cellphone ni Mama. "Hello?" Mama glance at me bago lumayo, "Yes.. Namimili kami.." Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagtitingin ng bag. Mas sanay ako sa backpack kesa sa shoulder bag. Tsaka, para hindi na rin hassle sa pagbibitbit ng mga extra gamit kung kaya naman ng backpack. Ilang minuto rin bago bumalik si Mama at tinulungan ako magdesisyon kung anong bag ang kukunin ko. Mas gusto ko sa bag ay ang tibay at capacity nito, hindi na bali na pangit ang desenyo, pero ngayon, na-suwertehan namin na maganda ang bag at pasok sa gusto ko. "MagC.R lang ako. Wait me here.." anang ni Mama. "Okay po.." umupo ako sa mga benches at inilapag ang mga pinamili sa tabi ko. Inilibot ko ang paningin sa mall. First time kong mag-Mall dito sa Maynila at ibang-iba talaga ang mall dito at sa probinsya. Napadako ang mata ko sa LED t.v at ang pamilyar na mukha ng gwapong modelo ang nandoon. Nagmomodelo siya ng mga damit. "Let's go.." anang ni Mama na tumingin din sa LED T.V at bahagyang ngumiti, "Ang gwapo, 'no? Maganda lahi ng parents niya." natatawang aniya. "Halata naman, Mama.." sagot ko rin, natatawa, "Maganda rin lahi mo, 'Ma. Kaya maganda ako.." natawa kaming pareho ni Mama. Hindi ko kamukha si Mama pero may pagkakapareha kami. Kapareho ko ang natural na kulay brown at medyo wavy na buhok. Maging ang kilay na perpekto na hindi na kailangan pang ahitan para mahing maayos. Ang makapal at mahabang pelikmata kaya nagmumukhang naka eyeliner ako at ang labi namin na natural na mapula. Napagtanto ko na siguro ang Papa ko ang kamukha ko. Bata palang ako ay hindi ko na nasilayan si Papa, maging ang larawan niya ay hindi ko pa nakikita. Minsan na ako nagtanong kay Mama kung nasaan si Papa pero ang tanging nasagot lang niya ay busy sa trabaho. Simula noong nagkaisip ako ay napagtanto kong iniwan kami ni Papa.. siguro dahil sa estado ng buhay ni Mama. Isang linggo na kami sa bahay at wala na akong ginawa kung hindi ay mag-advance reading lang para hindi ako mahirapan kapag pasukan na. Si Mama naman ay naging busy din about sa papasukan niyang trabaho pero kahit gano'n ay nagagawa niya pa rin magluto ng aming pagkain. Tatlong araw bago ang pasukan ay sinamahan na ako ni Mama na pumunta ng school para makita ko na at para alam ko na pa'no bumyahe. ZAFFIERO UNIVERSITY Napa-O ang bibig ko nang makita na ang papasukan ko. Sa labas lamang kami pero magarbo na. Malaki ang tarangkahan na may initial ng school, Z.U, sa magkabilang gate. Kahit sa labas lang ay tanaw ko ang naglalakihang gusali ng mga paaralan. "Madali lang naman ang bumyahe. Sixteen pesos lang ang pamasahe dahil estudyante ka at ibababa ka sa babaan kapag sinabi mo ang pangalan ng school mo.." anang ni Mama habang naglalakad na kami papunta sa Fastfood restuarant para doon na mananghalian. "Dapat pala maaga akong pumasok. Halatang malaki ang school at baka maligaw ako kakahanap ng room ko." saad ko. Ang schedule ko kasi ay umaga hanggang ala-una, 9 am to 1 pm. Tatlong subject kada araw. Mabuti nga't maganda ang nakuhang schedule ni Mama para sa'kin dahil wala akong pasok kapag weekends. Habang kumakain sa fastfood ay nagku-kwentuhan kami ni Mama. Kinukwento niya ang company na papasukan niya. "Mabait ang magiging boss ko.." nakangiting saad ni Mama at tumingin pa sa kawalan. Napatango ako, "Kung hindi naman po mabait, hindi na papalagyan ng gamit ang bahay natin, 'di ba?" "Yes—" natigil si Mama sa pagsasalita nang magring cellphone niya. Dahil nasa ibabaw lang ng lamesa 'yon ay nakita ko pa kung anong pangalan ng tumatawag, bagaman nakabaliktad 'yon sa 'kin. Ronnick? Agad dinampot 'yon ni Mama at sinagot, "H-Hello?" sinenyas ni Mama na lalabas lang saglit kaya tumango ako. Lately, nagsimulang may katawagan si Mama. Nagsimula 'ypn ng magtatapos na ako sa ikalawang taon ko sa kolehiyo. I don't mind if magkakalovelife si Mama, hindi naman pabaya si Mama sa 'kin. Siguraduhin ko nalang na mabait 'yong lalaki. 'Yon din ba ang katawagan ni Mama noon? Lumipas ang tatlong araw at ito na ang pinakahihintay ko.. Ang pasukan!! Alas-sais palang ay gising na ako, si Mama ay Alas-sinko palang gising na dahil Alas-siete ang pasok niya at kailangan niya na maaga siya. "Bye, 'Nak.. Text me time to time, okay?" anang ni Mama matapos akong halikan sa ulo. Ngumiti at tumango ako. Pinagmasdan ko si Mama na naka-office attire bagaman nakapants at hindi naka skirt. Maganda pa rin si Mama ko. Nasa forthy-two palang siya kaya marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya. Naligo na ako at nagbihis. Pinagmasdan ko ang sarili sa full body mirror ko sa kwarto. Ang uniform ko ay long sleeves na tinupi ko ang bandang dulo. Blue and white checkered ang style ng ribbon sa uniform ko. Sa Kaliwang dibdib ay ang symbol ng school at sa taas no'n ay ang name plate na gawa sa metal. Nakalagay do'n ang full name ko at kung ano ang kurso. Mamaya ko pa makukuha ang ID ko, dadaanan ko sa Admin. Papalda style ang pang ibaba, hanggang tuhod 'yon sa'kin. Inipitan ko ang gilid ng buhok ko bago ko itinali ang buhok. Nang makitang ayos na ay agad na akong tumulak. Seven-thirty palang ay nasa byahe na ako papuntang school. Sinunod ko ang sinabi ni Mama at nagulat ako na forthteen pesos lang pala ang pamasahe at sa waiting shed sa tapat ng school talaga ako binaba ng Jeep. Marami ng tao sa school. Kinabahan ako. Mahigpit kong hinawakan ang straps ng backpack ko bago naglakad papasok. Hindi ko maiwasan mamangha sa lawak ng school. Parking lot pa lang ang nakikita ko pero naluluna na ako. Marami na ang nakapark doon at nakikita kong mga estudyante ang lumalabas. Talagang pang mayaman 'tong school! Dumaan agad ako sa administration. Pinakita ko lang ang registratiom form ko at binigay na agad sa'kin ang ID ko. No'ng in-enroll ako ni Mama dito ay nagdala siya ng 2x2 picture ko dahil ii-scan daw 'yon para ilalagay sa ID ko na gawa sa PVC. Matapos 'yon ay hinanap ko na ang room ko. EDU-RM103 ang room ko, do'n ang room ko buong semester kaya hindi na hassle sa 'kin kung lilipat-lipat pa ako. Dahil maaga pa ay wala pang masyadong estudyante sa loob, mga nasa lima palang kami na nando'n. Agad akong naghanap ng pwesto. Pang-apat na row, beside the glass window. Pagkaupo ko ay agad kong iginala ang paningin sa loob ng room. Talagang pang mayaman 'to. Sa Room ay may apat na centralized aircon at dalawang celling fan. Kaya pala malamig na. Habang naghihintay ay nagbasa na ako ng libro tungkol sa una kong subject at habang patagal nang patagal ay padami nang padami ang mga estudyante sa room. Pansin ko na na parang nagkakakilala silang lahat dahil sa batian. "Hello! Kumusta naman?" anang ng malakas na boses ng isang babae. Tinignan ko 'yon. All smiles ang magandang mukha niya. Ang buhok ay nakatali sa mga san-rio. She looks bubbly. "Okay lang, Xylene!" sagot ng mga binati niya. Muli ko naman tinutok ang paningin sa libro nang may umupo sa tabi ko. Nilingon ko 'yon at naabutan ang nakakunot noong babae kanina. "Bago ka? You didn't look familiar, eh.." aniya at timatagilid ang ulo, "But.. You look familiar.. somehow.." "Bago lang ako.." sagot ko. Nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napa-O sa sagot ko, "Sabi na, eh. Kasi kami dito, magkakaklase na noon pa man.." Napatango ako at napangiti, "Kaka-transfer ko lang. Galing akong province.." Napatango siya at ngumiti, "I'm Xylene, Xy for short.." aniya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko 'yun, "Caiella.." pakilala ko. "Bestfriend na kita, ah? Wala akong bestfriend dito na mabait, eh." aniya at ngumiwi. Natatawang tumango ako at tinanggap ang pagiging bestfriend niya. Hindi na masama sa unang araw at unang subject ay may naging kaibigan na ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.4K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook