Chapter Two

2970 Words
Chapter Two. "CLASS DISMISS.." anang ng professor namin para sa panghuling subject ngayong umaga. "Waaah! Ang sakit ng pang-upo ko!" anang ni Xylene habang umuunat. Nagligpit na ako ng mga gamit ko at nilagay 'yon sa bag. Tumayo na ako at lalagpasan na sana siya nang pigilan niya ako. "Bakit ka aalis agad? Bestfiends na tayo, eh. Sasama ka kung nasaan ako at gano'n din ako sa'yo.." aniya at hinawakan ang wrist ko at hinatak palabas ng room. Tinahak namin ang palabas ng building at nagpunta sa mahabang daanan na may shed. Hindi gaano karami ang estudyante dahil na rin sa oras na 'to ay may mga klase pa. Patuloy lang ang panghahatak niya sa'kin habang nagsasalita, "Pupunta tayong canteen. I'm sure hindi ka pa nakakapag-ikot dito sa school, 'no?" Marahan akong umiling. Inililibot ko naman ang paningin sa magandang paligid. Pansin ko rin ang mga pamilyar na mukha na sa T.V ko nakikita— mga artista na dito nag-aaral. "I can tour you around later, after ng last class natin. Okay lang ba?" tanong niya. Ngumiti ako at tumango, "Sure. Gusto ko rin malaman kung saan ang library at saan din pwedeng tumambay na walang iistorbo.." saad ko. Nilingon niya ako at malaking ngumisi, "Naku! May alam ako kung saan.." Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa tapat ng canteen. Nalula ako sa malaking glass door nila. Mula dito sa labas ay kitang-kita kung gaano kalaki ang loob at gaano kalinis. Pumasok kami at ang malamig mula sa aircon ang sumalubong sa'min. Inilibot ko ang paningin sa buong canteen. Gulat kong pinagmasdan ang mga upuang kahoy na may cushion sa upuan, ito ang gamit ng mga estudyanteng kumakain at malalaking round table ang nandoon. "Ganito ba talaga ang mga upuan dito?" gulat kong tanong habang naglalakad kami papunta sa pila. "Oo. Dati naman daw hindi ganyan, monoblock ang gamit kaso mga maarte na ayaw ng matigas na upuan kaya ayan, naging ganyan." aniya at napatango naman ako. Dahil wala naman masyadong estudyante ay mabilis kaming nakalapit sa counter. "Ano sa'yo?" tanong ni Xylene. Napatingin ako sa menu at medyo nagulantang sa presyo. "W-Wala bang sabaw dito?" tanong ko. 'Yong kanin ay medyo afford ko pa kahit medyo may kamahalan. Magsasabaw nalang siguro ako, I'm sure libre dito 'yon pero kung may bayad ay marahil ay mura lang. Nahalata ni Xylene ang pag-aalinlangan ko sa mga ulam dahil sa presyo. "Treat ko, don't worry.." natatawang aniya. Nakagat ko ang labi ko, "Nakakahiya naman.." "Huwag kang mahiya, bestfriends na tayo, e. So ano?" "Ikaw nalang bahala.." nahihiyang saad ko. Nagulat akong pinagmasdan siyang umorder. Apat na klaseng pagkain 'yon na tag-da-dalawang order at malaking bowl ng kanin. "Let's go.." aniya at muli akong hinatak. Tatanongin ko pa sana kung nasaan ang inorder namin ng mapansin ko na may sumunod sa 'min na tatlong may hawak ng tray. Hanggang sa makarating kami sa malaking round table na may pitong upuan. Umupo agad si Xylene na agad naman niya akong pinaupo sa tabi niya. Inilapag ng mga taga canteen ang mga pagkain. Nagtataka naman ako ng ilapag din nila ng maayos ang limang plato, five pair of utensils at limang baso. "Thank you." pasalamat ni Xylene sa tatlo bago umalis ang mga 'to. "Sinong kasama natin? Nakakahiya naman.." saad ko. Malapad siyang ngumiti, "Si Kuya ko at mga kaibigan niya.. H'wag kang mahiya at alam naman niya na my bestfriend na ako.." Naghintay pa kami ng ilang saglit hanggang sa may humalik sa pisngi ni Xylene. "Kuya.." anang ni Xylene. Nilingon ko ang tinawag niyang Kuya. Kahawig 'to ni Xylene but a handsome version. Maaliwalas ang mukha at mukhang masiyahin kagaya ni Xylene. Gwapo, matangos ang ilong, matang masaya, manipis na labi at perpekto ang pagkakahulma ng panga. Ang uniform ay puti at maiksi ang maggas, ang pangibaba ay kulay itim na hapit na pants. "Who is she?" nakangiting tanong niya kay Xylene. Ngumiting bumaling si Xylene sa'kin, "This is Caiella, bestfriend ko, Kuya.." aniya, "And ito si Kuya ko, Xanjo ang name niya. He is three minutes older than me.." aniya. Namilog ang mata at bibig ko, "Kambal kayo?" gulat kong tanong. Obviously, Caiella! "Oo." sagot niya sa'kin, at bumaling sa gilid ko, "Oy! Bakit parang nahihiya pa kayong umupo?" Binalingan ko ang tinitignan niya. Nakatingin sa'kin ang dalawang gwapo ring lalaki. Natigilan ako nang napabaling ako sa pamilyar na lalaki. Mataman siyang nakatingin sa 'kin habang nakakunot ang noo niya. Nakita kong dumapo sa iba't-ibang parte ng mukha ko ang paningin niya bago niya naibalik uli sa mata ko. And it hit me. Namimilog ang matang napatitig sa kanya. "You know him, Caiella?" natatawang tanong ni Xylene sa gilid. S-Si Caen Renz!! Iyong sikat na modelo! "Hi!" pukaw ng may pagkachinitong lalaki, gwapo rin at halatang maganda ang pangangatawan kagaya ng dalawa, "I'm Makoy Cruz, you are?" Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad, "C-Caiella Reign Pyron.." pakilala ko at muling binalingan si Caen Renz. Nakamaang siya habang gulat na gulat na nakatingin sa 'kin pero agad din nawala 'yon at napalitan ng pangungunot ng noo. "Ito pala si Caen, kilala mo na siya, 'di ba?" tanong ni Makoy. Tumango ako at hindi pa rin inaalis ang paningin kay Caen Renz. Kung sobrang gwapo na niya sa t.v o picture, ngayon sa personal ay hindi ko na ma-discribe. Kulang ang salitang sobrang gwapo. Hindi ko alam ang itatawag pero kakaiba ang dating niya. Nag-iwas siya nang tingin at naupo sa katabi kong silya. Hindi ko pa rin inaalis ang paningin sa kanya. May kakaiba akong nararamdaman. Itext ko kaya mga kaibigan ko at sabihin kong nakita ko si Caen na ultimate crush nila? "Ngayon lang may naipakilalang bestfriend 'tong baby sister ko. Are you from other block last year?" tanong ni Xanjo habang kumakain na kami. Uminom ako ng juice bago sumagot, "I'm from province. Lumipat kami ni Mama ko dito sa manila kasi na promote siya sa mas magandang company.." "Hope hindi ka nabigla sa ginawa nitong kambal ko, ah? She made you her bestfriend.." Ngumiti ako at umiling, "I don't mind. Ang friendly nga niya at siya lang ang kumausap sa 'kin at nakipagkaibigan.." "I like your eyes.." anang ni Makoy, "Blue-green?" Nahihiyang tumango ako. Namilog ang mata niya at bumaling kay Caen Renz, "Pareho kayo ng kulay ng mata, Bro.." Gulat ko namang binalingan si Caen Renz na seryosong nakatingin sa pagkain kaya hindi ko masilip ang mata niya. Sa mga advertisment niya kasi ay hindi halata do'n ang kulay nang mata niya. "Hmm! Oo nga! 'yon din napansin ko.." si Xylene habang pabaling-baling sa'min ni Caen. Si Caen ay seryoso lang sa pagkain niya. Walang siyang binalingan kahit isa sa 'min. Do'n ko napagmasdan ang side profile niya. Ang tangos ng ilong niya, ang pilikmata ay makapal at mahab and his jaw, maganda ang pagkakadepina. Namilog ang mata ko nang lingunin niya ako. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya, ang mata ay mapupungay na nakatingin sa 'kin. "What are you looking at?" masungit niyang tanong. "U-Uh.." hindi ako nakasagot at agad bumaling nalang sa pagkain ko. Nakakahiya ka, Caiella! Nahuli ka pang nakatingin! "So, Caiella? Kailan kayo dumating dito sa manila?" tanong ng kuya ni Xylene na si Xanjo. "Two weeks before nang pasukan.." sagot ko. "Nakapag-adjust ka naman ba agad?" Nahihiyang tumango ako, "Oo, kahit papa'no. Tinuruan naman ako ng Mama ko kung paano sumakay ng jeep papuntang school. Dati kasi tricycle lang ang transportasyon ko sa province dahil malapit lang naman ang school sa'min.." "I'll tour her around later, Kuya." si Xylene at binalingan ako, "Alam mo bang sina Caen ang may-ari nitong school?" tanong niya. Namilog ang mata ko at muling napabaling kay Caen Renz na tamad na nakaupo at nakatitig nalang sa baso, binalingan ko uli si Xylene. "Alam mo naman apilyedo niya, 'di ba?" Tumango ako, "Z-Zaffiero.." Mas lalong lumapad ang ngiti niya at tumango-tango. Namilog ang mata at bibig ko nang ma-realize. Zaffiero University. "Hi, Caen!" bati ng mga babaeng dumaan sa lamesa namin. Napabaling ako sa paligid at nagulat ng sa table namin sila nakatingin.. Marahil dahil kay Caen. "Let's go, may shoot pa ako.." aya ni Caen Renz at naunang tumayo. Pinaood ko ang paglakad niya papuntang pinto ng canteen. Nakapamulsa siya, namangha pa ako dahil sa maganda lakad niya.. pang modelo talaga. "What time 'yon, Kuya? Nood kami." si Xylene na tumayo na ron kaya wala akong nagawa kung 'di ang tumayo na rin. "Ngayon na, sa field.." Sumunod kami sa kanila. Pansin ko rin ang ibang estudyante na umaalis. Alam din ata nila ang photoshoot ni Caen Renz. "Mabait naman 'yon si Caen kahit masungit," anang ni Xylene habang naglalakad kami papunta kung nasaan ang field. "Mukha siyang masungit kesa mabait.." mahinang saad ko. She laughed, "Yeah. Maraming nagsasabi na mas mukha siyang masungit pero kahit na gano'n ay marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.." "Mga kaibigan kong babae sa province ay crush na crush siya, Gusto ko nga sabihin na nakita ko si Caen nila pero baka bigla silang lumuwas." natatawa kong kwento. "Pero seryoso, ah? Mabait 'yon si Caen. He's looks snob outside lang." aniya. Nakarating na kami sa mataong field. Halos babae ang mga nando'n na kinikilig. May mga lalaki pero mga pawang kuryoso lang sa gagawin ni Caen Renz. "Hi, Xylene!" bati nang mga nadadaanan naming estudyante. Tinanguan at nginitian niya ang mga 'yon pero agad siyang yumukod at bumulong sa 'kin. "They greeted and wants to be friend with me because I'm close with the big three, given na 'yong kapatid ko ang isa.." aniya sa mahinang boses, "Doon tayo kela Kuya, I saw them standing near the equipments.." Hinatak niya ako papunta sa banda kung nasaan ang mga kagamitan sa photoshoot. Agad kaming nakarating doon at binati naman ako ng dalawa. "Hi, Caiella!" they both smiled at me. "H-Hello.." I greeted them back. "Nasaan si Caen?" tanong ni Xylene. "Inaayusan." sagot ni Xanjo. "Ano ba ang imomodel niya?" tanong ni Xylene uli. "Perfume.." sagot ni Makoy. Napatango ako. Umayos na ako ng pwesto nang lumabas na sa tent si Caen. Laglag ang panga ko nang tumambad sa'min ang hubad barong katawan niya. Kung perpekto na 'tong tignan sa mga larawan niya, ngayong nakikita ko na ay kulang ang perpekto dahil sa ganda ng kanyang katawan. Maganda ang pagkakahubog ng muscles sa katawan niya. Nagtilian ang mga babae sa likod namin dahil malapit lang sa 'min ang set-up ng pag-shoshoot'an sa kanya. Lalong nagtilian nang bumaling siya sa'min pero nagtagal ang seryosong paningin sa'kin. Napakurap ako ng ilang beses. Pasaring niyang inalis ang paningin at kinausap ang photographer. Ang suplado naman.. Kumikinang ang katawan niya dahil sa pawis at sinag ng araw. Nakakasilaw 'yon pero hindi masakit sa mata. "Sakit ng tenga ko!" reklamo ni Xylene nang magtilian pa lalo ang mga babae ng pumustura na si Caen. May part nakatayo siya habang seryosong nakatingin sa camera. "KYAAAAA!" "ANG GWAPO MO CAEN!!" "ANAKAN MO AKO!" "IIIIIHHH!" Gulat akong napalingon sa likod ko at mga nagwawalang mga babae ang nando'n. Halos lahat ng babae ay nasa likod namin. "Anakan? Mag-aral muna kaya sila ng mabuti." anang ni Xylene kaya nilingon ko siya, "Masanay ka na, ganyan lagi mga 'yan.." napailing pa siya. Binalingan ko uli ang lalaking tinitilian ng lahat. Nakaupo na siya ngayon habang nakapikit at nakatingala sa sinag ng araw. Bahagya rin nakangisi ang kanyang labi. Simpleng pose pero, malakas ang hatak sa mga kababaihan gano'n din sa mga kalalakihan. Napaabante ako nang may sumagi sa likod ko. Nilingon ko ang mga estudyante sa likod ko na nagtutulakan. "Ay, sorry.." ani nila nang makitang nakatingin ako. Nginitian ko naman sila. Muli kong binalingan ang harap na ngayon ay sa damo na nakaupo habang nakatungkod ang dalawang kamay sa likod. Medyo umatras kami ni Xylene at ng mga kaibigan ni Caen ng medyo lumapit pa ang pwesto nila sa'min. Mas lalong lumakas ang tilian at naging mas agresibo ang mga babaeng nasa likod namin ng ang pwesto na ni Caen ay ang nakahiga sa damuhan habang nakatakip ang kanang braso sa kaliwang mata. Mas lalong nagtilian ang mga babae at nagtulakan. Nanlaki ang mata ko nang may malakas na katawan na sumagi sa likod. "AAAAAHHH!" napatili ako nang matulak ako paharap— pahulog. "Caeilla!" tawag nila Xylene, Xanjo at Makoy. Napapikit ako at hinanda na maramdaman ang damo pero iba ang naramdaman ko. May mga brasong pumulupot sa bewang ko at tumama ang katawan ko sa matigas at basang bagay. Nawala ang tilian maging ang clicks ng camera pero ang malalim na hininga ang naririnig ko. Dahan-dahan akong dumilat at ang matipunong dibdib ang bumungad sa'kin. Nanlalaki ang matang napatingala ako sa nakakunot na noong si Caen. Madilim ang mata niya, hindi kita ang blue-green no'ng kulay. "What are you doin'?" tanong niya. Nakabusangot siya. Halatang hindi gusto ang ginawa ko. Napamaang na napatingin ako sa kanya bago nilibot ang paningin. Gulat ang estudyante pwera lang kela Xylene, Xanjo at Makoy na hindi ko alam ang ekspresyon. Humigpit ang pagkakaakap ng mga braso sa bewang ko dahilan kaya napabaling muli ako kay Caen na seryoso pa rin na nakatingin sa 'kin, nag-hihintay ng sagot. "N-Natulak a-ako.." sagot ko, nauutal. Tinitigan niya ako sandali bago nilingon ang pwesto namin ni Xylene kanina pero agad din niya ako tinignan. "You shouldn't watching me.." aniya. Pinakawalan niya ang bewang ko at tinalikuran. Pinanood ko pa siyang deretsong naglakad papunta sa nakaset-up na tent niya. "Huy, Caie!" Nilingon ko ang nakangiting asong si Xylene. "Ano 'yong payakap-yakap ni Caen sa'yo?" mapanuksong tanong niya. "N-Nahulog kasi a-ako.." sagot ko. Humagikgik siya, "Nakita ko nga.." aniya at umiling, "Ang agresibo ng mga babaeng 'to! Akala mo kinikiliti sa ano!" Lumapit sa'min si Xanjo at Makoy na parehong tinatanong kung okay lang ba ako. "Ayos lang naman." sagot ko. "Patagal nang patagal ay mas lalo silang nagiging agresibo." napailing si Xanjo. "Actually, sila 'yong mga members ng fans club ni Caen dito. Maarte 'yong mga 'yon at war freak.." anang ni Makoy. Nangunot ang noo ko, "Warfreak?" "Oo. Inaaway nila 'yong mga babaeng dumidikit kay Caen, mga nagiging close kay Caen. Mabuti na nga lang at hindi ako inaaway nang mga 'yon dahil kay Kuya." saad naman ni Xylene, "Maraming artistang babae o sikat din na modelong babae na inaaway nila kapag nali-link kay Caen!" dagdag pa niya. Napatango-tango ako at nilingon ang mga babaeng nasa likod ko kanina. I even caught one of the members glaring at me at inirapan ako. Bamalik kami sa room namin for our last subject. Plano ni Xylene na ilibot ako kaya pumayag na ako. "Maraming court at halls dito sa school. For court meron tayo for basketball, volleyball, badminton and mga indoor sports. May hall din for billiards, table tennis and mga sports na gumagamit ng table.." saad ni Xylene habang naglalakad kami sa mahabang daanan na may shed and it's connected to every building kaya hindi hassle sa estudyante kung umuulan o sobrang init para makapunta sa ibang department Dimaanan namin ang mga sinabi niyang courts at halls na magkakaiba ang laki. Tinuro niya rin sa 'kin ang mga outdoor courts na para sa mga sports na nangangailabgan ng mas malaking espasyo. "Alam mo bang may sariling tambayan dito sina Kuya? A pad inside a campus. Kay Caen at sa mga pinsan niya 'yon at doon ang tambayan nila at mga kaibigan nilang mga models at celebrity." aniya habang naglalakad kami kung saan. "Okay lang 'yon?" tanong ko. "Oo naman! Kela Caen naman 'tong school at medyo spoiled siya sa daddy at grandparents niya kaya kung anong gusto niya ay susundin nila.." saad niya. "Only child lang siya?" Umiling si Xylene, "Hindi, may sister siya pero, nawawala raw kasama ng nanay nila." Nagugulat akong napatitig sa kanya, "Nawawala? Bakit? Sinubukan ba nilang hanapin?" Umiling, "Hindi namin alam kung bakit nawawala and wala rin sinabi sa 'min kung hinanap nila noon." Napatango ako. Hindi rin pala maganda ang buhay ni Caen, nawawala ang dalawang babae sa buhay nila. Masakit 'yon. Hindi ko alam kung maswerte pa rin ako, may nanay ako pero walang tatay ngunit hindi naman nawawala, hindi lang nagpakita. Wala rin akong kapatid. Naglakad kami ng medyo malayo na sa mga building. Dumaan kami sa pathway na hindi na konektado sa shed ng long pathway. Hindi kalayuan ay natanaw ko ang Gazibo, sa gilid ay may bahay na yari glass kaya kitang-kita ang mga tao sa loob at kung anong ginagawa nila. "Ito ang tambayan nila." anang ni Xylene na nilahad pa sa 'kin. Glass-wall ang bahay, studio type ito pero malaki ang loob. Mula sa labas ay kita ko kung ano-ano ang laman ng loob, may billiard table, Flat screen at gaming console, may counter top kung saan nagse-seperate ang kusina at living room. Ma sofas at mini library rin. Nahinto ang paningin ko sa lalaking nakahiga sa recliner habang nakapatong ang kanang braso sa mga mata niya. Hindi na siya naka-uniform, naka maong shorts na lang siya at naka hawaiian polo shirt na bukas ang apat na botones. "They know that we're coming. Good thing, their friends are not here!" aniya habang patungo na kami sa glass door. Napalingon sa cc'min mula sa loob sina Xanjo at Makoy na naglalaro ng play station. May sinabi si Makoy kaya nagtanggal ng braso sa mukha si Caen at ang blue-green eyes niya ay agad na tumama sa 'kin, na ikinahigit ng hininga ko. Kakaiba ang hatak ng mata niya.. Natagpuan ko nalang ang sariling nakatitig na rin sa kanya hanggang papasok. Parang nananalamin ang mata ko. We're really have the same eye color. Pero may kakaiba sa mata niya. It looks cold and bothered at the same time. May emosyon din doon na hindi ko mabasa. But neverthless, his eyes are the most beautiful eyes I've ever seen.. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD