Chapter Three.
NAGLULUTO AKO ng hapunan pero ang isip ko ay naglalakbay sa nangyari kanina sa campus.
Yung kamuntik ko nang pagkahulog sa damuhan pero niyakap ni Caen ang braso niya sa bewang ko kaya hindi ako tuluyang nahulog at 'yong sa tambayan nila. Hindi na siya muling lumingon sa 'kin matapos niyang mag-iwas nang tingin pero ako ay maya't maya siya kung lingunin pero nakapikit lang siya, kung didilat naman ay sa iba siya nakatingin.
May kung ano talaga sa mata niya na kapag tumingin sa 'kin ay may nabubuhay na emosyon sa loob ko. Malakas manghatak at nakakatulala.
Napabuntong hininga ako at napailing upang iwaksi sa utak ko ang pag-iisip kay Caen. First meeting pero nasakop niya agad ang utak ko.
Natapos ko ang pagluluto, sakto ala sais y media nang marinig ko ang pagbukas ng gate namin at ang boses ni Mama.
"Caiella, nandito na ako, 'nak!"
Agad akong lumabas ng kusina at sinalubong si Mama ng halik at mano.
"Nakaluto na ako ng hapunan, 'Ma." sabi ko.
Hinalikan ako ni Mama sa pisngi, "Thank you, 'nak. Pasensya na at nalate ako ng uwi."
Umiling ako, "Okay lang po, 'Ma, okay na ako lang magluluto tutal mas mahaba ang pahinga ko po.."
Five pm kasi ang uwian ni Mama. Kanina ay nagtext si Mama na male-late ng uwi. Dahil tinuruan naman ako ni Mama magluto ay ako na nagluto ng hapunan namin.
Nagpalit lang si Mama ng pangbahay bago kami naghapunan.
"How was your day, 'nak? Nakakilala ka ba ng friends?" nakangiting tanong ni Mama.
Kinaugalian na ni Mama na kumustahin ang naging araw ko tuwing hapunan namin. Iyan ang gustong-gusto ko sa nanay ko, even though she's busy, she never forgot to asked if how's my day at school was.
Lumawak ang ngiti ko, "Ayos naman po, 'Ma, and Yes, may naging bestfriend na agad ako doon, Xylene ang name niya.."
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Mama, "That's good! Siya lang ba ang nakilala mo?"
Natigilan ako sa tanong ni Mama, pumasok bigla sa isipan ko si Caen. Sabihin ko ba kay Mama na schoolmate ko ang sikat na modelo?
"Nakilala ko din kuya ni Xylene at barkada nito.." ngumuso ako ng maalala ang supladong mukha ni Caen, "S-Schoolmate ko rin 'yong sikat na model, si Caen, 'Ma.." saad ko.
Nakita kong natigilan si Mama, "Na-meet mo na siya?" gulat at medyo may nababasa akong galak sa mukha ni Mama.
Tumango ako, "Opo, pero suplado, 'Ma.." napanguso muli ako.
Bahagyang tumawa si Mama sa sinabi ko, "Sinupladuhan ka niya?"
"Opo!"
"Pagsabihan ko nga.." anang ni Mama sa mahinang boses pero narinig ko pa rin.
"Huh?" taka ko.
Natigilan muli si Mama pero agad din umiling at ngumiti, "Mabuti at may nakakilala ka ng kaibigan pero don't forget to text your friends at our province, okay? Mas maganda rin na ipaakilala mo si Xylene sa kanila."
Nagpatuloy kami sa paghahapunan habang nag-uusap. Iki-nuwento ni Mama ang mga nangyari sa work niya at kung gaano n'ya ka puring-puri ang Boss niya.
"Mabait siya sa mga empleyado niya. Like, as if, he's just an employee, not the CEO.."
Siguro nga ay mabait talaga ang boss ni Mama. Ito nga't 'yong tinitirahan namin at ang mga gamit dito sa bahay ay sagot ng company'ng pinapasukan ni Mama.
"Gusto ko magpasalamat sa boss mo, 'Ma.." saad ko.
"A-Ah.. S-Sa susunod na anak. I'll tell him na gusto mo siyang pasalamatan.." anang ni Mama na tipid na ngumiti.
Tumango nalang ako at pinagpatuloy na ang pagkain.
Kinabukasan ay napaaga ang pasok ko sa school. Isa't kalahating oras pa bago ang klase ko.
Naglalakad na ako papunta sa pathway na may shed nang mahagip ng paningin ko ang pamilyar na lalaki na nakahilig sa kotseng nakapark hindi kalayuan sa pathway.
Natigilan ako sa paglalakad nang mag-angat siya ng tingin sa'kin. His blue-green eyes bore on me. Mukha talaga siyang suplado at snob. Bumagay ang magulong light brown hair niya sa kanya, mas naging masungit siyang tignan.
Tumingin siya sa kanan niya, may lalaking nakapolo do'n na hinagisan niya ng susi bago umalis sa pagkakahilig sa kotse niya, habang 'yong lalaki naman ay sumakay sa kotse at pinaandar 'yon papunta sa parking lot ng school.
Bumaling muli ako kay Caen nang magsimula siyang maglakad papunta sa dereksyon ko. Nangatog ang binti ko sa hindi ko malamang dahilan. Inilibot ko ang paningin pero wala pang estudyante masyado pero napapalingon na ang iba sa 'min.
"Morning.." he huskily said when he stop 2 meters away in front of me.
"G-Good morning.." bati ko pabalik.
Namulsa siya at pinakatitigan ako. Mula ulo hanggang paa at bumalik uli sa mukha ko, doon ay pinagmasdan niya ang bawat sulok ng mukha ko. Pinanood ko lang ang mata niyang gumala at nahinto sa labi ko, naitikom ko 'yon.
Tumikhim siya at nag-angat na nang paningin sa mata ko ngunit, saglit lang 'yon tsaka nag-iwas nang tingin.
"M-May kailangan ka?" tanong ko.
Bahagya akong napaatras nang lingunin niya ako at tumama ang nakakahipnotismong mata niya sa'kin.
"have you eaten your breakfast yet?" tanong niya habang nakatitig ang malamig niyang mata sa 'kin.
Napatanga ako sa tanong niya pero tumango rin ako agad, "O-Oo, kasabay ko ang Mama ko.."
Tumitig siya sa 'kin ilang sandali bago bumuntong hininga, "Did I intimidate you?"
Muli akong napatanga sa tanong niya pero umiling uli ako.
"Did I scare you?"
Umiling uli ako. Hindi nagsalita.
"Nasupladuhan ba kita?" tanong niya muli na nakakunot na ang noo.
Ayon na naman ang awra niya ng pagiging cold at suplado.
Dahan-dahan akong tumango na agad kong sinundan ng sagot, "Pero, okay lang naman.. sinabi rin sa'kin ni Xylene na sinusupladuhan mo mga bago mong nakikilala.."
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa 'kin kaya ginapangan ako ng pagkailang. Bahagya ko rin nililingon ang mga estudyanteng napapadaan at kuryosong nakatingin sab'min.
"I'm hungry." aniya na ikinalingon ko.
Nakahawak siya sa tyan niya habang nakatingin sa 'kin. Bahagya tin siyang naka-pout.
"H-Hindi ka nag-almusal?" tanong ko.
Umiling siya, "Nope. I came here early just to talk to you.." aniya sa bored na boses at malamig na tingin.
G-Ginawa niya 'yon?
"Let's go." aniya at tumalikod.
"S-Saan?"
Nilingon niya ako, nakakunot na ang noo, "Cafeteria, saan pa ba?"
Napakamot ako ng ulo, "M-May klase pa ako.."
He lift his left arm and he looked at his wrist watch, lalo siyang napasimangot, "You still have one hour and fifthteen minutes before your first subject. So, hindi ka mahuhuli.. let's go." tumalikod siyang muli at nagsimula na siyang maglakad.
Pwede ko naman siyang hindi sundan, 'di ba? At bakit ba magpapasama siya sa'kin sa cafeteria para lang mag-almusal? Kasalanan ko ba na hindi siya nakapag-almusal?
Sa huli ay nakanguso akong nakasunod sa kanya. Pinagmasda ko lang kung paano siya maglakad. He walks like a model. Given na model naman talaga siya. Pero.. kakaiba ang paglalakad niya, malakas ang dating at kahit nakatalikod ay maiinlove ang nasa likod niya.
Natigilan ako sa naisip.. Inlove? Really, Caiella?
Walang estudyante sa loob ng cafeteria, tanging mga staff lang na nagpupunas ng lamesa ang mga nandoon.
They all greeted him with full of respect. Sino ba hindi? Anak 'to ng may-ari ng school! Sa itsura palang ni Caen ay kapag hindi mo siya nirespeto ay sisisantehin ka niya.
"Two carbonarra and 2 water, please.." aniya habang nakangiti sa matandang kahera.
Napatulala ako sa mukha ni Caen habang nakangiti siya sa matanda pero no'ng lingonin niya ako at nakitang nakatitig sa kanya ay nawala 'y9n.
"What are you looking at?" masungit na tanong niya.
Napakurap ako ng ilang beses bago umiling, "W-Wala.."
"Tss.."
"Ito na, Caen.." anang ng matandang kahera na napabaling sa 'kin. Rumehistro ang gulat sa mukha ng matanda at muling bumaling kay Caen, "Siya na ba—"
"No, Manang Lume.." umiling si Caen.
Nagtataka kong nagpapalit nang tingin sa dalawa. Sa huli ay tumango si Manang Lume at muling ngumiti.
Kinuha na ni Caen ang tray at naglakad na sa may unahang lamesa kaya sumunod ako. Umupo siya habang ako ay nakatayo lang sa gilid ng lamesa.
He looked up at me, "Ano ginagawa mo d'yan?" masungit niyang tanong.
"A-Ah.. A-Aalis na nga.." sabi ko at agad nang tumalikod. Maglalakad na sana ako nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.
"Sabi ko bang umalis ka? I ordered two carbonarra not just for me, but for you, too.." aniya at marahan akong hinatak paupo sa gilid na upuan, "Now, sit.."
Wala akong nagawa at napatangang sumunod sa gusto niya. Bakit bigla nalang bumait 'to sa'kin?
Kinuha ko ang tinidor at nagsimula nang kumain ng paisa-isang piraso ng pasta.
"How was it?" kapagkuwan ay tanong ni Caen.
Nag-angat ako nang tingin at nakitang paubos na niya ang carbonarra. Ang bilis niyang kumain!
"Masarap siya, pero.. mas masarap 'yong sa Mama ko." sagot ko.
Totoo 'yon. Mas creamy ang kay mama at mas lasang-lasa, hindi tulad dito na parang tinipid ang cream at mga sahog.
Napatitig siya at napatango, "I think so, too.." aniya, "First time ko rin kumain ng carbonarra dito, eh. Mas masarap pa rin 'yong sa bahay."
Nagpatuloy naman na kaming kumain. Dahil ubos na sakanya ay pinanood naman niya ako kaya naiilang kong isinubo ang pasta.
Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa upuan. Ang mata ay parang buryong-buryong pinapanood akong kumain.
"You said that you are from province, Right?" maya-maya tanong niya uli, tumango ako, "You were born there or lumipat lang kayo?"
"Lumipat lang kami.." nag-isip ako, "I think, I was three years old ng lumipat daw kami doon ni Mama."
"Bakit?" tanong niya.
"Dahil siguro sa tatay ko? I don't know. Hindi naman ako palatanong sa Mama ko kung anong nangyari.." I said.
Hindi ko alam kung bakit ko sinabi sa kanya 'yon pero kasi.. Komportable kong sabihin 'yon sa kanya.. I don't know!
"You don't know where's your dad?" tanong niya muli.
Umiling ako, "Hindi ko tinanong si Mama."
"She didn't told you where's your dad?"
Umiling ako, "Hindi."
Nangunot ang noo niya pero maya-maya ay napatango siya. Hindi na muli siya nagsalita pero nasa iba na ang paningin niya, nag-iisip.
Ako naman ay pinagpatuloy ang pagkain hanggang sa matapos ako.
"Thank you sa pagkain." sabi ko at tumayo na, gano'n din nag ginawa niya.
He towered me. Ngayon ko lang napansin kung gaano siya katangkad. Hanggang tenga niya lang ako kahit na matangkad na ako sa lagay na 'to.
Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya at agad ko na siyang tinalikuran. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapahawak sa dibdib ko. Ngayon ko lang naramdaman kung ga'no kabilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko napansin 'yon kanina dahil I feel comfortable around him.
Maaga pa, kalahating oras pa bago ang unang subject namin. Nakaupo ako habang nakatunganga lang. Hinahayaan maglakbay ang isip sa nangyari kanina.
First, inabangan niya ako para makausap, he even asked me if he intimidates and scares me. Second, nagpasama siya sa'kin mag-almusal and third, he asked me personal question.
"Huy!"
Napatalon ako sa kinauupuan ko nang gulatin ako ni Xylene.
"Kanina pa kita tinatawag pero tulala ka d'yan!" puna niya na umupo na sa tabi kong upuan.
Bumuntong hininga ako, "May iniisip lang.." sabi ko.
"Sino naman 'yan, aber?" kuryosong tanong niya.
"Anong sino, sinasabi mo?"
Makahulugan lang siyang ngumiti bago histeryang tumawa. Napailing nalang ako.
"Evana! May nakakitang may kasama raw kanina si Caen!"
Napalingon kami sa blockmate namin na kakapasok lang. Ang mga blockmates namin ay nagsipaglapitan na do'n sa classmate namin.
"Saan mo naman nasagap 'yang chismis?" tanong nung Evana na blockmate namin.
"Sa mga estydyante, Duh? And I heard that inabangan pa talaga ni Caen 'yong babae.."
Natigilan ako dahil do'n. Alam kong kung sinong babae ang tinutukoy nila, Ako 'yon.
"Woah? Baka namamalikmata lang 'yong nakakita? Baka hindi si Caen 'yon?" sabat ni Xylene, halatang naiintriga rin.
"Siya raw talaga 'yon! Maraming estuyande ang mga maagang pumapasok. Nagulat nga sila kasi they saw Caen leaning his back on his car. Tapos may dumating na babae at kinausap niya.." anang no'ng blockmate namin.
"Tama. Sabi rin ng kakilala ko na maaga rin pumasok, pumunta pa raw 'yong dalawa sa canteen.."
"Hindi model or celebrity?" tanong ni Xylene.
Umiling sila, "Hindi raw. Hindi pamilyar 'yong babae."
Napatango si Xylene at parang gulat, "Wow.. that's new, huh?" aniya.
Binalingan ko siya, "Bakit?" takang tanong ko.
"Laging model ang gini-girlfriend no'n, e." aniya, "Hindi rin na kikitang may kasamang ordinaryong babae 'ypn.." Napailing siya, "H'wag lang makita ng fans club ni Caen 'yong babaeng 'yon dahil bugbog 'yon. Tsk!"
Napalunok ako at medyo kinabahan. Mabuti nalang walang ni isang namukhaan ako.
"Ano kaya meron do'n sa babae at kinausap niya?" tanong niya sa sarili.
"T-Talaga bang hindi siya kumakausap ng hindi model or artista?" kuryoso kong tanong.
Umiling siya, "Hindi. Sinusupladuhan niya ang mga babaeng gustong kumausap sa kanya— well, except nalang kung sexy at maganda ka, papansinin ka niya. But I'm an exception." ngumiti siya ng malapad.
Napatango naman ako. Bakit kaya ako kinausap ni Caen? And hindi naman ako ang unang kumausap sa kanya.
Ayon ang naging usap-usapan hanggang naglunch break. Kinabahan pa ako dahil baka nasa canteen lang 'yong mga nakakita sa'kin at namukhaan ako.
Akala ko ay pupunta kami sa canteen pero ibang daan ang tinahak namin. Daan 'yon papunta sa tambayan nila Caen.
Napansin ni Xylene ang pagtataka ko, "Dito tayo kakain ng lunch. Nagpaluto si Caen sa cook nila at pinadala rito.."
"B-Baka ikaw lang ang inaya? Do'n nalang ako sa canteen—"
"No! Ikaw din, ano ka ba!" pigil niya ng akmang tatalikod ako, "Ang sabi ni Kuya sa text ay Kayo, so, that means, kasama ka.."
Hindi ko na napigilan si Xylene dahil mas humigpit ang pagkakawak niya sa palapulsuhan ko at hinigit na ako.
Sa Gazibo ay nakita ko ang tatlo na nakaupo na sa pabilog na lamesa habang may mga taong naglalagay ng laman sa lamesa nila.
"Kuya!" tawag pansin ni Xylene sa kapatid.
Agad na dumapo ang paningin sa'kin ni Caen. Ang natural niyang malamig na titig ay nagpanginig sa mga tuhod ko.
Nalilito ako kung saan uupo pero napatalon ako nang tumayo siya at iniusog ang upuan na katabi niya.
"Dito ka umupo.." aniya at isinenyas ang kamay sa upuan.
Nagaalinlangan akong napatingin sa mga kasama namin. Normal lang naman ang dalawang lalaki nakatingin sa 'min pero si Xylene ay may mapanuksong titig.
Binalik ko ang paningin kay Caen na naghihintay na maupo ako kaya umupo na ako sa tabing upuan niya.
Napapitlag ako nang sundutin ni Xylene ang tagiliran ko, I looked at her, "Bakit?" maang ko.
"Bagay kayo. Hihi." bulong niya habang humagikgik.
Nag-init at pinamulahanan ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Pasimple ko naman tinignan si Caen na naglalagay na ng pagkain sa pinggan niya.
Napakurap ako nang balingan niya ako, "What are you looking at?" supladong tanong niya muli.
Agad akong umiling at nag-iwas nang tingin. Ang suplado na naman niya.
Nagugulat na napalingon ako sa kanya nang lagyan niya ng kanin ang plato ko, "You're so thin, eat rice para magkalaman ka.." aniya na suplado pa rin.
Napanguso ako, "H-Hindi naman ako payat na payat.." depensa ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. Akala ko ay kanin lang ang ilalagay niya sa pinggan ko pero maging ang ulam ay nilagay na din niya.
"There. Eat." Maotoridad niyang utos bago balingan ang sariling pinggan.
Nilingon ko ang tatlo, sina Makoy at Xanjo ay hindi na gulat, para bang sanay na silang gano'n si Caen sa babae. Si Xylene ay laglag ang panga ngunit may nanunukso pa ding titig sa'kin.
Pinamulahan akong nagbaba nang tingin sa kinakain. Why is he like this now?
Tahimik akong kumain maging si Caen. Ang tanging nagsasalita ay ang tatlo na nagkukwentuhan tungkol sa kung ano.
Napabling ako kay Caen na talagang sobrang tahimik. Wala siyang ingay na nililikha, kung hindi siya gumalaw ay hindi mo mapapansin na kasama namin siya.
Seryoso siyang nag-angat nang tingin sa'kin, nangunot ang noo niya na maabutan niya akong nakatitig sa kanya, "What?" asik niya.
Napapanguso akong umiling at binalingan muli ang kinakain. Ang sungit!
"You should eat more.." aniya bigla.
Napatingin ako sa kanya na nakatinginna sa plato ko na paubos na ang laman. Kinuha niya ang mangkok na may menudo tsaka siya sumandok at inilagay sa pinggan ko.
"T-Tama na.." namimilog ang matang pinigilan ko dahil madami siyang inilagay sa plato ko.
"What?" naiinis na tanong niya.
"Ang dami mong... nilagay.." mahinang saad ko.
Nginiwian niya ako, "Kumain ka.." aniya at nilubayan na niya ang plato ko.
"Hoy, ano 'yang palagay-lagay ng pagkain, ha?" si Xylene na hindi na ata nakatiis ay nakapagsalita na, "Ikaw, Caen, ah? Nagiging weird ka lalo!"
Hindi makapaniwalang siya ni Caen, "What? Weird, me?"
"Oo! aba, kanina, nasagap ng chismosa kong raddar ay may hinintay ka raw na babae na hindi model o artista! Tapos kasama mo pa sa cafeteria at kumain!" aniya sa pahisteryang boses, "Tapos, ngayon, ang bestfriend ko naman? Na kala mo ay matagal mo ng kilala kung pagsilbihan mo! Che!"
"It's her.." sagot ni Caen.
Nagugulat naman akong napatitig kay Caen.
"Anong 'It's her' ka d'yan?"
Tinuro ako ni Caen at walang ganang sinagot si Xylene, "She's the one who I waited earlier.. tss.."
Napailang lang si Caen at muling kumain.
****