Chapter Four

3189 Words
NAIILANG na napalingon ako sa tatlo pero si Xylene lang ang laglag ang panga. Nag-aakusa ang mata niya nang balingan niya ako. Akusa kung bakit ko hindi iki-nuwento 'yon sa kanya. Si Makoy at Xanjo ay parang alam naman na nila 'yon dahil normal lang ang mukha nila. Ofcourse, they are his bestfriends. "B-Bakit?" gulat na tanong niya kay Caen. "Why, why? Ofcourse, I talked to her. Tss." "Early in the morning?" gulat na tanong ni Xylene. Hindi na sumagot pa si Caen at nagpatuloy nalang sa pagkain. Kakain na sana ako ng mapansin ko ang nanliliit na mata ni Xylene sa'kin. "Bes, may dapat kang i-kwento sa'kin.." aniya sa mahinang boses bago nag-umpisang kumain. Kumain lang ako. Hindi ko maiwasang mapasulyap kay Caen na pino kung kumain. Napatingin siya sa 'kin at ayon na naman ang pagsusuplado ng kanyang kilay maging ang kanyang mata. Napaiwas ako nang tingin. Tahimik lang akong nakikinig sa kwentuhan nina Xylene at ng Kuya niya at ni Makoy. "Usap-usapan ka kaya, Caen!" aniya, "Nakow! Kapag nakita ng mga members ng fansclub mo 'tong si Caiella, bugbog 'to!" anang ni Xylene. "No one sees us together. Tss.." supladong sagot. "No one? Baliw ka, Brad! May mga nakakita sa inyo, 'no! You should be thankful na malaki 'tong school at maraming estudyante dito, kung hindi ay kanina pa 'to bina-bash ng estudyante na adik sa 'yo!" pasinghal na saad ni Xylene sa nakangiwing Caen. "Whatever.." nalang ang nasagot ni Caen at bumaling pero pa-irap din na inalis ang tingin sa 'kin. Kanina lang ay hindi siya ganyan, tapos ngayon.. Pabalik sa room para sa panghuling klase ay puro tanong ang binanat sa 'kin ni Xylene. "Bakit ka niya inabangan? Ano pinag-usapan niyo? Talaga bang sinama ka niya para mag-almusal?" "H-Humingi siya ng dispensa dahil nasungitan niya ako kahapon.." sagot ko. Namilog ang bibig ni Xylene at ilang ulit 'yon nagsara-bukas. Halatang hindi makapaniwala sa sinagot ko. "S-Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong n'ya. Napatango naman ako. "Wow.. that's new.." aniya na ikinataka ko. "Bakit?" "Duh, bes, sa itsura ni Caen Renz manghihingi ng gano'n dahil nasungitan niya? Hindi siya gano'n! Kapag nasungitan ka niya, nasungitan ka niya. Hindi na siya hihingi ng tawad.." aniya at tinitigan niya na naman ako, "Aykenat bilib dis taym.." aniya. Napamaang naman ako. Bakit nga ba niya ginawa 'yon? Nang mag-uwian ay sa b****a ng building ng aming department kami naghiwalay ni Xylene. "Gusto ko sana talaga magcommute kaso ayaw talaga ni Kuya.." malungkot na aniya. Isa rin 'to sa magandang katangian ni Xylene. Kung umakto ay parang hindi mayaman. Naikwento niya sa 'kin kahapon na gusto niya mag-commute kapag uuwi kaso hindi siya pinagbibigyan ng Kuya niyang si Xanjo. "May next time naman siguro.." sabi ko. Ngumuso siya, "Matatagalan pa.." aniya. Nagpaalamanan na kami ni Xylene na pupuntahan ang kabilang parking lot, nasa left wing 'yon ng university. Pagkalabas ng university ay kailangan ko pang tumawid para makapunta sa kabilang side ng kalye dahil doon ang sakayan padaan ng village kung saan kami nakatira ngayon. Kahit dalawang araw palang naman ako dito ay nakabisa ko na kung magkano talaga ang pamasahe ng estudyante. May humintong jeep nang parahin ko 'to. Sasakay na sana ako ng may malakas na bumusina sa likod. Nilingon ko 'yon at namilog ang mata ko ng makita sa loob si Caen. "Sasakay ka ba?!" sigaw ng driver ng jeep. Muling bumusina si Caen kaya nataranta ako at hindi na sumakay. "H-Hindi na po, pasensya na.." paumanhin ko sa driver na iiling-iling bago umandar. Bakit ba ako hindi sumakay? Tumabi ako sa gutter. Umandar ang kotse niya para lang huminto sa harap ko. Bumaba ang bintana sa passenger seat ng kanyang itim na kotse na may PRADO na tatak. Ito 'yong ang kotse na sinasandalan niya kanina nang inabangan niya ako kanina. "Hop in.." aniya at binuksan ang pinto. Gulat akong napatingin sa pinto bago sa mukha niyang inip na inip na. Halata talagang maiksi ang pisi niya. "Sasakay ka ba?" inis na tanong niya. "H-Hindi na—" "Sumakay ka na," putol niya sa pagtanggi ko, "Ihahatid kita." Napatanga pa ako ng ilang sandali bago ako sumakay ng mahalata kong ubos na ang pasensya na sa paghihintay. Nahigit ko ang hininga nang lumapit ang mukha niya sa 'kin at may inabot sa gilid ko. Amoy na amoy ko ang mamahalin niyang pabango. May hinatak siya sa gilid ko at ikinabit sa kabilang gilid ko, seat belt. "T-Thanks.." mahinang usal ko. Hindi siya lumayo agad, gumapang pa ang paningin niya mula sa mata ko, ilong at nakakunot ang noong napatigil sa nakaawang kong labi. "C-Caen.." pukaw ko ng matagalan ang paningin sa labi. Mariin siyang napapikit bago lumayo and then he curse under his breath. B-Bakit kakaiba ang epekto niya sa 'kin? "Are you hungry?" tanong niya. Napalingon ako sa kanya, "H-Hindi naman.." Pinaandar niya ang kotse, "I'm hungry.." aniya. Napatitig ako sa kanya, "K-Kain ka.." sabi ko at napatingin sa labas, "Ibaba mo nalang ako d'yan." "You'll come with me.." aniya. Bago pa ako makapagprotesta ay nag-U-turn na siya. "H-Huh?" taranta kong tanong. "Sasamahan mo akong kumain.." aniya. Napatanga ako at napatitig sa side profile niya na talaga namang napakagwapo. Umiling ako, "H-Hindi na. Uuwi na ako." Pero hindi siya nakinig. Tamad niyang ipinatong sa pinto ang kaliwang siko at tamad din akong binalingan bago inirapan. Suplado! Napatikom nalang ako ng bibig at ibinaling nalang ang atensyon ko sa dinaraanan namin. Medyo naging matagal ang byahe bukod kasi sa medyo traffic ay mukhang sa main city pa ata ang restaurant na pupuntahan namin. Nalula ako ng makarating kami sa main city. Nagtataasan at nagagandahang building ang tumambad sa'kin. Ilang sandali lang ay pumarada siya sa tapat ng isang magarang restaurant na may nakakaakit na ambiance. Naka-glass wall ang restaurant kaya nakikita ang loob ni'to. "Let's go.." aniya. Mabilis kong tinanggal ang seat belt ko at agad na lumabas ng kotse niya. "Heaven's Food Restaurant.." basa ko sa pangalan ng restaurant. Naglakad na papasok si Caen kaya sumunod na ako sa kanya. "Good afternoon, Sir Caen!" bati ng waiter pagkakita kay Caen na hindi sinagot. "Good Afternoon—" napatigil ang waiter at napatitig sa'kin. Naiilang na bumati ako pabalik, "Good afternoon din po." Napakurap-kurap siya sa'kin sabay baling uli kay Caen at bumalik muli sa'kin. "What are you looking at?" masungit na tanong ni Caen sa waiter, "Do your job here!" "O-Opo!" aligagang sagot ng waiter, "Sorry ma'am, sir.." Agad niya kaming inasikaso at dinala sa magiging pwesto namin. "I'll just call Madam, sir." aniya. "Okay." ayon lang at umalis na ang waiter. Itinabi niya ang menu na nasa lamesa. Ipinatong niya ang kanang siko at pumalubaba habang nakatingin sa 'kin ng deretso. Napakurap-kurap ako. Naiilang ako sa titig niya. Ang mga mata n'yang parang buryong-buryo na nakatitig sa 'kin. Walang mababasang emosyon sa mukha niya pero alam kong pinapanood niya ang mukha ko. "Oh, my handsome nephew!" Napabaling ako sa nagsalita. Isang Ginang na nasa early mid 40's. She was wearing a color Latte sapphire turtleneck bodysuit and high waist fitted palazzo pants. Maayos ang pagkakapusod ng buhok nito at maganda siya. Nakangiti siyang lumapit sa pwesto namin— kay Caen. She kissed Caen on his cheek. "How are you?" tanong niya dito. "I'm good, Tita.." sagot ni Caen. Nagulat ako nang magmano siya sa ginang. Wala kasi sa itsura niya na gano'n ang gagawin niya. Natigilan ako nang bumaling sa 'kin ang Tita niya. Ang kaninang ngiti ay naglaho at napalitan ng gulat. Napamaang siya pero agad niyang tinapan ng palad ang bibig, ang mga mata niya ay biglang nangilid at naging emosyonal siya. Nalilitong na pabaling ako kay Caen na naka-face palm na. "I-Is that you?" gumagaralgal ang boses na tanong ng Tita niya. "P-Po?" taka kong tanong. "Is that really you, Caiella?" tanong niya muli na kasama na ang pangalan ko. Ako ang nagulat dahil doon. Paano niya nalaman ang pangalan ko? "K-Kilala niyo ako?" gulat ko at tinuro pa ang sarili. "Yes!" "Tita Heaven.." tumayo si Caen at inilapit ang mukha sa tenga ng tita niya para bumulong. Pinanood ko lang sila. May ibinulong si Caen na ikinagulat ng ginang at ikinatango nito. "Please, Tita.." ayon lang ang narinig ko bago muling naupo sa harap ko. Hinarap ako no'ng Tita Heaven niya, "A-Ahh.. H-Hindi. Nakita ko sa nametag mo ang name mo.." she awkwardly smile. Napatango ako ng ma-realize na doon niya nalaman ang name ko. Pero kasi, iba ang reaksyon niya kaya akala ko ay kilala niya ako. "It's nice to finally meet you.." sinserong aniya. Muli akong nagulat, "P-Po?" "I-I mean.. ehem.. K-Kasi kinuwento ka ni Caen sa 'kin.. kaya ayon— Paynali he-he-he.." she glances at Caen. Napabaling ako kay Caen na nakasimangot at napapailing dahil sa sinabi ng Tita niya. Kinu-kwento niya ako? Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko dahil doon. "Will prepare your foods. I'll be back.." anang ng Tita niya bago kami iwanan. "Don't mind what my Tita said.." seryoso sabi niya habang deretsong nakatingin sa 'kin. Walang emosyon ang mukha niya. Pero kahit na gano'n ay hindi pa rin nababawasan ang angking ka-gwapuhan niya.. Wala kaming imikan habang naghihintay sa pagkain. Inilibot ko nalang ang paningin sa loob ng restaurant. Maaliwalas ang loob, nakaka-relax maging ang kulay cream na interiors at mga kagamitan na hinaluhan ng itim na lins sa mga upuan at lamesa ay magandang tignan. Simple pero mukhang elegante. Ngayon ko lang napansin na walang costumers. Mukhang nakita ni Caen na nagtataka ako. "Tita Heaven always closes the restuarant everytime I'm here. She didn't like to hear the squeals from my fans.." he shrugged. Napatango ako. Alam ko kung gaano kasakit sa tenga ng tilian ng mga fans niya. Nasaksihan ko na sa school pa lang. Good thing na sinara pala 'to ngayon dahil ayaw kong makita ako at baka kuyugin ako ng mga admirers niya dahil kasama ko lang siya. Ma-misunderstood nila kung bakit ko kasama siya. Baka bago ako maka-graduate ay sira-sira na ang uniform ko. Muli kaming natahimik habang naghihintay. Napapatingin ako kay Caen na nakatitig lang sa 'kin habang nakasandal sa kinauupuan at nakahalukipkip. "B-Bakit?" nauutal kong tanong dahil sa pagkailang. Tumagilid ang ulo niya na parang pinag-aaralan ang mukha ko, "You look like.." mahina niyang sinabi ang huli kaya hindi ko narinig. "H-Ha?" He heave a sigh and closes his eyes tightly, "N-Nothing.." I saw how his jaw clenched. Napapalunok akong naitikom ang bibig. Nairita agad siya dahil hindi ko narinig ang sinabi niya? Paano ko maririnigz, eh binulong lang naman niya 'yon. Sa iba ko na lang ibinaling ang atensyon ko bagamat nararamdaman ko pa rin ang mga mata niya sa 'kin. Ilang minuto pa ay dumating na ang Tita niya na may tulak-tulak na cart na puno ng dishes. "Sorry for taking so long and for keeping you waiting," nakangiti ang Tita Heaven niya nang makabalik sa 'min. Naamoy ko ang mabangong pagkain. Ang kaninang gutom na hindi naramdaman kanina ay nagparamdam bigla. Ramdam ko ang pagkulog ng sikmura ko dahil sa naamoy na pagkain. Inisa-isang nilapag ni Ma'am Heaven ang limang serving plates ng puros Pasta. May Macaroni, Spaghetti with garlic and olive oil, Cream cheese pasta, Garlic mushroom pasta and, white speghatti. May garlic bread din at juice. "Do you like pasta?" nakangiting tanong sa 'kin ng ginang. Napangiti ako at napatango, "Opo.. actually po isa sa paborito kong niluluto ng Mama ko ay ang pasta dishes.." Mas lumawak ang ngiti ni Ma'am dail doon sa sinabi ko, "I think your mom is a good cook." aniya. Sunod-sunod ang pagtango ako at napangiti na rin, feeling proud for my Mama, "Opo, Ma'am!" Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Ma'am Heaven at napalitan ng simangot, "Mag-aaral ba kita?" tanong niya bigla. "P-Po?" naguguluhan kong tanong. "Perhaps my employee?" mulig tanong niya pa, "Don't call me Ma'am or madam, just call me Tita Heaven, okay?" Napakamot ako ng ulo. Kala ko naman kung ano, "N-Nakakahiya naman po, Ma'am.." sagot ko. Ngumuwi siya, "Kinahihiya mong tawagin akong Tita?" Namilog ang matang napailing ako, "H-Hindi po.. Ang akin lang po ay parang kakakilala niyo lang po sa 'kin and hahayaan niyo po akong tawagin kayong Tita.." Nawala ang simangot ang mukha niya at napalitan ng tipid na ngiti at emosyon na hindi ko mabasa, "Trust me, I already known you for a long time.." Napatanga ako doon. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin niya sa kanyang sinabi. "Kain na kayo!" aniya. Nawala ang atensyon ko sa sinabi niya. Baka siguro ay kahapon 'yon no'ng i-kwento ako ni Caen sa kanya. Parang may paru-paro sa t'yan ko sa isiping ikinukwento ako ni Caen sa pamilya niya. Nanatili sa 'min si Tita Heaven habang kumakain at hanggang sa matapos. Binigyan niya pa kami ng dessert na cake na siya pa ang nag-bake. Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano, mula sa buhay niya hanggang sa napunta sa 'kin. "I heard na nag-transfer ka lang? Saan kayo nakatira noon?" nakapalungbabang tanong ni Tita Heaven. "Sa Province po namin." sagot ko. "You were born and raise there?" Umiling ako, "Dito po talaga sa syudad si Mama lumaki.. uhmm.. nagkaroon lang po ng problem sa Tatay ko kaya iniuwi niya ako sa probinsya nila no'ng baby pa po ako.." Nagkatinginan si Tita Heaven at Caen na tahimik lang sa harap ko at nakikinig. "Do you know where's your dad?" tanong ni Tita Heaven. Umiling uli ako, "Hindi po, eh. Hindi po namin pinag-uusapan ni Mama ang tungkol sa tatay ko, hindi rin po niya ata kami hinanap.." I bitterly said the last part. "How do you know your that Dad didn't looked for you?" nakasimangot na tanong bigla ni Caen. Napamaang ako, bakit parang galit siya? Hindi ako nakasagot kaya tinuloy niya ang sinasabi. "You just thought that your dad didn't look for you. You should ask your mom, maybe she has an answer.." humalukipkip siya. Napanguso ako. Bakit parang badtrip 'to? Bipolar ata 'to o may mood swing, bigla nalang maiinis. Nainis siya dahil doon sa sinabi ko tungkol sa tatay ko. "Don't mind Caen, may dalaw lang siya kaya parang iretado, hehe.." anang ni Tita Heaven, "So, ano ba nangyari kung bakit nagkahiwalay Mama at Papa mo? I hope don't mind.." Napakamot ako ng ulo, "Sabi po ni Mama ayaw sa kanya ng parents ng Tatay ko. Ayaw nila ang family background ni Mama kaya inayawan po.." No'ng ikinuwento sa 'kin 'yon ni Mama ay nainis ako sa grandparents ko. Hindi sila nakatutol noon sa kasal nila Mama at Papa dahil hindi nila alam na kinasal si Papa kay Mama. Nalaman nalang nila no'ng inuwi na ni Papa sa Mansyon nila ang Mama ko. Naging matagal kami doon kaya matagal din nakasara ang restaurant ni Tita Heaven. Hapon na ng mapagdesisyonan ni Caen na umuwi na. "I hope you can visit me." Tita Heaven said then place a kiss on my cheek. I smiled at her, "Sure po! Isama ko na po si Mama no'n.." Tita Heaven's face lit up, "Really? Sige, sige!" Nagpaalam na uli ako bago kami umalis. Habang nasa kotse ay tahimik lang ako, tangi ang mahinang tugtog sa music player niya ang nagbibigay ng ingay sa loob. Ilang minuto pa ng mapansin ko ang daan. Papunta na mismo 'yon sa bahay village ng bahay namin. Nagugulat kong nilingon ko si Caen na parang tamad na tamad kung magmaneho. How did he knows where I leave? Mukhang napansin niya akong nakatingin sa kanya kaya nilingon niya ako. Nakita niya ang gulat sa mata ko na ipinagtaka niya. "Why?" suplado niyang tanong. "Alam mo kung saan ang village namin?" gulat kong tanong. Napakurap siya at parang na realize kung nasaan na kami, papasok na sa village namin. He run his fingers through his hair, "Y-You told me earlier where you were living.." aniya at tumikhim. Napangunot ako ng noo at inalala kung sinabi ko ba sa kanya. Nawala lang ang pag-iisip ko nang magsalita siya uli. "Saan bahay mo?" tanong niya. Tinuro ko sa kanya. Bago kami tumigil ay may namataan akon white SUV sa harap ng bahay. Nabigla ako ng may lalaking lumabas doon. He was wearing a black suit and he looks in the 40's. Umikot siya sa harap ng kotse niya papunta sa passenger seat upang buksan ang pinto do'n. "Oh.. shit.." Narinig ko pang anang ni Caen pero hindi ko na pinansin pa kung anong nangyari sa kanya. Nakatutok ang mata ko sa babaeng bumaba mula sa kotse. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Ang Mama ko, matamis na nakangiti sa lalaki habang inaalalayan siya nito papunta sa harap ng bahay namin. Inihinto ni Caen ang kotse niya medyo malayo sa bahay. Namilog ang mata ko nang hinalikan nila ang isa't-isa sa labi, mabilis lang 'yon pero nakakagulat pa rin. Hindi ko pa nakikita si Mama na ganito sa isang lalaki, intimate. Hindi ko pa rin nakikitang ganitong kasaya si Mama sa isang lalaki. "S-Salamat! Lalabas na ako.." sabi ko ng makita ko ng pumasok si Mama sa bahay habang ang lalaki naman ay pumasok na sa kotse niya. Pinanood ko pang lagpasan no'ng lalaki ang kotse ni Caen bago ako lumabas. "Salamat sa paghatid.." sabi ko kay Caen na hindi ko malaman ang reaksyon. Mabilis kong sinara ang pinto at agad na akong dumeretso ng bahay na walang lingon-lingon kay Caen. "Ma?" tawag ko nang makapasok na sa bahay. "Nandito na ako sa room!" rinig kong sigaw niya mula sa bedroom niya. Dumeretso ako ng kwarto upang makapag palit muna ng pangbahay. Itanong ko ba kay Mama kung sino 'yon o hintayin kong siya mismo ang magsasabi kung sino 'yon? Lumabas ako ng kwarto. Sinilip ko ang kwarto ni Mama kung nandoon pa siya pero wala na, narinig ko nalang ang kaluskos sa kusina kaya doon ako pumunta. Naabutan ko si Mama na naghahanda na ng mga kailangan sa ilulutong dinner namin. Lumapit ako upang magmano at humalik sa pisngi. "How are you my baby?" Tanong ni Mama at mariin akong hinalikan sa pisngi. "Ayos naman po, 'ma.." sagot ko, natatawa. "Kumusta naman ang araw mo?" "Okay naman po, 'Ma.." Tinulungan ko si Mama maghiwa ng mga sangkap sa lulutuing hapunan. "Eh, kumusta naman si Caen? Sinusungitan ka pa rin ba?" Natigilan ako sa paghihiwa at napatingin kay Mama na hinihiwa ang karne ng baka. "Hmm.." tumango ako, "Sa totoo nga niyan, 'ma, inabangan niya ako kanina para magsorry.." Tumingin sa 'kin si Mama at matamis na ngumiti, "That's good!" "Tapos kanina no'ng uwian sinama niya ako doon sa restaurant ng Tita niya, 'Ma, kaya late na rin ako nakauwi, eh.." "Really? That's nice.." ngumiti si Mama, "Hinatid ka niya?" Napatitig ako kay Mama. Masaya siya. Iba ang saya niya. Hindi kaya 'yong dahil doon sa naghatid sa kanya kanina? "Opo.." sagot ko. Mas lumawak pa ang mga ngiti ni Mama at nagningning ang mga mata niya na parang may luhang natatapatan ng ilaw. "Sana magkasundo pa kayo.. at maging close.." aniya. Nagtataka man ako ay hindi ko na lang pinansin 'yong sinabi ni Mama. Hindi ko na rin siguro sasabihin na nakita kong may naghatid sa kanya at nag... halikan sila. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD