Chapter Five

3138 Words
IT'S BEEN A MONTH simula ng nag-umpisa ang klase at magda-dalawang buwan na kami sa bahay. So far ay maayos naman. Mababait ang mga kapitbahay namin. Marami na rin akong naging kakilala sa campus at naging kaibigan na rin kalauna. So far ay magaan pa naman ang gawaing school. Hindi pa kami stress ni Xylene. Pareho kaming nasa benches ngayon ginagawa ang lessons na iniwan ng prof namin sa last subject na hindi pumasok. Pinili namin dito imbes sa library dahil masarap ang simoy ng hangin kahit na medyo mainit. Si Caen, hindi ko masyadong nakikita. Ang sabi ni Xylene ay busy sa nga projects niya sa modeling at iba pang endorsments niya. Tho, kapag nagkikita naman kami ay medyo sinusungitan niya ako pero minsan naman ay naabutan ko siyang pinapanood ako at kinakausap din paminsan-minsan. "Nagpaalam na pala ako kay Kuya." anang ni Xylene habang nagsusulat kami. Tinignan ko siya at ngumiti, "Ayos!" masaya kong sagot. Napag-usapan namin na mag-overnight siya sa 'min dahil weekend naman na bukas kaya ayos lang. Ang sabi ni Xylene kapag sa Kuya niya siya nagpaalam wala ng palag pa ang parents niya. "Pa 'no damit mo?" tanong ko. "Papadala ko na lang kay Mommy.." aniya. Alam na rin ni Mama na mag-o-overnight si Xylene sa 'min kaya last week pa lang ay naggrocery na kami ng mga pwede namin makain. "Xylene!" Pareho kaming napalingon sa tumawag, si Xanjo 'yon. Agad na dumapo ang mata ko sa lalaking bihira ko ng makita. Nakapamulsa siya at sa 'kin agad ang titig niya. Napakurap ako kaya napangisi siya habang marahan kinagat ang ibabang labi. Umakyat sila sa bench at pumuta sa pwesto namin. Agad siyang tumabi sa 'kin at agad akong dinungaw. Si Xanjo at Makoy naman ay sa kabilinh pwesto, kay Xylene sila tumabi. May dalang bag si Xanjo at inabot 'yon sa kapatid. "Hey.." tawag niya kaya nilingon ko siya. "I'm already here.." aniya. Narinig kong nanahimik sila Xylene dahil doon sa sinabi ni Caen. Napalunok ako. Tumango ako, "O-Okay." sagot ko. Nangunot ang noo niya parang hindi nagustuhan ang sinagot ko, "That's all you got to say?" Nagugulat ko naman siyang tinignan, "H-Ha?" Bumuntong hininga siya, nauubos ang pasensya, "I said I'm already here but you answer me 'Okay'?" Nahihiyang napatingin ako kela Xylene na may nanunuksong tingin habang 'yong dalawa ay nakangiti at napapailing. "A-Ano ba dapat?" muli ko siyang nilingon. Tinitigan niya ako bago tignan ang notebook, "Are you done?" tanong niya. Umiling ako, "H-Hindi pa.." Binalingan niya si Xylene, "Wala naman na kayong class, 'di ba?" Umiling ang kaibigan ko, "Wala na." "Hmm.. Good.." agad niyang pinulot ang gamit ko pati ang backpack ko tsaka tumayo, "Let's go.." "Ha?" tanong ko. Inikutan niya ako ng mata bago kunin ang kanang palupulsuhan ko para marahan hatakin, "We'll go somewhere.." aniya. "S-Sandali!" pigil ko. Nilingon niya ako na nakasimangot, "What?" "M-Mag-o-overnight si Xylene sa 'min.." sagot ko. Binalingan niya sila Xylene, "Magpahatid ka na lang kay Xanjo. I'll text you the address.." ayon lang at muli niya akong hinatak pababa. Nilingon ko pa sila Xylene na parang kinikilig pa at inaalog ang katabi niyang kambal. "H-Huy!" pinipilit kong hatakin ang kamay ko. Napapalingon ako sa mga estudyante na nadaraanan namin, pinapanood kami at nagbubulungan. "M-May mga estudyante.." sabi ko. "So?" "P-Pinag-uusapan nila tayo.." nag-aalala kong sabi. Ang gusto ko lang naman ay maging peaceful ang last year ng pagiging college student ko. Ayaw ko magkaroon ng issue sa kahit na sila pero... itong ginagawa ni Caen. Para siyang walang paki! "Anong so?" Medyo naiinis ko ng tanong. Para kasing wala siyang paki! Ano na lang sasabihin nila o worse ay awayin ako no'ng fansclub niya. "Do whatever they want to do... I don't care about them.." he just simply said. Hinatak niya ako at ang mga estudyante ay pinapanood kami ng may gulat sa mga mukha nila. Nakarating na kami sa parking lot, sa tapat mismo ng kotse niya. Mabilis niyang pinatunog 'yon. "S-Saan tayo pupunta?" taranta kong tanong. "Somewhere.." ayon lang ang sinagot niya bago ako pagbuksan ng pinto. Hinawakan niya ang ulo ko at iyinuko bago bahagyang itulak papasok. Pinood ko s'yang pumunt sa driver's seat hanggang sa makapasok. Napalunok ako. Ito na naman, kasama ko na naman siya.. He easily manuvere his car. Pinanood ko lang siya. *Dug.dug.dug.. Ang pamilyar na t***k na 'yon ay nagparamdam na naman. Sure, sa probinsya kapag nakikita ko siya sa mga patalastas, nag ga'gwapuhan ako sa kanya pero hindi umabot sa point na nagustuhan ko siya. Ngayon, may onti na siguro. Hindi ko naman siguro mararamdaman 'tong kaba kung wala, 'di ba? "How... How are you?" maya-maya ay tanong niya at bahagya akong nilingon. Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko dahil sa pagkabigla. Naabutan niya akong tinitignan s'ya! Napangisi siya, mukhang nagustuhan ang naging reaksyon ko. "O-Okay lang naman.." sagot ko at umiwas ng tingin. Pero inabot niya ang baba ko at marahan nilingon muli sa kanya ang ulo ko. "I want your eyes on me.." aniya habang nakatingin pa rin sa daanan. Napaang ako at halos kilabutan sa kakaibang kuryenteng naramdaman. Nakita ko ang pagngunot ng noo niya at bahagyang pagdiin ng hawak sa baba ko bagamat hindi masakit. Parang... hindi lang ako nakaramdam noon. Using his thumb, he gently caress my chin, "Do you feel that, too?" malambing niyang tanong, "I don't know what's that.. but I know it's forbidden.." aniya at nilingon ako saglit pero deretso sa labi ko ang mga mata niya. Ang hinlalaki niyang nasa baba ko ay umakyat sa pang-ibaba kong labi. Namilog ang mata kong nakatingin sa kanya. "Do you know the saying 'Blood is thicker than water'?" bigla ay tanong niya habang marahang hinahaplos ang ibabang labi ko. Hindi ako nakapag-react agad. Masyado akong gulat sa ginagawa niya ngayon. It's been a month since the first time we met. Sa isang buwan lang noon ay lima o anim na beses lang kami nagkikita pero tatlong beses lang kami nagkakasamang dalawa. Ngumisi siya, "I guess, it's right. Blood is thicker but in forbidden way.." Hindi ko alam ang isasahmgot dahil hindi ko siya maintindihan. May sinasabi siya sa 'kin lagi na hindi ko ma-gets. Tinanggal niya ang kamay sa labi ko upang humawak sa kambyo. Hindi ko naman na inalis ang paningin ko sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa isang mataas, magandang at pamilyar na gusali. Sinilip ko 'yon mula sa loob ng kotse at nakita ang pangalan no'n Zaffiero Condominium Tower 1. Ito ata ang pinakamagandang building dito sa pilipinas. Kakaiba rin 'to dahil ang building na ito ay hugis Z kung sa taas kukunan ng kamera. Nakita ko na rin 'to minsan sa internet. "A-Anong ginagawa natin dito?" medyo kabado kong tanong. Nahalata niya 'yon at bahagya siyang natawa. "Relax.." aniya, "I'm hungry and I want to cook that's why we were going to my penthouse.." Namilog ang mata ko, "Gutom ka? Bakit ako pa sinama mo? P'wede naman sila Xanjo at Makoy.." Tinaasan niya ako ng kilay, "'Coz I want to.." aniya, "And they already know that I'm a good cook.." Bakit parang kinilig ako sa sinabi niya? Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko kaya agad akong umiwas ng tingin. Sa isiping isama niya ako para malaman sa isa sa mga talent niya ay nakapagbigay ng kakaibang pakiramdam sa puso ko. Hindi pa naman kami gaano katagal magkakalilala pero sinasama na niya ako sa mga ganito.. May iba bang dahilan pa no'n? Ayoko mag-assume. Mahirap na. Pero kasi... base sa mga kwento sa 'kin ni Xylene, hindi raw masyadong nagtitiwala si Caen halos ang pamilya, silang tatlo at managers lang ni Caen ang pinagkakatiwalaan niya o sinasamahan niya. Nasasangkot sa dating issue pero never pa daw ginawa ni Caen na siya mismo ang mag-aya sa babae knowing na suplado siya. Does that mean.. Agad ko iwinaksi ang nasa isip. Mahirap na ang mag-assume sa bagay na hindi sigurado. Masasaktan ka lang sa huli. Agad kaming dumeretso sa ground floor which is kung nasaan ang parking lot. Binusinahan niya ang guard, medyo binaba niya ang bintana at binati 'to, "Magandang tanghili, Kuya Ernes.." nakangiti nitong bati. Napamaang ako. Ngayon ko lang siyang makitang ngumiti ng ganitong kaganda. Parati ay naka-smirk ang laging binibigay niya sa 'kin. "Magandang tanghali po, Sir Caen!" ngumiti ang guard. Nag-usap pa sila bago ituloy ni Caen ang kotse pababa hanggang sa makarating kami sa dulong bahaging parking na pang kanya ang pwesto dahil may nakalagay mismong pangalan niya. Pagka-park ay agad akong lumabas bitbit ang gamit ko. Tsaka ko lang napansin na may Elevator doon na kulay Gold ang pinto. Sa gilid ay pindutan, sa baba no'n ay may sensor. "This is my own elevator.." aniya ng may inilabas siyang card-key. Tumunog ang elevator nang bumukas 'to. Iginiya niya ako papasok bago siya sumunod. Nang sumara ang pinto ng elevator ay tsaka may lumabas na digital keypads sa gilid ng elevator at doon ay may inilagay siyang password na hindi na niya nagawang takpan sa 'kin at hindi ko na rin naiwas pa ang paningin ko. 09130914 ang nakita kong passcode niya doon. Tsaka lang umandar paakyat ang elevator. Nilingon niya ako at naabutan na nakatingin doon. "S-Sorry.. H-Hindi ko sinasadyang makita passcode mo.." nahihiya kong sabi. "That's... That's mine and my twin sister's birthday.." aniya habang nakatingin sa 'kin ng mataman, "I was born on September thirteenth at eleven-fiftyseven pm then my twin sister was born on September fourteenth, five minutes after I was born.." Namilog ang mata ko, "Oh? Birthday ko din ay September 14!" masaya kong sabi. Biglang lumamlam ang ang mga mata niya, "I know..." Napkurap ako dahil medyo nagulat, "H-Ha?" Pa'no niya nalaman? Namilog ang mata niya, "I-I mean, I know.. na k'wento sa 'kin ni Xylen.." tumikhim siya pagkatapos. "A-Ahh.." napatango ako. Bigla ay naalala ko rin na nawawala daw ang kapatid niya, "K-Kung hindi mo mamasamain pero nasaan ang kapatid mo? Nai-k'wento sa 'kin ni Xylene pero h'wag kang magalit sa kanya, ah?" Tumingin siya sa pinto ng elevator, "Mom left with her.. Nagtago sila noon kaya hindi sila agad na-track ni Dad o hindi lang talaga siya magaling mag-track? Because I turned thirteen, I managed to track them both— my mom and my twin sister. I was able to talk to my Mom but not my sister. I just watched her from afar.." may tipid na ngiti sa labi habang ikinuk'wento niya 'yon. Bigla akong humanga. Habang sinasabi niya 'yon ay wala akong nakikitang sama ng loob at nakikita ko ay ang pagmamahal. "Alam ni Dad mo?" tanong ko. "Hmm.. Yes, actually, ilang taon pa bago sinabi. Sobrang saya nga niya pero nainis siya sa 'kin. Sumama siya sa 'kin puntaha sila and doon pa lang ay nagkaayos na sila noon pero ayaw ni Mom muna ipaalam sa kambal ko.. That's why I secretly watched her.." "Until now hindi pa rin niya alam?" tanong ko. Umiling siya, "I want to pero ayaw nila Dad. Gusto nila sila magsabi over the dinner na gagawin soon.." aniya ngayon ay medyo may lungkot sa itsura niya. Talaga nga sigurong nangungulila siya sa kambal niya. Para tuloy akong nainggit sa kambal niya. Wala akong kinagisnan na kapatid kaya hindi ko alam ang pakiramdam ng may kapatid na nagmamahal at nag-aalala sa 'yo. Napangiti ako, "She's lucky pala! May kuya siyang nagmamahal sa kanya.. sana nga may kuya rin ako kagaya mo.." Nilingon niya ako, "You want me to be your brother?" Napamaang ako, "H-Ha?" "You want me to be your brother?" ulit niya. Napakurap ako, "A-Ano— hindi! I mean, kagaya mong kuya sana.." "So.. ayaw mo ako maging kuya?" nakataas anv kilay na tanong niya. Nagtaka ako sa tanong niya kaya natawa siya. Magsasalita pa sana ako ng tumunog ang elevator. Bumulas 'yon sa isang magandang hallway. Creamy marble floor and glass-wall! Para akong naging ignoranteng tumakbo upang masilip ang magandang view mula dito sa taas. Ngayon ko lang nalaman na may malapit na sea-side pala rito at isang amusement park din sa malapit. Nakita ko rin ang pinakamalaking Mall sa pilipinas. "Wow.." nasambit ko. Nagtigil lang ako ng maaninag ko ang repleksyon ng salamin si Caen na nasa bandang likod ko at sa 'kin nakatingin. Nilingon ko siya at naabutan ang namamangha niyang ekspresyon. Bigla ay nahiya ako, "S-Sorry.." "No, it's okay.." aniya at itinaas niya ang ang kanang kamay para ilagay ang takas na buhok ko sa likod ng tenga, "I was just... amazed at how gorgeous.. you are.." he said that in the most sweestest way I ever heard of. Kinilabutan ako. Ang kilabot na hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kabang dulot niya sa 'kin. A-Ano bang ginagawa mo sa 'kin? He cleared his throat, "Let's go.." Nauna siyang naglakad. Napatulala pa ako saglit. Sa dulo ay may kulay Royal blue na double door na tinitiyak ko ay ang kanyang penthouse. Kagaya sa elevator, may touch pad din ang pinto kung saan ay tinapatan niya ng iba namang card-key. Nasa bandang gilid niya ako at hindi naman niya ginawang takpan 'yon sa 'kin pero mukhang kagaya ng passcode niya sa elevator ang sa pinto niya. Binuksan niya ang isang pinto at iginiya niya ako papasok. Halos malaglag ang panga ko pagkapasok. It's a Luxury Minimalist Penthouse! "You can put your shoes here.." anang ni Caen. Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nagtatanggal ng sapatos at inilagay sa kulay itim na glass shoe rack. Kaya agad kong hinubad ang akin at inilagay doon. "At suotin mo 'to.." aniya at inilapag ang itim at malambot na tsineslas pang loob. May dalawang baitang ng hagdanan pa bago makarating sa bungad ng living room niya. Ang sahig niya ay black with white design marble pero ang bandang living area ay may gray fur carpeted. May black velvet cushion sofas doon. Sa gitna ay may glass table. Sa dulong bahagi na pader ay may digital fireplace at sa taas no'n ay sobrang laking T.V. And his walls are made on glass with white ceiling to floor curtain. Kinuha niya bigla ang nakasukbit kong backpack sa kanang balikat ko at ang hawak kong binder. "I'll show you around my house," lumapit siya sa isa sa sofa at doon ay nilapag ang gamit ko, "Tara.." Sa kanan kung galing ka sa pinto niy ay ang eight-seated dining table made of glass while the chairs are made of cushions. Naglakad naman kami papunta sa kusina niya. Sakto lang ang laki, may malaking refrigerator siya, cupboards, electric stoves and grills, electric kettle, coffee maker. Mag mini bar din siya na may iba't-ibang uri ng alak na naka-display. "Do you know how to cook, right?" he asked, tumango ako, "Great! You will help me to cook our lunch. Let's go!" Hinawakan niya ako sa palapulsuhan at hanatak sa hagdanan niya na gawa rin sa glass. Para tuloy nakakatakot humakbang dito! Pagdating sa second floor ay namangha ako. Una agad bumungad ay ang game room na made of glass din, sa tabi ay ang gym na parehong nasa kanan namin. "Astig! Mayroon ka pang ganito!" ignorante kong sabi tukoy sa game room niya ng silipin ko 'yon. "Lagi akong nandito after ng hektik schedules ko.. my kind of stress reliever." aniya. Sa kaliwa namin ay may itim na pinto, sa tabi naman ay kulay puti at may halong blush color na pinto. Ang naiiba lang dito sa penthouse na 'to. "This is my room.." tinuro niya ang itim na pinto, "And that will be my sister's room.. I'll show you.." Binuksan niya ang pinto at hindi ko maiwasang humanga. Pumasok kami doon at agad kong napansin ang pinkish carpeted floor, Pinkish wall sa garap at ang glass wall with floor to ceiling na curtain at kita ang view mula sa labas. Sa gitna may White king-size bed whith pinkish headboard cushion. Sa parehong gilid ay may night-stand na may parehong lamp. May study-table, vanity table, book shelf, a compelete set of 42'inch T.V., May coffee table din near the glass wall and a mini fridge. May walk-in closet with connected bathroom na sobrang gara! May glass wall for shower room, may malaking bathtub and toilet. May malawak na salamin at sink din! "Ang ganda!" hindi ko na naman maiwasang mamangha. Pangarap ko ang ganitong kwarto. Natupad naman na dahil sa bagong bahay na nilipatan namin. Pero kasi ito ay nakakamangha dahil sa matatanaw na overlooking mula rito! "Magugustuhan 'to ng kambal mo!" nakangiti ko siyang nilingon. At ayon na naman ang titig niya. Nakakakaba at nakakapanglambot ng tuhod. Malamlam ang mata n'yang mataman na nakatingin sa 'kin, may kung anonv emosyon na hindi ko mabasa. "Do you think she'll like it?" tanong niya. "Hmm.. Oo naman.." marahan kong sagot at nilibot pa ang paningin sa kwarto. "Do you.. like it, then?" Napataas ang dalawa kong kilay nang balingan siya dahil sa tanong. "H-Ha?" Tinitigan niya pa ako bago umiling at ngumiti, "I'll show you my room.." tinalikuran na niya ako. Napapansin ko ang kakaibang tinatanong niya sa 'kin o sinasabi. Hindi ko alam na may pagka-weird pala si Caen kung minsan. Sinundan ko siyang pumasok sa kwarto niya. Kailangan ko pang ikurap ng ilang beses ang mata ko dahil bigla ay mas dark na kulay ang bumungad sa 'kin. Lahat ng bagay dito sa kwarto niya ay itim at gray! Malaki ang kwarto niya, mas malaki sa kwarto ng kambal niya. May pagka minimalist din ang kwarto niya. Ang ding-ding niya ay kulay black with gray for ourline. His floor was made on marble at kulay gray 'yon. Ang sobrang laking kama niya ay nasa bandang kanan, kulay black ang comforter, bed sheet and pillow cases pero kulay gray ang headboard cushion no'n. Ang kama ay nakaharap sa glass wall na may floor to ceiling na double curtain na kulay white ang una at manipis na kurtina habang makapal ang itim na kurtinang pumapaibabaw doon. Walang masyadong gamit doon, ang mero'n lang ay mini-ref, coffee table, sofa set na kulay black and gray lang din ang kulay. May dalawang pinto doon na tinitiyak kong closet at bathroom nila. Inilibot ko pa ang paningin at napansin mula sa kaliwa ko, may nakasabit na dalawang malaking picture niya, black and gray lang din ang pagkakakuha. Sa larawan ay pareho siyang topless, basa mula buhok hanggang sa magandang katawana niya. Agad kong iniiwas ang paningin doon pero agad tumama 'yon sa maliliit na frames sa maliit na lamesa doon sa gilid. Pictures 'yon ng babies at batang lalaki. Nilapitan ko ang mga 'yon at pinakatitigan ang mga larawan ng mga baby. "That's us.." sabi biya mula sa gilid ko. Napangunot ang noo ko ng pakatitigan ang larawan ng mga baby. Pamilyar ang itsura.. "Come on.. Magluto na tayo.." aniya. Napatango ako at umayos ng tayo. Binalingan ko pa ang picture saglit bago lumabas ng kwarto niya. ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD