Chapter Six

2749 Words
SINIGANG na baboy ang lulutuin namin. Pareho na kaming naka-apron pero siya ay nakapagpalit na ng t-shirt at short. Kahit ano ang suotin niya, mapa-simple man ay talaga ang gwapo niya. Malakas ang dating. Maski siguro gusgusin ang suot niya ay talagang magkakandarapa pa rin sa kanya ng mga babae. Mabuti na lang at napipigilan ko ang pagtulala sa kanya. Sinigang na baboy ang gusto niya. Akala ko ay tutulong siya 'yon pala ay hindi siya marunong magluto no'n. "I want steak earlier but I change my mind.." pagkikibit balikat na aniya. Kaya ngayon ay ako ang naghihiwa ng baboy bagamat nakasuot din siya ng Apron. Nasa tabi ko siya, nakatagilid habang nakapalungbaba akong pinapanood. "Nahiwa ka na ba noon?" tanong niya. Umiling ako, "Hindi. Maingat naman ako tsaka tinuruan ako ni Mama kung pa 'no maghiwa ng maayos.." sagot ko. Hindi na siya nagsalita at pinanood niya lang ako. Bigla ay nailang ako kaya tumigil ako sa paghihiwa at nilingon siya. "Para nay magawa ka, himayin mo 'tong kangkong." utos ko at iniabot ang dalawang tali ng kangkong. Tinaasan niya ako ng kilay, "I don't know how to do that.." aniya. Napanguso ako. Tinanggal ko sa pagkakatali ang isang kangkong at kinuha ang isang tangkay, "Ganito.." at tinuro ko sa kanya kung paano. "Oh.. okay, it's easy.." aniya at ginawa na nga niya. Pero mabilis niyang natapos 'yon at muli siyang pumalungbaba at pinanood muli ako. Mabuti na nga lang at kahit naiilang ako ay nagawa kong mahiwa ang baboy ng hindi nasusugatan. Nagpunta na ako sa electric stove niya at nagsimula na akong magluto ng sinigang. Habang pinapalambot ang baboy ay nagsaing naman ako ng kanin. Ramdam ko ang paninitig ni Caen kaya para hindi mailang ay tinutok ko na lang ang atensyo sa pagluluto para maging masarap ang kalabasan. Habang naghihintay ay nilabas ko ang cellphone ko at nagtext kay Mama. To: Mama; Ma, kasama ko po si Caen. Ilang sandali lang ay nagreply si Mama. From: Mama; Okay. Enjoy. Napatitig pa ako doon sa text ni Mama. Hindi niya tinanong kung bakit— hindi talaga nagtatanong si Mama bg dahilan kung bakit ko kasama si Caen. Tinikman ko na ang sinigang at napangiwi ako dahil sa asim. Perfect! "Can I taste it?" Napatalon ako ng biglang magsalita si Caen. Nasa likod ko siya pero ang mukha niya ay nasa tabi na ng mukha ko at malapit 'yon. Hindi ko siya nilingon dahil alam kong kapag kuningon ako ay tatama ang mukha ko sa kanya. Tumalima ako at sumandok ng sabaw upang matikman niya. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay kong may hawak ng sandok. Pinanood ko na ilapit niya 'yon sa bibig niya habang nakatingin pa rin sa 'kin. Kaya nasaksihan ko ang pangangasim ng mukha niya kaya hindi ko maiwasang matawa. "Ang a-asim.." aniya na ngumunguwi. "Hahahaha.." hindi ko mapigilan ang pagtawa. Nang makabawi siya sa pangangasim ay tinaasan niya ako ng kilay habang may naglalarong ngiti sa labi niya. "Are you making fun of me?" tanong niya. Hindi ko uli mapigilang tumawa. Pero natigil ako ng magseryoso siya bigla and his gaze was now at my lips. "I could kiss you right now, you know?" aniya at tumingin sa mga mata ko, "But I can't.. it's not the right time.." Humiwalay siya sa 'kin at iniwan ako doon sa harap ng stove. Ako naman ay na-estatwa dahil sa sinabi niya. H-He wants to kiss me? Pero hindi raw iyon tamang oras.. Napahawak ako sa pisngi dahil biglang nag-init 'yon. Ni wala pang lalaking nagsabi sa 'kin ng gano'n. Tanging su Caen lang! Nang matapos ay kumuha na ako ng dalawang plato, dalawang baso at mga kurbyertos tsaka ako nagpunta sa dining area niya. Nakita ko siya sa living area niya, basa glass wall at nakatanaw sa tanawin. Panay rin ang buntong hininga niya. Inayod ko na ang plato namin at pagkatapos ay bumalik ako ng kusina upang kumuha naman ng dalawang mangkok para sa sinigang at kanin. Bumalik na ako sa Dining area pero nando'n pa rin siya sa bintana. "K-Kakain na.." tawag pukaw ko sa kanya. Lumapit na siya at doon naupo sa dulo ng lamesa. Bago ako umupo ay pinagsilbihan ko siya. Nilagyan ko ng kanin ang pinggan niya, nilagyan ko ng sabaw ang kanin at mga karne. Nagsalin din ako ng tubig sa baso niya. "Kain ka na.." sabi ko sa kanya. "Can you.. Can you cook and do this more often?" Natigilan ako sa pagsasandok. Seryoso siya nakatingin, may kung anong emosyon sa mata niya na hindi ko malaman. Napamaang ako at hindi nakapagsalita. Gusto niya ba ako laging nandito? Bumubuka ang bibig ko pero walang salitang lumalabas dahil sa gulat. Bahagya siyang natawa at sa pagkain niya tumingin, "You will do this to me, eventually.." mahinang aniya kaya hindi ko 'yon naintindihan. Kumain na kami. Pareho kaming tahimik dalawa pero maya't-maya kami kung magkatitigan. Dahil may kakaibang epekto ang paninitig niya ay ako agad ang umiiwas. "Wow.. This is delicious.." aniya na muling sumandok ng kanin at sinigang. Akala ko ba ay may diet ang mga model? Bakit ngayon iba nasasaksihan ko kay Caen. Nakaisang pinggan lang ako ng kanin habang si Caen ay naka-apat. Gulat ko siyang pinapanood hanggang sa matapos siya. Simot ang kanin na hinanda ko, nilahat ko na kasi ang lagay sa mangkong and kanin na sinaing ko bago kami kumain dalawa. Mangha kong tinignan ang lamesa, "Hindi ko alam na malakas ka pala kumain? Akala ko may diet kayo para ma-maintain ang figure niyo mga model?" "I didn't know that, either.. I just discoveres it today.." ngumiti siya sa 'kin na halos hindi na kita ang mga mata. For some reason natigilan ako sa ngiting 'yon. Malakas na ang dating niya kapag seryoso— ni parang hindi ngumingiti kapag nasa harap ng mga tao. Pero itong nakangiti siya ay kakaiba— parang gagawin ka no'ng itulak pahulog kay Caen. And to think na sa 'kin siya ngumingiti ng gan'to ay nakakataba at nakakawala ng puso. Ngayon ay alam ko ng kung anong nararamdaman ng mga babaeng may gusto sa kanya. Kung ang seryoso niyang mukha ay nagpapalaglag na ng puso ng mga kababaihan, what more kapag ang makita siyang nakangiti? And now, I admit it.. nagugustuhan ko na siya.. Sa isiping ako lang nakakakita no'n ay parang gusto ko ng ipagmalaki 'yon. Nagprisenta akong mag-aayos at maghubugas pero agad niya akong pinigilan. "You're already cooked for our lunch... Let me do these simple tasks, okay?" aniya at nag-umpisa ng ayusin ang pinagkaininan namin. Agad naman akong pumunta ng kitchen niya para kunin ang pamunas ng lamesa. Pagkabalik ay maayos na niyang nasalansan ang mga pinagkainan namin at nagulat ako doon. Pupunasan ko na sana ng lamesa pero pinigilan niya ako. "Ako na rin.." nilayo niya ako sa lamesa, "Ang gawin mo na lang ay panoorin mo ako." Pinanood kong linisin niya ng lamesa. Maayos ang pagkakamunas niya, pantay. Hanggang sa nagpunta na siya sa kunsina para maghugas. Sumandal ako sa counter top at pinanood siya. Hindi ko maiwasang mangiti habang pinapanood s'yang maghugas ng pinggan. Nakaharap siya sa 'kin at kitang-kita ko kung ga'no siya kaseryoso. Bigla ay hindi ko maiwasang maglakbay ang isip ko. Na pa'no kung ganito kaming dalawa, magkasama na. Ipinilig ko ang ulo ko para nawala 'yon sa isip. Lumapit na ako sa kanya ng matapos siya magbanlaw ay inilagay niya na sa patuluan ang mga plato. Kinuha ko ang basahan sa gilid at tumabi sa kanya upang punasan ang mga hinugasan niya. "So.. mag-o-over night si Xylene sa inyo?" tanong niya. Nakatagilid na siya paharap sa 'kin, ang bewang niya ang nakasandal sa lababo. Ngumiti ako, "Oo." Tumango siya pero hindi na sumagot kaya pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa. Nagtagal pa ako ako doon. Ginawa ko ang homeworks ko habang siya ay busy sa Macbook niya. Mga hapon ay napagpasyahan ko ng umuwi at nagpresenta naman siyang ihatid ako. "What... What did you and your mom do every weekends?" kapagkuwan ay tanong niya habang nasa byahe. Nilingon ko siya. Tutok anv seryoso niyang mata sa daan. "Hmm.. Actually, no'ng nasa province pa kami every saturday ng hapon nagpupunta kami ng plaze para kumain ng kwek-kwek." natatawa kong kwento. "Gano'n lang?" tanong niya. "Hmmm.." tumango ako at ngumiti, "Simple lang pero masaya naman kahit papa'no." sabi ko. Hindi siya sumagot. Kaya niya siguro tinanong ay dahil hindi niya nakagisnan ang Mama niya. "Hmmm.. Kayo ng Papa mo?" tanong ko. "He's always busy.. but he manage to take me out at least twice a month when I was still a kid.." saad niya, "But when I reach my teenage year, doon ko nalaman kung nasa'n ang Mom and Twin sister ko at doon ako naging busy, nawalan ako ng time kay Dad." bahagya pa s'yang natawa kaya napangiti ako. At least hindi kagaya ng Dad niya ang ibang tatay na mayayaman na nawalan na ng time sa anak. Nakarating kami sa Village namin. Malapit na sa bahay ay naaninag ko si Mama sa labas parang naghihitay. "D'yan mo na lang ako iparada.." turo ko sa isang tabi, limang bahay ang pagitan bago ang amin. Pero hindi siya nakinig, sa makatuwid nga'y doon mismo sa harap ni Mama niya inihinto 'yon. Nanlalaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. Dali-dali ko naman tinanggal ang seatbelt mo bago lumabas. "Ma!" tawag ko. Lumapit ako kay Mama para magmano. Si Mama ay nakangiti habang nakatingin sa kotse. "T-Tara na po sa loob—" aya ko kay Mama pero natigilan nang patayin ni Caen ang makina ng kotse niya at lumabas. Naestatwa ako sa kinatatayuan. Tinignan ko si Mama na nakangiting nakatingin kay Caen. "Good Afternoon po.." magalang na bati ni Caen at nagulat ako ng magmano rin siya kay Mama. "Magluluto ako ng hapunan, dito kana kumain, Hijo.." nakangiting anang ni Mama. Ngumiti rin si Caen, 'yong ngiti na hindi na kita ang mata at halatang masaya. "Sure po!" aniya. Pinanood ko lang sila. Nagtataka ako. Iba kasi ang saya ni Caen. Binalingan ako ni Mama, "Nand'yan na si Xylene and Xanjo.." Napa-Oh ako at tumango. Binalingan ko naman si Caen na ngayon ay may tipid na ngiti sa labi. Nang makitang nakatingin ako ay tinaasan niya ako ng kilay. Pshh. Ang sungit na naman. Nasa sala namin ang magkapatid nang makapasok kami. Napansin ko ang mata ni Xylene na salit-salitan ang paninitig sa 'ming tatlo at parang gulat ito. "Kanina pa kayo dito?" tanong ko. "Almost one hour na kami dito.." sagot ni Xanjo. Tumango ako at muling tinignan si Xylene na parang gulat pa rin. Nakit ko ang bahagyang pagsiko sa kanya ng kapatid at doon siya parang bumalik sa ulirat. Bigla ay lumapad ang ngiti niya, nawala ang kakaibang ekspresyon sa mukha niya. "Excited na ako magpuyat!" aniya. Inaya ko na siya sa kwarto para pareho kaming makapagpalit ng pangbahay. Lumabas na kami. Naabutan namin na sine-set ni Xanjo ang Playstation, wala doon si Caen. "Kuya, laro tayo!" anang ni Xylene at pumunta na doo sa Sala namin. May narinig akong mga boses sa kusina kaya doon ako nagtungo. "...we cooked sinigang.." anang ni Caen na nakaupo sa stool sa counter top namin habang nakapalung-baba at nakatingin sa hinihiwa ni Mama. "We?" natatawang tanong ni Mama sa ka kanya, "Parang may mali.." "We cooked po talaga." Pinanood ko sila. Parang kung mag-usap sila ay parang matagal na silang magkakilala. "I'm sure si Caie lang ang nagluto.." nakangiting anang ni Mama. "I help her." "Oh? Saan naman?" "I remove kangkong from it's—" "That's not even cooking, 'nak." natawa si Mama habang si Caen ay napabusangot. Napamaang ako. Kakaiba kasi ang dating no'n sa 'kin. Para bang normal at parang kung mag-usap sila ay matagal ng magkakilala, idagdag pa ang kung pa'no tawaging 'Nak' si Caen. Iba kasi ang paraan ng pagtawag na 'Nak ni mama sa iba at sa 'kin. Ang Caen ay iba rin, kagaya ng paraan na pagtawag sa 'kin ni Mama. Bigla ay may humaplos sa puso ko. Sa kaisipang kinukonsidera ni Mama na anak niya rin si Caen ay talagang nagpataba sa puso ko at nagbigay ng kakaibamg pakiramdam sa 'kin. "'Ma, tulungan na kita?" pukaw ko. Pareho nila akong nilingon, si Mama at tumango at ngumiti habang si Caen ay ngumuso lang. Menudo ang lulutuin namin ni Mama. Ako na ang naghiwa ng karne, si Mama naman ang iba pang kailangan habang si Caen ay nakapalungbabang pinapanood kami. Nag-angat ako ng paningin sa kan'ya at naabutang pinapanood uli ako kagaya kanina. Nilingon ko pa si Mama pero busy siya sa ginagawa. Muli kong siyang nilingon. Kaya nagkatitigan kaming dalawa, itinagilid niya ang ulo at nakakagat ang labing ngumisi sa 'kin. Pinamulahanan ako at agad kong nabawi ang paningin. Natapos ang niluluto namin ng pumunta si Xylene sa kusina. "Wow.. Happy family.." aniya at bumingisngis. Nanlaki naman ang mata ko sa bigla niyang pangangasar. Susuwayin ko sana kaso nagsalita na si Caen. "You should shut your mouth.." buryong sabi ni Caen. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Mama habang si Xylene ay natatawang napatakip sa bibig. "Oops.. sowry!" aniya. Tumulong siyang mag-ayos ng dining table. Siya ang nag-ayos ng mga pinggan at kurbyertos, maging ang mga baso ay siya na rin naglagay. Nagpray muna bago kami nag-umpisang kumain. Syempre si Mama, hindi mawawala ang kumustahan, "Kumusta naman ang araw niyo?" nakangiting tanong sa 'min ni Mama. "Ayos naman po, Tita, hindi pa naman ngarag." sagot ni Xylene. "Hmm.. That's good." nakangiting si Mama bago bumaling kay Caen, "Ikaw, 'Nak?" Ayan na naman si Mama sa 'Nak niya. Kakaiba talaga 'yon. Nang sabihin niya 'yon ay puno ng lambing o something. "Busy. School and my modeling.." sagot niya, "Nakapasok sa school kanina." Pinood ko lang si Mama at Caen. May onting ngiti si Mama na parang proud pa. Nang matapos ay nagpresenta ako na ako na maghuhugas pero tinanggihan na ni Mama at siya na raw ang gagawa. "Uuwi na rin po kami, Tita.." anang ni Xanjo. "Ihatid ko na kayo sa labas—" "Ah. Hindi na po, Tita.. Sina Xylene na lang po." tanggi ni Xanjo kay Mama. "Oh. Okay. Ingat kayo, ah?" anang ni Mama. Lumabas na kaming lahat. Ang kotse ni Xanjo ay nasa harap lang din pala nakaparada. "Papasundo ka ba?" kunot noong tanong ni Xanjo sa kapatid. "Oo, Kuya." tumango-tango pa si Xylene. "Hmm. I-Text mo na lang ako." hinaplos ni Xanjo ang buhok ni Xylene, "And call mom later, alam mo namang hindi sanay na nawawalay ka do'n.." nakangiwing sabi pa niya. "Okay, Kuya. Ingat ka!" Tumingkayad pa si Xylene para mahalikan sa pisngi si Xanjo at si Xanjo naman ay hinalikan ang ulo niya. Hindi ko maiwasang mangiti habang pinagmamasdan sila. Bihira lang ang ganitong magkakapatid, pinapakita kung gaano sila ka-caring sa kapatid. Bigla ay nainggit ako. Wala akong kapatid, kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong may Kuya para at least may nagtatanggol sa 'kin. "Bro, tara na." aya ni Xanjo kay Caen na nakasandal sa sarili niyang kotse. "Mauna ka na.." aniya. Tumango si Xanjo bago pumasok sa kotse, bumusina muna siya bago umalis. "Pasok na ako. I will help Tita nalang." Pumasok na si Xylene sa loob. Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Caen na ngayon ay pinapanood na naman ako. "I-Ingat ka sa pag-uwi and thank you sa paghatid kanina.." sabi ko. Nakatitig lang siya, seryoso, "Where's my kiss?" kapag kuwan ay tanong niya. Napatanga naman ako, "Huh?" Tinuro niya ang kaliwang pisngi, "My kiss.." aniya. Napanganga naman ako. Hindi nakasagot. "Kiss, Caiella.." Halos mangilabot ako sa paraan niya ng pagbanggit sa pangalan. Para itong malambing na hindi ko maintindihan. Napalunok ako at luminga-linga. Wala ng kaanong tao banda sa 'min. Kung mayro'n man ay iilan lang at hindi pa kamk binibigyan ng pansin. Tinignan ko muli siya na nag-aabang habang may naglalarong ngisi sa labi. Huminga muna ako ng malalim bago ilapit ang mukha sa pisngi niya. Nang malapit ng lumapat ang labi ko sa pisngi niya ay may ginawa siyang ikinagulat ko. Humarap siya bigla at imbis na ang pisngi niya ang mahalikan ko, ang labi namin ang parehong naglapat. Pero mas nagulat ko ng bahagya niyang igalaw ang labi niya at marahang kagatin ang labi ko bago siya lumayo at ngumiti sa 'kin. Napamaang ako dahil sa nangyari. Hindi ako naka-react, hindi ako ako nakapagsalita. "Well, Good night.." aniya at siya na ang humalik sa pisngi ko bago siya sumakay sa kotse niya at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD