LUTANG AKO NANG makapasok sa bakuran namin. Napasandal ako sa gate at hinawakan ang labi ko na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang labi ni Caen doon.
Alam kong pulang-pula na ako ngayon kaya minabuti ko munang manatilidito sa labas upang pakalmahin ang damdamin.
Ano itong kakaibang dulot mo sa 'kin, Caen?
Ni wala pa akong karanasan sa lalaki. Hindi ko alam kung pra saan 'yong ginawa n'yang 'yon.
G-Gusto ba niya ako?
Napatanong ako sa isip. Bigla ay sumagi sa isip ko ang isa sa mga kaibigan ko. Hinalikan siya bigla ng isa naming schoolmate noon at ayon pala ay dahil gusto siya nito.
Gano'n din ba ang mga taga rito sa syudad?
Huminga muna ako ng malalim at piniling pakalmahin ang sarili bago pumasok sa loob ng bahay.
Hindi ko naabutan doon si Xylene. Sumilip pa ako sa kusina pero si Mama ko lang ang nakita doon kaya agad na akong natungo sa kwarto ko.
Naabutan kong inilalalabas ni Xylene ang pangtulog niya. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin.
"Natagalan ka ata ihatid si Caen?" tanong niya.
Wala naman laman 'yong tanong niyang 'yon pero agad akong pinamulahanan. Hindi ko na iku'kwento kay Xylene ang ginawang paghalik sa 'kin ni Caen. Napaiwas ako ng tingin.
"A-Ahh.. U-Umalis din siya agad.. Nagpahangin pa kasi ako sa garden kaya natagalan ako.." sabi ko.
Pareho na kaming nakaligo at nakapangtulog. Balak namin na manood ng series dito sa kwarto ko. Si Mama ay tinutulungan kaming maghanda ng pang-snacks namin.
Habang inaayos ko ang mga unan namin sa kama ay humiga si Xy at tinitigan ako, "Alam mo, ngayon ko lang napansin na bagay pala kayong magkambal ni Caen." nakangising aniya.
Nagugulat naman akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung sinabi niya na noon na bagay kami ni Caen pero ngayon ay bagay naman kaming magkabal dalawa.
Peke akong natawa, "A-Ahh.. H-Hehe.."
"Hmm.. Ano feeling ng only child?" kapagkuwan ay tanong niya.
"Okay naman. Masaya. Pero kasi feeling ko mas masayang may kapatid..." ngumiti ako, "Mga kaibigan ko sa probinsya ay kundi tatlo ay higit pa silang magkakapatid, ako lang ang walang kapatid sa magkakaibigan.."
Dati ay naririnig ko sa mga kalaro ko noon na hinihiling nila na magkaroon pa sila ng kapatid— hindi ko nagawa 'yon kay Mama dahil imposible 'yon.
"What if.. mero'n ka palang kapatid? Let say, Kuya.. What will you feel?"
Ntigil ako sa ginagawa at napaisip, "Like, kapatid sa ama?"
"Like, kapatid na buo mo pala.." aniya.
Napatitig ako kay Xyleen kasi halata ang pagiging seryoso niya sa tanong niyang 'yon. Muli ay napaisip ako.
Imposible naman siguro na may kapatid pa akong buo— same Mom and Dad tapos hindi namin kasama?
But it's just an example lang naman, eh..
"Magugulat siguro kasi all this time I thought that I am just an only child pero.. at the smae time ay matutuwa kasi 'di ba, masaya ang may kapatid ka. May nasasabihan ka ng problema, may nagsusuway sa 'yo, may mag-aalaga kapag wala ang parents nito at higit sa lahat may nagmamahal sa 'yo bukod sa magulang mo.." ngumiti ako, "Nakikita ko 'yan sa inyo ni Xanjo, kahit naman na pinapagalitan ka no'n ay mas lamang ang care niya sa 'yo.."
Tumango siya at ngumiti, "Si Kuya malakas din mangasar. Noong bata kami hanggang ngayon kapag napipikon ako at hindi ko s'ya pinapansin ay binibilan niya ako ng pagkain na gusto ko.."
Bigla ay nainggit ako. HIndi dahil may nanglilibre sa kanyang kapatid, dahil sa nakikita kong magandang relasyon niya sa Kuya niya. Sana talaga ay may kapatid ako, mapa-Ate, Kuya o mas bata sa 'kin na makaka-bonding ko.
"Si Caen, Actually... nakita na niya ang kapatid niya— matagal na niyang nakita.." ani Xylene. Muling nanumbalik ang kakaibang ekspresyon ng mukha niya, hindi ko matukoy 'yon.
Napatango ako. Naalala ko ang sinabi sa 'kin kanina na no'ng 13 years old pa lang siya ay nahanap na niya ang Mama at kapatid niya.
"S-Sinabi nga niya sa 'kin 'yon.." sabi ko, napakamot ako ng ulo, "Actually, pinakita niya sa 'kin ang room ng twin sister niya the he asked me if I like it. Hinihingi niya siguro ang opinyon ko."
Namilog ang mata ni Xylene pero nababakas ang galak sa mukha, "Really? What did you said, then? Do you like it?" tanong niya.
Napangunot ng bahagya ang noo ko dahil sa pagkakatanong niya, para bang sa 'kin mismo ang kwartong 'yon.
"Sa opinyon ko, maganda 'yong room. Magugustuhan ng kapatid niya.."
"But did you like it personally?"
Napatitig ako sa kay Xylene. May kakaiba sa ekspresyon niya at kislap ng mga mata.
Mukhang nahalata niya ang pagtataka ko kaya naitikom niya ang bibig at inabala na lang din sa pag-aayos ng hihigaan naming dalawa.
Oras na nga ng panonood naming dalawa. Panay kain kami habang nanonood at naka-apat na movie lang kami ng antokin si Xylene. Natatawa kong nilingon siya na tulog na tulog na pala at humihilik na. Parang kanina pa siya nakatulog ng hindi ko napapansin.
Alas-tres y media na ng madaling araw at tulog na si Mama ng masilip ko siya sa kwarto niya matapos kong iligpit ang mga pinagkainan namin ni Xy.
Nagtungo na ako sa banyo ng kwarto ko upang magtoothbrush ng maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa ng pang-itaas na pajama ko.
kinuha ko 'yon at halos magkabuhol ang kalooban ko ng makita ang pangalan ni Caen sa screen ng cellphone ko.
"I can't sleep.. It's forbidden but i can't get out of my mind how soft your lips are."
Nahigit ko ang hininga nang mabasa 'yon.
Bigla ay naalala ko ang paghali niya sa 'kin kanina. it's my first kiss. Hindi ako makapaniwalang isang Caen Zaffiero ang makakauna sa labi ko.
Nagtipa ako ng reply, "Itulog mo na yan. gnight :)"
Tinapos ko ang pagsisipilyo at nahiga na sa tabi ni Xylene. Kinh=uha ko ang cellphone sa bulsa at ilalagay na sana sa side table ng muli ay mag-vibrate iyon.
"How can I sleep kung sa tuwing ipipikit ko ang mata ko ay mukha mo nakikita ko? It;s not right. Naglalaro na talaga ako ng nagniningas na apoy.."
Napatitig ako sa hulihan ng kanyang mensahe. Napuno ako ng pagtataka dahil doon.
Napapansin ko na talagang may kakaiba sa mga sinasabi ni Caen. Dahil ba sinabi niya 'yan ay dahil isa siyang sikat at kilala dapat ay hindi siya sa kagaya ko siya gan'to?
Baka nga ay gano'n. Sino ba naman ako? Kaibigan ng kapatid ng kanyang bestfriend. Wala at hindi pansinin pero ito nga't napansin niya.
He always say forbidden, mas nakadagdag 'yon sa dapat na hindi kami pwede dahil sikat siya at ako ay isang ordinaryong estudyante. He should be with a girl like him.
Hindi ako nakapag-reply sa kanya dahil nasakop ng text niyang 'yon ang utal=k ko at nakatulugan 'yon.
Pareho kaming tinanghali ng gising ni Xy— as in 12 noon kami nagising dalawa.
"Good Noon!" Masiglang bati ni Xy habang nagse-cellphone. Halata ang bagong gising.
"Good Noon.." Natatawang bati ko.
Hindi talaga nauubusan ng energy si Xylene.
"Kakasilip lang ni Tita kanina, sabi niya ay nakapagluto na siya ng pangtanhalian.." Aniya.
Pareho na kami tumayo at tinulungan niya ako mag-ayos ng higaan.
"Hindi ako nag-aayos ng higaan ko.." Aniya habang maingat na sinasalansan ang mga unan, "We have maids to do that.."
"Oh? Kahit wala kang pasok?" tanong ko.
"Hmm-hmm.." tumango siya, "Kahit baba ako may nakaabang na maid agad para maglinis ng room ko pero saglit lang naman 'yon maayos kasi minsan tamad akong lumabas kaya sa kwarto lang ako nag-e-e-stay.."
Nagpaturo siya kung paano mag-ayos. Since hindi ko na need itupi ang comforter, aayusin lanag 'yon at ita-tuck sa ilalim ng kutsyon kaya tinuro ko na lang sa kanya pa'no ang maayos nabedding.
"Try ko nga 'yan!" Aniya nang maituro ko na.
"May ibva pang mga style and you can watch it on Internet naman." sab ko pa.
Siya na ang una ko pinagbanyo at matapos niya mag-ayos ay ako naman ang sumunod. Naghilamos, tootbrush at nagpalit ako ng pangbahay na damit.
Sanay ako sa sleeveless t-shirt at jersey short ang suot kapag nasa bahay.Iyong jersey shorts ko ay hanggang tuhod at 'yon pa 'yong nakuha kong uniform pang badminton na halos karamihan ay no'ng grade 5 hanggang sa nagcollege pa ako sa probinsya. Luma pero kasya pa sa 'kin.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakasuot si Xtylene ng above the knee na strap floral dress na kulay yellow 'yon. Parang may lakad.
Nagulat pa siya nang makita ako, "Oh?" aniya at tumingin sa suot ko.
Hindi naman nakaka-insulto ang pagtingin niya sa 'kin. Natawa ako sa gulat niyang itsura.
"Ganito ako kapag sa bahay lang.." sabi ko.
Napamaang siya at napatingin sa suot niya na parang nahiya pa, "So all this time, I over-dress na pala?"
"Ha? Bakit namabn?" taka kong tanong.
"This is how we dress kapag nasa bahay lang. Nakapang-alis na suot pero hindi 'to pang-alis.."
Ako naman ay napanganga. Grabe! Ganito talaga siguro kapag mayayaman.
Sabay na kaming lumabas peronatigilan ako ng makarinig ng ingay sa living room namin. Mga bose lalaki!
Nagkatinginan kami ni Xylene na nagkibit balikat at sabay kami nagtungo ng sala.
Napamaang ako ng makita ang tatlong lalaki. Agad na nilapitan ni Xylene ang kapatid at hinalikan 'to sa pisngi na kahit na naglalaro ay nagawang balingan si Xylene at halikan 'to sa buhok. Si Macoy naman ay nag-angat ng tingin at binati kami.
"Good Noo, girls.." aniya.
Pero ang mata ko ay agad mna hinanap si Caen na ngayon ay nakabaling ang paningin sa 'kin. Walang mababasang emosyon ang mukha, para pa ngang buryo siya, eh.
"i invited them."
Nilingon ko si Mama na kakalabas lang ng kwarto niya at posturang-postura ang suot. She's wearing an ankle length brown velvet dresss. May manipis na strap at malalim na dibdib. Pinaresan niya 'yon ng hindi kataasang stelletos na kulay krema. Paalon ang pagkakalugay ng buhok ni Mama at simpleng make-up lang ang nasa mukha niya.
"Ma, saan ka pupunta?" takang tanong ko.
"Ahh.." napalunok ng mariin si Mama at naglumikot ang mata niya, "M-May lakad lang.."
Nangunot ang noo ko. Lakad lang? Bakit sobrang postura naman?
"Saan po?" tanong ko pa.
Bumuka lang bibig ni Mama pero hindi sumagot.
"She have a date.." anangh bigla ni Caen kaya nilingon ko siya.
Buryo ang itsura niya. Walang mababasang emosyon sa gwapo niyang mukha.
"Ha?"
Bumuntong hininga pa si Caen bago tumayo at namulsa, "That's why we're here para may makasamakayo kasi aalis siya.."
Napaang pa ako kay Caen. Ang pananalita niya kasi ay parang normal na.. Parang kung makipag-usap siya kay Mama ay matagal na niya 'tong kilala.
Or maybe he's confident at hindi siya mahiyain.. that's why..
Tumingin naman ako kay Mama upang kunpirmahin 'yon at tumango naman siya.
Kaya siguro alam ni Caen dahil sinabi ni Mama ang rason kung bakit kailangan namin ng mga kasama.
Bigla ay may malakas nabumusina sa labas.
"A--Ahh.. N-Nand'yan na sundo ko.." Taranta at parang balisang anang nio Mama.
Siguro ang ka-date ni Mama ay 'yong nakita ko noon? Naka-kotse 'yon, eh.
"hatid na kita, Mama.." sabi ko at hinawakan na si Mama sa braso niya para alalayan.
"H-Ha?" nawiwindang at parang tarantang tanong pa niya.
"Hatid na kita sa gate.." sabi ko, "And to know the man na makakasama mo po.."
"H-Hindi na, 'Nak—"
Naputol ang sasabihin ni Mama ng magsalita si Caen.
"Ihatid natin sa gate." aniya at naglakad na sa kanan ni Mama, kagaya nang ginawa ko ay hinawaka niya rin si mama sa braso.
May parang humaplos sa puso ko sa nasaksihan. Hindi ko alam kung ano ibig sabihin no'n. May kakaiba rin akong pakiramdam na nararamdaman.
Binalingan s'ya ni Mama, "Hindi na Caen, 'Nak—"
"She need to see him.." nakakunot ang noong aniya habang nakatitig kay Mama.
Dahil nakapaling ang ulo ni Mama sa kanya ay hindi ko makita kung anong reaksyon ng nanay ko.
Tinignan ko uli si Caen. Kakaiba talaga kung magsalita siya kay Mama. Hindi basto, nandoon ang paggalang pero parang matagal na nila kilala ang isa't-isa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Mama bago tumango.
"Ito na. Hihi.." Sabi pa ni Xylene pero hindi ko na pinansin pa,
At kagaya nga ng napag-usapan ay hinatid namin si Mama sa gate. Si Caen na ang nagbukas no'n at inalalayan niya si Mama na humakbang doon sa harang sa ibaba ng gate namin.
Tumambad sa 'kin ang itim na kotse. Ang kotse na nakita kong naghatid kay Mama noon. Pero, mas nakuha ng atensyon ko ang lalaking nakatalikod sa gawi namin.
Nang siguro ay marinig kami ay humarap na siya sa 'min. Agad kong pinagmasdan ang ginong na bagamat may edad na ay hindi pagkakailaang angking gandang lalaki nito. Matangkad 'to at may malaking pangangatawan. Hindi nalalayo ang edad kay Mama.
May pagka-brown ang buhok n'ya na naka-slicked back. Brown din ang kulay ng kanyang collarless polo shirt na ang sleeves ay hanggang siko lang, naka-tucked 'yon sa maong pants nito at nakasuot siya ng brown leather shoes. Simple pero malakas ang dating.
Maybe that's why nagustuhan siya ni Mama?
But odly familiar..
Isinawalang isip ko nalang 'yon at pinakatitigan na lang siya.
Nakangiti siya kay Mama at bumaling kay Caen. Nangunot pa ng bahagya ang noo ng ginong pero parang gulat na gulat 'tong napabaling sa 'kin.
Napaang siya. Nakita ko pang nanginang ang mata nito sa hindi ko malaman na dahilan at may nakikita rin akong emosyon na hindi ko mabasa.
Nagtatakang nilingon ko sila Mama. Nakatikom ang bibig niya at hindi ko mawari ang reaksyon habang si Caen naman ay nakapamulsa at prenteng nakatayo, walang emosyon ang mukha.
"S-S'ya... S-S'ya na ba 'to?" may kung ano sa tinig at ekspresyon ng ginong na hindi ko maintindihan. Nangunot ang noo ko.
Bumuntong hininga si Mama, "Y-Yes.."
Naitikom ng ginong ang bibig na parang maty naalala.
Baka dahil gan'on ang naging reaksyon niya dahil naiku-kwento na ako ng Mama ko sa kanya?
"What's your name, Hija?" mahinahon at nakangiting tanong ng ginong sa 'kin.
"I'm Caiella Reign po.." sagot ko.
He genuinely smiled at me, 'yong ngiti niya ay halos maningkit na ang mata niya, "That's a lovely name... Larra.."
Binalingan niya si Mama na may kung ano sa tono nito. Si Mama naman ay matamis na ngumiti at tumango.
Muli ay binalingan ako nito na gano'n pa rin ang ekspreyon, "I'm Ronnrick but you can call me Papa."
Gulantang naman akong napatitigb sa kanya, "P-Po?"
Bigla ay nawala ang pagkakangiti nito atnapatakip sa bibig. Natawa naman ako ng bahagya.
Tumikhim naman siya, "I-I mean.. k-kung gusto mo lang naman.. he..he.."
"Ehem!" bigla ay malakas na tikhim ni Caen kaya napabaling kami sa kanya. May ngiwi na siya sa labi.
"Right.. We have to go.." anang ng ginong.
Nagpaalam na sila sa 'min. Pinanood ko pang alalayan niya si Mama at ang pag-alis ng kotse niya.
"Actually, Nakita ko na noon pa na may tumatawag kay Mama na Ronnrick.. Siguro ay siya 'yon." sabi ko at binalingan si Caen na ngayon ay mataman na nakatingin sa 'kin.
"You will know the truth soon.. I don't want that too happen but I can risk their happiness for my own happiness.." Nababakas ang lungkot sa boses n'ya pero hindi sa kanyang mukha.
"H-Ha?" taka kong tanong.
At naguluhan ako sa kanyang sinabi. Hindi ko ma-gets dahil mahina ang pagkakasabi niya no'n at tangi ang own happiness lang ang naitindihan ko.
Umiwas siya ng tingin, "Let's go inside.. Nagugutom na ako.." aniya at naunang pumasok.
Nakanguso ko siyang pinagmasdan siya. Pa-weird ns ng Pa-weird ang sinasabi niya.
Napapailing akong sumunod na lang papasok.