Chapter Eight

2185 Words
PAGKABALIK SA LOOB ng bahay ay hindi ko naabutan ang apat sa sala pero agad akong nagtungo sa kusina dahil nakarinig ako ng ingay mula roon. Sa bungad ay agad kong nakita ang tatlong lalaki na naghahanda ng pinanghalian. Si Caen ay inaayos ang mga pinggan at utensils habang si Makoy ay nagsasandok ng kanin at ulam, at si Xanjo naman ay kumukuha ng mga baso at inumin namin habang si Xylene ay nakaupo na at hinihintay mai-serve ang pagkain. "Nakakahiya naman sa inyo at kayp pa ang naghanda.." sabi ko. Ngumiti sa'kin si Makoy, "It's okay. Mas nakakahiya naman kung hindi kami kikilos, 'di ba?" aniya at kinindatan ako. "Tss.. Don't wink at here, bro." bugnot na turan ni Caen. Tumawa lang ang tatlo habang ako naman ay namula at parang kinilig dahil doon sa sinabi niya. Umupo na sila. Si Caen ang nasa pinaka puno at ako ay ang nasa kanan niya habang si Xanjo ang nasa kaliwa. Si Caen ang unang nakakuha ng kanin, nikagyan niya ng saktong dami ng kanin ang kanyang plato. Nagulat ko ng pagsandukan niya rin ako. Pinanood ko ang mukha n'ya, wala 'tong mababakas na emosyon habang sinasandukan niya rin ako ng ulam. "Eat.." mariin at istriktong aniya. Inutos niya 'yon na parang siya ang nakakatandang kapatid. Napanguso ako at sinunod nalang siya. Hindi naging tahimik ang lamesa dahil sa tatlo na nagku'kwento ng mga naging kalokohan nila. Tawa naman ako nang tawa habang si Caen ay napapailing pero may konting ngiti sa labi. Nang matapos kumain, ang mga lalaki pa rin ang nagligpit ng mga pinagkainan, nagpunas ng lamesa at nagwalis ng sahig. Kami na sana ni Xylene ang maghuhugas pero sila pa rin ang namilit— well, except kay Caen na umalma. "What?" gulat niyang tanong, "You guys wash the dishes, then. Huwag niyo ako idamay.." aniya at akmang maglalakad nang pigilan ni Makoy. "Damay-damay na 'to, Brad!" natatawang anang niya at binalingan kami ni Xylene, "Pumunta na kayo sa living room." Agad naman akong hinatak paalis ni Xy sa kusina pero makalabas ay nakita ko pang nakatingin sa 'kin si Caen na nanghihingi ng tulong. Natawa na lang ako. Cute! Ang plano namin ay maglaro muna ng Play Station bago manood ng movies. Hinanda na namin ni Xylene ang apat na controller para sa paglalaro namin. Ang ganda dito sa bahay dahil kompleto kagaya na lang nitong lalaruin namin. Maraming pagpipilian na laro. Nasubukan na namin ni Mama maglaro rito kapag weekends. Ilang minuto lang ay lumabas na ang tatlo. Ang dalawa ay pawang nakangiti habang si Caen ay busangot. Nang makita niya akong pinagmnamasdan siya ay mas lalong nangunot ang kanyang noo. Nakaupo ako sa mahabang sofa namin habang si Xylene ay nasa single sofa nakaupo, sa kaliwa ko. Nagsipag-upo na sina Xanjo na umupo sa isang single sofa sa kaharap na upuan ni Xylene. Si Makoy ay sa dulo ng mahabang sofa naka-upo at naiwan ang gitnang bahagi at doon naupo si Caen na hindi inaalis ang paningin sa 'kin. "B-Bakit ka nakasimagot?" mariin akong napalunok matapos ko 'yon sa mahinang boses. Umiling siya, "May naalala lang ako.." hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig sa 'kin. Naiilang ako sa kakaibang paraan ng paninitig niya. Bagamat na kasimangot ay hindi naman siya mukhang galit. Parang ay normal na sa kanya 'yong gano'ng ekspresyon ng mukha. Nilingon ko ang tatlo kung pinapanood ba nila kaming dalawa pero nakahinga ako ng maluwag nang makitang busy silang nagtatalo sa kung anong magandang laruing una. "This is hard.." aniya sa mahinang boses. Muli ay binaling ko sa kanya ang paningin ko. Nababakas sa mukha niya ang nahihirapan sa kung saan. Nagtaka naman ako. Bumuntong hininga pa siya, "It's hard to pretend that I don't have any feelings for you.. I need to show them what truly you are to me.." Mahina niyang sinabi 'yon pero ang tanging bnadang gitna lang ang hindi ko naintindihan. Napakunot na ng tuluyan ang noo ko sa pagtataka dahil sa huli niyang sinabi. N-Nagpapanggap lang ba siya na nakikipagkaibigan sa 'kin? Napamaang ako dahil doo. Parang tinusok ng milyong karayom ang puso ko. Nakipagkaibigan lang ba siya dahil kaibigan ako ni Xylene na kapatid ng bestfriend niya? O nag-assume ako na magkaibigan na kami? "H-Hindi mo naman na dapat magpangggap na makipagkaibigan sa 'kin dahil lang kaibigan ako ni Xylene.." Pinilit kong lunukin ang bara na namuo sa lalamunan ko. Parang gusto kong umiyak. Nanghinayang at nasaktan ako dahil doon. Oo nga naman, sino ba makikipagkaibigan sa 'kin? Probinsyana ako at hindi mayaman, hindi ka-level ng estado ng mga taong nakakasalamuha niya. Namasa ang mata ko kaya pumikit-pikit ako para mawala 'yon. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya dahil sa tanong ko at dahil na rin sa naluluha ko ng mga mata. Agad niyang hinawakan ang kamay ko. Tumayo siya at hinatak ako. Narinig ko pa ang pagtanong ni Xylene. "Saan kayo pupunt?" Normal ang pagkakatanong niya, walang mababakas na pagtataka at pang-ngangasar. Hindi kami parehong sumagot ni Csen na hinatak lang ako papunta sa kwarto ko. Pagkapasok ay agad n'yang ini-lock ang pinto ng kwarto. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Sa maikling panahon ng pagkakakilala namin ay tinuring ko na siyang kaibigan at syempre ay higit pa doon ang pagtingin ko sa kanya. Tapos siya, nagpapanggap lang siya ng ayos lang na nasa paligid lang ako pero it turns out na hindi pala talaga. Marahan niya akong iniupo sa isang cushion chaior na nasa paanan ng kama ko. "s**t!" mura niya nang makita na niyia ang basa kong mukha. Bakit kakaiba ang epekto no'n sa 'kin at naiyak pa ako? "Shhh.." He cupped my face using his two hands. Nakaluhod siya sa harap ko at marahan niyang iniangat ang mukha ko para makita niya. Nag-aalala ang mukha niya. "D-Dapat sinabi mo.. s-sinabi mo nalang kay Xylene na hindi dapat ako—" "That's not what I meant, okay?" aniya habang marahang pinupunasan ang pisngi ko gamit ang kanyang hinlalaki, "What I mean is dapat ipakita ko sa kanila kung ano ka ba sa 'kin.." nangunot ang noo niya, "Wala ako sa posisyon sabihin 'to at ayaw kong sabihin 'to. I don't want to end this, Caiella, I like this feeling that you don't know anything about me.." "But I know, sandali na lang 'to. HIndi ako makasarili para unahin lang ang sarili ko.." anang. Tumigil na ang mga luha ko at nakamaang na lang na nakatingin sa gwapong mukha ni Caen na ngayon ay halo-halo ang emosyon. Ako naman ay nalilito at nagtataka. Wala akong halos naintindihan sa kanyang mga sinabi. Muli s'yang bumuntong hininga, "Maiintidihan mo rin mga sinabi ko.." Yon ang laman ng isip ko nang lumabas kami at naglaro. Hanggang sa mag-gagabi na at nagluluto na para sa aming hapunan ay ayon pa rin ang bumabagabag sa utak ko. Ginisang upo ang lulutuin ko. Si Xylene ang kasama kong nagbabalat ng upo, ang mga lalaki naman ay nasa sala pari ang mga nanonood na ng movie. Nagpapasalamat nga ako at hindi nagtatanong sui Xylene kung ano ang ginawa namin ni Caen sa kwarto ko. Wala siyang pinakitang kung anong malisyang tingin samin nang lumabas kaming dalawa ni Caen, gayon din sa dalawang lalaki. Si Xylene at never pang nakapagluto pero nararanasan naman na niya raw magbalat kapag naisipan ng mga maids nila na payagan siyang tumulong o kung tutulungan niya ang Mommy niya na magluto. "Alam ko mahiwa pero mabagal lang.." Nakanguto niyang turan. Hiniwa ko kasi sa 16 slice ang upo para maliit lang at madaling hiwain. Naka apat na ako pero siya siya kakapangalawa lang niya. Natawa ako, "Ganyan din anamn ako noon. SI mas mabilis. itong apat na 'tong natapos ko? Siya ay natapos nang hiwain ang mga 'yan.." "Wow. Naol!" natawa ako dahil doon, "Masarap siguro talaga magluto si Tita?" aniya. "Hmm.. Sobra. Minsan pa nga'y nagpaluto sa kanya ang kapitan ng baragay namin noon dahil may event na gaganapin kasi pupunta ang Mayora ng probinsiya. Nang matikaman ang luto ni Mama ay hindi nagdalawang isip na siya ang kunin para magluto sa kaarawan ng amak na binatilyo ng Mayora namin," mahabang kwento. "Wow. Mapapa-sana owel ka na lang talaga.." aniya, "Eh 'di, Invited ka rin?" tanong niya. Umiling ako, "Kasama talaga ako noo at mga kaibigan ko para tulungan na magluto si Mama." Nagkuwentuhan pa kami tungkol kung gaano kagaling si Mama hindi lang sa pagluluto maging sa pagmimikaniko at pagbutingting ng kung ano ang masira sa bahay. "Kaya nga parang may Papa na rin ako kaso kaya ni Mama gawin mga ginagawa ng lalaki. MInsanan lang kami kung tumawag ng mag-aayos ng sira sa bahay kasi nagagawa na 'yon agad ng paraan ni Mama.." sinabi ko 'yon ng may halong proud sa boses. Dapat na ipagmalaki talaga si Mama. Hanggang sa naiba na ang naging topic namin at napunta na 'yon about sa lovelife. "Wala ka talagang naging boyfriend doon sa inyo?" tanong niya. Kasalukuyang naghihiwa na ako ng baboy na pangsasahod ko at siya naman ay hinihiwa na niya sa maliliit ang upo. Umiling ako, "Wala talaga. Hindi ko talaga 'yan priority noon pa man.." "Pero marami nanliligaw sa 'yo?" "Oo naman.." "Tapos bina-basted mo agad?" Tumango ako, "Hmm.. Pagkabigay palang nila ng bulaklak sasabihin ko na na hindi ko talaga priority ang pagno-nobyo. Gustto ko pag-aaral lang ang pino-probnlema ko. Sa awa naman ng diyos ay maintindihin sila at pinupuri pa nga ako dahil iyon daw ang gusto nila sa babae.." kwento ko pa. "Sa school nito lang 'yan?" tanong niya pa. "Oo pero mero'n din na taga ibang school, minsan pa nga ay ahead sa 'kin." Tumango siya uli, "Ang ganda mo naman kasi talaga. Kahit siguro anak ng politijo ay magkakagusto sa 'yo!" nakangiti niyang turan. Bigla ay naalala ko si Dominic, ang anak ng Mayora namin noon, siya 'yong may kaarawan na kinuhang cook si Mama. Mas matanda ako ng dalawang taon sa kanya. Do'n niya rin ako unang nakilala at kalaunan ay naging kaibigan ko. Umamin siya sa 'kin na gusto niya ako at balak ligawan pero kagaya ng mga sinasabi ko sa mga manliligaw ko angn sinabi sa kanya. "I'll wait, then.. Kahit anong mangyari ay liliogawan kita,Ate.." Awkward sa part ko ang pag-amin niya lalo na't anak siya ng Mayora at tinatawag pa niya akong Ate. "Actually, Mero'n. 'Yong anak ng Mayora namin pero basted din sa 'kin." Inasar ako ni Xylene na kalaunan ay pareho pa kaming naghagikgikan. "Sino nanligaw sa 'yo?" Natigil kami dahil sa malamig at striktong boses ni Caen. Napabaling ako sa kanya na nakasandal sa hamba ng pintuan ng kusina. Nakakunot at halatang hindi nagustuhan ang narinig. Umalis siya sa pagkakasandal sa hamba at lumapit sa 'min. Inihawak niya ang da;awang kamay sa dulo ng lamesa upang pangtukod dahil bahagya niyang inilapit ang mukha sa 'kin at nanliliit ang matang pinakatitigan ako. "Naks! Kuyang-kuya, ah?" Mapangasar na anang ni Xylene. Ako naman ay gulat na tinapunan siya ng tingin habang si Caen at sinaman siya ng tingin na agad na ikinatikom ng bibig niya at umakto pang sini-zipper'an pa 'to. Bakit naman sa dami ng pwedeng sabihin ni Xylene ay Kuya pa? Simula pa kahapon ay ganyan na ang sinasabi niya. Sinabi pa niyang bagay kaming magkapatid ni Caen. Siguro dahil sa eye color namin na parehong-pareho. "So.. sinong anak ng Politiko ang nanligaw sa 'yo?" muli ay binalingan ako nitong gwapong lalaking nasa harapan ko. Napakurap-kurap ako at hindi nakasagot. Natikom ko ang bibiga at natulala na lang. Binalingan niya si Xylene na inimwestra ang pinto para palabasin gamit ang ulo. Natatawang umalis si Xylene hanggang sa narinig ko nalang ang papalayong yapag ng kanyang paa. "Answer ne, Caie.." mariin niyang turan. "'Y-Yong anak ni Mayor Janice, si Dominic.." sagot ko. Tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasaning ipagpatuloy ko ang sasabihin. "N-Nakilala ko no'ng minsan naging cook si Mama sa birthday niya.." Lumunok ako at umiling, "P-Pero hindi ako nagpaligaw sa kanya dahil bata pa siya at hindi ko siya gusto.." Tumitig lang siya saglit sa 'kin bago tumango, "That's good, then.." aniya at mataman na naman akong tinignan sa mga mata, "Don't allow men to court you," Napamaang ako dahil sa sinabi niya, "H-Ha? Bakit naman? And syempre magtatapos muna ako.." "'Coz I said so.." mababakas ang pagiging seryoso niya sa kanyang sinabi, "You will allow to court you is Me, Caiella. Even if it's forbidden, I will let that happen.." Iniangat niya ang isang kamay at humaplos pa 'yon sa pisngi ko bago siya ngumisi at talikuran ako para lumabas na ng kusina. Laglag ang panga kong nakatitig sa kung saan. Pino-proseso ang kanyang mga sinabi. Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng puso ko. He wants to court me?! Ang excitement ay napalitan ng pagkalito dahil sa sinabi niya sa huli. Ano ang ibig sabihin niya sa forbidden? Dahil ba sa sikat siya at kilala ng lahat, habang ako ay isang schoolmate niya lamang? Siguro ay gano'n nga ang ibig sabihin niya. Pero kahit na gano'n, hindi ko maiwasang maging masaya at kiligin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD