Chapter Nine.
PHYSICAL EDUCATION namin ngayon at kung sinu-swerte nga naman ay badminton ang lalaruin namin.
Sabi ng professor namin ay kapag nanalo against sa mga classmates daw ay hindi na magte-take ng Quiz pero kapag kapag nanalo naman kami against sa ibang department ay automatically na pasado na sa exam.
Syempre natuwa kaming lahat— mas lalo na ata ako dahil ito ang kinalakihan kong sports, naging varsity ako at naging pangbato pa laban sa karatig lugar sa 'min noon at nananalo pa ako.
"Ang daya," busangot ni Xylene, "Mabuti ka pa nakakangiti dahil alam mo na magaling ka d'yan, habang ako hindi ko pa sure matatamaan ko ang shuttlecock— ibang c**k kasi gusto kong tamaan, hihihi!" sabay hagikgik nito.
Napailing nalang ako sa babaitang 'to. Kanina lang ay namomroblema tapos biglang magsasabi ng kalokohan. Tss.
Dalawang set ang gagawin, Boys and girls. Maglalaban ang kapwa boys, gano'n din sa 'ming girls kapag sino ang nanalo sa boys at girls ay magtutunggali.
At nag-umpisa na nga ang laban. Nasa 32 kami, tag-16 kaming lahat. Alternate ang nangyari sa laban, nauna kaming girls at pagkatapos ay boys na. Nagpapasalamat ako at hindi si Xylene ang nakatapat ko at nanalo siya sa katunggali. Nang ako na ay kung todo hiyaw si Xylene, walang alam ang mga ka-block namin na isa akong varsity noon.
Ang nakatapat ko pa ay 'yong babaeng nagtataray sa 'kin, si Lyn. Crush niya kasi si Caen kaya tinatarayan niya ako.
Gusto kong matawa ng mayabang na nagstretch pa ito habang nanguuyam na ngumisi sa 'kin.
Tss. Bakit may ganitong mga tao na kailangan pang magtaray sa kapwa dahil lang hindi nakuha ang gusto?
Nakangiti akong lumapit sa shuttlecock na nasa sahig. Gamit ang sariling raketa ko ay 'yon ang pinangkuha ko. Nakita ko pa kung paano namangha ang mga ka-klase ko.
Kapag sa sports kung saan ay magaling ako ay doon lumalabas ang natural kong yabang lalo na't sa mga taong mayayabang.
"Panis kayooooo! Bestfriend ko 'yan!" Cheer pa ni Xylene.
Pumwesto na ako, 'yong formation kung paano mag-serve ang isang manlalaro ng badminton. Tutok na tutok si Lyn sa bola habang ako ay sa mukha niya. Nang mahina ko 'tong i-serve ay nakuha niya kaya naibalik ko sa kanya ng mas mataas, nang paluin niya 'yon ng palobo ay tsaka ako pumwesto at bahagyang tumalon bago buong pwersang paluin 'yon sa isang malakas at patulis na smash na inilagan niya.
"Woah!"
"Hala, ang galing!"
"Shet! Ang ganda na nga ni Caiella, lalo pa siya gumaganda sa paningin ko!"
"H'wag kasi magfeeling na marunong!"
"Ayos, ah?" anang ng Prof namin.
Race to 5 ang laban kaya wala pang sampung minuto ay natapos ko na agad ang laro ko.
Pagharap ko kay Xylene ay natigilan ako ng hindi na lang kami ang nandoon sa bench. Sina Caen, Makoy, Xanjo at buong block nila ay naroon na rin.
Nakangiti sa 'kin si Caen, halatang mangha sa nakita dahil tumango pa ito at nag-thumbs up. Pinamulahanan ako.
"Nakita niyo? Ang galing, 'di ba?" pagmamalaki pa ni Xylene sa kapatid.
Umusog syempre sina Makoy para bigyan ako ng space katabi ni Caen. It's been 2 months no'ng nahalikan niya ako maging 'yong pagbabawal niya na magpaligaw ako.
"Why haven't you join our varsity team here in school?" kuryosong tanong niya, "You're great," dagdag pa niya.
Napanguso ako, "As much as I want to, graduating na ako and ayaw kong mahati ang pahinga ko sa pagpa-practice and I think the school wouldn't allow me to join the team kasi tranferee ako,"
Marahan siyang tumango, "Matatalo mo sila, ayaw mo mag-exam?" natatawa niyang tanong.
Natawa na rin ako at napatango, "Hmm, para atleast bawas sa rereview'hin,"
"I see," Mataman pa rin siyang nakatingin sa 'kin kaya napapangusong napaiwas ako.
Narinig ko ang pagtawa niya. Nagulat ako ng marahan niyang kurutin ang kanan kong pisngi. I heard some gasps at mga bulungan. Nilingon ko ang nakakangising si Caen habang namamahang pagmasdan ang namumula kong mukha.
"Baka awayin na nila ako," Referring to his fans, I felt them shooting daggers, "B-Baka masamain nila 'to,"
"I don't mind as long as I am comfortable doing these kind of gestures to you," aniya mataman na ang pagkakangiti. He even tucked my hairs strands to the back of my ear.
Nahigit ang hininga at nag-init na ng sobra ang mukha ko dahil sa simple pero malakas na epekto ng ginawa niya.
"Sila naman mapapahiya, eh," dagdag pa niya.
Napalinga ako at nakitang nakatingin sa 'min ang tatlo. Nakangiti ang dalawang lalaki habang si Xylene ay parang nata-touch sa nasaksihan. Inilibot ko pa ang pa paningin ko, bukod sa may naglalaro pa sa court ay mga pawang nakatingin na rin ang mga tao sa 'min. Bigla ay nahiya ako!
Hindi nila nakikitang gan'to sa 'kin si Caen, nakikita lang nilang nagkakausap at palagi kaming magkatabi pero ang ganitong ginagawa niya ay hindi niya ginagawa sa maraming tao.
Kaya pala nandito sila dahil kalalabanin ng nanalo sa kanila ang mananalo sa 'min. Muli ay naglaro, lalaki ang makakalaban ko ay kung sino ang manalo sa 'min ay makakalaban ko ang unang lalaking nanalo.
"Go, Caiella!" sigaw ni Xylene.
"Caiella, ang ganda mo!"
"Liligawan kita kahit matalo ka, Caiella!"
"I love you, Caiella!"
Hindi ko pinansin 'yong mga lalaking sumisigaw. Itinaas ko ang manggas ng suot kong P.E t-shirt at kagaya kanina ay pinulot ko ang shuttle c**k gamit ang raketa ko kaya hugis 'yon sa ere, at mula doon ay marahan na simalo ko 'yon gamit ang raketa bago ipasa sa kaliwa kong kamay.
Dahil doon sa ginawa ko ay naghiyawan ang mga nonood. Binalingan ko si Caen at nakitang nakangisi ito at habang tumatango-tango pa. Parang ay gusto kong magpakitang gilas.
Si Omir, ang lalaking ka-block ko. Matanggkad 'to at maalam din sa pagalalaro. Nakangiti siya sa 'kin kaya nginitian ko na rin.
Pumwesto na ako para i-serve at palobo niya 'yong pinalo at ayon na ang hinihintay kong tira niya upang tumalon at malakas na ini-smash ang bola. Napangiti ako ng malapad nang tangkain niya pang paluin 'yon pero hindi niya nagawa.
Kagaya ng una kong laban kanina ay wala pang sampung minuto ay natapos na agad ang laban. Puro hiyawan ang narinig ko, mas malakas ang kay Xylene na sobrang lakas ng boses.
Si Caen naman ay nakahalukipkip at mataman akonv pinapanood, mapupungay ang mata habang may konting ngiti sa labi. Napaiwas ako.
Walang pahinga-pahinga ay sinalang na ang huli makakalaban ko para maging excuse na sa quiz namin.
Magaling din 'tong si Roland, hindi naman siguro siya makaka-abot dito kung wala siyang alam sa paglalaro nito. Kagaya kanina ay ako ang unang nag-serve ng bola na agad niyang pinalo at ini-smash ko naman pabalik sa kanya pero laking gulat ko ng matamaan niya 'to kaya isa pangmalakas na hampas ang ginawa ko ay tuluyan na akong naka-score sa kanya.
"Ang galing mo!"
Medyo natagalan ang laban dahil ayaw talaga patalo nitong si Rolans. Race to 10 ang score, tatlo ang nailamang ko na score.
Ngiting-ngiti kong hinarap si Xylene na nagtatatalon.
"Waaaah! Bestfriend ko 'to, Bestfriend ko 'to!" aniya at binalingan ang prof namin, "Prof, beke nemen excuse na rin ang bff niya sa quiz,"
Natawa na lang ako sa pinagsasasabi nito ni Xylene. Pumunta na ako sa pwesto namin, uupo na sana ako pero natigilan ako nang iabot sa 'kin ni Caen ang Tumbler ko na may tubig. Nasa kandugan na niya rin ang bag ko marahil ay siya ang kumuha na no'n.
"Hope you didn't mind," isinenyas niya ang bag ko gamit ang ulo.
Umiling ako. May tiwala naman ako sa kanya tsaka wala naman akong tinatagong kung ano sa bag ko para hindi siya hayaan na pakielaman 'yon.
Tuluyan na akong naupo sa tabi niya at tumungga na sa tumbler ko, pero agad akong natigilan at napabaling kay Caen na seryoso habang bahagyang nakasalubong ang kilay na pinupunasan ang pawis ko sa mukha gamit ang kulay navy blue na panyo.
"You didn't bring any face towel? You do know that you were having your physical education today, why haven't you bring any?" naiiling na tanong niya tunog na nanenermon na kuya, "Good thing that I always have my handkerchief in my pocket,"
Bakit na imbes na mahiya ako dahil sa gano'ng puna niya at hindi ko maiwasang mapangiti at syempre kiligin. Ang sarap sa pakiramdam nang ginagawa niya. New side of Caen Renz unlocked for me.
Yes, he's already caring and sweet from the very beginning pero bakit parang dumoble? At ang kakaiba ay pinapakita pa niya 'to sa iba. Tho, mas naging masungit ata siya.
Sa nagdaan ding buwan ay lagi siyang dumadaan sa bahay— hindi ko pinapaalam 'to kay Xylene dahil kakaiba ang nagiging reaksyom niya rito. Pansin ko na rin ang pagiging close nila ni Mama, minsan nga ay parang isang anak na ang turing ng Nanay ko sa kanya. My Mom always referring him as Anak. Lagi ay gano'n kung tawagin siya ni Mama at napapansin ko rin ang kakaibang kislap sa mata ng Mama ko kapag pinagmamasdan nito si Caen— pangungulila, ayon lagi ang nakikita na ipinagtataka ko pero agad ko 'yon pinagwawalang sabahala dahil baka namamalikmata lang ako.
As for Caen na laging seryoso at nakasimangot, kapag nasa bahay at kaharap si Mama ay nakangiti siya, not a fake but a real one. Naisip ko pa na baka may pinipiling tao si Caen na ipakita ang magandang ngiti niya.
Nag-umpisa na ang laro para sa second round ng sa section nina Caen. Si Xanjo ay tumayo para kalabanin ang ka-klase.
"Go, Kuya Xanjo!" Cheer ni Xylene sa kapatid.
"Baka siya makatapat mo," anang ni Caen.
Nilingon ko siya, nakasandal siya habang nakahalukipkip at nakatingin sa harap.
"Hindi ka kasali?" tanong ko.
Umiling siya at nagyayabang na ngumisi, "Already exempted, perks of being a busy person and.. I don't like to sweat so..."
Hindi ko naman mapigilang ikutan siya ng mata naikinatawa niya lang. Pareho na kami ngayon nakatutok kay Xanjo na nagsmash para sa panglima niyang score.
"Go Xanjo!" sigaw ng mga babae.
"Manahimik kayo!" bulyaw naman dito ni Xylene.
Napatawa kaming tatlo ni Makoy dahil doon, "Sira. Ayaw mo no'n may fans Kuya mo?"
"Ang iingay, puro ganyan lang naman sinasabi nila eh, psh!" sagot naman ni Xy.
Hanggang sa natapos na ang lahat at si Xanjo nga ang makakatunggali ko kahit papa'no ay natuwa ako pero kinabahan dahil nakita ko kung ga'no siya kagaling.
"Walang kai-kaibigan dito," sabi ko sa kanya habang natatawa.
"Sure, but not sure," aniya at natawa.
"I need to know how good I am in this sports," dagdag ko pa.
Race to 15 na ang score kaya I'm sure mahaba-haba ang laban nito.
Si Xanjo ang una kaya agad ko tinira 'yon ng palobo pero gano'n din ang ginawa niya kaya agad ko 'tong ini-smash pero laking gulat ko ng mapalo niya 'yon, muli ko naman 'yon ini-smash. Naka-limang smash pa ako bago ako naka-score.
Magaling si Xanjo at malakas din ang mga palo niya pero kahit na gano'n ay nagawa kong makalamang ng lima at manalo dito sa laro.
Pagka-smash ko ay halos magtatatalon ako dahil sa hindi dinamaan ni Xanjo ang bola. Agad na lumapit sa 'kin si Xylene.
"Yes! Exempted na sa exam!" aniya.
"Xy! Ako kuya mo!" pabirong anang ni Xanjo.
Bumaling naman ako kay Caen na may ngiti sa labi, he even pat the space next to him— 'yong inupuan ko.
Umupo na kami ni Xylene doon. Agad kong kinuha ang tumbler para uminom.
"Let's eat at my Aunt's restaurant," aniya habang pinupunasan ang pawis ko.
Alam ko ang mga matan nakatingin sa 'kin, nahihiya man ay wala na akong magawa upang pigilan siya tsaka... masarap sa pakiramdam na may ganitong nag-aalaga sa 'yo.
"Kasama natin sila?" tanong ko.
"No, bahala na sila sa mga buhay nila," natatawa niyang sagot.
"Bakit kasi nasa Elementary pa lang sister ko? Kainggit kayong dalawa, may caring kayong mga kapatid," anang ni Makoy sa 'min.
Napamaang naman ako dahil doon pero kalaunan ay napakunot ang noo sa pagtataka.
Mukhang napansin 'yon ni Makoy, "W-What I-I mean is... sana may nagpupunas din ng pawis ko.." hindi siya makatingin sa 'min, "P-Para kasi kayong nagkapatid—"
"Makoy!" mariin at may kung ano sa tono ni Caen ng sitahin bigla si Makoy.
"I-I mean, don't mind me," ngumiti 'to kalaunan.
Kahit nagtataka man ay napatango na lang ako. Medyo kakaiba rin ang ekspresyon niya.
Tingin niya rin ba na para lang kami magkapatid ni Caen? Hindi ba niya ako gusto para sa kaibigan niya—
Bakit naman ayan agad iniisip ko?
Nang matapos na ang subject ay nagkanya-kanyang alis ang mga classmates namin. Isusukbit ko na sana ang bag ko nang pigilan ni Caen 'yon ay walang ano-ano'y kinuha sa 'kin at isinabit sa kaliwang balikat niya, Naka-sling bag lang siya at nakasabit naman 'yon sa kanan niya.
"Mabigat 'yan," pigil ko pero inilayo lang ang balikat sa 'kin.
"What's the use of my muscles if I can lift heavy things? Your bag is just 2 percent of the heavy things that I can carry," aniya bago ako hawakan sa kamay at balingan ang mga kasama namin, "Alis na kami, pupunta kami kay Auntie Haven,"
Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng tatlo at basta nalang niya 'tong tinalikuran habang hatak-hatak ako.
Nilingon ko ang tatlo at kinawayan, "Bye! Ingat kayo!"
Kumaway silang tatlo at nagba-bye pero mas malakas boses ni Xylene, "BYEEEEEE!"
Napansin ko rin na buhat-buhat ni Xanjo ang mabigat ding bag ni Xylene. Pareho kaming nasa loob ang mga libro kaya gano'n nalang kabigat 'yon.
Ang sweet naman na Kuya ni Xanjo..
Mabilis kaming nakarating sa parking at sa kotsw niya. Agad niya akong pinagbuksan. Gusto kong kiligin nang alalayan niya ako at ilagay pa sa ulo ko ang isa niyang kamay upang hindi ako mauntog.
"T-Thanks," sabi ko.
Ngumisi siya at ngumukod, nilapit ang mukha sa 'kin, "Alam mo naman ang gusto kong pasasalamat, 'di ba?"
Napakurap-kurap ako, "H-Ha?"
Hindi siya sumagot at mabilis niyang inilapit ang labi sa nakaawang kong labi bago niya halikan 'yon nang magaan at pagkatapos ay bahagya niyang kinagat ang ibabang labi ko kaya noon.
Isinandal niya ang noo sa 'kin, Mariin siyang nakapikit, "As much as I want to kiss you outside, I can't. Ayaw kong makita ng iba lalo na ng mga kaibigan natin," bumuntong hininga siya, "H'wag mong masamain 'yon, ayaw ko lang pagpyestahan ka ng iba," and with that, he kissed me again on my lips bago lumayo at isara ang pinto.
Hindi ko magawang ma-offend sa kanyang sinabi bagkus ay kinilig pa ako at nabalot ng masarap na pakiramdam ang puso ko.
Parang mas lalalim pa 'tong nararamdaman ko sa 'yo, Caen. At sana, kapag lunod na ako ay kaya mo akong sagipin.