"GIVE me your resume," maawtoridad na sabi ni Ryder.
"Huh? Bakit?" nagtataka si Devyn na hinihingi ng lalaki ang kanyang resume. Alam ba nito na nag-aapply siya ng trabaho?
"Ang dami pang tanong. Just give it to me," iritadong sagot ni Ryder na mukhang naiinis na kay Devyn dahil hindi nito sinunod agad ang sinabi niya. Kumunot ang noo niyang tiningnan si Devyn. Hindi pa din nito ibinibigay ang resume niya sa kanya.
Natatarantang binuksan ni Devyn ang bag niya. Napangiwi siya nang makita ang resume niya sa loob ng kanyang bag. Nahihiyang kinuha niya ito at itinago sa kanyang likod. Napaatras siya sa pinaka gilid nang elevator.
Napataas ang kilay ni Ryder.
"Why you're hiding it? Give it to me.. Now!" tumaas na ang boses niya. Nawawalan na siya ng pasensiya sa ginagawa ni Devyn.
"Eh, nakakahiya po. Nagusot na po kasi ang resume ko. Gawa po nuong inihampas ko doon sa lalaking bastos sa loob ng jeep. Puwede po bang pagagawa ako ulit ng bago?" napakagat ng labi si Devyn. Hindi niya kayang tumingin sa mata ng lalaking kaharap.
Ito na naman ang puso niya. Nagsisimula nang bumilis ang t***k nito. Dadalawa lang sila sa loob ng elevator. Pero parang ang sikip para sa kanilang dalawa. Kinakapusan na siya ng hangin. At naghahabol ng kanyang hininga.
Pasimpleng hinila ni Devyn ang blouse niya pababa. Hinawakan niya ang unang butones. Saka ginalaw galaw. Gusto niyang sumagap ng hangin. Ngunit, dahil nasa loob pa sila ng elevator ay mukhang maghihintay pa siya. Hanggang sa magbukas ang pinto. May namuo nang pawis sa kanyang noo.
Mataman na tinitigan ni Ryder si Devyn.
"Naiinitan ka ba?" napansin ni Ryder na nagpaypay na si Devyn.
"Medyo, mainit po dito sa loob...," magalang na sagot ni Devyn. Pinunasan na niya ang namuong pawis sa kanyang noo.
Lumapit si Ryder kay Devyn. Itinaas ang kanyang kanang kamay. Chineck niya ang hangin na nagmumula aircon na nasa taas ng lift. Kung gumagana ba ito o hindi.
Napaatras si Devyn. Sa pag-atras pa niya at tumama na ang likod niya sa pader. Saka iniiwas ang tingin sa lalaking sobrang lapit ng katawan sa kanya. Nasamyo niya ang mabangong amoy nito. Lalaking-lalaki ang amoy. Kahit siguro hindi maligo ay mabango pa din. Naipikit pa ni Devyn ang kanyang mata.
"Okay ang aircon. Walang sira," komento ni Ryder. Sabay atras. At tumingin kay Devyn na nakapikit pa din.
Napamulat bigla si Devyn. Nang maramdaman ang titig ng lalaki sa kanyang harapan.
"Huh? O-Okay ang aircon," nahihiyang sabi ni Devyn at inilagay ang kamay sa batok niya. Saka umiling ng ulo. Nahuli siya sa aktong nakapikit ang mata habang tila inaamoy ang lalaki sa kanyang harapan.
"Nakakahiya ka, Devyn. Umayos ka nga," pang aaway ng sarili niyang utak.
Napalingon sila ng sabay sa pinto nang bumukas ito. Naunang lumabas si Devyn. Tahimik na nasa likuran ng dalaga si Ryder.
Nagulat si Devyn nang biglang kinuha ni Ryder ang resume na hawak niya. "Sandali!" habol niya sa resume na binabasa na ni Ryder.
"High school graduate ka?" tanong ni Ryder sa kanya. Marahang tumango ng ulo si Devyn. Natatakot siya na baka hindi siya matanggap dahil sa high school lang ang natapos niya.
Kinuha ni Ryder ang ballpen niya. Nahilig ni Devyn ang ulo niya dahil sa nakitang sinusulatan ng lalaki ang resume niya.
"I'm Ryder Sable. Chairman and CEO of R. Sable Company," pakilala niya sa sarili. Saka inabot ang resume kay Devyn.
Tumango tango ng ulo si Devyn. Habang nakayuko. Saka nanginginig ang kamay na kinuha ang resume niya mula kay Chairman Sable. Pagkatapos ay walang paalam na umalis ito.
Nakatanga lang si Devyn sa likod ng papalayong si Ryder Sable. Grabe ang araw na ito para sa kanya. Una, naka-encounter siya ng bastos na lalaki sa loob ng jeep . At ngayon, isang Chairman s***h CEO pala ang muntik nang makasagasa sa kanyang nuong isang araw.
Naalala niya ang ibinigay nitong card sa kanya. Hindi siya nag-abalang basahin ang pangalan ni Ryder sa card. Binuksan niya ang bag niya at hinanap ang card na ibinigay ng binata sa kanya. Nakuha niya iyon at nanlaki ang mga mata niyang totoo nga ang sinasabi 'nung lalaki.
Napatampal sa sariling noo si Devyn. Hindi siya makapaniwalang ang nakadaupang palad niya ay isa sa pinakasikat na Chairman. Ang kompanya niyang R. Sable Company ay ang pinapangarap ng karamihan na makapasok bilang empleyado.
"Nalintikan na! Hindi kasi nagbabasa, eh," bulalas niya sa kanyang sarili. Muli niyang tinignan ang resume niyang hawak. Wala siyang maintindihan sa isinulat nito sa itaas ng resume niya.
Kibit balikat na pumunta si Devyn sa opisina ng HR. Ilang pinto lang din ang layo nito sa kanyang kinatatayuan. Palaisipan sa kanya na lumabas din ng lift ang Chairman. Wala dito sa 10th floor ang opisina niya.
Sumilip siya sa pinto. Bukas ito at aninag niya may isang tao sa loob. Tumayo siya ng tuwid. Sinipat ang sarili. At inayos ang suot na damit. Napangiwi na naman siya sa hawak niyang resume.
Kumatok siya ng tatlong beses sa pinto. Umangat kaagad ang ulo nang babae nasa loob ng HR Office. Siguro iyon ang HR Manager ng kompanya. At ngumiti sa kanya.
"Come in," magiliw na sabi nito sa kanya. Agad na pumasok sa loob si Devyn. "Take a sit, Miss..."
"Devyn Piper."
"Are you applying to the post ads?" tanong ng HR sa kanya. "By the way, I'm Cassandra Olivares. HR Manage of R. Sable Company," pakilala nito sa kanyang sarili. Ngumiti si Devyn dito.
"Hi po Ma'am Olivares. Ako po si Devyn Piper. Mag-aapply po sana akong secretary," nahihiyang pakilala din ni Devyn sa sarili niya.
Tumango tanggo ng ulo si Cassandra. "Can I have your resume?" inilapag ni Devyn ang resume niya sa lamesa. Napatingin si Cassandra sa papel. At muling tumingin sa mukha ni Devyn.
"Pasensiya na po. Nalukot po kasi kanina," hindi niya maitago ang kahihiyan sa kanyang mukha.
"No, it's okay. Saka mukhang tanggap ka na. Kahit hindi na ako magtanong pa sa 'yo," makahulugan itong tumingin sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata ni Devyn. Gusto niyang magdiwang sa loob-loob niya.
"Huh? Ako po, tanggap na?" hindi pa din siya makapaniwalang ganoon lang kadali na tanggap na siya. Tumango ng ulo si Cassandra. Saka malawak na ngumiti.
"The chairman signed your resume. Meaning, your hired. Puwede ka ng magsimula sa Monday," sagot ni Cassandra.
Napaawang ang labi ni Devyn. At ngumiti. Ang bilis ng mga pangyayati. Ngunit, biglang napawi ang ngiti sa labi niya ng maalalang hindi dahil sa kanyang kakahayahan. Kaya siya natanggap.
"Why? Aren't you happy na nirecommend ka ng aming Chairman. Owner ng kompanya?"
"Masaya po ako. Pero--" hindi niya na natapos ang sasabihin ng putulin siya ni Miss Cassandra.
"I like you. Maganda ang mararating mo sa kompanya. You will be the secretary of Sir Sable. At siya mismo ang personally pumili sa 'yo."
Hindi na ba titigil ang pagkagulat niya ngayong araw? Gulantang na gulantang siya sa mga pangyayari ngayong araw.
"I will see you on Monday. And congratulations... Welcome to RSC," masiglang bati ni Cassandra kay Devyn. Tumayo ito at inilahad ang kamay sa kanya.
Mabilis na tumayo si Devyn. Kung ano man ay tatanggapin na niya. Para ito sa pagpapagamot ni Divina. Napakalakign tulong ng trabahong ito para sa kanilang magkapatid.
Tinanggap ni Devyn ang kamay ni Cassandra at nakipagkamay. "Maraming salamat po," masayang aniya.
Nakalabas na ng building si Devyn. Tinignan niyang muli ang mataas na building ng RSC. May magandang ngiti at punong-puno ng pag-asang ito na ang simula ng kanilang magandang buhay na magkapatid. Pag iigihin niya para hindi masayang ang rekomendasyong ibinigay ni Chairman Ryder Sable.
Hindi alam ni Devyn ang naghihintay na kapalaran niya. Ngayong na siya sa RSC.
Mula sa bintana ng kanyang opisina ay tanaw ni Ryder ang mukha ni Devyn. Ang babaeng unang nagpatibok ng puso niya.
"Sir, okay na po ang lahat," sabi ni Cassandra sa kanya. Mula sa kanyang likuran. Napaharap si Ryder sa kanya.
"Thank you, Miss Olivares," seryosong saad ni Ryder. Saka niya muling tinalikuran ang HR Manager ng kanyang kompanya. Muli niyang tinanaw si Devyn mula sa ibaba ng building.
Tumaas ang kilay ni Ryder ng may marinig na hagikhik sa kanyang likuran. Nilingon niya ito at nakita ang kapatid niyang kausap si Miss Olivares. Hindi pa pala ito nakakalabas ng opisina niya.
"Raleigh, what are you doing?" madiing tanong niya sa kapatid. Napatunghay sila Raleigh at Miss Olivares sa kanya.
Napaayos ng tayo si Miss Olivares at nagyuko ng ulo.
"Kuya, wala naman," may ngisi itong nakapaskil sa labi.
"And then, what are you doing to my manager?"
Tumingin si Raleigh kay Cassandra. Kinindatan niya ito. Namula agad ang pisngi ni Cassandra at nahihiyang nag-iwas ng tingin. May malaking ngiti ito sa labi.
"Miss Olivares, you may go. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako," tunghay niyang taboy sa babae. Mukhang nakikipaglandian pa ito sa kanyang bagong dating na kapatid.
Tumango ng ulo si Miss Olivares. Saka lumabas ng opisina ng amo niya.
Naglakad si Ryder papunta sa kanyang swivel chair. Umupo at isinandal ang likod sa headrest ng upuan.
"Anong ginagawa mo dito sa kompanya ko? Wala ka bang pasok ngayon, Raleigh?"
"Meron, kuya. May tauhan naman akong gumagawa ng trabaho ko. Kaya hindi ko kailangan na pumasok sa kompanya araw araw," may inis sa himig nitong sagot sa kapatid.
"What if mommy find out na hindi ka pala nagtatrabaho? Hindi kita maililigtas sa sermon niya," babala ni Ryder sa kapatid.
"Ikaw pa, kuya. Alam kong kahit ikaw ay hindi sinusunod si mommy. I just want to enjoy my life being single. And I'm just twenty three. Let me do what I want, Kuya Ryder," matigas din talaga ang ulo ni Raleigh. Unlike, Ryder puso ang naging matigas sa kanya. Hindi ang ulo niya.
"Okay. I will let you. But, in one condition," pagpayag na din ni Ryder.
Matiim na tumingin si Raleigh sa kapatid.
"Bakir may kondisyon pa?"
"Yes. Sa larangan ng negosyo dapat matalino ka."
"Alright. Anong kondisyon mo, juya?"
Napahawak si Ryder sa kanyang panga. "You're not allowed to enter to RSC. Off limits ka sa mga empleyada kong babae."
Napaawang ang labi ni Raleigh.
"Hindi ata ako sasang-ayon sa kondisyon mo. Ngayon pa na nakita kong pumasok dito iyong babaeng humampas sa akin kanina sa jeep."
Natigilan si Ryder. Nagkakilala na sila ni Devyn? Si Raleigh ba ang lalaking sinasabi ni Devyn na hinampas niya ng kanyang bag? Bumastos kanina sa kanya sa loob ng jeep. And, what did Raleigh think to ride in a jeep? Is he out of his mind?
Kumunot ang noo ni Ryder.
"Hindi ka naman siguro hahampasin kung wala kang ginawang masama. Saka, why did you ride in a jeep? Where is your car?"
"Nasa bahay na ang kotse ko. Ipinakuha ko kay Kuya George. Nainip ako kanina. Kaya sumakay ako ng jeep at iniwan ang kotse ko. Blessing in disguise na nakita ko ang babaeng iyon," nangislap ang mga mata ni Raleigh ng maalala ang mukha ng babaeng nakasakay niya sa jeep. "God! She is gorgeous, kuya. Sinundan ko siya at pumasok siya dito sa kompanya mo."
Tumaas ang kilay ni Ryder. Seryoso niyang tinignan ang kapatid.
"No!" tumaas ang boses niya. Nabigla si Raleigh sa reaksiyon ng Kuya niya. "I mean.. Walang pumasok na babae dito kagaya ng description mo," tanggi ni Ryder. Alam niyang si Devyn ang tinutukoy ng kapatid niyang babae na pumasok sa loob ng kompanya niya.
Wala pa man ay magiging karibal na kaagad niya ang sariling kapatid kay Devyn. Kailangan na niyang iiwas si Devyn kay Raleigh. Hindi niya magugustuhan kung magkapalagayan sila ng loob na dal'wa.
Samantala.... Nakabalik na si Devyn ng ospital. May maganda siyang balita sa Lola Anding niya at sa kapatid niya.
"Matutuwa kayo sa magandang ibabalita ko sa inyo," masayang masaya na bungad ni Devyn. Pagkapasok pa palang niya sa loob ng kuwarto ng kapatid. Inilalapag niya ang bag niya sa lamesa.
"Ano iyon, Ate?" sabik na tanong ni Divina.
"Hulaan mo?"
Napaisip si Divina. Nangislap ang mga mata na binalingan ang kapatid.
"Kayo na ni Doc. Marasigan!"
Nag-iba ang mukha ni Devyn sa tinuran ni Divina sa kanya. Biglang namula ang pisngi niya at napatingin kay Lola Anding. May ngiting nanunukso sa mga labi ng Lola Anding niya.
"Hindi iyon. Ikaw talaga, Divina," saway ni Devyn sa kapatid niya. Natawa ng mahina si Divina sa reaksiyon ng Ate niya. Pulang-pula ang pisngi nito na iniiwas ng tingin sa kanila.
"E, bakit namumula ang pisngi mo, Ate? Oyy, si Ate. Pumapag-ibig na," tukso pa ni Divina sa kanya.
Natawa lang si Devyn. Pati si Lola Anding ay nakitawa na din. Okay sa kanya kung si Doc. Marasigan ang magugustuhan ng kanyang apo. Mabait na tao ang Doktor ni Divina. At maswerte si Devyn sa binatang doktor na iyon.
"Tumigil ka na nga, Divina. Hindi iyon ang ibabalita ko sa inyo... May trabaho na ako simula sa Lunes. Natanggap ako sa RSC," suway ni Devyn sa kapatid. Diretso na din niyang ikinuwento ang magandang balita.
Natulala si Divina at natigilan. At nang makahuma ay sobrang natuwa siya sa nalaman. Tumayo si Lola Anding at niyakap ang apong si Devyn. Masaya din siyang nakakuha na ng regular na trabaho ito.
"Wow! Ang galing mo, Ate Devyn. Iyon ba ang kompanya ni Chairman Ryder Sable?" tanong ni Divina.
"Paano mong nakilala si Chairman Sable?" nagtatakang tanong ni Devyn.
"Sa telebisyon, Ate. Palagi nga siyang nababalita sa mga diaryo. Saka ang laki ng billboard niya sa Edsa. Hindi mo ba siya kilala?" umiling ng ulo si Devyn bilang sagto sa kapatid. "Hindi ka pala updated," dugtong pang sabi ni Divina.
Tama nga si Divina. Wala siyang alam sa mundo. Dahil ang ginagawa niya ay magtrabaho at wala siyang alam sa mga balita sa telebisyon at diaryo. Pati na ang pagtingin sa mga billboard.
"Oh, siya tama na iyan. Lalabas lang ako para bumili ng pananghalian natin," paalam ni Lola Anding. Nilapitan ni Devyn ang Lola niya.
"Lola, pasensiya na po. Kung kayo po muna ang bahala sa panggastos sa pagkain natin. Hayaan niyo po sa unang sahod ko. Babayaran ko po kayo."
"Hindi ako naniningil, Devyn. May naitulong ka sa akin. Kayo ng kapatid mo. Kaya hayaan mo akong gumawa ng respondibilidad ko para sa inyo. At hindi mo ako kailangang bayaran," hinaplos ni Lola Anding ang pisngi ni Devyn.
"Salamat po, Lola," saka niyakap niya ang matanda. Gumanti ng yakapa si Lola Anding. Saka bumitaw ang matanda. At lumabas ng kuwarto ni Divina para bumili ng pagkain.