Kabanata 6

2404 Words
ARAW ng Lunes. Handa na sa pagpasok si Devyn sa kanyang bagong trabaho. Siya ang nagbantay kay Divina kagabi. Kaya andito pa siya sa ospital. At hinihintay niya ang Lola Anding niya na dumating na siyang papalit sa kanya na magbantay kay Divina. "Ate, okay lang po na ako lang mag-isa dito. Marami pong mga nurses dito sa loob ng ospital. Hindi nila ako pinababayaan," aniya. Ayaw na niyang maging pabigat sa Ate niya. Malungkot na tiningnan ni Devyn ang kapatid. Nilapitan niya ito. Hinaplos haplos ang buhok nito. "Tibayan mo pa ang loob mo. Andito lang si Ate. Sabihin mo sa akin kung ano ang nararamdaman mo diyan sa loob mo. Kahit na maging abala ako sa trabaho. Hindi ako mawawalan ng oras para sa 'yo," inihilig ni Devyn ang ulo niya sa ulo ni Divina. Saka hinawakan ni Divina ang kamay ng Ate niya. Sa oras na ganito siya lamang ang masasandalan ni Divina. Ramdam niya ang panghihina ng kalooban nito dahil sa sakit. Nakaka-stress ang palagi ka na lang nakahiga. Dahil sa sakit. May mga gusto kang gawin na hindi mo magawa. Limitado din ang galaw mo. Hindi ka puwedeng mapagod. Ni hindi puwede si Divina na magtigil sa labas ng matagal. Prone kasi siya sa virus na puwedeng niyang malanghap o puwedeng pumasok sa lanyang katawan niya. Maging sanhi ng kanyang sakit. At makapagpahina ng kanyang immune system. Bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Lola Anding. May dala itong mga prutas at almusal para sa kanilang magkapatid. "Aalis ka na ba, Devyn?" sabay na lingon nila Devyn at Divina sa Lola Anding nila. "Opo, Lola." "Kumain ka muna. Nagluto ako ng almusal para sa ating tatlo," sabi ni Lola Anding. "Hindi na po, 'La. Nagkape na po ako sa labas kanina. Kayo na lang po ni Divina ang magsabay na mag-almusal." "Ate, wala ka ng pera. Paano ka kakain mamaya?" singit na sabat ni Divina. Saka tumunghay sa Ate Devyn niya. Napangiti si Devyn. "Baka kumuha ako ng advance sa kompanya," sagot ni Devyn. Lalakasan na lang niya ang loob niya. Wala na siyang pagpipilian pa. Wala na siyang natitirang pera. Kundi pamasahe na lang. "Okay po, Ate. Mag iingat ka po. At goodluck sa bagong work mo," masayang saad ni Divina. "Good luck din, Apo," nakangiting sabi din ni Lola Anding. Hinawakan ni Devyn ang isang kamay ng Lola niya at si Divina. "Para sa inyo po ito lahat. Lalo na sa 'yo Divina," puno ng pag asa na wika ni Devyn. Sabay na ngumiti sina Divina at Lola Anding. Isinarado ni Devyn ang pinto ng kuwarto ni Divina ng makita si Doc. Marasigan. "Good morning, Devyn." matamis ang ngiti na bati ni Oscar sa binata. "Good morning din po, Doc. Maground ka ba sa mga pasyente mo?" ganting bati ni Devyn kay Oscar. Nawala ang ngiti ni Oscar na napansin agad ni Devyn. "Bakit po?" takang tanong niya. "Nakalimutan mo kaagad. Diba, sabi ko Oscar na lang at wala nang po?" "Pasensiya na. Nasanay lang kasi ako." hingi ng dispensa ni Devyn. "Okay lang." ngumiti na muli si Oscar. "Tapos na ang round ko. Puwede ba kitang invite mag-almusal sa cafeteria?" "Naku, Oscar. Hindi ako puwede ngayon. Papasok na nga ako sa bago kong trabaho." malungkot na tanggi ni Devyn. Kung wala siyang pasok pinaunlakan na niya ang imbitasyon ni Oscar sa kanya. "May trabaho ka na?" tumango ng ulo si Devyn bilang sagot. "Sana sinabi mo sa akin para hinanapan kita ng bakante dito sa ospital." "Ang dami mo nang naitulong sa amin ng kapatid ko, Oscar. Dito palang sa ospital mo. Sa mga laboratory tests ni Divina. Nahihiya na nga ako sa 'yo. Hindi ko man lang maibalik ang lahat ng naitulong mo sa amin." "Wala akong iniisip na ganyan, Devyn. Ang makatulong sayo sa abot ng aking makakaya ay gagawin ko pa din. Kahit ano pa. Hindi lang din ito para kay Divina. Kundi para sayo." "Napakabuti mo. Maswerte ang babaeng mamahalin ka ng kagaya ng pagmamahal na ibinibigay mo." Tumango ng ulo si Oscar. Saka mapait na ngumiti. Si Devyn ang gusto niya at hindi ang ibang babae. "Good luck sa unang araw mo sa trabaho. Kapag may problema ka. Huwag kang mahiyang magsabi sa akin," magiliw na saad ni Oscar. "Salamat." "Sige na. Baka malate ka pa sa unang araw ng pasok mo," sabi ni Oscar. Tumango ng ulo si Devyn. Saka ngumiti. Tumalikod na siya kay Oscar at umalis. Tanaw ni Oscar si Devyn. Ngunit, hindi niya pa din maabot "MISS Olivares, is she arrived?" tanong ni Ryder sa kabilang linya. "No, Sir. Actually, late na po siya ng limang minuto," narinig ni Cassandra ang pagbuga ng hangin ng amo niya. "Okay. When she arrived, tell her to come to my office," hindi na hinintay ni Ryder ang sagot ng HR Manager ng kompanya niya at ibinaba agad ang telepono. Isinandal ni Ryder ang likod niya sa headrest ng swivel chair. "First day of work. Late ka kaagad. Damn, Devyn Piper. Dapat hindi ko pinapalagpas ito. Pero, s**t. Bigkas ko pa lang sa pangalan mo nanlalambot na ako. What are you doing to me?" usal ni Ryder sa isip niya. Habang kagat ang dulo ng ballpen niya. PANAY ang tingin ni Devyn sa kanyang relo. Lagpas na ng alas medya ng umaga. Limang minuto na siyang late sa pagpasok sa trabaho. Nasa loob pa siya ng jeep at hindi umuusad sa sobrang traffic. Wala siyang cellphone para tumawag sa HR ng RSC upang ipaalam na-traffic siya. "Mama, dito na po ako baba," biglang sabi ni Devyn sa drive ng jeep. Lalakarin na lang niya ang papunta sa RSC. Tutal ay sa susunod na pagliko ng jeep ay RSC building na. Inihinto ng driver sa gilid ng daan ang jeep at agad na bumaba si Devyn. Nakasukbit ang kanyang bag sa balikat niya. Suot ang pumps niya. At kulay red na blouse sa pang-itaas na damit saka slack na itim. Naging lakad takbo na ang ginawa niya para makarating sa RSC building. Nakaliko na siya at tanaw na ang building. "Super late ka na, Devyn. Kapag araw ng Lunes sobrang traffic," panenermon ng utak niya sa kanya. Inikot niya ang mata niya. Saka bumuga ng hangin. Kasalanan niya talaga. Walang dapat sisuhun kung bakit siya na-late ngayon. "Naku, baka matanggal pa ako agad sa trabaho nito," nag-aalalang sambit niya. Unang araw ng pasok niya late na late siya. Papasok na siya sa building ng may sumigaw mula sa kanyang likuran. Siya ata ang tinatawag dahil wala siyang ibang kasunod na naglalakad. Napalingon siya sa taong sumigaw. "Miss, are you going inside the RSC?" tanong ni Raleigh sa babaeng papasok na sana sa loob ng RSC building. "Hindi pa ba obvious?" nakataas ang kilay na tanong din ni Devyn sa lalaki. Pumasok na si Devyn sa loob ng RSC building. Nagtaka siya ng makitang binati ng guwardiya ang lalaki. Pati na din ang babaeng nasa Information. Nagmamadaling siyang pumunta sa harap ng elevator. Nakasunod din si Raleigh sa kanya. "Come here. Magtatagal ka pa. Kung diyan ka sasakay sa lift ng employee," aya ni Raleigh kay Devyn. Tinignan siya ng babae. "Sa chairman ang lift na 'yan. Bawal ang mga empleyado," irita niyang tugon dito. Umiling ng ulo si Raleigh. At napakamot ng ulo. Yeah, tama ang babae. Para sa Chairman at sa pamilya ng Chairman ang lift na ito. "Don't worry. Walang sisita sa 'yo. Hangga't ako ang kasama mo sa loob." "Ayoko ngang kasama ka sa loob," pagsusungit na tanggi ni Devyn. "Halika na," hinawakan ni Raleigh ang babae sa braso at hinila papasok sa lift. Bumukas ito kaagad dahil wala masyadong gumagamit nito. Malakas ang lalaki at nagawa siyang maipasok sa loob ng lift. Nakasimangot si Devyn at naka-cross armed siyang nasa dibdib niya ang bag niya. Mahirap na, manyak ang lalaking kasama niya. At sila lang dalawa sa loob ng lift. "Which floor?" tanong ni Raleigh. "10th," maikling sagot ni Devyn. Pinindot ni Raleigh ang 10. Saka binalingan ang babae na nasa pinakagilid ng lift. "Hindi ko na uulitin ang ginawa kong iyon sa 'yo noon. Narealised ko na mali ako. Hindi kita dapat pinupuwersa. Dahil iba ka sa mga babaeng isang ngiti ko lang ay tumitihaya na sa harapan ko," saad ni Raleigh. "Maigi at alam mong kakaiba ako sa mga babae mo!" galit na sambit ni Devyn. Natahimik silang dalawa. Napasinghap si Devyn ng tumunog ang lift. Hudyat na nasa 10th floor na sila. Gentleman pala. Dahil pinauna siyang lumabas ni Raleigh. Dumiretso si Devyn sa office ng HR Manager. Hindi niya na nilingon ang lalaki sa kanyang likuran. Huminga muna ng malalim si Devyn bago kumatok sa pinto. Nakalimutan niyang nasa likuran lang niya ang lalaking kanina pa sumusunod sa kanya. Nagulat si Devyn nang hinawakan ni Raleigh ang seradura ng pinto at walang paalam na pumasok sa loob. Nakita nilang tumayo ang HR Manager na si Cassandra. "Good morning, Sir Raleigh," bati ni Cassandra na yumuko pa ito ng bahagya. Naihilig ni Devyn ang ulo sa lalaki. "Sir Raleigh?" namimilog ang mata na bulalas niya sa kanyang isip. "Good morning, Miss Olivares. I just came here for. . ." sabi ni Raleigh. Binalingan niya si Devyn na nasa kanyang likuran. "I mean, this woman. Spare her that she is late today." Nalaglag ang panga ni Devyn sa tinuran ni Raleigh. "Devyn Piper po. Her name is Devyn Piper, Sir Raleigh," si Cassandra na ang nagsabi ng pangalan niya. Muling binalingan ni Raleigh si Devyn sa kanyang likuran. "Devyn Piper? What a pretty name," papuri ni Raleigh na hindi inaalis ang tingin kay Devyn. Nagpalit lipat ng tingin si Cassandra kay Mr. Raleigh at Devyn. Dalawang Sable ang mukhang interesado sa bagong empleyada ng RSC. How to be you, Devyn Piper? Nakangising nasa isip ni Cassandra. Nilapitan ni Cassandra si Devyn at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Sir, may kailangan pa po ba kayo? Hindi ko na po sesermunan si Devyn kung iyon ang gusto niyo. Kahit halos isang oras na siyang late sa first day of work." Mataman na tinitigan ni Raleigh si Devyn. New employee? Why did his brother hide it to him about the new employee Devyn Piper? Napapaisip na si Raleigh sa kapatid niya. "Ah, wala na. I'm just escorting Miss Devyn," walang paligoy ligoy na sagot ni Raleigh. Saka tumalikod sa dalawang babae at lumabas ng opisina ni Cassandra. Pigil na pigil si Devyn ng kanyang paghinga. Bumilis ang t***k ng puso niya sa klase ng tingin ni Mr. Raleigh sa kanya. Pagkasara ng pinto."Ahhh—! Grabe ka, Girl! Kabago bago mo person of interest ka na agad ni Sir Raleigh." napapikit si Devyn ng kanyang mata at napatakip ng kanyang tenga sa lakas ng sigaw ng HR Manager. "Sino po ba si Sir Raleigh?" "Hindi mo siya kilala?" umiling ng ulo si Devyn. "Kapatid siya ni Sir Chairman Ryder Sable." Namilog ang mata ni Devyn. At napaawang ang labi niya. "Magkapatid po sila?" tumango-tango ng ulo ni Cassandra. "Sa 'yo na ako didikit. Friends na tayo. Simula ngayon. Nang mahawahan mo ako ng swerte," birong sabi ni Cassandra. Nakalimutan ata ang utos ng kanyang among si Ryder Sable. Nakatanga lang si Devyn kay Cassandra na panay ang salita. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito sa kanya. Lumilipad ang isip niya sa kapatid ng amo nila. Nagulat silang dalawa ng naagaw ng pansin nila ang pagring ng telepono. Agad na kinuha no Cassandra ang telepono. Nagtaka si Devyn nang makitang parang nataranta si Cassandra. "Right away, Sir. I'm sorry," iyon ang palaging naririnig ni Devyn mula kay Cassandra. Naibaba na ni Cassandra ang telepono. Halos maiiyak na itong tumingin sa kanya. "Anong pong problema?" "Nakalimutan ko, Devyn. Pinapupunta ka ni Sir Ryder sa office niya." "Huh? Ako po?" turo niya sa sarili niya. "Bakit kailangan ko pang pumunta sa office niya?" "Chairman 'yon. Amo natin. Ikaw ang bagong sekretarya ni Sir Ryder." "Wala pa akong alam sa pagiging sekretarya. High school grad nga lang ako." Napakibit ng balikat si Cassandra. "Sige na. Puntahan mo na. Galit na galit na sa akin si Sir Sable. At kanina pa siya naghihintay sa 'yo," napilitang tumango ng ulo si Devyn. Saka nagpaalam na kay Cassandra. Sa dami ng pumapasok sa isip niya nakalimutan niyang itanong kung anong floor ang opisina ng Chairman. "Ang tanga talaga. Maghahanap pa ako ngayon kung saan ang opisina ni Sir Ryder," bulalas ni Devyn na kakamot kamot ng ulo. Habang si Ryder kanina pa iritado. Panay ang lakad niya pabalik balik. Kanina pa siya naghihintay kay Devyn. Wala na siyang ginawa kundi ang maghintay kay Devyn. "Where are you Devyn?" bulalas ni Ryder. Nagtatagis ang bagang. Kuyom ang kamao. Lumapit siya sa lamesa niya at malakas na hinampas ang lamesa. Nakita niya ang eksena sa ibaba. Magkasabay na pumasok sina Devyn at Raleigh kanina. Pagkatapos, hanggang ngayon wala pa si Devyn. He give instruction to Cassandra to send Devyn in his office. Isang oras na ang lumipas wala pa din si Devyn. Kinuha na ni Ryder ang telepono. Muli niyang tinawagan si Cassandra. "Where is Devyn?! I already told you to send her here! Bakit hanggang ngayon wala pa din siya dito sa loob ng opisina ko?!" dumagundong ang malakas na boses ni Ryder. Narinig niya ang pagsinghap ni Cassandra sa kabilang linya. "I-I'm sorry, S-Sir Sable. K-Kanina pa po si Devyn nakaalis dito sa opisina ko. Papunta na po d'yan," nanginginig ang boses ni Cassandra na humihingi ng paumanhin sa amo niya. "Hindi pa siya dumadating! I want you to check all the CCTV! And tell the security to escort her going to my office! Am I clear, Miss Olivares?!" tanong pa niya kay Cassandra sa kabilang linya. "Y-Yes, Sir." Ibinaba na ni Ryder ang telepono. At naupo sa kanyang swivel chair. It's already 10 o'clock. Hanggang ngayon wala pa din si Devyn sa loob ng opisina niya. KANINA pa si Devyn sa loob ng lift. Nasa loob siya ng employee lift. At taas, baba lang siya. Frustrated na kung saan ba talaga siya pupunta. Baka kanina pa umuusok ang ilong sa galit ang amo niya. Paano pa niya matitignan sa mata si Chairman Ryder Sable? Unang araw sa trabaho. Puro kapalpakan ang mga ginawa niya. Kung puwede lang na lamunin na lamang siya ng lupa sa sobrang kahihiyan. "Alin ba dito ang pipindutin ko? Bibili na talaga ako ng phone," alalang usal ni Devyn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD