NAGULAT si Devyn ng mawalan ng kuryente. Wala na siyang makita. Ang dilim sa loob ng lift. Nagsisimula na siyang kapusan ng kanyang hininga.
"T-Tulong! T-Tulong!" mga sigaw niyang humihingi ng tulong. Nabanaag ang sobrang takot sa kanyang mukha. Napaiyak na siya at napaupo sa sahig. Yakap ang kanyang tuhod. "Mama, Papa. Tulungan niyo po akong makalabas dito," umiiyak na usal ni Devyn. Saka nagyuko siya ng ulo.
"s**t!" mura ni Ryder. Wala pa rin siyang balita kay Devyn. Hindi pa rin nagrereport sa kanya si Cassandra.
Biglang nagkaroon ng blackout sa buong building. Namatay ang mga ilaw sa loob ng kanyang opisina. Kinabahan na siya nang maalala ulit si Devyn. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan si Cassandra sa personal phone nito.
"What happen? There is no power. Bakit nagkabrown out?"
"Sir, may ginagawa pong nasirang poste sa labas. And all the buildings and establishment are affected. Even us," sagot ni Cassandra sa kabilang linya.
"Sabihin mong buksan ang generator. Huwag niyo nang hintayin pa ang utos ko! And what about Devyn?" hindi na siya mapakali. His heart was pounding in fear for Devyn.
"May nakuha pong footage kanina na pumasok si Devyn sa lift. Before the brownout occur."
Napahawak si Ryder sa kanyang ulo.
"Which lift and which floor she is right now?!" desperado na siya. Maaaring makulong si Devyn sa lift.
"Sa employee lift po. Iyon na po ang problema. Hindi na po nalocate kung saang floor si Miss Devyn Piper dahil nawalan na po ng kuryente," paliwanag ni Cassandra.
"f**k! Tell to the security to come with me. And please, try your best to return the electricity immediately!" agad pinatay ni Ryder ang tawag at mabilis na lumabas ng opisina niya. Sobrang nag aalala na siya kay Devyn. Wala ding phone si Devyn.
How on this earth she didn't have a cellular phone?
"Baby, just hang on there. I'm coming," usal na sambit ni Ryder.
Sa fire exit siya dumaan. Titignan niya ang bawat floor. Baka sakaling marinig niya ang boses ni Devyn sa loob ng lift. Sa taas ng building ng RSC. Nangangamba na siya sa kaligtasan ni Devyn. Sana lang bumalik na kaagad ang power. Nang makalabas na si Devyn sa loob ng lift.
Mula sa itaas ng kanyang opisina. Lahat ng lift sa bawat floor ay kinakatok ni Ryder. From 50th floor. He is now going in 40th floor. Sobrang pawis na pawis na siya. Dahil sa pagbaba sa hagdan. And still there is no electricity.
"Devyn! Devyn! Are you there?! Did you hear me?! Answer my goddamn questions! Devyn!" mga sigaw ni Ryder habang malakas na hinahampas ang pinto ng lift.
Nanghihina na napatayo si Devyn nang may marinig siyang kalampag mula sa pinto. Pinunasan niya ang mga luha niya. Takot na takot siya at walang ginawa. Kundi ang umiyak.
Baka ito na ang tulong na kanina pa niya hinihiling at ipinagdadasal.
"T-Tulong! May tao po dito sa loob! Tulungan niyo po ako dito! Please po! Tulong!" sigaw ni Devyn na pinapalo ang pinto. Nawawalan na siya ng lakas. Wala din kasi siyang kain kaninang umaga. Hindi na niya alam kung anong oras ar halos hindi na gumagana ang utak sa sobrang takot.
May narinig si Ryder na tunog. Kinuha ni Ryder ang phone niya sa bulsa.
"I need an ambulance, ASAP. I'm in the 38th floor of RSC building. One of my employee is stuck inside the lift. And no power," mabilis na sabi ni Ryder sa kausap. Nang maireport na niya ang nangyari ay inilagay niya ang phone niya sa bulsa ng slacks niya.
"Devyn, just hang on there.. I'm here.. Hindi kita iiwan," usal na sambit ni Ryder. Idinikit niya ang noo sa pinto. Habang si Devyn ay pinapakinggan ang tao sa labas. Panay pa din ang pagtulo ng luha niya.
Sampung minuto ang lumipas ay bumalik na ang kuryente.
Napapikit si Devyn ng mga mata niya. "Salamat po," usal niya. Masaya siyang nakaligtas siya.
Agad na bumukas ang pinto ng lift. Nakatayo si Devyn sa harap ng pinto. Nabugaran ang isang lalaking tanggal ang dalawang butones ng polo. Wala ng tie at nakatiklop ang manggas sa siko. Pawis na pawis ang buong katawan. At ang ikinagulat niya ay ang pag-aalala sa mga mata nito.
"Chairman Sable?"
"Devyn... Thanks God! You're safe," hinawakan ni Ryder ang kamay ni Devyn at hinila palabas ng lift. Saka niyakap ng mahigpit. "Pinag-alala mo ako ng sobra," sambit niya sa tenga ng dalaga.
Tila naestatwa si Devyn. Hindi siya nakagalaw. Yakap siya nang Chairman ng RSC. Hindi niya alam na ito pa talaga ang naghanap sa kanya. Sa ayos ng itsura ng amo ay labis ang takot nito para sa kanya.
Gumanti ng yakap si Devyn. At inihilig ang ulo sa dibdib nito. Ramdam niyang ligtas siya sa mga bisig ni Chairman Sable. Hindi na halos niya ininda ang lahat ng naranasan niya habang mag-isa siya sa loob ng madilim na lift.
Nasa ganoon silang tagpo ng bumukas ang lift at iniluwa niyon sina Cassandra. Kasama ang security at paramedics. Napangiti si Cassandra ng makita sila Devyn at amo niyang magkayakap.
Nang mapansin ni Devyn ang mga taong nakapalibot sa kanila ay agad niyang itinulak si Chairman Sable. At nabitawan siya. Nagtataka itong tumingin sa kanya. Ininguso ni Devyn ang mga taong halos nanonood na sa kanilang dalawa.
Hinarap ni Ryder ang mga ito. Umaktong walang nangyari.
"Mr. Sable, good afternoon po. We are from the Marasigan Private Hospital. Ano pong nangyari?" pakilala ng isang lalaki kay Ryder.
"My employee, Devyn Piper. Nakulong siya sa loob ng lift. Dahil nawalan ng kuryente at hindi ito nakalabas," sagot ni Ryder. Tiningnan niya ang gawi ni Devyn. Kausap na ito ni Cassandra.
Walang ano ano ay biglang narinig na lamang nila ang malakas na sigaw ni Cassandra. "Devyn—! Devyn!" napahandusay si Devyn sa sahig.
Agad na tinawid ni Ryder ang malayong pagitan nila ni Devyn. Dinaluhan niya ang dalaga at kinarga ng pabridal. Ang paramedics ay lumapit na rin kina Ryder. Dala na ang stretcher.
Subalit, tumanggi si Ryder na ihiga si Devyn sa stretcher. Karga niya pa rin ito at nakatitig sa maamong mukha ni Devyn na parang natutulog. Habang papasok sila sa lift.
Sa ospital. Nakahiga na si Devyn. Nakatulog ito at may nakakabit na dextrose. Nasa tabi niya si Ryder na nakaupo sa upuan.
"Sir, ako po na ang bahalang magbantay kay Devyn," prisinta ni Cassandra. Umiling ng ulo si Ryder.
"No. I will stay here. Hanggang sa magkamalay siya. Saka ako uuwi," may diing tugon ni Ryder.
Napaawang ang labi ni Cassandra. Ngayon lang sobrang nag-alala ang amo niyang cold hearted chairman. Bago ito para sa kanya. At para sa kanilang lahat. May puso din at lumalambot din pala ang isang may matigas na puso.
Biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang Doctor Physician ni Devyn na si Dr. Marasigan. Kasunod ang Nurse. Napatayo si Ryder. Binigyan ng daan ang doktor at nurse.
Nilapitan ni Oscar si Devyn. Nag-aalala din ito para sa dalaga. Hinaplos niya ang kamay ni Devyn.
Kumunot ang noo ni Ryder sa nakitang ginawa ng Doktor.
"Ah, Mr. Sable. Devyn is fine now. Nawalan lang siya ng malay dahil sa takot at gutom na rin," imporma ni Oscar na hindi pa din binibitawan ang kamay ni Devyn.
Ang mata ni Ryder ay hindi sa mukha ng Doktor. Kundi sa kamay nitong hawak ang kamay ni Devyn.
"Is that so, Dr. Marasigan? Wala na bang ibang problema sa empleyado ko?" tanong niya na kunot pa din ang noo. Napakuyom siya ng kanyang palad.
"Yes. Mamaya maya ay gigising na rin siya. And thank you for taking care of Devyn. Puwede niyo nang iwam si Devyn dito. Andito din ang kapatid at Lola Anding niya. Mamaya ay papunta na rin ang matandang kumukupkop sa magkapatid."
Mukhang maraming alam ang Doktor na ito tungkol kay Devyn. Hindi pa din na aalis ang masang tingin ni Ryder sa binatang Doktor.
"It's my duty to securs the safety of my employee. Right, Miss Olivares?" sabay sila Ryder at Oscar na napalingon kay Cassandra.
Napalunok si Cassandra. "Y-Yes, C-Chairman S-Sable," nauutal na sagot niya. Nakikita niya sa mga mata ng dalawang binata na tila gusto nang magpambuno. Lalo na ang mukha ng amo niyang parang papatay na ng tao.
"See. I'm a responsible employer. And please, can you take your hand off to Devyn's hand?" may diing sabi ni Ryder. Matalim itong nakatitig sa mukha ni Doc. Marasigan.
Tinignam ni Oscar ang kamay niya na nasa kamay ni Devyn.
"Any problem, Mr. Sable? Hawakan ko man ang kamay ni Devyn. Hindi mo na problema 'yon. I will hold Devyn hands anytime I want. Even in your front," nagtagis ang bagang ni Ryder.
My sasabihin sana si Ryder ng muling bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matandang babae.
"Oscar, anong nangyari sa apo ko?" maluha luhang tanong ni Lola Anding. Nilapitan nito si Oscar at si Devyn na tulog pa din.
Binitawan na ni Oscar ang kamay ni Devyn. Inakbayan ni Oscar ang Lola ni Devyn. Sobrang nag-aalala ito para kay Devyn.
Nakapamulsang nakatingin lang si Ryder sa doktor at Lola ni Devyn.
"Lola, okay na po si Devyn. Nalipasan po ng gutom. At nagkatrauma siya dahil sa pagkakakulong sa loob ng elevator."
"Talagang itong batang ito. Sinabi nang mag-almusal na muna bago pumasok, e. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa kanya," untag ni Lola Anding at hinaplos ang ulo ng Apo.
"Magandang hapon po, grandma. I'm Ryder Sable. Boss po ni Devyn," singit na sabat ni Ryder. Inilahad niya ang kamay sa matanda para makipag kamay.
Naalarma si Cassandra. Hindi ata alam ng amo niya ang tamang pag-approach sa isang matanda kagaya ng Lola ni Devyn. Nilapitan ni Cassandra ang amo.
"Sir, hindi tama ang makipag kamay. Mag-bless po kayo kay Lola," bulong ni Cassandra sa amo.
Napatingin ang amo sa kanya. Nagtataka ang mga tingin. Sa huli ay sinunod din niya ang sinabi ni Cassandra. Nilapitan niya ang matanda at kinuha ang kamay para magmano.
Napaawang ang labi ni Lola Anding. Saka tumingin kay Oscar. Tumango ng ulo si Oscar ss matanda.
"Pasensiya na po sa nangyari sa Apo niyo. Nawalan po kasi ng kuryente sa kompanya," magalang pang sabi ni Ryder sa matanda.
Nalaglag ang panga ni Cassandra. Ang amo ba talaga niya ang nagsalita? Mas gumawapo ang amo niya ngayong magalang na kinakausap ang Lola ni Devyn. Ibang-iba ang katauhan ni Chairman Ryder Sable. Kumpara sa naunang Chairman Ryder Sable. Parang mas gusto niyang ganito ang amo niya. Napangisi si Cassandra sa mga naisip.
"Kayo po pala ang amo ng aking apong si Devyn. Naku, pasensiya na rin po. Unang araw sa trabaho ni Devyn. Ganito pa ang nangyari sa kanya," nahihiyang sabi ni Lola Anding.
"Wala po iyon, Lola. Ang mahalaga po ay ligtas na si Devyn," nakangiting tugon ni Ryder.
"Maraming salamat po, Sir Sable..."
"Ryder na lang po," pagtatama ni Ryder. Tumango at ngumiti si Lola Anding sa binata.
Masusing tinititigan ni Oscar ang amo ni Devyn. Halata niyang may gusto rin ito sa dalaga. May the best man win. Kahit sino pa ang mapili ni Devyn ay igagalang niya. Basta, mahalin lang ng totoo ang dalagang itinatangi niya.
Naiwan si Lola Anding sa tabi ni Devyn. Pumunta muna ng kompanya si Chairman Sable at ang babaeng kasama nito. Si Oscar ay itinuloy ang pag-round para matignan ang kanyang mga pasyente.
Nagmulat si Devyn ng kanyang mga mata. Napabalikwas siya ng bangon ng makita ang kulay puting kurtina.
"Apo, gising ka na."
"Lola, ano pong ginagawa ko rito? May trabaho pa po ako," nagtatakang tanong ni Devyn. Napansin niya ang dextrose na nakatusok sa kamay niya. "Dextrose?"
"Isinugod ka sa ospital. Nawalan ka ng malay pagkalabas mo ng elevator."
"Huh? Lola, wala po tayong pambayad sa ospital. Pakitawag na po nurse at tanggalin na ang dextrose ko sa kamay. Pupuntahan ko po si Divina sa kuwarto niya," natatarantang saad ni Devyn.
"Kumalma ka, Devyn. 'Wag mo ng isipin ang pambayad dito sa ospital. Binayaran na ni Chairman Sable kanina. At si Divina, may nagbabantay sa kanya. Huwag mo siya intindihin at okay lang siya. Magpalakas ka na muna. Lalabas ka rin agad bukas," sagot ni Lola Anding.
Namilog ang mata ni Devyn. Nasapo ang sariling noo. Kagat ang kanyang labi.
"Unang araw ko po sa trabaho. Paano na po 'yan? Baka tanggalin na po ako sa trabaho ni Chairman Sable," napangiti ng malawak si Lola Anding sa kanya. Habang umiiling ng ulo. "Lola, tinatawanan pa po ako."
"Hindi kita pinagtatawanan. Natutuwa lang ako sayo, apo ko. Ipinagmamalaki kita."
"Si Lola po talaga, oh. Nag-aalala na nga po ako na baka ako mawala ng trabaho. Binobola mo pa po ako."
Napataas ang isang kilay ni Lola Anding.
"Hindi ako nambobola, Devyn. Napakaganda ng apo ko talaga," nangingiti pangtukso ni Lola sa kanya.
Napatakip si Devyn ng kanyang mukha. Humagalpak ng malakas na tawa si Lola Anding. Pulang pula na ang pisngi ni Devyn.
Nakabalik na ng kompanya niya si Ryder. Na kay Devyn pa din ang isip niya. Tambak ang trabaho niya sa kanyang lamesa. Nagpatong ang mga files sa kanyang harapan. Ngunit, wala sa trabaho ang utak niya. Na kay Devyn....
"f**k!" mura ni Ryder at biglang napatayo. He heaved a very heavy sighed.
Hindi siya matatahimik. Hangga't hindi niya nalalaman ang nangyari kay Devyn. Why all of a sudden she can't remember anything about him? It's just five years ago. Maliban na lang kung nagka-amnesia si Devyn. Naaksidente o kaya nabagok ang ulo niya. Kaya hindi siya maalala. Napailing ng ulo si Ryder. Ang pangit ng mga naisip niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman. Kung may masama ngang nangyari kay Devyn nuon.
"I missed her a lot," he missed her... Everything about her. Sobrang namiss ni Ryder. Lahat ng ipinadama ni Devyn sa kanyang pagmamahal nuon. Andoon pa din sa puso niya. Hindi kailanman mawawala.
Napasabunot si Ryder sa kanyang buhok. Frustration is seen all over his face.