PAPUNTA si Ryder sa ospital para tignan ang kalagayan ni Devyn. Naging abala na siya kanina at alas diyes na ng gabi ay pauwi pa lamang siya galing RSC.
Nadaan siya kanina sa stall ng flower shop. Bumili siya ng isang bouqet ng white tulips para kay Devyn. Napapangiti si Ryder habang iniisip na bibigyan niya kaagad ng bulaklak si Devyn. Supposedly, first day of work ng dalaga today. Dapat ang turing niya kay Devyn is employee. Papagalitan niya dapat si Devyn dahil late ito sa pagpasok. Pero, bakit may pa-bulaklak? Nagpabili din siya ng bagong phone para kay Devyn.
Bakit parang tila nanlalambot na naman siya kapag naalala si Devyn? Hanggang ngayon ba, mahal pa din ba niya si Devyn?
Naglalakad si Ryder sa pasilyo ng ospital. Malapit na siya sa kuwarto na inuokopa ni Devyn. Napansin niya na lumabas ng kuwarto ni Devyn si Oscar.
Mataman niyang tinignan si Doc. Oscar Marasigan.
"Good evening, Mr. Sable," seryoso ang tingin na bati ni Oscar sa amo ni Devyn. Tumango lang ito ng ulo sa kanya. At hindi gumanti ng bati. "Tapos na ang visiting hours sa ospital. Baka hindi mo alam." dugtong pa niya. Saka bumaba ang tingin sa dalang bulaklak ng binatang Chairman.
"I know, Mr. Marasigan," kunot ang noong tugon ni Ryder.
"Alam mo pala. Bakit ka pa pumunta dito? Gabing gabi na at nagpapahinga na ang pasyente ko."
Mas lalong kumunot ang noo ni Ryder sa mga narinig mula kay Oscar. Hindi niya gustong makipagtalo. Pero, parang nanghahamon ito sa kanya.
"Mr. Marasigan, I'm a very busy person. May kompanya ako na kailangan asikasuhin sa araw. Kaya pasensiya na kung ngayon lang ako ulit nakabalik para bisitahin ang empleyado ko na pasyente mo. Kailangan ko ding alamin ang kalagayan niya dahil EMLEYADO ko siya," may diing sagot ni Ryder.
Napatiim bagang si Oscar.
"The way you to talk now. At kung paano mo tingnan si Devyn kanina parang may kakaiba. Ayokong pangalanan. Pero, ito lang ang sasabihin ko sa 'yo, Mr. Chairman Ryder Sable. I love Devyn. I love her so much. Kung may binabalak ka kay Devyn. Ngayon palang sinasabi ko na sayo. So that you will distance yourself to her," seryosong turan ni Oscar. Pareho silang lalaki at ramdam niya kung may gusto ang katulad niyang lalaki sa gusto niyang babae.
Madilim ang anyo ni Ryder na tinitigan ang mukha ni Oscar. Kanina pa sana bumalagta ito sa sahig. Kung hindi lang siya nagtitimpi.
"Are you afraid, Dr. Oscar Marasigan? And, why I should follow you? Sa tingin mo, susundin ko ang gusto mong i-distansya ko ang sarili ko kay Devyn. Hindi ako nagpapadikta sa kahit na sino. Gagawin ko ang lahat ng gusto kong gawin. I don't care if you do love Devyn. Dahil wala kang alam tungkol sa aming dalawa!"
Nanlaki ang mga mata ni Oscar. Nakapamulsa ang isang kamay ni Ryder sa kanyang harapan. Hawak sa kabila ang bulaklak at isang paper bag. Tila wala lang dito ang mga inamin niya. At sa mga sinabi nito. May nakaraan ba sila ni Devyn? He know Devyn. Mahinhin at inosente.
Kilala niya si Chairman Ryder Sable. Balita ang pagiging walang puso nito. Sa kabila ng pagiging walang puso nito ay matagumpay pa din sa larangan ng negosyo. Ang RSC ang isa sa pinakakilalang kompanya sa panahong ito. At ang binatang Chairman Sable ang pinakasikat na Chairman sa buong bansa. Hindi lang dito, maging sa labas ng bansa ay isa itong tanyag.
Subalit, wala ni isang nabalitaan na na-link na babae sa pangalan ni Chairman Sable. Kundi ang anak ng Pres. Nicholas na si Carmina.
"May sasabihin ka pa ba, Doc. Marasigan? Kung wala na pupuntahan ko na si Devyn sa loob." paalam pang sambit ni Ryder sa Doktor na may pagtingin din sa babaeng unang naging kanya.
Hindi na hinintay ni Ryder na sumagot pa si Oscar. At tinalikuran ang binatang Doktor ni Devyn.
Pagkabukas ng pinto ay napansin niya kaagad si Devyn. Mahimbing na itong natutulog. Nilapitan ni Ryder si Devyn. Maingat na naupo siya sa upuang katabi ng higaan ni Devyn.
Inilapag niya ang kanyang dala at tinititigan ang mukha ng dalaga.
"I feel scared. Noong nalaman ko na nasa loob ka ng elevator. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natakot. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kapag may nangyari sayo na hindi maganda," kinuha niya ang kamay ni Devyn at banayad na hinagkan. "I missed you so much. I still don't know what happen to you. Hindi mo ako na kilala ngayon. Pero, ako kilalang-kilala kita. Hindi kita nakalimutan."
Nagulat si Ryder ng makitang may tumulong luha sa mga mata ni Devyn. Agad na binawi ni Ryder ang kamay niya at maingat na binitawan ang kamay ni Devyn.
Nagmulat ng kanyang mga mata ang dalaga. Pinalis ang mga luhang hindi niya maintindihan kung bakit pumatak sa mata niya. Namilog ang mga mata niya ng makita si Chairman Sable na nakatitig sa kanya. Pinilit niyang bumangon. Pero, hindi niya kaya.
Napansin ni Ryder ang pagpilit ni Devyn na umupo. Kaya inalalayan niya itong makaupo at isandal ang likod sa headboard ng kama.
"Sir, bakit andito pa po kayo? Okay na po ako. Saka, nalipasan lang po ako ng gutom. Kaya ako nawalan ng malay kanina," biglang natanong ni Devyn. Kaswal lang niyang tinignan ang amo niya.
Si Ryder hindi natitinag ang titig niya sa mukha ni Devyn. How Devyn act like he is nothing to her? Wala lang ba kay Devyn ang ilang buwan nilang magkasama?
"Sir?" tawag pa ni Devyn.
Nagbalik sa kanyang ulirat si Ryder. "Pardon. Ano nga ulit ang sinasabi mo?"
"Puwede na po kayong umuwi. Maayos na po ang kalagayan ko rito."
"I came here to personally know about your condition. Hindi ako mapakali sa pag-aalala sa 'yo," natigilan si Devyn. Agad na binawi ni Ryder ang nasabi. "I mean, empleyado kita at kargo ko ang nangyari sa 'yo sa loob ng lift," tila may bumara sa lalamunan ni Ryder nang banggitin na empleyado niya si Devyn.
"Wala pong may kasalanan sa mga nangyari. Aksidente po ang lahat. Humihingi po ako ng pasensiya sa nagawa ko kanina. Sobrang na-late po ako sa unang araw ng trabaho ko. Dapat na hindi ko po ginawa. Lalo na at baguhan lang akong empleyado ng kompanya niyo," may pag-aalala sa tinig ni Devyn na humingi siya ng paumanhin kay Chairman Sable. Ayaw niyang mawalan kaagad ng trabaho. Kaya pagkakataon na niyang humingi ng dispensa sa maling nagawa niya.
"Don't think too much, Devyn. It's fine with me," nasabi ni Ryder sa dalaga. Tila nabuhayan ng loob si Devyn sa narinig.
Kinuha ni Ryder ang paper bag na dala. Pinagmamasdan ni Devyn ang ginagawa ng amo niya. Namilog ang mata ni Devyn nang ilabas na ni Chairman Sable ang isang maliit na box sa loob ng paper bag.
"I ask Miss Olivares to buy this phone for you. Hindi ko alam kung anong gusto mong kulay. Kaya gold na lang ang napili ko. I hope you like it," sabi ni Ryder na abalang binubuksan ang box. Pagkabukas ng box ay inilahad kay Devyn ang isang mamahaling phone.
Nanlaki ang mata ni Devyn. Sa tanang buhay ay hindi pa siya nagkakaroon ng ganoong kamahal na telepono.
"Sir, hindi ko po iyan matatanggap," umiiling na tanggi ni Devyn sa telepono.
"Why don't you like the unit?" umiling ulit ng ulo si Devyn. "If you don't like, I will buy other unit. Iyong gusto mo," umiling na naman ng ulo si Devyn. Hindi ata makuha ng amo niya ang ibig niyang sabihin.
"Sobra po ang halaga niyan. Hindi ko po matatanggap ang ganyang kamahal ng telepono. Wala din po akong ibabayad diyan. Mahirap lang po kami at may sakit pa ang kapatid ko."
Sinusuring tinignan ni Ryder si Devyn. Saka humugot ng malalim na buntong hininga. He forgot, Devyn is a different girl. Hindi ito materialistic na babae.
"Hulugan mo na lang sa kompanya. Ikakaltas ko sa sweldo mo buwan-buwan. Puwede na ba?" sabay lahad ulit ng phone kay Devyn. Ipinagpipilitan na kunin na ang telepono.
Tiningnan ni Devyn ang mukha ng amo niya. Kung seryoso ba ito sa inaalok sa kanya? Hindi biro ang halaga ng phone. Ilang buwan iyon ikakaltas sa sahod niya? Kung bibili man siya ng telepono. Hindi 'yung ganito kamahal. Mas malaki pa ang halaga nito kesa sa sahod niya.
May ibang nasa isip si Devyn. Siguro ang hihingiin na lang niyang advance salary kesa telepono. Pag-iipunan na lang niya ang ipambibilo niya ng phone. Kahit siguro second hand ay puwede na.
"Kakapalan ko na po ang mukha ko, Sir Chairman. Kasi po... Ano, e," naghihintay si Ryder sa sasabihin ni Devyn. Mukhang nahihiya pa itong sabihin sa kanya ang nais.
"Say it."
Nakagat ni Devyn ang labi niya. Paano ba niya sasabihin na mag-a-advance siya ng salary? Dapat kanina pa niya sinabi. Kaya lang nangyari pa ang mga iyon.
Hindi napigilan ni Ryder ang mapangiti. Saka, umiwas ng tingin sa dalaga. Baka kapag hindi niya mapigilan ang sarili ay mahalikan niya si Devyn bigla. The way she bite her lips. She is tempting him to do it.
"Sir Chairman, kukuha po sana ako ng advance salary. Nakakahiya po. Kasi bago lang po ako. Pero, ito ako. Humihingi agad ng sahod. Pero, wala na po kasing natitirang pera para sa panggastos naming magkapatid," nahihiyang sabi ni Devyn. At nagyuko ng ulo. Saka napapikit ng kanyang mga mata. Nakahanda naman siya sa posibleng isagot ni Chairman Sable sa kanya.
"Here, take this," napadilat si Devyn ng kanyang mata. Bumungad sa kanya ang libohin na pera.
Napaangat bigla si Devyn ng kanyang ulo. Namimilog ang mga mata sa pagkabigla. Totoo ba? Pahihiramin siya ng pera ng amo niya?
"Sir Chairman, ang laki po niyan. Tama na po ang dalawang libo. Kasya na po iyon hanggang sa araw ng sahod ko," tumanggi siya sa ibinibigay nitong pera na sa kalkula niya ay limang libong piso.
"Kailangan mo iyan. Sabi mo nga para sa panggastos ninyong magkapatid. Basta kapag may kailangan ka pa sabihin mo lang sa akin. And one more thing, hindi ka pa rin puwedeng pumasok bukas. Magpahinga ka at magpalakas. Sa susunod na araw ka na lamang pumasok," saad ni Ryder. At inilapag ang pera. Pati na ang phone ay inilagay niya sa tabi ng pera.
Sinusundan ng tingin ni Devyn ang amo niya. Hindi siya nakasagot at halos walang salitang lumabas sa bibig niya.
Tumalikod si Ryder kay Devyn at inihakbang ang kanyang mga paa papunta sa pintuan. Muli siyang humarap kay Devyn.
"I will see you in my office after tomorrow. Take care and get rest, Devyn," isang matamis na ngiti ang nakapaskil sa labi ni Ryder.
Tumango ng ulo si Devyn. Gumanti ng ngiti kay Ryder.
Tinignan ni Devyn ang perang iniwan ni Ryder sa kanya. Pati ang phone na iniwan nito ay kanyang tinignan.
"Babayaran din kita, Sir Chairman Sable," usal na sambit ni Devyn. Nahagip ng tingin niya ang boquet ng bulaklak sa lamesa.
DUMIRETSO si Ryder sa bahay nila sa Forbes. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Gusto niyang makasama ang pamilya niya ngayon. Baka sakaling mawala ang tensyon sa puso niya. Palagi na lamang siyang ginugulo ng pag-iisip niya kay Devyn.
"Ider, I'm so happy na umuwi ka rito sa bahay," bungad na sabi ng Mommy niya ng makita siyang nakaupo sa sopa.
"Mom, I don't want to hear that name again. Please . . .," pakiusap niya sa ina. Bumalatay ang lungkot sa mukha ni Antonette. Hanggang ngayon, ayaw pa din ng anak ni Ryder na tawagin siya sa palayaw nito.
"I'm sorry, Hijo. Your dad usually call you Ider. Noong nabubuhay pa siya. Akala ko, okay na sa 'yo ulit na tawagin kita sa palayaw mo. Dahil matagal ng nakalipas ang lahat."
"Please, Mom. Huwag niyo pong umpisahan. If I said, I don't want to hear that name. Don't say it, please," mga pakiusap pa ni Ryder sa ina. Ayaw na niyang alalahanin pa ang lahat. Gusto na niyabg kalimutan ang lahat ng iyon. Ngunit, sadyang tadhana ang maglalapit sa kanyang nakaraan.
Tumayo si Ryder at iniwan ang Mommy niya sa sala. Napaluha si Antonette sa inakto ni Ryder sa kanya. Hindi na ba talaga babalik ang anak niya sa dati? Fifteen years ago.. Andito pa din ang anino ng kahapon kay Ryder.
"IDER, huwag mo akong iwan! Sabi mo mahal mo ako! Sabi mo hindi mo ako sasaktan!" mga pakiusap ni Devyn.
"You lied to me, Devyn! I thought I loved you. I'm sorry but we should end this" may diing sabi ni Ryder at tumalikod kay Devyn. Itinatago niya ang kanyang lihim na pag-iyak.
Panay ang iyak ni Devyn. At umiiling ng ulo.
"Hindi puwede! Paano ako? Hindi ko kaya! Please, Ider... Huwag mo akong iwanan," mga pagmamakaawa ni Devyn at hinawakan niya sa braso si Ryder. Pilit niyang ipinapaharap ito sa kanya.
Tinanggal ni Ryder ang kamay ni Devyn na nakahawak sa kanya.
"From now on. Don't call me, Ider. Huwag na din tayong magkita. Dahil ayaw na kitang makita pa kahit kailanman!"
"Ider, please.... Mahal na mahal kita," mga panaghoy ni Devyn.
"I said, don't call me Ider! Hindi kita mahal! Naririnig mo ba? HINDI KITA MINAHAL!"
Tumalikod na si Ryder kay Devyn. Doon na niya pinakawalan ang mga luha niya sa kanyang mga mata.
Nagising si Ryder mula sa isang panaginip na hilam ng luha ang kanyang mga mata. Nasa isip pa niya at hindi nakalimutan ang gabing iyon.
"I'm sorry, Devyn... I'm really sorry," usal ni Ryder habang patuloy na umiiyak.