Kabanata 9

2158 Words
MAAGA pa ay inaayos na nila Lola Anding at Devyn ang mga gamit ni Devyn. Discharged siya mamaya maya. Pupuntahan na lang ni Lola Anding sa bills ang resibo na katunayang bayad na sila. Saka sila lalabas ng kuwarto ni Devyn. Nagpapasalamat sila kay Chairman Ryder Sable. Siya ang nagbayad ng lahat ng gastos ni Devyn sa ospital. Palagi pang may nagdadala ng prutas at pagkain sa dalaga. Sinisiguro na maayos ang kinakain ni Devyn. "Good morning, Devyn," nag-angat ng ulo niya si Devyn nang marinig ang bati ni Oscar sa kanya. Ngumiti si Devyn sa kanya. "Tapos mo nang ihanda ang mga gamit mo?" tanong pa ni Oscar kay Devyn. "Oo, Oscar. Kaunti lang naman ang gamit ko. At isang araw lang ako rito," sagot ni Devyn. Hindi niya kailangang ng maraming damit. Dahil halos andito na din ang ibang damit niya aa ospital. Ginagawa ba nga nilang parang bahay nila ang ospital. Sa tagal din naka-confine si Divina sa ospital ni Oscar. "Ah, Lola Anding. Tama na po muna 'yan. May dala po akong breakfast," aya ni Oscar kay Lola. Itinaas pa niya ang dala niyang supot. Saka binalingan si Devyn. "Devyn, alam kong hindi ka pa nag-aalmusal. You need to eat on time. Huwag kang magpapabaya sa sarili mo." Napangiti si Devyn sa tinuran ni Oscar sa kanya. Hindi na niya mabilang ang lahat ng ginawa nito sa kanya at sa kapatid niya. Masaya siyang nakilala niya si Oscar. Ngunit, hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay dito. Kinuha ni Oscar ang lamesa. Napansin ang bulaklak ng tulips sa ibabaw niyon. Napatingin siya kay Devyn. "Inilagay mo pa pala sa vase ang mga bulaklak na binigay ni Chairman Sable," may himig ng kaunting selos sa tono ng boses niya. Nagkatinginan ang mag-lola. "Huh? Hindi ko alam na kay Sir Chairman pala galing ang mga bulaklak. Akala ko dala mo siya kagabi," rason ni Devyn. Nagtataka siya na hindi sinabi ni Chairman Sable na may dala siyang bulaklak para sa kanya. Itinago na muna ni Devyn ang telepono na ibinigay ni Chairman Sable sa kanya. Ayaw pa muna niyang ipaalam sa Lola Anding niya at kapatid ang tungkol doon. Tutuksihin lang siya ng mga ito kapag nalaman ang tungkol sa telepono at perang ibinigay sa kanya. Napabuga ng hangin si Oscar. Habang si Lola Anding ay nangingiti na nakatingin sa kanilang dalawa. Pagkatapos ng masaya nilang almusal ay iniuwi ni Lola Anding ang kaunting damit na dala ni Devyn habang naka-confine. Si Devyn ay pinuntahan agad si Divina sa kuwarto nito. Pagkabukas ni Devyn ng pinto ay napansin niya ang kapatid na parang may malalim na iniisip. Walang kakurap-kurap na nakatanaw ito sa bintana. "Divina," masiglang tawag niya sa kapatid. Nilingon kaagad siya ni Divina at ngumiti. "Ate, maigi at okay ka na. Nag alala ako sa 'yo," nilapitan ni Devyn ang kapatid. Saka niyakap ng mahigpit. Kumalas ito sa kanya. Nakita niyang nagpupunas ito ng luha sa mata. "Gusto sana kitang dalawin. Pero, hindi ako makaalis sa bed ko," malungkot na dugtong ni Divina. "Okay lang, Divina. At bukas ako papasok sa trabaho." "Masaya akong maayos ka na," pinilit na ngumiti si Divina. "Ate, gusto ko sanang dumalaw kina mama at papa." Namimiss siguro ng kapatid niya ang parents nila. Inakbayan ni Devyn si Divina. "Hayaan mo sa day off natin. Pakikiusapan ko si Oscar. Dadalawin natin sina Mama at Papa. Matagal na din noong huling dumalaw tayo sa kanila," bumalik ang saya sa mukha ni Divina na tumango-tango pa ng ulo. "Salamat, ate." Habang si Ryder. Iritadong iritado ang mukha. Kanina pa siya kinukulit ni Raleigh tungkol kay Devyn. Napabuntong hininga si Ryder. "Kuya, why you're hiding Devyn to me? Sabihin mo na kung nasaan siya." "I already told you before. Wala ngang nagtatrabahong Devyn dito." pagsisinungaling ni Ryder. "I saw her yesterday. Hinatid ko pa siya sa opisina ni Cassandra kahapon. How is that possible na walang Devyn Piper na nagtatrabaho sa kompanya mo?" Umiwas ng tingin si Ryder kay Raleigh. Kuyom ang palad sa ilalim ng lamesa. "Ano bang kailangan mo kay Devyn, Raleigh?" kunot ang noo na tanong niya sa kapatid. "I just want to see her again. And invite for a coffee, iyon lang. Akala ko pa naman madadatnan ko siya dito sa RSC," dismayadong sagot ni Raleigh sa Kuya niya. "Better, I will ask Cassandra. May kutob akong itinatago mo sa akin si Devyn. I know you, Kuya Ryder. Ako ang unang nakakita sa kanya. Kaya, please ibalato mo na si Devyn sa akin," dugtong na saad ni Raleigh. Hindi sumagot si Ryder. Mukhang timaan ang kapatid niya kay Devyn. Pero, paano niya ipapaubaya si Devyn sa kapatid? Si Raleigh na ang nakiusap sa kanya na ibigay si Devyn sa kanya. What he will do now? Hindi na ba titigil ang ibang lalaki na umaligid kay Devyn? What if he tell to Raleigh about Devyn? Ipapaubaya ba ni Raleigh si Devyn sa kanya, kapag siya naman ang humiling dito? Mas lalo nang gumulo ang sitwasyon. Nobody knows about his previous relationship with Devyn. Except to his parents. Raleigh is studying in France. Nataon pa noong mamatay ang Daddy nila ay umalis kaagad pabalik si Raleigh ng France. Kaya wala itong alam sa kanyang buhay pag-ibig nuon. Hapon na. Panay ang tingin ni Ryder sa kanyang relo. Dalawang oras na lang at ala-singko na ng hapon. Kaninang umaga pa siya walang balita kay Devyn. Ni hindi niya ito tinawagan o kinumusta. Hindi siya makahanap ng tamang tiyempo sa dalaga upang itanong dito ang mga nangyari nuon sa kanya. Sa nakita niya kahapon sa dalaga ay parang naging normal ang buhay nito nuon. Sa huli ay natagpuan ni Ryder ang sarili na nasa loob na ng kanyang sasakyan. May bouqet ng bulaklak na tulips sa passenger seat. He just hoped na maabutan niya si Devyn bago ma-discharge sa ospital. Naipark niya ang kanyang sasakyan sa parking lot ng ospital. Alas-sais na ng gabi. Kinuha niya ang bulaklak. Saka, lumabas ng kanyang sasakyan. Namiss na niya si Devyn. Sabik na siya ulit na makita ang dalaga. Papalapit pa lang siya sa b****a ng ospital ay may natanaw siyang pigura ng tao. Sa tayo palang ay alam na niya kung sino ang babae. Kahit na nakatalikod ito. It's Devyn. Napangiti siya sa isipin na makakausap niya ang dalaga. Subalit, napawi ang ngiti sa labi niya nang makita sa tabi ni Devyn si Dr. Marasigan. Nagsalubong ang kilay niya. At napakuyom ng kamao. Ibinagsak ang bulaklak. Saka tumalikod pabalik sa kanyang sasakyan. Hanggang ngayon hindi pa din naalis sa isip ni Ryder ang tagpong iyon nina Devyn at Dr. Marasigan. Napahampas siya ng malakas sa kanyang manibela. Nanlilisik ang mga mata sa galit. Pumunta na lamang si Ryder sa bar. Nag-order siyang ng rum. Pagkalapag ng waiter ay agad nagsalin siya ng rum sa kanyang baso. Saka diretsong nilagok. Ang isang lagok ay nagpatuloy hanggang sa malasing si Ryder. Nagseselos lang siya. Pero, hindi siya galit kay Devyn. Nakita man niya na kasama nito ang sira*long doktor na iyon. Hindi siya magagalit. "Nag uusap lang sila," pangungumbinsi ni Ryder sa sarili. "Walang namamagitan sa kanila. Dahil akin lang si Devyn. No one can have her. Except me," turo niya sa sarili. Muli siya tumungga sa baso. Kalas na ang butones ng polo ni Ryder. Halos lumuwa ang mga mata ng mga babae sa nakikitang ganda ng katawan ni Ryder. Wala na siyang pakialam sa kahit sino. Ang iniisip niya pa din ay si Devyn. Wala nang iba. Panay ang lapit sa kanya ng mga babae sa kanina. Agad din naman na itinataboy ni Ryder ang mga babae. At sinasabihan silang lahat na committed na siya. In a relationship na siya— kay Devyn. May lumapit na isang babae kay Ryder. "Ryder, is that you?" hindi makapaniwalang tanong ni Carmina. Tumunghay ng ulo si Ryder. Tumaas ang sulok ng labi nito at namumungay ang mata sa kalasingan. "Carmina." banggit ni Ryder sa pangalan ng babae. Hapit na hapit sa katawan ang suot na damit at sobrang iksi. Si Carmina Nicholas ay anak ni Pres. Calixto Nicholas. Kababata ni Raleigh at naging kaklase ng kapatid niya. Matagal nang napapansin ito sa kanya. Dahil sa maganda si Carmina ay pinatulan niya. Hindi bilang karelasyon. Kundi tawag ng laman. Between him and Carmina is just a lust or fling. At puro benefits lang. Walang galing emosyon o committment. Iniiwasan niyang matali sa kahit na sinong babae. Dahil kay Devyn. "Come, I will send you home," aya ni Carmina sa kanya. "I can drive. I don't need your help." "Okay. Alis na ako, Ryder," pagsang-ayon na din ni Carmina at tinalikuran si Ryder. Umiikot ang paningin ni Ryder. Ang dami niyang nainom. At nakatulog na nakatalungko sa lamesa. Kinabunasan ay nagising si Devyn nang maaga. Unang araw niya ulit sa pagpasok sa kompanya. Nagpunta siya sa banyo dala ang tuwalya niya. Tulog pa ang kapatid niya. Naihanda na niya ang susuotin niya kagabi. Mayamaya lang ay andito na si Lola Anding para siyang pumalit sa kanya sa pagbabantay kay Divina. Tamang nakaayos na si Divina nang dumating ang lola niya. Kasunod si Doc. Oscar at Nurse nito. Nagmano si Devyn sa Lola niya at tinulungan sa dala nitong supot. "Good morning, Devyn. Maayos ba ang tulog mo?" bungad na pagbati ni Oscar kay Devyn. "Oo, e. Masarap nga ang tulog ko kagabi." may ngiti na sagot ni Devyn. "Maigi naman. Papasok ka na?" "Oo. Unang araw ulit." Nagising na si Divina at sinusuri na ngayon ni Oscar. Tiningnan ni Devyn ang kanyang relo. Oras na para umalis at pumasok sa trabaho. Nagpaalam at humalik si Devyn sa kapatid at sa Lola Anding niya. Naglalakad na siya sa pasilyo nang hinabol pa siya ni Oscar. "Devyn, hatid na kita." Nilingon ni Drvin si Oscar. "Naku, huwag na. Kaya ko na." "Sige na. Kahit ito na lang. Gusto kong ako ang maghatid sa 'yo ngayong araw. Puwede ba?" pamimilit ni Oscar kay Devyn. Ngumiti at tumango ng ulo si Devyn. Natuwa si Oscar na pumayag din si Devyn na ihatid niya ito. Napansin ni Devyn ang medyo nalalanta nang mga bulaklak sa semento. Nagtataka siya. Kapareho ito ng mga bulaklak na iniwan ni Charmain Sable sa kuwarto niya. "Devyn," tawag ni Oscar sa kanya. Tumingin si Devyn sa binata. "Halika na. Baka malate ka na naman," yakag pa ni Oscar sa kanya. Napangiti si Devyn. Nakalimutan niya. Ayaw niya palang mahuli ulit sa pagpasok sa trabaho. Natuto na siya. At hindi na uulitin. Habang nasa biyahe ay nagkwentuhan sila Devyn at Oscar. Naging palagay na din ang loob ng dalaga kay Oscar. Mabait at maginoo si Oscar. Masaya din itong kausap. Kaya hindi malabong mapalapit si Devyn sa binatang Doktor. Inihinto ni Oscar ang kotse niya sa tapat ng building ng RSC. "Salamat sa paghatid. Nagawa ko na hindi mahuli ngayon sa pagpasok. Nakakahiya na sa amo ko," ani Devyn. "Walang anuman. Sundiin din kita mamayang pag-uwi mo?" "Huwag na, Oscar. Hindi ko pa alam kung anong oras ako makakauwi," nalungkot ang mukha ni Oscar. "Sa susunod na lang," biglang nagliwanag ang mukha ni Oscar. "Puwede mo along sundiin sa ibang araw." "Sige. May next time pa naman. Mag iingat ka, Devyn," bilin ni Oscar sa kanya. At tango ng ulo si Devyn bilang sagot. "Ikaw din. Mag iingat ka sa pagdadrive. Hinay hinay lang," bilin din ni Devyn. Nagalak ang puso ni Oscar. Kahit paano ay may concern si Devyn sa kanya. Bumaba si Oscar ng kotse at umikot para pagbuksan si Devyn. Nang makalabas ng sasakyan si Devyn ay muli itong nagpasalamat kay Oscar. Nasa loob na nang kotse niya si Oscar ng tinatanaw pa din si Devyn sa loob ng building ng RSC. Nang masigurong okay na si Devin ay binuhay niya ang makina ng kotse niya at pinaharurot pabalik sa ospital. "Good morning, Devyn. I'm happy to see you. At mukhang okay ka na," masayang salubong ni Cassandra kay Devyn. "Good morning din po, Miss Olivares," gumanti ito ng ngiti sa kanya. "Let's go. Sinabi ni sir na ako ang magdala sa 'yo sa opisina niya. To make sure that you are safe and will not lost." Namilog ang mata ni Devyn. Bakit kailangan pang ihatid siya ni Miss Olivares? "Nakakahiya po sa inyo. Nautusan pa po kayo ni Sir chairman," aniya. "Don't say that. Alam mong si sir ang batas dito. So, kahit ano pa ang iutos niya. Susundin ko pa rin," anito. Habang naglalakad na sila papasok sa Chairman lift. "Bawal po tayo r'to," naalala niyang para sa chairman lang ang lift na ito. "Si sir mismo ang nagsabi na rito ka na sa chairman lift palagi sasakay paakyat sa office niya. May direct access ito sa opisina ni sir. Kaya huwag kang mag-alala," paliwanag ni Cassandra. Namimilog ang mga mata niya. Ginawa ng amo niya ang lahat ng ito. Talagang pinaghandaan ang pagpasok niya ngayong araw. At siya ay nagugulat pa din hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD