Pagkatapos naming magpahinga ay nagdesisyon kaming lumabas upang mamasyal. Magkahawak ang aming kamay habang naglakad mula sa aming villa. Tinahak namin ang daang napapaligiran ng mga pine trees. "Hon, sino nga pala ang kausap mo sa celphone kanina?" tanong ko "Si Charles, nagreport lang sa akin ng tungkol sa kumpanya," tugon nito "Bakit, Hon?" bumaling ito sa akin habang hinimas ang aking kamay Umiling ako, "W-wala naman," Aaminin ko, labis akong nabitin kanina ngunit binalewala ko muna ito at hinayaang malibang sa mga tanawin. Mahaba pa naman ang gabi upang ipagpatuloy namin mamaya ang naudlot na romansa. Habang naglalakad ay may mga dinaanan kaming hotel, restaurant at malawak na lawn kung saan nagpipicnic ang mga tao. Dumiretso kami sa mga nakalinyang tyangge at tumingin ng kanil

