CHAPTER 29

2573 Words
Madilim pa nang iminulat ko ang aking mga namamagang mata. Halos hindi ako nakatulog nang buong gabi. Gulung gulo ang aking isip. Tanging ang buwan at tahimik na kalangitan ang saksi sa aking tahimik na paghikbi. Habang pinagmamasdan ko ang madilim na kalangitan ay napapatanong ako sa sarili kung kailan sisikat ang liwanag sa aking buhay. Huminga ako nang malalim at mariing pumikit, "You'll be fine, Anastasia. Everything will be okay," Ang mga salitang ito ang tangi kong sinasambit sa sarili. Kahit nahihirapan ay pilit akong magpapatuloy. Nagpasya na akong bumangon. Pagkatapos magsambit ng panalangin ay agad kong inayos ang aking kama at iginayak ang sarili. Agad akong dumiretso sa kusina upang maghanda ng almusal. Dahil maaga pa ay tulog pa ang mga kasambahay. Nais kong personal na ihanda ang aming kakainin upang kahit paano ay makabawi. Tama si Mom, walang dapat sisihin kundi ang aking sarili. Habang nagluluto ay napukaw ang aking pansin sa isang boses, "Ay, kabayo!" Pagkalingon ko ay nakita ko si Manang Sarah na tila nakakita ng multo, "Good morning Manang," nakangiti kong bati Bahagya itong natigilan ngunit agad nakabawi, "Naku Hija, pasensya na! Dapat talaga naghanda pa rin ako ng midnight snack mo kagabi kung sakaling magutom ka," "Akala ko naman kasi pagud na pagod ka kaya agad na ring umuwi si Sir Chase," napakamot ito ng ulo "Hija, pasensya na talaga. Maupo ka na muna at ako na ang magluluto dyan," nag aalala nitong sambit Ngunit agad ko itong pinigilan, "Manang, okay lang ako. Besides, maaga rin talaga akong gumising. And I really wanted to prepare pur breakfast," Tila natigilan naman ang huli. Nais nitong magtanong ngunit nag alinlangan, "Manang, ano yun?" tanong ko "Hija, h'wag mong mamasamain ha," nahihiya nitong wika. Kilala kasi ako nitong ayaw kong pinapangunahan sa aking ginagawa lalo na't kung hindi ko naman tinatanong ang opinyon ng iba "Sigurado ka ba? At... paano ka natutong magluto?" Agad nagbalik ang mga masasayang alaala noong nakatira pa ako sa probinsya. Noong matiyaga akong tinuturuan ni Isabela sa pagluluto. Noong masaya naming pinagsasaluhan ang mga simpleng pagkain sa bukid. Noong magkasama pa kami ni Adam. Tila may kumurot sa aking puso nang muli syang maalala..... palabas nga lang pala ang lahat. Pinilit kong ngumiti, "Natutunan ko pong magluto noong nasa probinsya ako," Alam kong pansin ni Manang Sarah na namamaga pa at malamlam ang aking mga mata ngunit hindi na ito nagtanong pa. Ngumiti lamang ito, "Sige Hija, pwede ba kitang tulungan?" "Oo naman, Manang," masaya kong tugon. Aaminin ko, maraming nagbago sa akin simula nang tumira ako sa probinsya. Natuto ako ng mga gawaing bahay na hindi ko ginagawa dati. Naging mas responsable ako sa buhay. Natutunan ko na hindi lang pala nasusukat sa materyal na bagay at posisyon sa kompanya ang aking kaligayahan. Saktong kakababa ng aking mga magulang sa dining room. Personal kong inihain sa hapag kainan ang mga pagkaing aking niluto para sa kanila. Naghanda ako ng paborito ni Dad na Filipino breakfast na may sinangag na kanin, pritong itlog, at daing na bangus. Samantala, naghanda naman ako ng American breakfast para kay Mom na may omelette, pancakes, maple sausage at bacon. Bukod dito ay nagbahagi rin ako ng pagkain para sa aming mga kasambahay. Pareho silang natigilan pagkakita sa akin at tila nagtataka "Madame, Sir, si Ma'am Anastasia po ang nagluto," nakangiting sambit ni Manang Sarah "Anak, ikaw ang nagluto?" takang tanong ni Dad "Opo, Dad," tugon ko "Hindi ko akalaing marunong ka palang magluto. Salamat, Anak. Halika, saluhan mo kami dito," Tumango ako at sinaluhan sila sa hapag kainan. Nagluto rin ako ng Filipino breakfast para sa aking sarili. Hinintay kong tikman ni Dad ang aking niluto. Pagkasubo nito ng pagkain ay tila hindi ako mapirme sa pagkakaupo dahil sa kaba, "Masarap ka palang magluto Anak!" Napangiti ako, "Thanks Dad," "Hon, tikman mo! Masarap magluto ang anak natin," Bumaling ako kay Mom at hinintay ang kanyang reaksyon. Kahit sa simpleng pagluluto ay tila nagmamakaawa ako sa kanyang pag sangayon, "This is not bad," sambit nito pagkatikim sa pagkain "I'm glad you liked it Mom," "At least you still know my taste. After all, I could see that you lowered your taste when it comes to food," tukoy nito sa aking pagkain. Noon ay hindi ako kumakain ng pagkaing Pinoy sa almusal. Tanging oatmeal o kaya naman ay Continental breakfast ang aking kinakain "What's wrong with our food?" tukoy ni Dad sa aming lokal na almusal Ngunit hindi sya pinansin ni Mom Nagpatuloy kami sa pagkain. Kahit may halong insulto ay gumaan pa rin ang loob ko dahil nagustuhan nya ang aking inihandang pagkain "Hon, I think Anastasia can return to her post in the company," napatingin ako kay Dad nang sabihin nya ito. Sa totoo lang ay sumaya ako dahil namimiss ko nang magtrabaho sa kumpanya. Alam ni Dad ang aking dedikasyon sa aking trabaho. "Anak," bumaling ito sa akin, "Don't get me wrong. I'm all for it if you still want to take some rest. But if you're ready to work, I am supportive of it," "Thank you, Dad. I'm more than willing to work for the company," "I don't think I will agree to that," kaswal na tugon ni Mom habang patuloy ito sa pagkain "Why not?" tanong ni Dad. Bahagya rin akong natigilan "Lauren is doing a fantastic job when she took the role as the VP for Marketing," "Hon, it is very clear that Lauren is just covering for Anastasia temporarily while our daughter's out," "Let's be objective on this. It's not because she's our daughter that she's already entitled for the role. Lauren delivers the results far better than her," "Besides, Marketing is under my turf as the COO of the company, so I will make the call," pinal nitong sabi kasabay nang matapos itong kumain. Pagkatapos ay bumaling ito sa akin, "Why don't you focus on your engagement and be a good housewife. Baka sakali you will excel on that. Good food though," sabay tayo nito at umalis "Anak," hinawakan ni Dad ang aking kamay, "Pagpasensyahan mo na ang Mom mo. Hayaan mo, I will look for a role for you in the company," This is the final blow that I need. Despite all the good that I've done, one mistake can tarnish it all. Despite all the hardwork and effort I've put to earn my position, I could still be easily replaced. I'm already tired of proving myself. I'm already tired of competing with Lauren. I just need to accept the fact that I will never be enough in my Mom's standards. "Dad, h'wag na po kayong mag abala. You have more important things to attend than my role. Just... let me find my niche. Maybe this corporate stuff is not meant for me," Nag alinlangan si Dad ngunit pumayag rin, "H'wag mong masyadong damdamin ang mga sinabi ng Mom mo. I believe in your potential, and those words don't define who you are," Pagkatapos mag almusal ay pinilit kong libangin ang sarili sa pamamagitan ng pag aayos ng aking mga gamit. Kasalukuyan akong nasa walk in closet habang inaayos ang mga damit na hindi ko na kailangan. Noong nasa probinsya, natutunan ko na kung tutuusin ay hindi ko kailangan ng labis na mga damit. Iilan lang talaga ang aking kailangan kahit nakabalik na ako dito sa syudad. Isa pa, wala na rin naman ako sa kumpanya kaya hindi ko na kailangan ang mga magagarbong damit na dati kong sinusuot. Habang abala ay biglang tumunog ang aking dating phone. Inilagay ito ni Manang sa aking bedside table habang ako'y nagpapahinga kahapon. Nang makita ko ang caller ID ay natagpuan ko ang pangalan ni Madi. Bahagya akong nag alinlangan. Marahil ay nabalitaan na nyang nakauwi na ako sa bahay. Sa totoo lang ay hindi ko muna sya agad tinawagan dahil alam kong marami itong itatanong at hindi pa ako handang kausapin sya kahapon. Hindi ko rin nagawang buksan ang aking phone dahil kung hindi umiiyak ay tulog ako kahapon. But knowing her, she will not stop until she gets what she wants. Huminga ako nang malalim at sinagot ang tawag. Bago pa ako makapagsalita ay rinig ko na ang kanyang boses mula sa kabilang linya, "Bes!!! Kamusta? Nasan ka? Bakit di mo sinasagot yung mga tawag ko? Ang dami kong missed calls," "Bes, I'm fine," tugon ko, "Pasensya ka na rin. I... I didn't know na marami ka na palang beses tumawag. Ngayon ko lang din talaga napagtuunan ng pansin ang phone ko," "Nasan ka?" "Nandito ako sa bahay," "Susunduin kita dyan. Let's talk," Alam kong gusto ni Madi na sa labas kami mag usap para walang ibang makarinig. She really wants to find out what happened. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya, "Okay," tugon ko Agad kong tinapos ang ginagawa at nag ayos na ng sarili. Matapos ang isang oras ay dumating na nga ang kotse ni Madi sa bahay. Nagpaalam lang ako kay Manang Sarah at sumakay na sa kotse ng aking kaibigan, "Huy, what happened?!" bungad na tanong ni Madi pagkaupo ko sa passenger seat "Mahabang kwento. Sa'n tayo?" "I know a place," saad nito at sinimulan nang apakan ang silinyador. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating na kami sa isang coffee shop. Pagkatapos ipark ang sasakyan ay bumaba na kami at naglakad patungo sa isang Scandinavian inspired cafe. Narinig ko na ito noon mula sa mga empleyado ng kumpanya at kahit bago ay sikat ito sa masasarap na kape at pasta pati na ang magandang ambiance nito. "Bagong tayong coffee shop dito sa area," nakangiting saad ni Madi. "Ang may ari nito ay si Megan White. Yung best friend nung Kate. Si Kate... yung fiancee ni Caleb Rockefeller... yung kaibigan ni..." bahagya itong nag alinlangan "ni Adam," ako na ang nagtuloy sa nais bigkasin ni Madi "Hello!" masayang bati sa amin ng isang babae pagkapasok namin sa coffee shop "Oh, hi Megan!" tugon ni Madi. Nauna na itong naglakad palapit sa babae Dapat ay lumayo na ako sa kung anumang nagpapaalala sa akin tungkol sa lalaking iyon. Pero nanatili pa rin ako sa cafe. Bahala na.... sa loob ng mga susunod na araw ay mapapawalang bisa rin naman ang aming naging kasal. Sandali kong iwinaksi ang mga iniisip at sumunod kay Madi "Megan, this is my best friend, Anastasia," sambit ni Madi "Anastasia, this is Megan. She's the owner of this cafe," "Hi, Anastasia! Nice to meet you," masiglang bati ni Megan sabay lahad ng kanyang kamay "Hello, Megan. Thanks for welcoming us to your cafe. This looks gorgeous," tugon ko at nakipagkamay sa kanya "Megan, painter si Bes kaya she has good eyes. Sabi ko sa 'yo, ang ganda talaga ng cafe mo!" singit ni Madi Bahagya namang tumawa si Megan, "Thank you. Have a seat please," anyaya nito. Iginiya nya kami sa isa sa mga tables Pagkatapos naming maupo ay nag abot ito ng menu, "Anong gusto nyo?" "Isang caramel macchiatto," sambit ni Madi "Isang mocha," tugon ko "Okay. I'll bring your drinks in a while," wika ni Megan at tumalikod na upang umalis "Thank you," tugon ko Pagkaalis nito ay agad inilapit ni Madi ang kanyang mukha at hinawakan ang aking kamay, "Bes, what happened?" mahina nitong sambit na tila mayroon kaming sikreto. Nanlalaki ang kanyang mga mata at taimtim akong tiningnan Huminga ako nang malalim at tumugon, "It's over. Apparently, he really kidnapped me for ten million pesos. Binayaran ni Papa ang ransom kaya sinundo na ako ng kanyang secretary pauwi sa bahay," kalmado kong sambit Napaawang ang mga labi nito, "Is that even true?! I don't think he will do that!" Hindi nito napigilang mahampas ang mesa "Well, he just did that," "Kinausap mo na ba sya?" "What for? Para makinig sa kasinungalingan nya?" bahagyang tumaas ang aking tono. Muli kong naramdaman ang kirot sa aking puso "Look, everything that happened between the two of us was fake. I was only drunk when that marriage happened. I was supposed to be married with Chase... I was engaged to him! Besides, nagkasundo naman kami ni Adam na magsasama lang ng isang buwan para maayos nya ang mga bagay bago kami maghiwalay. Then, after that... babalik na ako sa dati kong maayos na buhay," "So ngayon, nakabalik na ako. Sya, nakuha nya ang sampung milyon. Hindi naman nya ako sinaktan noong nasa probinsya ako, so I think it's just fair. It was just like... a transaction," Tila sinaksak ang aking dibdib nang mapagtanto ang huli kong binitawang salita. Totoo... transaksyon lang ang nangyari. Ang kasalanan ko lang ay minahal ko sya.... Pinilit kong itinago ang lungkot na nararamdaman "Transaction?! Are you crazy?!" muling hinampas ni Madi ang mesa "Kalma lang," parehong napukaw ang aming pansin kay Megan na kakalapit sa aming mesa upang dalhin ang aming mga inumin. "Pasensya na," sambit ni Madi "Kung anuman yan, maaayos din yan. Magkape muna kayo," isa isang ibinaba ni Megan sa mesa ang mga tasa ng kape "Tikman nyo rin itong chocolate cake. Gawa ng pastry chef dito sa shop, si Tessa. Ilalaunch na rin namin ang Cakes by Tessa next week," Agad tinikman ni Madi ang cake, "Mmm, masarap. I'm sure magcclick ito," "Thank you, Megan. Nasan si Chef Tessa?" dagdag nito "Nasa hotel pa sya ngayon. Kinuha rin kasi syang pastry chef ng isa sa mga hotels dito," "Actually, kaibigan sya ni Kate, yung best friend ko," dagdag nito "Kamusta pala si Kate?" tanong ko "Nasa US sya ngayon. Umuwi sa kanila," "Hay, ewan ko ba dun! Nag alsa balutan palibhasa LQ sila ni Papa Caleb!" dagdag nito "Bakit kasi ang daming LQ ngayon, noh!" sabat ni Madi habang nakatingin sa akin "Pwede naman kasing mag usap, bakit ba naman may paglayas pang nagaganap!" tugon ni Megan na sobrang apektado sa kanyang best friend "Kaya tayong mga best friend ang nasstress sa mga yan!" nakatingin pa rin sa akin si Madi na tila nagpapatama at inirapan pa ako. "O sya, enjoy the cake para naman maging sweet tayo," sambit ni Megan at tumalikod na upang bumalik sa kanyang counter "Kainin mo nga yan Bes para maging sweet ka! Ang bitter mo," Natawa na lang ako kay Madi. Kahit nagagalit sya ay alam kong mahal nya ako bilang kaibigan at concerned lang sya. Pagkatapos naming kumalma ay muli itong nagtanong, "Kailan ka pala babalik sa kumpanya ninyo?" Umiling ako habang patuloy sa pagsubo ng cake, "Wala na akong role sa kumpanya. Ayaw ni Mom na ibalik sa akin ang dati kong posisyon dahil kay Lauren. Mas magaling raw si Lauren na magpatakbo ng Marketing," "Impakta talaga yang Lauren na yan!" galit na sambit ni Madi "Bes, sorry. Pero ina mo ba talaga yang Mom mo?" I chuckled, "Minsan naitatanong ko rin yan sa aking sarili," Naghalukipkip ito, "Lalo na namang yayabang ang babaeng 'yon!" "Hayaan mo na nga, Bes. Mas maganda siguro na gumawa ka ng sarili mong pangalan. Something that you are really passionate about. Maganda ka, matalino at talented so I'm sure you will be successful," Tila natauhan ako sa sinabi ni Madi. Ilang sandali akong nanahimik at abala ang aking isip "Bes, nakikinig ka ba?" "You know what? You just gave me an idea," masaya kong saad "Ano yun?" "I wanted to start my own art gallery. Sabi mo nga, I need to look at where I am passionate about. You know that I love art and I will put my heart and effort into it. And maybe...this is the fresh start that I need!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD