Madilim na ang silid nang iminulat ko ang aking mga mata. Tanging ang ilaw mula sa lampshade ang nagbibigay ng bahagyang liwanag.
Hindi ko akalaing nakatulog na pala ako mula sa sobrang pag iyak kanina. Bahagya akong nag inat at nang lumingon ako ay bahagyang natigilan nang makita ko ang pamilyar na lalaki na nakaupo sa tabi ng aking kama
"Dad," nang makabawi ay agad akong bumangon mula sa magkakahiga at naupo
"Anastasia, sa wakas nakabalik ka na Anak," malumanay ang tinig nito at nakangiti habang pinagmamasdan ako
Tila kinurot ang aking puso. Akala ko'y galit si Dad dahil sa nangyari ngunit sa pagkakataong ito ay muli kong naramdamang may kakampi ako. Muling nanlabo ang aking paningin dahil sa pamumuo ng luha sa aking mga mata.
Tumayo ito mula sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. Sa isang iglap ay umiiyak na ako habang nakapaloob sa kanyang mga bisig
"Dad, sorry. Sorry po," paulit ulit akong humingi ng tawad habang nakasiksik ang aking ulo sa kanyang dibdib. Buong higpit kong niyakap ang aking ama habang patuloy ito sa pag alo sa akin dahil sa labis kong pag iyak
Nang inakala kong ibinuhos ko na kanina ang kinimkim na sama ng loob ngunit heto pa rin ako ngayon at nasasaktan. Kung hindi siguro ako nagpakalasing ng gabing iyon ay hindi siguro magugulo ang maayos kong buhay. Hindi siguro ako mahuhulog sa patibong ng sarili kong ilusyon. Oo... isang malaking kalokohan na isipin kong totoo ang lahat ng ipinakita ni Adam. Ngunit kung sinuman ang kailangan kong sisihin ay ang aking sarili. Hindi siguro ako masasaktan nang ganito kung hindi ko hinayaang mahulog ako sa sariling patibong ng aking puso.
Nang bahagya akong kumalma ay ibinaba ng aking ama ang kanyang mukha upang ako'y pagmasdan. Hinawi nya ang ilang hibla ng buhok na nabasa na ng aking luha at isiniksik sa likod ng aking tainga. Gamit ang kanyang mga daliri ay pinunasan ni Dad ang aking mga luha,
"Matagal na kitang pinatawad, Anak. Ang mahalaga ay nakauwi ka na,"
Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa hiya
"H'wag ka nang malungkot. Sobrang saya ko dahil nakabalik ka na, Anak. Kaya mag ayos ka na dahil nagpahanda ako ng dinner para icelebrate ang pagbalik mo. Naghihintay na ang Mom mo pati si Chase sa baba,"
Chase? Guilt rushed over my body as I heard his name. Hindi ko alam kung paano ko sya haharapin mamaya. Can we still go back to how we were before?
Tumango ako kay Dad at pinilit iwaksi ang mga iniisip. Pagkatapos nyang lumabas ng aking silid ay agad akong tumayo upang mag ayos ng sarili. Nang makuntento ay lumabas na ako ng silid at naglakad patungo sa hagdan. Sa aking bawat hakbang pababa ay unti unting lumalakas sa aking pandinig ang mga pamilyar na boses. Kasabay nito ang lalong paglakas ng t***k ng aking puso dahil sa kaba.
Nang tuluyan na akong makarating sa dining room ay natagpuan ko na ang aking mga magulang at si Chase na masayang nag uusap. Noon ay karaniwan lamang sa akin ang ganitong eksena. I even used to look forward having this dinner with my beau. I used to feel that I could rely on Chase especially when Paolo left me. He stayed by my side when I was alone in the US. He saved me from my family's disgrace. When my family knew that we're already together, it at least made feel accepted by my family. From their eyes, at least I have done something right in my life.
But why does it feel now that everything has changed?
"Oh, here she is! Anak!" Mula sa kanilang diskusyon ay napansin ako ni Dad na nakatayo sa isang tabi. Ngumiti ito at tumayo upang lumapit sa akin saka ako muling niyakap.
"Dad," yumakap rin ako pabalik
Napansin kong tumayo rin si Chase upang lumapit sa amin. Hindi pa rin sya nagbabago. He's wearing a tailored suit and elegantly moved out from his chair and strode across the table to come near me
Samantala, nanatiling nakaupo si Mom at tahimik na kumakain. Ang kanyang mga ngiti kanina ay unti unting nawala. In fact, she has always been cold when it comes to me. I have seen her beautiful smile towards her friends, business partners and even to... Lauren. But those smiles disappear when she faces me.
"Babe," naging abala ako sa mga iniisip at hindi namalayang nasa harap ko na si Chase. He leaned down and embraced me tightly
I was in a daze when I heard him say that.
Nang mapansing walang tinig na nanggaling mula sa akin ay sandali itong bumitaw at pinagmasdan ako. I can see my reflection in his confused eyes,
"Babe, are you alright?" He gazed at me as if searching for any clues from my blank eyes
Chase and I have been together for years and we used to call each other 'Babe'. But for a moment, how ironic it was that my heart didn't recognize it. It was that familiar voice that kept playing in my ears.
I looked at the man in front of me but it was his familiar face that I see. It was his deep dark eyes that smile and evoke gentleness along with his lips when he calls me, "Honey,"
"Adam", tuluyan nang binigkas ng aking isip ang kanyang pangalan
"Anastasia?"
Napakurap ako at tila natauhan mula sa aking delusyon. Napapikit ako nang mariin at umiling habang pilit na iwinawaksi ang taong iyon sa aking isipan, "Sorry,"
His hands gently cupped my face, "It's fine, Babe. Napagod ka siguro nang husto,"
"Chase, Anak, come on, let's eat," anyaya ni Dad
Hawak ang aking baywang ay iginiya ako ni Chase patungo sa lamesa. Sandali akong lumapit sa tabi ni Mom upang batiin sana sya nang magsalita ito,
"No need. Go to your seat,"
Nang mapansin ni Dad ang nangyari ay nagsalita ito,
"Uh, Anak, maupo ka na sa tabi ni Chase,"
Matapos akong alalayan ni Chase upang makaupo ay nagsimula na ang kasambahay na magdulog ng aking pagkain. Tahimik lamang akong kumain habang ipinagpatuloy nila ang pag uusap tungkol sa negosyo. Kahit masasarap ang mga nakahain ay tila nawalan ako ng panlasa at pilit na nilulunok ang mga ito
"You need to start your annulment with that kidnapper," it came as a surprise when Mom changed the discussion
"Hon, hayaan mo munang makapagpahinga si Anastasia. It must've been hard for her,"
Tumaas ang isa nitong kilay, " Hard for her?!What about us?! Wasn't it also harder for us to mitigate the situation dahil sa katontahan ng babaeng yan?! Kaya puro kapalpakan ang tontang yan dahil palagi mong kinukunsinte!"
"Hon, please stop embarrassing Anastasia! She's your daughter!"
Unti unting nag init ang aking mga mata. Nanatili lamang akong nakatingin sa aking pagkain at pinipilit na hindi bumagsak ang aking luha
"Uh, Tito and Tita, I think Anastasia and I need to leave," sambit ni Chase sabay hawak nito sa aking kamay
"No, you stay there," mariing utos ni Mom
"Chase, aren't you angry because of MY daughter's stupidity?!"
"At ikaw," tukoy nito sa akin, "Our company stocks dropped because of the news about your failed wedding ceremony. Pasalamat ka na lang because for some reason, hindi na nalaman ng news agencies ang ginawa mong pagpapakasal sa isang small time driver! Naiintindihan mo ba ang problemang ginawa mo sa ating kumpanya pati na ang naging kahihiyan ng ating pamilya?!"
"Magpasalamat ka at handa pa rin si Chase at ang pamilya nya na tanggapin ka!"
"Kung hindi pa dahil sa tulong ni Lauren na ayusin ang ating imahe, ewan ko kung nakaahon pa ang ating kumpanya at kung meron pang naipambayad sa oportunistang iyon para tubusin ka!"
"Alam mo, if I had the choice, I would have chosen Lauren to be my daughter than you!"
"Enough!" galit na sambit ni Dad
"Magsama kayong mag ama!" galit na tumayo si Mom at umalis
"Hon!" tumayo si Dad at sinundan ang una
Naiwan kami ni Chase sa dining room, "H'wag mong masyadong damdamin ang mga sinabi sa 'yo ni Tita. You can stay at place if you want to," hinawakan nito ang aking balikat
Umiling ako habang nakatingin pa rin sa aking plato, "Umuwi ka na, magpapahinga na ako,"
Sa tindi ng sakit ng mga salitang binitiwan ng sarili ko mismong ina ay hindi ko na nagawang umiyak. Sa mga inabot ko ngayong buong araw ay pagud na pagod na ang aking puso.
Tumango ito, "Alright. Call me if you need anything, ok?"
Bumaling ako sa kanya at tumango, "Salamat,"
Seryoso nya akong tinignan, "Tomorrow I'll get a lawyer to start your annulment with that jerk as soon as possible. I realized that I cannot live without you. This time, I will ensure that no one will take you away from me. You're mine, Anastasia,"
Nanatiling seryoso ang kanyang mga mata at tinig na tila may nakapaloob na banta sa kanyang winika