Muli akong bumalikwas sa kabilang panig ng aking kama. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses ko itong ginawa, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Pagkatapos ng matagumpay na opening exhibit ng aking gallery ay umuwi na rin ako sa aming bahay upang magpahinga. Ilang oras na ang lumipas ngunit hanggang ngayon ay abala pa rin ang aking isip... pati na ang aking puso. Pagkatapos ng ilang sandali ay tuluyan na akong sumuko. Inalis ko ang talukbong ng aking kumot at tuluyan nang bumangon. Hindi mawala sa aking isip ang pamilyar nyang mukha. Mas naging seryoso ang kanyang awra. Tila natakluban ang pamilyar na mga emosyong nakapaloob sa kanyang mga mata. Pakiramdam ko'y bumalik kami sa pagiging estranghero sa isa't isa Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot. Ngu

