CHAPTER 12

1071 Words
(Aira’s POV) The wind didn’t stop just because he walked in. Kung tutuusin… mas lalo pa itong lumakas. Parang may sariling utak yung lamig sa loob ko—parang nakilala niya si Cassian. Parang bigla siyang nagising, handang ipagtanggol ako… o wasakin ang kahit sinong lalapit. Ice spiraled through the air, kumikislap na parang mga bituin na nahulog sa gitna ng bagyo. At si Cassian? Naglakad lang. Diretso. Walang bakas ng takot. One step. Another. Unafraid. “Cassian—STOP!” sigaw ko, halos punit ang boses. Pero hindi niya ako pinakinggan. Nakatutok lang sa’kin yung mga mata niya—burning gold sa gitna ng puting buhos ng hangin. Frost crawled across his skin, umaakyat papunta sa braso niya, pinapaputla ang ugat na parang nagyeyelo sa ilalim ng balat niya. Pero hindi siya tumigil. “Cassian, please—nasasaktan ka—your skin—” bulong ko, umaatras hanggang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. “You think this is enough to stop me?” His voice was low, rough, steady despite the cold. “Aira. Look at me.” Umiling ako. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makita yung mukha niya habang nasasaktan ko. Hindi ko kayang makita kung gaano ko siya tinitulak palayo. Isang malakas na blast ng lamig ang sumabog ulit mula sa dibdib ko. Napaatras si Cassian—isang hakbang lang—at agad niyang pinilit ang sarili niyang lumapit muli. Sa labas, may sumisigaw. Si Mara. Mga sundalo. May tumatawag ng healers. May nagkakagulo. Pero dito sa loob? Kami lang. Ako at ang Alpha King na naglalakad papunta sa gitna ng bagyong gawa ko. “Aira,” tawag niya ulit, mas malumanay ngayon, parang pakiusap. “Let me see you.” Pumikit ako nang mahigpit. “No.” Kasi kapag nakita niya ako… kapag nakita niya ang glow sa mata ko… kapag nakita niya kung ano ang nagigising sa dugo ko— He will know. He will understand what I am. He will recognize the enemy. Pero hindi iyon ininda ni Cassian. Ramdam ko ang presence niya bago ko pa siya tingnan—yung paraan na parang hinihiwa ng aura niya ang hangin, tinutulak ang lamig, nakikipaglaban para makalapit sa’kin. His wolf was pushing forward, surrounding me, shielding me. Hindi galit. Hindi nagwa-warning. Hindi uma-atake. Nag-aalala. “Look at me, Aira,” bulong niya, paos, puno ng emosyon na hindi ko kayang pangalanan. Hindi ko alam kung takot iyon o tenderness. Hindi ko alam kung instinct niya iyon o kung ano. Pero bago pa ako makasagot— Biglang tumama ang sakit sa ulo ko na parang sumabog ang kidlat sa utak ko. May humihila sa’kin. Mga boses na sumisigaw. Isang bilog na puting apoy. “THE SNOWBORN MUST NOT ESCAPE—” Napasinghap ako— At sumabog ang yelo sa buong kwarto. “Damn it—” narinig kong mura ni Cassian. Pero hindi siya umatras. Ininda niya ang lamig. Ang shards ng yelo na lumilipad. Ang hangin na parang nagtataboy sa kanya. Ang kapangyarihan ko na gusto siyang ilayo. Hanggang sa— Hinawakan niya ang pulso ko. Mainit. Mabigat. Parang apoy sa laman. Nagbanggaan ang init niya at lamig ko, nagliyab sa pagitan namin. Umusok ang yelo sa ilalim ng kamay ko, nagpuputi ang hangin nang mag-clash ang power namin. Napahinga ako nang malalim, parang napatigil ang puso ko. Si Cassian, nanginginig ang panga, frostbite na ang umaakyat sa braso niya—pero hinigpitan niya lalo ang kapit. “Aira,” his voice cracked, deeper, rougher. “You hear me?” “I-I c-can’t stop it—” “Yes, you can.” Dumikit ang noo niya sa noo ko, hingal, nanginginig. “Focus on me.” Mas lumakas ang bagyo, parang sinasaktan siya nito. Pero mas lumapit pa siya. Mas hinigpitan pa ang yakap. Mas lumaban sa lamig. Hanggang yakap niya na ako buong katawan, parang tinatakpan niya ako mula sa mundo. Yelo ang balikat niya, nangingitim na ang balat sa lamig, pati buhok niya may frost na… Pero hindi siya bumitaw. “Aira,” he whispered, voice breaking. “You’re safe.” Safe. Isang salita lang iyon pero parang tinamaan ang puso ko. Wala pa yatang tao sa buong buhay ko ang nagsabi nun sa’kin. Wala pa. Napahikbi ako at bumagsak sa dibdib niya, nanginginig habang nagpupumiglas ang kapangyarihan ko sa loob ko. Mas hinigpitan niya ang pagyakap. Nanginginig na siya. Humihirap na ang paghinga niya. Yung init ng katawan niya—humahalo sa lamig ko. Pero hindi ako binitawan. “Cassian… you need to go…” bulong ko, halos wala nang boses. “No.” “Masasaktan ka—please—” “Let it burn,” bulong niya, mababa pero matigas. “I’m not leaving you.” At doon… doon talaga naputol ang bagyo sa loob ko. Parang may tumigil na gear. Parang nag-break ang sigaw ng lamig. Hinawakan niya ang batok ko, hinila ako mas malapit sa dibdib niya habang umaalulong ang wolf niya—protective, desperate, grounding. “That’s it,” bulong niya. “Stay with me. Breathe with me.” Sinubukan ko. Masakit. Matalim. Mabigat. Pero ginaya ko ang paghinga niya— Hanggang unti-unti… gumaan. Humina ang lamig. Tumigil ang ice storm. “Cassian…” bulong ko, nanginginig. “I’m scared.” Niyakap niya ako na parang may kayang kumuha sa’kin. “You’re not alone,” he whispered fiercely. “Do you hear me, Aira? You’re not alone.” Parang may nabukas na pinto sa dibdib ko. At yung lamig— Sumigaw ng huling beses. Pagkatapos… kumalma. Napatigil ang hangin. Humina ang frost. At kahit isang degree lang… uminit ang paligid. Narinig ko siyang napahinga nang malalim, parang nabunutan ng tinik. “There you go,” he murmured, relief sliding into his voice. Pero nang itinaas niya ang mukha ko—napatingin siya. Nanlaki mga mata niya. Kasi nakita niya. Yung faint glow sa mga mata ko. Hindi blue. Hindi rin silver. Kundi puti. Snowborn white. Forbidden. “Aira…” bulong niya, halos hindi makapaniwala. “Your eyes—” Napaatras ako, pero hinawakan niya ang pisngi ko. “I’m sorry,” bulong ko, luha ko nagyeyelo sa pilik-mata ko. “I didn’t want you to see—” Cassian swallowed hard. Hinaplos niya ang yelong kumapit sa mukha ko. “Aira… what are you?” Hindi ko nasagot. Kasi tuluyan nang dumilim ang paningin ko. At bumagsak ako sa mga bisig ng Alpha King.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD