CHAPTER 1
(Aira’s POV)
Yung lamig… dapat hindi ko na nararamdaman.
Pero bawat hampas ng hangin, parang may karayom na tumutusok sa pisngi ko. Yung lamig, umaabot na sa buto ko—parang gusto akong lamunin ng gabi at itago na lang sa dilim.
Sanay naman ako matakot sa snowstorms.
Pero itong gabing ’to… iba.
Parang kilala ako.
Bawat hakbang, lumulubog yung boots ko sa kapal ng snow. Sobrang bigat na ng katawan ko, hindi ko na alam kung gaano na ako katagal naglalakad—minutes? Hours? Baka buong gabi na. Lutang na lutang ako; bawat memory na sinusubukan kong hawakan, nababasag lang.
Dugo.
Isang kamay na humihila sa’kin.
Isang boses na binubulong ang pangalan ko—
Tapos Hanggang doon lang, putol.
Puro puti nalang.
Nilagay ko yung nanginginig kong kamay sa leeg ko. Ramdam ko yung mga pasa—paalala na kung sino man yung humahabol sa’kin, hindi tumigil hanggang makapasok ako sa kagubatan. Kahit nakalayo na ako, ramdam ko pa rin.
May nakatingin.
May naghihintay.
Hindi ako pwedeng tumigil.
Hindi pa.
May liwanag sa malayo.
Akala ko namamalik-mata lang ako, kasi malakas yung snow at pagod na pagod na ako. Pero nakita ko ulit—warm, golden… parang porch light.
Kailangan ko makarating doon.
“Come on, Aira,” bulong ko sa sarili ko habang bumubuga ng hamog ang hininga ko. “Konti na lang.”
Tinulak ko yung mga sanga papunta sa dulo ng gubat, at doon ko nakita—isang malaking iron gate, may manipis na snow sa ibabaw. Sa likod nito, may mga cabins, may mga ilaw, may usok galing sa chimneys. Amoy pine. Amoy bahay.
Isang pack settlement.
Alam ko agad—even bago ko pa nakita yung wolf symbol na may frost crown sa gate.
Winterfang Pack.
Hindi ko alam kung bakit pamilyar. Pero parang narinig ko na yun dati, sa isang memory na malabo, parang basag na yelo na pilit magbuo.
Kailangan ko ng tulong.
Pagkaabot ng kamay ko sa gate, parang bumigay yung loob ko.
Nakaabot ako.
Pero pagkalampas ko, biglang parang humampas yung bagyo sa likod ko—para bang itinutulak ako palayo.
At bigla—
Lumabas ang dalawang malaking wolf.
Black fur, golden eyes. Hindi normal na wolves—mas malaki, mas nakakatakot. Naramdaman ko yung growl nila sa hangin.
Parang may tumusok na takot sa dibdib ko.
Napaatras ako, tinaas ang kamay ko.
“I-I’m not here to cause trouble,” bulong ko, halos hindi marinig sa hangin. “I just… I need help.”
Lumapit yung isa, inamoy ako.
Parang alam na niya lahat ng tinatago ko—even yung hindi ko maintindihan.
Dapat tumakbo na ako.
Dapat matakot ako.
Pero imbes na takot, may humila sa dibdib ko.
Isang bulong.
Snowborn.
Hindi galing sa isip ko yung salita, pero parang katawan ko, kilala yun. May init na sumiklab sa dibdib ko kahit sobrang lamig. Napagalaw yung snow sa paanan ko—konti lang—tapos bumalik.
Hindi pwede. Hindi dito.
Pinilit kong pigilan yung spark.
Biglang may pinto na bumukas. Mabibigat na yabag. Parang may authority sa bawat hakbang. Yumuko agad yung wolves.
At lumabas siya.
Matangkad. Malapad ang balikat. Dark hair na ginulo ng hangin. Eyes na parang molten amber na tumagos sa’kin. Grabe ang presence niya—parang kaya niyang utusan ang hangin na huminto.
The Alpha.
Kahit hindi yumuko yung wolves, malalaman ko pa rin.
Parang biglang lumiit yung mundo.
Sinipat niya ako.
Isang beses.
Tapos ulit.
Hindi dahil nag-aalala—pero parang inaaral niya kung delikado ba ako.
“Who are you?” tanong niya. English. Mababang boses, matapang, diretso—walang sayang na salita.
Bubuka pa lang bibig ko nang biglang gumalaw yung katawan ko—nanginginig, napaluhod ako.
Mabilis siyang kumilos. Impossibly fast.
Nasa harap ko na siya, hinawakan ang braso ko bago ako bumagsak.
May dumaan na init sa balat ko.
Hindi normal.
Mas malalim.
Tahimik bigla ang hangin.
Naningkit yung mata niya.
Ramdam niya rin.
“What are you?” bulong niya, mahina, parang sa sarili niya.
Umiling ako. “I… I don’t know.”
“Your scent—” tumigil siya bigla. Nag-clench ang jaw niya. “You’re freezing. You’re bleeding.”
Hinawakan niya yung dugo sa gilid ng ulo ko—sobrang dahan-dahan, parang hindi siya sanay maging gentle pero ginagawa pa rin.
Dapat lumayo ako.
Pero hindi ko ginawa.
“Someone was chasing me,” mahina kong sabi.
May dumaan na dilim sa mga mata niya—galit, pero hindi sa’kin. Parang gusto niyang patayin kung sino man nanakit sa akin.
Hindi na siya nagtanong.
Hinubad niya ang coat niya at nilagay sa balikat ko.
Sobrang init.
Parang gusto kong umiyak.
“You’re safe here,” sabi niya. Tahimik, pero may bakal sa tono. Para siyang nag-promise kahit hindi niya intensyon.
Safe.
Tagal ko nang hindi naririnig yun.
May tumawag mula sa likod—babaeng boses. “Alpha! Is she—”
“Get Mara,” utos niya, hindi tumitingin. “Tell her we have a guest.”
“Guest?”
Tumingin siya sa’kin ulit.
“Until I know what you are,” sabi niya, steady ang boses, “you stay under my protection.”
Umangal yung bagyo, parang nagpro-protesta.
Pero ako?
Wala na akong pakialam.
Kasi habang hawak niya ako, nakabalot sa coat niya, amoy pine at frost at something dangerously male—
Naging mainit ang mundo.
Too warm.
Hinila niya ako papasok sa cabin. Yung wolves, sumunod, parang bodyguards.
Pagpasok, sumalubong yung init ng fireplace. Para akong naiyak sa sobrang sarap ng warmth.
“Sit.”
Diretso niyang utos.
Umupo ako. Wala na akong energy tumanggi.
Lumuhod siya sa harap ko.
Grabe yung presence niya up close—parang hihigop ng hininga.
“What’s your name?” he asked, low and steady.
“Aira.”
Bahagyang bumuka labi niya. “Aira.” Parang tinetesting niya sa dila niya. “I’m Cassian.”
Cassian.
Perfect sa kanya—matapang, malalim.
Tinitigan niya ulit mukha ko. May humila na naman sa dibdib ko—mas malakas ngayon, parang tali na kumakapit sa puso ko.
Huminga siya nang malalim.
Ramdam niya.
Pero bago pa kami makareact—
“Daddy…?”
Isang maliit na bata lumabas. Messy curls, antok na mata. Tumingin sa’kin—
At lumiwanag mukha niya.
“Ate Aira!”
Natigilan ako.
Bakit niya alam ang pangalan ko?
Nanigas si Cassian.
At sa labas, parang mas lumakas ang bagyo—tulad ng mundo mismo, alam na may nagbago.