HABANG naghihintay si Therese sa pag-uwi ni Luke sa kanilang apartment, palakad-lakad ito sa hallway na inaabangan ang pagdating ng asawa. Pasado alasdyes na kasi ng gabi pero hindi pa ito umuuwi. Hindi naman ito sumasagot sa mga tawag niya. Nangunotnoo ito na may magarang BMW ang huminto sa tapat ng apartment nila at lumabas ang ilang kalalakihan na pawang mga naka-formal. “Si Luke kaya ‘yan?” usal nito na napasilip sa kotse. Pero walang ibang bumaba doon kundi ang tatlong kalalakihan na umakyat ng apartment. Napalunok ito na binundol ng kaba. Pero nanatili ito sa kinatatayuan na hinihintay makalapit ang mga lalake. “Ms Therese Ahmon?” ani ng baritonong boses na ikinalunok nitong binundol ng kaba sa dibdib. “Correction, mr. I am Mrs Therese Payne.” Pagtatama nito na ikinangisi l

