PALAKAD-LAKAD si Chloe habang may kausap sa cellphone. Maging si Luke ay abala itong kinakausap ang investigator nito para ipahanap si Chelsea na kahapon pa pala nawawala. “What's up, guys?” Sabay silang napalingon sa may pinto na may nagsalita mula doon. “Delta! Good that you are here! Tulungan mo naman ako oh?” bulalas ni Luke dito na sinalubong ang bagong dating. Kasunod naman nito si Daven na nakapamulsa na nakamata kay Chloe na bakas ang pag-aalala at takot sa mukha habang may kausap sa cellphone. “Why? What's going on?” tanong ni Delta dito na nakipag fist bump sa kaibigan. “Si Chelsea, dude. She's missing,” nag-aalalang saad ni Luke dito na natigilan at nagkatinginan pa sila ni Daven. “What's this, Chloe? Nawawala ang pamangkin ko?” baling nito kay Chloe na kakababa ng

