MAGKAYAKAP na naglakad-lakad sa may pampang ang mag-amang Chloe at Chelsea habang nagkukwentuhan. “Hindi ka naman nahihirapan sa paglilihi mo, anak? Ang Mommy mo kasi noon, palagi siyang nagsusuka lalo na sa umaga.” Saad ni Chloe. “Yeah. Sometimes po, Dad. Kapag hindi ko nagustuhan ang amoy o lasa ng pagkain. And I'm always cravings for something sour. Kaya nga pinapaakyat ko ng mangga ang mga bodyguard ni Tito eh.” Sagot ni Chelsea na ikinangiti nito. “That's normal, sweetie. Ang mahalaga ay maayos kayong dalawa ni baby,” ani Chloe na napahalik sa ulo ng anak nitong napangiting nakayakap dito. “Ano nga palang ginagawa niyong apat dito, Daddy?” tanong ni Chelsea na huminto at humarap sa ama nito. Ngumiti si Chloe sa anak nito na pinagsalinop ang kanilang kamay. “We're looking f

