“DAMNIT! Paano ba ito patayin?” problemadong tanong ni Chloe kay Luke. Natawa naman si Luke na abala sa paghiwa ng mga isasahog nila sa manok. “Anong patayin? Baka katayin?” sagot ni Luke na sinamaan nito ng tingin. “I've never done this entire my whole life. Ano namang alam ko sa pagkatay nito? I'll chop it alive? Paano itong mga balahibo?” reklamong tanong ni Chloe na ikinahagikhik ni Luke. “Gago ka ba? Maawa ka naman sa manok. Ikaw kaya chop-chop-in ng buhay? Hindi ba't mas gugustuhin mong patayin ka muna bago chop-chop-in?” sagot ni Luke dito na hindi na maipinta ang gwapong mukha. “Paano nga? Paano ko ito papatayin? Damnit. Those eyes. Tinitignan niya ako. Mamaya bangungutin pa ako nito eh!” banas nitong reklamo na ikinatawa ni Luke. “Babangungutin ka talaga kapag tinadtad

