NAGLALARO sa isipan ko ang mga huling naganap nang gabing iyon, ang gabi na hindi ko malilimutan. Tila parang sirang plaka na paulit-ulit na umaandar sa isipan ko ang lahat.
Halos hindi ko na rin maramdaman ang sakit kasabay ng pagkatuyo ng aking luha. Napalitan iyon ng pagkamuhi ko sa aking sarili. Hindi ko na makapa sa dibdib ko ang kabaitan at para akong baliw na sumisigaw sa ilalim ng balon. Isinisigaw ang pangalan niya, ang lalaking nagtulak sa akin sa impiyerno, si Dave Santiago.
Binalikan ko ang mga lumang ala-ala.
Maganda ang mga ngiti niya tuwing haharap sa akin tulad ng matalik kong kaibigan at kapatid na si Tessa Munoz.
Nagsimula ang pag-ibig ko kay Dave noong highschool pa lang ako. Kapitbahay ko siya. He gave me a christmas card, ‘yung tumutonog, uso kasi ‘yon noon. Nakaramdam pa nga ako ng selos nang bigyan niya rin ng parehas na card si Tessa. Magkakasabay kaming nagkaedad bilang magkababata at magkakaibigan.
Lumaki ako na may bilugang mata, ang pinakamagandang parte sa mukha ko. My gazes were always sweet according to Tessa. Sinabayan pa ng sweet smile. Umaabot hanggang balikat ang itiman na buhok ko noon. Fair skin. Hindi rin matangkad. Sakto lang ang taas para sa tipikal na pinay.
Aminado naman ako na pangit ako sa kabuuan kaya nga hindi na ako nagtaka nang maging magkasintahan si Tessa at Dave nang tumuntong kami sa college. Iyon na yata ang pinakamasakit na nangyari sa akin, ang maging magnobyo ang lihim ko na minamahal na si Dave at si Tessa. Kung sana ay naging kasing ganda ko rin ang kapatid ko.
Madalas siyang sumasali sa mga patimpalak. Hindi kasi matatawaran ang angkin niyang kagandahan. Maybe she’s the most beautiful girl I have ever seen in my whole life. Hindi naman nag-iisa si Dave sa mga nahumaling sa kanya, marami sila. Alam mo na sa mga teenagers, uso ang mga ligaw-ligaw at mga crush. Halos buong campus yata ay nahumaling sa kanya.
“Who is your crush?”
“Who is your first love?” Heto ‘yung mga madalas na tanong.
Binabalot ng kalungkutan ang bilugang mata ko noon tuwing titingin sa magkasintahan. Para bang tinatarak ng ilang patalim ang dibdib ko. Ilang punyal ang tila dumidiin. I can’t help it because I love him.
I always looked at them secretly until the time came when they broke up. Nagkaroon ng relasyon si Tessa sa ibang lalaki sa likod ng relasyon niya kay Dave. Nagalit ako noon sa kanya. Bakit hindi ‘di ba?
Sinamahan ko si Dave sa kalungkutan. Para bang mas doble ang mga punyal na tumatarak sa puso ko at sinisindihan ng apoy tuwing makikita siya na nakikipagbasag-ulo at parang buntot na sunod nang sunod kay Tessa at sa bago nitong nobyo para manggulo. Sinira niya ang masayang imahe niya sa akin. Tessa destroyed him. I cursed my best friend who happened to be my sister. Sino siya para saktan ang lihim na iniibig ko na si Dave?
His name was all over me. Dave was all over me.
Sabihin na natin na naging bias nga ako dahil mas pinili ko siya kaysa kay Tessa. Masisisiba niya ako? Siya itong nagkamali. Pinili niya ang kung sino kumpara sa pagkakaibigan namin at ni Dave.
“I love her so much… Pinigilan ko naman na magpakagago para sa kanya,” Dave told me one night. Bumabaha ang luha niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang sabayan siya sa pag-iyak. Masaya naman ako dahil nakakasama ko siya nang kaming dalawa lang kahit pa nga nasasaktan ako sa lagay niya. Ganito yata ang nagmamahal.
Huli na nang mabalitaan ko na lang na umalis si Dave sa lugar namin at nagpunta sa probinsiya para doon mag-aral. Napabayaan niya na kasi iyon nang sobra dahil mas madalas pa siyang makipag-away kaysa ang mag-aral.
Mas dumoble ang galit ko kay Tessa nang tuluyan na nawala sa paningin ko si Dave dahil sa kanya. Ang nakakatawa, araw-araw akong nakikipagplastikan sa kanya na para bang ayos lang sa amin ang lahat. Namuhi ako kay Tessa. I always marked an ‘X’ on her photo on my phone screen. Ilang ulit ko iyon na ginagawa, minsan pula at madalas itim.
Time flies. Mabilis na dumaan ang mga taon. Umabot kami sa edad na bente-singko. Nagtrabaho ako bilang manunulat. Hindi ko kasi kaya ang magtrabaho sa mataong lugar. Sa buong buhay ko, tanging si Dave at Tessa lang ang naging malapit sa akin. I’m a loner.
Laking tuwa ko na lang nang isang araw ay bumalik si Dave sa lugar namin. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nang makita siya muli. Halos tumalon ang puso ko sa mga binigkas niya noon.
He said, “You are the first person I wanted to see.”
Halos gusto kong mapapalakpak pati ang tenga ko sa mga narinig. Gusto kong taasan ng kilay noon si Tessa kung naroon lang ito nang mga oras na iyon at sabihan ito ng “narinig mo ‘yon?”
Nag-iwan sa akin si Dave ng matatamis na salita tuwing dadalaw sa bahay.
“I care for you...”
“Huwag kang masyadong magpapagod sa trabaho...”
Ipinaramdam niya sa akin na mahalaga ako sa kanya na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa buong pagkatao ko. Dave made me feel I was special. Pinakikilig niya ako kahit sa mga simpleng bagay.
Isang araw, umuwi si Tessa sa bahay mula sa trabaho niya. Unexpectedly, I saw Dave. Kapwa sila nakaupo sa magkabilang silya sa dining area. Nakabukas ang pintuan kaya rinig ko nang malinaw ang usapan nila na tatlong metro ang layo sa kinatatayuan ko.
“Tessa, I never loved anyone aside from you. You are the only person. I have loved you since the day I knew the meaning of love. Ginawa ko ang lahat upang kalimutan ka. Nagtungo ako sa probinsiya at nag-abroad upang hanapin ko ang babaeng para sa akin, pero wala eh. Ikaw lang talaga ang minahal at patuloy kong minamahal,” he said in a sincere voice.
He looked straight on Tessa’s face, not bothering on anyone else. Not bothering to look at me kahit naroon lang ako sa pintuan at madali lang niyang makita.
“Tessa, I care for you so much. The first person I wanted to see was always you. Malayo pa ako, wala na akong ibang hiniling kung hindi ang makita ka muli, ang ibigin ka muli. We love each other at alam ko na hindi iyon nawala, naligaw ka lang noon. I am willing to accept you for a hundred times.”
He kissed on Tessa’s delicate hands na halos sumira sa buong pagkatao ko. It was the same message I received from him, that he cares for me.
Ginawa ko naman ang lahat para mahalin ni Dave pero bakit si Tessa pa rin? Bakit siya pa rin hanggang sa mga sandaling iyon?
Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko kung paano niya maingat na tingnan si Tessa. Mga tingin na hindi ko naranasan. Bakit siya ganon? Bakit ipinaramdam niya sa akin na mahalaga ako sa kanya kung si Tessa pa rin? Para akong tanga! Pinaniwala ko ang sarili ko na gusto niya ako, na gusto niya rin ako!
Umakyat ako sa kwarto, my personal space. Unang bumungad sa akin ang larawang kupas na nasa loob ng frame. High school kami nang mga panahon na iyon. Dave was in the middle, I was on his left side and Tessa was on his right. Heto ‘yung mga panahon na nagsimula akong mainlove sa kanya nang sobra.
Agad kong hinagis sa pader ang frame dahil sa sobrang pagkamuhi. Kinuha ko ang lahat photo album. Inilabas ang lahat ng larawan ni Tessa. Noon ko lang napansin na kasama ko lang si Dave sa larawan tuwing naroon din si Tessa. Para bang binibigyan niya lang ako ng pagkakataon dahil naroon ang babaeng tunay na mahal niya.
Ang noon na pagmamahal ko kay Dave ay napalitan ng pagkamuhi. Sinungaling! Sinungaling sila!
Hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko ang posporo at parang demonyita na tiningnan ang pulang apoy kahit iyon ang pinakakinatatakutan ko. Sinunog ko ang larawan ni Tessa. Naiwan ang imahe namin ni Dave sa kwadradong papel, ayokong masunog din siya.
“Dave, sa wakas ay tayo na lang. There is no Tessa,” nababaliw na saad ko habang hinahaplos ang gwapo niyang mukha sa larawan.
Mabilis na dumaan ang mga araw. Masaya silang namumuhay habang ako ay nakatingin lang sa malayo at nabubuhay sa galit. Sabagay, sino bang lalaki ang magkakagusto sa tulad ko na panget?! Hindi ko matanggap sa sarili ko na panget ako! Bakit ba ako pumanget? Hindi ba at si Tessa ang may kasalanan?
Nabigla na lang ako nang ibalita sa akin ni Tessa, ang pinakamatalik kong kaibigan na ikakasal na siya. Ikakasal sila ni Dave. ‘Ang bilis naman yata?’ nais kong itanong sa kanya. Sa halip ay sinabi ko na “I’m happy for the both of you.”
Kita ko ang mga kinang sa mata niya, kinang ng pag-ibig. Habang pagkamuhi at galit naman ang nasa mata ko.
Naubos ko na yata ang mga nakatagong larawan ni Tessa sa photo album dahil isang larawan niya ang sinusunog ko kada araw. Habang tumatagal, tumatapang din akong harapin ang apoy. Para bang sinasanay ko ang sarili sa mainit at pulang buhay na iyon.
Dumating ang araw ng kasal ni Tessa at Dave. Mabuti na lang at hindi ako kasali sa entourage. Ang plastik ‘di ba? Best friend niya ako pero wala ako sa listahan kahit flower girl. Kahit Ninang nga ay hindi nila naisip.
Pero ayos lang! Dahil sa araw na iyon ay wala nang larawan si Tessa sa mga gamit ko, nasunog na ang lahat. Sa araw na iyon ay tutuldukan ko na ang lahat sa pagitan namin.
Isang saliw na musika ang bumungad sa akin pagpasok ko sa event place. Kumuha ako ng atensyon sa lahat. Lahat sila ay nakatingin sa akin na parang nakakita ng kung anong nakadidiring bagay.
Hindi ko sila pinansin. Sanay na kasi ako.
Itinuro sa akin ng waiter ang kwarto ng bride matapos niyang malaman na kapatid ako ni Tessa. Binuksan ko ang pintuan. Ang ilan sa mga regalo ay naroon sa kwarto. Pinalilibutan ng malalaking box at paperbags ang buong paligid. Bumalik ang pagkamuhi sa akin.
“You're here! Oh my god! What happened to you?” Tessa asked. She’s alone. Nilapitan niya ako pero agad ko siyang tinulak.
I looked at her with full hatred. “Tessa, do you know how much I hated you?”
Umawang ang labi niya. I looked at myself in the mirror. Parang kaliskis ng ahas ang kalahati ng mukha ko, ang braso ko at ibang parte sa mga katawan ko. Hindi ko pa nagawang magsuklay.
“Natatandaan mo ba ito, Tessa?” Itinuro ko ang aking balat. “You are the one who did this!”
Nagsimula siyang umiyak. Para bang bumalik din ang mga ala-ala sa kanya.
“Kung hindi mo lang sana ako inaya noon na maglaro sa sinusunog na mga kahoy, kung hindi mo ako iniwan noon habang halos kainin ng apoy, hindi sana ako panget. Hindi sana ikaw ang minahal ni Dave. We’re twins pero bakit ikaw ang maganda? Bakit ako ang panget?”
Tanging sorry lang ang mga naririnig ko sa kanya. I saw a photo of her and Dave in a big frame. Mas binalot ako ng pagkamuhi. Inilabas ko ang likido na nasa manipis at babasagin na bote mula sa bag. Inihagis ko iyon sa sahig. Agad na kumalat ang walang kulay na likido sa lapag at saka sinindihan ng lighter.
Wala na akong larawan at hindi na rin ako kuntento sa gano’n lang. Plano kong sunugin ang huling Tessa sa araw na iyon. Mabilis na kumalat ang apoy sa kabuuan ng kwarto.
“Sabay na tayong mamamatay sa gabi na ito,” nababaliw kong saad. Parang nota ng musika sa paningin ko ang pulang apoy na dati ay kinatatakutan ko.
“Kaya nga nagawa ko noon na magmahal ng ibang lalaki para iwan ako ni Dave, dahil ayoko na nakikita kang nasasaktan. Kaya hindi kita inimbitahan sa kasal dahil sa parehas na rason, ayokong makita ka na nasasaktan. Kung tumanggi ka na layuan ko si Dave ay gagawin ko, mahal kasi kita… pero ipinaramdam mo sa akin na ayos lang eh. Ipinaramdam mo sa akin na ayos lang sa’yo na maging kami sa huli. Bakit kailangan pang umabot sa ganito?” mahabang paliwanag niya habang umiiyak.
Bumalik sa imahe ko ang lahat. Tessa cares for me. She always cares for me. Madalas ko siyang gawan ng masama ngunit hindi ako nakarinig ng reklamo sa kanya. I stabbed her hand, it’s because Dave kissed it. I cut all of her clothes into pieces but she pretended as if nothing happened. Pinainom ko siya ng pampurga noon nang malaman ko na may date sila ni Dave. Ipinaramdam ko sa kanya nitong mga nakaraan na wala lang sa akin si Dave, he’s like a brother to me.
Then, I remembered something. Hindi si Tessa ang nag-aya sa akin sa nagbabagang-apoy na iyon, it was me. Nagpanggap lang siya na siya ang batang iyon tuwing tatanungin ko siya noon kung paano nasunog ang katawan ko. Iniwan niya ako sa nagbabagang apoy upang tawagin ang magulang namin, upang humingi ng tulong.
Ako na yata ang pinakamasamang kontrabida sa lahat. Pumasok si Dave sa kwarto at diretso kay Tessa ang mga mata niya. Halos mamanhid na ang mga mata niya sa kapal ng usok at init mula sa nagbabagang apoy pero diretso pa rin kay Tessa ang mga mata niya. Halos hindi niya ako tingnan. Namumuhi ako sa sarili ko.
“Tessa!” Wala siyang pakialam kahit maiwan ako sa loob ng kwarto. Maingat niyang nailabas ang kapatid ko palabas ng kwarto.
“Dave, my sister, please help her!” umiiyak na saad ni Tessa ngunit lumaki lalo ang pula at mainit na mga apoy.
Malungkot akong nakatingin kay Dave sa kabilang bahagi ng mainit na apoy. Alam ko na hindi na ako makalalabas. Hindi na ako makaaalis sa kinasadlakan ko. Mabuti na nga lang at binigyan niya ako ng tiyasa na hanggang sa mga huling sandali ay masilayan ko pa rin ang mukha niya.
I know this is my end. Sa apoy nagsimula ang lahat, sa apoy din magwawakas. I just looked at him hanggang sa kainin na ako at dalhin sa impyerno.
That was my last day.
Today, it’s my 10th death anniversary and no one bothered to come here. I looked at my name on the marble gravestone. TASHA MUNOZ.