Once upon a time, there is a girl named Pirana. Si Pirana ay mahilig sa hotdog cheese dog, hot chocolate at hot spring.
Si Pirana ay mayroon mga kaibigan, sila Jeniva, Uneva at Ivana. Si Jeniva ay mahilig din sa lahat ng may hot pero sila Jeniva at Ivana naman ay ayaw nito.
Kilala mo na ang mga kaibigan niya pero wala silang partisipasiyon sa kwento ni Pirana. Si Pirana ay may kapangyarihan at ito ay mainit, sobrang init parang siya. Kapangyarihang apoy na kung ikaw ay nagkamaling awayin siya ay ikaw ay matutustang parang toasted bread.
Isang mainit na umaga, pumunta si Pirana sa isang party na may temang "Hot Party". Typical na party, sayawan at makikipagkilala sa iba pero si Pirana ay iba ang trip sa buhay, siya ay nag-fire dancing sa gitna ng stage kaya tuwang-tuwa ang kalalakihan at ibang kababaihan.
Kababaihan? Parang lesbian? Yes, opo at mayroon isang nilalang ang na-love at first sight kay Pirana.
Hindi na nagpatumpik-tumpik ang nilalang na iyon at nilapitan siya.
"Hello, Pirana. Ako nga pala si Hearty." Pagpapakilala nong babae kay Pirana.
Hindi siya pinansin ni Pirana at tuloy lang sa pag-inom ng hot tea.
Hindi nawalan ng pag-asa ang babae at nagpakita ng kakaibang kakayahan.
"Alam mo bang kaya kong bumuga ng apoy." Sabay nagpalabas ng apoy sa kaniyang bibig.
Bored na tiningnan ni Pirana ang babae at naghikab, "Iyan lang ba? I can do it din naman 'yan."
Huminga ng malalim si Pirana at nagbuga ng napakaraming bola ng apoy.
Maraming tao ang namangha at lalong nahumaling kay Pirana.
Pagkatapos ng tagpong iyon. Umuwi na si Pirana sa kaniyang bahay at natulog.
Sa kabilang banda, labis na nalungkot si Hearty dahil pakiramdam niya ay pinahiya siya ng babaeng mahal niya.
"Nakakainis, pinahiya niya ako. Humanda ka sa susunod nating pagkikita, sisiguraduhin kong mapapasa akin ka."
Ilang siglo ang lumipas, nagtagpo ulit ang landas nila Pirana at Hearty.
"You again, ano bang kailangan mo?" Bored na tanong ni Pirana kay Hearty.
Nahihiya man, pinilit ni hearty na ngumiti. "Maaari bang makipagkaibigan sa 'yo?"
Kumunot ang noo niya at nag-flipped siya ng buhok. "Ayoko, hindi bagay ang hot na gaya ko sa 'yo."
"Ang arte mo naman, nakikipagkaibigan pa lang naman ako sa 'yo, bina-busted mo na agad ako."
Nanlaki ang mata ni Pirana at nagsitaas ang balahibo niya sa batok. "What did you say? Bina-busted? Nanliligaw kaba?"
Sa kabilang dako ng kalsada kung saan nag-uusap sila Pirana at Hearty, mayroon dalawang nilalang ang naglalaban.
"Fire ball."
Nagpalabas ng bolang apoy ang isang babae na naka-costume na butiki at kung sine-swerte nga naman siya, natamaan niya iyung kalaban niya sa hita.
"Aray ko! My flawless skin, my flawless skin is burning!"
Nagtatakbo ang kalaban ng babae at sa hindi inaasahan na pangyayari, nagtungo siya sa kinaroroonan nila Pirana.
"Waaaaaahhhh, my flawless skin!"
Sabay na napalingon sila Pirana at Hearty sa sigaw ng isang nilalang. Pareho silang naglabas ng nag-aapoy na pakpak at sila ay lumipad sa ere.
"Hoy! Ang epal mo naman, nanliligaw ako dito!" Sigaw ni Hearty
Nagpatuloy lang sa pagtakbo ang nilalang hanggang sa mawala na ito sa paningin nila Pirana.
"Kawawa naman that creature, naliyab 'yung flawless skin niya." Ginaya ni Pirana ang boses nong kawawang nilalang.
Sandaling nagkatitigan sila Pirana at Hearty, may kung ano silang naramdaman sa kanilang mga puso at nagsasabihing sila ay pinagtagpo ng tadhana para sila ay magmahalan.
"Teka, do you feel it? Mukhang magkaka-love life na ako." Gulat na tanong ni Pirana habang hawak-hawak ang puso niya.
"Pero ayoko pa magka-love life at lalong ayoko sa isang girl, it's yuckie kaya." Nandidirang dugtung pa niya.
Sa hindi inaasahan, biglang kumidlat at ito ay nagpapahiwatig na hindi ito sumasang-ayon sa sinabi ni Pirana.
"Ano ba! Ayoko nga!" Sigaw niya sa langit.
Kumidlat ulit kaya napakamot na lang siya sa hindi makati dahil hindi siya maaaring takasan ang nakatadhana sa kaniya.
"Ayos 'to, edi mate kita." Masayang turan ni Hearty at niyakap si Pirana.
Itutulak sana ni Pirana palayo si Hearty pero kumidlat ulit.
Ayaw ng kalangitan ang inaakto ni Pirana.
"Pirana, 'wag kana tumanggi. Blessing kaya ako. I love you, Pirana ko." Malambing niyang sabi ni Hearty.
At ayon nga, isang linggo silang nagde-date ni Pirana at paunti-unti, nahuhulog na rin ang loob nito kay Hearty.
"Baby Pirana ko, chill lang. Umaalab na naman 'yang beautiful eyes mo." Natatakot niyang hiling kay Pirana.
"PAANO 'YUNG UMAALAB? PAANO AALAB 'TO, EH, GINAGALIT MO AKO! SINO 'YUNG SHOKOY NA KAUSAP MO KANINA?"
Patay, mukhang malilintikan si Hearty.
"Kaibigan ko lang siya baby Pirana ko." Katwiran nito sa babaeng umaalab ang mata.
"Kaibigan? Kaibigan pero halos mamatay na sa kilig 'yung shokoy na 'yon." Madadama mo talagang nanggigil na si Pirana.
"Sorry na kasi baby Pirana ko, promise pinsan ko lang talaga siya."
"ANONG PINSAN? DIBA SABI MO KANINA KAIBIGAN MO LANG SIYA? NAPAKASINUNGALING MO TALAGA."
At ito na nga ang kinakatakotan ng lahat, nagpaulan nang napakaraming bola ng amoy si Pirana at ma-swerte namang hindi natatamaan nito si Hearty.
"Baby ko! Sorry na, kakilala ko lang talaga siya."
"WALA NA AKONG PAKE. BURN HEARTY, BURN!!!"
Patuloy lang sa pag-ilag si Hearty hanggang sa tumigil ito.
"Teka, bakit tumigil?" Tanong ni Hearty sa sarili niya.
Napatigil ang pag-ulan ng bolang apoy at ito ay dahil may isang yellow pad ang tumama sa mukha ni Pirana.
"Dear Pirana,
I'm your god daddy, please love your mate. Oo nga sira ulo, kulang sa aruga at kinulang siya sa buwan pero siya ang nakatadhana para mahalin ka.
Obey me.
Nagmamahal,
Daddy Fire."
Napahilamos na lang si Pirana sa kaniyang dahil sa nabasa niya. Hindi siya makapaniwala na nakatadhana talaga silang dalawa.
Nang mahimasmasan si Pirana, nag-usap na silang dalawa ni Hearty sa nag-aapoy na kwarto.
"Baby Pirana, are you okay na?"
"Medyo."
"Baby Pirana, ayaw mo ba talaga sa akin? Malungkot na tanong ni Hearty.
Hindi alam ni Pirana ang gagawin niya. Para mabawasan ang kaba, uminom siya ng kaunting hot tea.
"Baby Pirana, please answer me. I deserve the truth."
Padabog niyang nilapag ang kaniyang tasa sa lamesa at nanggigigil na sinagot si Hearty, "No, you don't deserve the truth! You deserve a someone better and it's not me."
Taliwas ito sa sinabi niya, nalungkot ang puso ni Pirana at dinurog-durog.
Kumidlat ulit at may lumipad na namang papel sa mukha niya. "Aray naman."
Binasa niya ito at sinunog gamit ang kapangyarihan niya. She don't have a choice.
"Alab u na nga lang, Hearty."
The End.