Love in September by neverbeeninlove17

2962 Words
PINAGMASDAN ko lang ang mga puno na nadadaanan namin habang nakapatong ang siko ko sa may bintana ng sasakyan at nakapalumbaba. Napabuntong hininga na naman ako.Ilang beses na ba akong  bumubuntong hininga? Di ko na alam sa sobrang dami di ko na mabilang. Basta ang alam ko lang magiging boring ang bakasyon ko ngayon.Napagdesisyonan kasi nila mom and dad na magbakasyon kila Lola sa probinsiya. Hindi naman sa ayaw ko silang makita ang kaso napaka boring doon wala ka man lang mapag galaan at mapaglilibangan.Kung sana nasa Manila ako ngayon edi sana nasa bar ako kasama ang mga kaibigan ko at nagpapakasaya habang inieenjoy ang bakasyon ko. Pero hindi eh. Maya-maya ay napahinto kami at nakita kong traffic kaya napabuntong hininga na naman ako. Dapat talaga di na lang ako sumama.   Napatigil ako sa pag-iisip ng may makita akong babae na nakasuot ng puting bestida na abot sa taas ng tuhod niya at tila alon ang tila nagliliyab na buhok niya na abot hanggang bewang niya. Actually her ombre red hair color that's blonde in the end compliments her fair skin beautifully. Nakatayo lang siya sa may dalampasigan at nakatingin sa papalubog na araw. Biglang humangin kaya hinangin ang buhok  niya dahilan para makita ko ang mukha niya.   Di ko alam pero pakiramdam ko biglang tumigil ang paligid at tanging siya na lang ang nakikita ko. Mayroong kung ano sa loob ko na nagsasabing puntahan ko ang babae sa may dalampasigan at mas lalo lang tumindi ang kagustuhan kong makita siya ng malapitan ng makita ko ang lungkot sa magagandang mata niya na kulay amber na mas nagliliwanag sa tuwing natatapatan ng araw ang mga mata niya. Damn! She looks like a Goddess. A goddess of fire to be exact because of her fiery appearance. I was about to open that car's door when it suddenly moves that caused me to stop what I was about to do. Napatingin ulit ako sa direkiyon kung nasan ang babae kanina pero wala na ito. Napailing na lang ako para alisin sa isip ko ang nakita ko baka guni-guni ko lang ang nakita ko. Dala lang siguro ng sobrang pagkabored ko kaya nakita ko iyon.Pagkarating namin agad akong nagmano kila lolo at lola habang umalik sila mama at papa sa pisngi nila.   Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto halos walang pinagbago kung ano ko ito iniwan noon ganoon parin ang itsura niya hanggang ngayon. Napasalampak ako sa kama.Napapikit ako at nilagay ko ang braso ko sa ibabaw ng mata ko. Patulog na sana ako ng biglang maalala ko na naman ang babae sa dalampasigan kanina. Kung sakali man na totoo siya sana magkita kami.Gusto ko siyang makilala di ko alam pero parang may kung anong nag-uudyok sakin na kilalanin siya. Hanggang sa pagtulog ko siya ang laman ng isip ko.   "Oo nga pala Lola pwede po ba kaming pumunta mamaya sa may tabing dagat? Gusto po kasi namin manuod ng fire dancing" paalam ni Aera isa sa mga pinsan ko   Mayroon palang nagfifire dancing sa panahon ngayon?   "Oo nga pala fiesta ngayon dito at taon-taon tuwing buwan ng setyembre may ginaganap na fire dancing sa may dalampasigan.Tamang-tama Ven sumama ka sa kanila at ng sa ganoon ay malibang ka naman" ani ni lola.   Mukhang maganda nga iyon pampalipas oras.   "Sige po"   Nasa loob lang ako ng kwarto ko hanggang sa sunduin ako ni Aera para sabihing aalis na kami.Sumakay na kami sa van na siyang sasakyan namin papunta sa may dalampasigan.Pagkadating namin sa may tabing dagat ay halos madilim na at nakita namin na maraming tao ang nandito.   Nalaman kong fire pala ang pangalan ng magtatanghal pero ang pinaka kakaiba ay babae siya. A woman that knows fire dancing seems so pretty interesting.I wouldn't be surprised if it's a man but a woman? That's so rare.   "Saan kaba nagsusuot Ven? Kanina kapa namin hinahanap.Doon tayo sa unahan para mas makita natin ang palabas!" sabi ni aera sabay hatak sa kamay ko at saka kinaladkad papunta sa unahan.   Pagkadating namin sa unahan ay sakto namang biglang umingay   "Oh my! Nandito na siya!" tili ni Aera mas lalong umingay ng may makita akong babae na naglalakad papunta sa harap at sa palagay ko siya ang tinatawag nilang fire. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang babae sa dalampasigan.So hindi ilusyon lang ang nakita ko?Totoo siya!   "Aera siya ba si fire?" tanong ko habang nanatiling nakatingin sa babaeng nasa harap.   "Oo.Siya nga.Bakit?Nagagandahan ka noh?" tudyo niya kaya napailing na lang ako saka binalik ang tingin kay fire.   Her every moves are so cool and at the same time full of elegance and grace.Her every moves is seductive that makes me want to go near her, not minding the fire that's surrounding her.All I know is I want to be beside her.Damn.I'm hopeless.How come a beautiful stranger can makes my mind go in haywire?   Pagtapos niyang magsayaw ay nilibot niya ang tingin niya sa mga manunuod at nginitian sila.Pero ng mapadako ang tingin niya sa pwesto ko ay natigilan siya at napanganga pero ng naglaon ay ngumiti din siya ng matamis.Sa hindi malamang dahilan ay biglang bumilis ang t***k ng puso ko at pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga.Nagtilian ang mga manunuod ng makita ang ngiti niyang iyon.May mga nagsasabi na sila daw ang nginitian ni fire dahil sa kanila ito nakatingin pero wala akong pakialam.Because for me that heart melting smile is for me.   I can still feel her soul penetrating gaze as we headed to the van.She's looks at me as if she can see really through me and it's giving me goosebumps.That heart whelming smile I'm ready to kill anyone just to see that smile again!   Napahinto ako dahil sa iniisip ko. Napatingin ang mga pinsan ko na kasalukuyan na palang nasa loob ng van at mukhang ako na lang iniintay.   "What's wrong Ven?"  tanong ni Keila   "Mauna na kayo may pupuntahan lang ako. Uuwi din ako agad pasabi kila lola" sabi ko saka naglakad palayo narinig ko pang tinawag nila ako pero di na ako lumingon.   Tumakbo na ako para mas mapabilis. Pagkadating ko sa may tabing dagat ay wala ng tao doon.Nilibot ko ang tingin ko at pinilit hanapin si fire.Natigilan ako ng makita ko ang isang babae sa gilid na nakaupo sa buhangin habang yakap ang mga tuhod niya at mariing nakatitig sa dagat.Kahit di ko makita ang mukha niya sigurado ako na si fire iyon dahil sa kulay ng buhok niya.Tinitigan ko muna siya ng mga ilang minuto at sinamantala ang oras na ito para namnamin ang magandang tanawin bago ako nagsimulang maglakad palapit sa kanya.Huminto ako sa gilid niya dahilan para mapaangat ang tingin niya sakin.Nanlaki ang mga magagandang mata niya ng makita ako.   Her beautiful amber eyes it's hypnotizing as if it is seducing me to look on it.Ang lakas ng loob ng inipon ko para lang makaharap siya ay unti-unting nawawala sa mga titig niya.   "Can I sit?" tanong ko   "Sure" sabi niya kaya umupo agad ako para hindi niya mahalata ang panlalambot ng mga tuhod ko.   Damn!This is so gay.Pero sino ba namang hindi manlalambot kung ganito kagandang babae ang tititig sayo.Para siyang isang diyosa mula sa langit sa ganda niya.She have this ethereal beauty that  can make all the people worship the road she walked in and kneel before her.   "Ang galing mo kanina.Napahanga mo ako.Ngayon lang ako nakapanuod ng babaeng nagfifire dancing.Sayang ngayon lang kita napanuod" basag ko sa katahimikan na bumabalot samin. Akala ko hindi na siya sasagot dahil ni hindi niya man lang ako nililingon nakatitig lang siya sa dagat ng bigla siyang magsalita.Nalaman kong ayaw ng magulang niya na nagfifire dancing siya dahil masyadong mapanganib ang ginagawa ni fire.   "Buti napapayag mo sila"   "Ito kasi ang hinihingi kong birthday gift" sabi niya saka lumingon sakin kaya nanlaki ang mata ko   "Birthday mo ngayon?!" gulat kong sabi dahilan para mapatawa siya. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko ng marinig ko ang tawa niya.   "Why? Nakakagulat ba na birthday ko ngayon?" natatawang tanong niya   "Hindi ko lang inaasahan na ganoon ang hihingin mong regalo mula sa mga magulang mo.Ang iba kasing mga babae ang hinihingi nilang regalo ay mga mamahaling bagay o di naman kaya ay party"   "Pangarap ko ang pagfifire dancing so parang taon-taon tuwing buwan ng september natutupad ko ang pangarap ko" sabi niya saka lumingon uli sa may dagat   Damn.I want her to look at me.I want to see that beautiful face again.   "By the way I'm Venus Alexander Buenavista" sabi ko saka nilahad ang kamay ko kaya napatingin uli siya sakin kaya napangiti ako.   "Venus? What's this? A sort of greek mythology?" natatawa niyang tanong na nagpakunot ng noo ko   "It's nice meeting you Venus. I'm September Hales" sabi niya saka inabot ang kamay ko   At doon ko lang narealize kung anong sinasabi niya.September is from the greek word Vulcan who turns out the God of fire and the husband of Venus.   "Well your name suits you. You seem to like red and fire" sabi ko na kinangiti niya   Simula noong araw na iyon lagi na akong pumupunta sa may dalampasigan para lang makita si Sep.Iyong akala kong boring na summer vacation ay hindi nangyari dahil kay September gusto ko ang pakiramdam ko pagkasama ko siya.She's like my breath of fresh air.And that made me realize something.I like her. I like September.I courted her and after so many months she said yes to me.   "Mukhang meroong inlove dito ah" tudyo ni Keira sakin   Napaisip naman ako dahil doon.Am I really inlove with September? It's the first time that I ever felt this way towards a woman so I really don't know if it's love or not.All I know is I want to be always with her.I'm comfortable with her.I like her that's why I asked her to be my girlfriend. I courted her and she said yes to me after months.   "Trust me my dear cousin I can see it on your eyes. You're inlove whoever that woman your seeing right now" sabi ni aera na sinang-ayunan naman ng lahat.   Siguro nga mahal ko na si September at bawat araw at oras na nakakasama ko siya mas lalo akong nahuhulog sa kanya at wala akong pakialam dahil wala naman akong planong umahon. Loving September Hales is the best decision that I ever made.   Agad ko naman siyang nakita na nakatayo lang sa may likod ng malaking bato habang nakayakap sa sarili at hinahangin ang damit at buhok niya.Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod at hinalikan ang ulo niya.Naramdaman ko naman ang kamay niya na humawak sa kamay ko na nakayakap sa kanya.Naramdaman kong biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Hawak niya pa lang bumibilis na ang t***k ng puso ko.   "I love you" hindi ko mapigilang sabi at mas lalong hinigpitan ang yakap sa kanya at ng hindi siya sumagot ay napabitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at napayuko. Damn! Bakit ko pa kasi sinabi iyon eh! Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka inangat at hinalikan na malugod ko namang tinugunan.   "I love you too" sabi niya habang may nakakalokong ngiti   "Damn pinakaba mo ako.Wag mo na ulit gagawin iyon ha" sabi ko saka kinurot ang pisngi niya kaya napatawa siya   "You may doubt everything in this world but not my love, because my love for you is absolute and never ending" sabi niya kaya niyakap ko siya ng mahigpit   Pero sa larangan ng pag-ibig hindi laging puro saya lang.May dadating at dadating na pagsubok para subukan ang pagmamahal niyo sa isa't-isa.   Isang araw bigla na lang siyang nawala. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala na daw tao doon. Pero may binigay sakin ang kapit bahay nila na sulat sa akin.Napagdesisyonan kong sa may dalampasigan na lang babasahin ang sulat. Pagkadating ko ay kabado kong binuksan ang sulat.Natatakot ako na baka hindi ko na makita pang muli si September.   'Dear Venus,   Kung binabasa mo man ito ngayon siguradong wala na ako at sinubukan mo akong hanapin.Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na wag.Wag mo kong hanapin kasi babalik ako sayo kahit ano pa man ang mangyari.Mayroon akong brain tumor kaya kailangan naming pumunta sa ibang bansa para doon magpagamot.Hindi ko sasabihin sayong hintayin mo ko dahil ayaw kong makulong ka sakin gayong alam ko na walang kasiguraduhan kung babalik paba ako o hindi.Ayaw kong maramdaman mo ang naramdaman ko noon.Mahihirapan ka lang at masasaktan at ang saktan ka ang pinaka huling bagay na gusto kong gawin.Kung makahanap ka man ng iba tatanggapin ko dahil iyon ang magpapasaya sa iyo.Maging masaya ka lang ay okay na sakin.Your happiness is always my top priority because you're the man that I met on September, you're the love that I found on September, I love you on September.It will be always on September.It will be always you.   Love , September'   Tumutulo ang luha ko habang binabasa ang sulat ni September.Nilagay ko ang sulat niya sa dibdib ko para hindi iyon mabasa ng mga luha ma patuloy na umaagos sa mga mata ko.Ilang oras akong umupo sa may buhanginan at inaalala ang mga ala-ala namin na magkasama.May biglang umupo sa tabi ko kaya agad akong napapunas ng luha saka siya nilingon at nakita ko si aera. Binalik ko ang tingin ko sa dagat.   "Hindi ko inakalang si September pala ang babaeng mahal mo.Masyado talagang mapaglaro ang tadhana" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya   "You know fire's real name?" tanong ko sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ni September ay tila ba kilalang-kilala niya na ito.   "Of course.She's my best friend.Thanks to you" sabi niya na kinakunot ng noo ko   "What do you mean?" takang tanong ko at napatanga naman ako sa sinabi niya.   September is my childhood sweetheart. Nagkakilala kami ng minsang dinala ako ni lola kila September noong ika siyam na kaarawan niya.Simula noon lagi na ako kila September.Pero isang araw habang umuulan naaksidente kaming dalawa.Nalaglag kaming pareho sa puno pero sinbukan ko siyang protektahan kaya ako ang nagtamo ng pinakamalalang sugat.Dinala ako nila mama sa Manila para mas magamot ako hanggang sa nalaman nila na nagka permanent amnesia ako pero ang tanging nakalimutan ko lang ay ang bakasyon ko na kasama si september.Araw-araw pumupunta siya sa bahay nagbabakasakaling nandoon ako hanggang sa isang araw bigla na lang siyang himatayin habang na kila lola siya.Tumama pala ang ulo niya sa maliit na bato noong naaksidente kami.Pero hindi doon tumigil si September kundi noong nalaman niya na may girlfriend na pala ako. Pinipilit kong ipasok sa utak ko lahat ng sinabi niya.Tapos bigla kong naalala ang sinabi niya sa sulat niya na ayaw niya daw akong maghintay sa isang bagay na walang kasiguraduhan kung babalik pa o hindi na ayaw niyang maranasan ko ang naranasan niya noon.   "B-bakit ngayon niyo lang to sinabi sakin?" garalgal kong sabi pinilit kong patatagin ang boses ko pero hindi ko nagawa. Damn.    "Hindi naman namin inaakala na magkukrus pa ang landas niyong dalawa.Tumigil naman na si September sa paghihintay sayo at wala ka namang maalala kaya naisip namin na wala ng silbi kung sasabihin pa namin sa iyo.Saka natatakot kami na baka sumakit lang ang ulo mo dahil siguradong pipilitin mong makaalala.Saka sa dami ng babae mo sa manila hindi namin alam kung ganoon parin ba ang nararamdaman mo kay September pano kung hindi? Lalo lang masasaktan si September.Masakit din sa amin ito dahil napamahal na samin si September.Hindi din namin matanggap na anumang oras o araw maaaring—maaaring" hindi niya matapos-tapos ang sasabihin niya.Napakagat labi siya para pigilan ang nagbabadyang luha pero hindi siya nagtagumpay.   F*ck! Ang sakit sa dibdib.Pakiramdam ko mamatay ako sa sobrang sakit.   Dumaan ang mga araw,linggo,buwan at taon pero walang September ang dumating.Halos di na nga ako umuwi ng Manila sa kakahintay sa kanya.Kaya naisipan na lang nila mama na dito na lang ako pag-aralin total ayaw ko naman daw umuwi ng manila.Nakila lola ako hanggang sa makagraduate ako pero ni minsan walang September na dumating pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa.Naisip ko ako nga nahintay ni September ng ilang taon kaya ganoon din ang gagawin ko. Saka hindi ko nakikita ang sarili ko na kasama ang ibang babae.I only want September.If it's not September then I'll never love again.   Kagagaling ko lang sa trabaho at ngayon ay nandito ako sa may dalampasigan at hinihintay siya katulad ng lagi kong ginagawa.Nakatayo lang ako doon habang tinitignan ang dagat.Naalala ko na naman ang lahat simula ng makilala ko siya hanggang sa umalis siya ng walang paalam.Pero kahit gaano na katagal iyon ang lahat ng pagmamahal,sakit,saya at lungkot nararamdaman ko parin na para bang kanina lang iyon nangyari.Kumuha ako ng isang bato malapit sakin saka iyon binato ng malakas sa dagat.   "September kailan kaba babalik?! Miss na miss na kita alam mo ba iyon?! Mamatay na ako sa sobrang pagkamiss ko sayo kaya kung gusto mo pa akong abutang buhay magpakita kana please! Nakaganti kana kaya please magpakita kana! Mahal kita September! Mahal na mahal na kahit ang sakit-sakit na handa parin akong maghintay ng kahit ilan pang September basta makita lang uli kita! Ganoon kita kamahal! Kasi kung hindi lang din naman ikaw hindi na ako magmamahal pa ng iba kasi ikaw ang pinakamamahal ko!"  sigaw ko habang tumutulo ang mga luha   "Ikaw lang din ang pinakamamahal ko because you're my love in September"   Agad akong napalingon sa nagsalita at nakita ko ang babaeng matagal ko ng hinihintay.Ang babaeng hinihintay ko tuwing September.Ang babaeng pinakamamahal ko.Nandoon lang ako nakatayo at nakatitig sa kanya at ng magsink in sakin na talagang narito na nga siya ay mabilis akong naglakad patungo sa kanya at hinawakan ang kamay niya at saka siya hinila palapit sa akin saka siya hinalikan na puno ng pagmamahal na malugod niya namang tinugon.   I first found love in September and I found it again on September. I found love in the woman named September. She's right. It will be always September. Just September.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD