Mávri Mageía By Darla Tverdohleb

2003 Words
    Napakislot ang magandang mukha ni Anzella habang nakamasid sa nakakahilakbot na tanawin sa harap niya isang umaga. Nilalangaw ang isang hubad na bangkay ng babaeng nakabitin sa isang kahoy ng balete. Ang mismong buhok nitong mahaba ang siyang ibinuhol sa isang sanga ng malaking kahoy. Duguan ang anit, dibdib at ibang bahagi ng katawan ngunit malinis ang mukha kaya makilanlan ito agad. Pinutulan ito ng kamay at paa at nakaayos ang pagkalagay ng mga ito sa isang tabi ng puno. Nakapormang triangle ang mga daliri nito; ang mga paa ay nasa gilid ng bawat kamay kaya nakapormang tatsulok ang mga ito. Isang simbolo. Malinaw iyon.     Napakurap ang beinte otso anyos na dalagang napamaywang at napabuntong-hininga.     “Ito na ang ikalabing-dalawang biktima. Parehong balete na kahoy ang gamit, pareho ang pagkakaayos ng mga paa at kamay. Iisa lang ang gumawa nito,” saad ni Egan, partner niya’t isang detective. Guwapo, bagay rito ang man bun at nasa early thirties.     Napaiwas ng tingin ang dalaga sa matipunong partner. Ang musky scent nito ay hindi nawala kahit sa masangsang na amoy na nasa harap nila.     Lingid dito ay sinulyapan niya si Davian. Ngumisi sa kanya ang tisoy na lumutang sa hangin at lumapit sa kanya nang hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Dahil hindi naman ordinaryong tao si Anzella kaya siya lang ang nakakakita sa multong sunod nang sunod sa kanya noong isang taon pa. Bigla na lang naging stalker niya mula nang makita siya sa isang krimeng naresolba na niya at ng partner.     “Hindi mo kailanman mareresolba ito, Anzella. Sagutin mo na kasi ako. Tutulungan kita.”     Marahas na napabuga ng hangin ang dalaga at inignora ito. Matagal na niyang binaril ang makulit na galang kaluluwang ito kung buhay pa lamang at kung puwede lang.     Napalingon si Egan sa kanya, nag-aalala. “May problema ka, Zella?”     She rolled her eyes. Ikinumpas niya ang bangkay na nakabitin pa rin habang kinunan ng larawan ng forensics. Ang mga taong nang-usyuso ay pinapaalis ng mga kasamahan nilang pulis, samantalang nagpapakapal ng mukha ang mga reporters. “    Iyan. Hindi ba ‘yan malaking problema? Ni hindi nga natin alam kung ano ang dahilan kung bakit pinatay ang mga babaeng magaganda, mapuputi, seksi at may mahabang buhok. Alam nga nating iisa ang may gawa pero hindi natin alam ang motibo hanggang ngayon. Alam nating sa balete sila ibinibitin. Ilang buwan na natin itong hawak na kaso pero hanggang ngayon ay wala tayong impormasyon!” inis na palatak niya kay Egan.     Napakamot sa kilay si Egan, napatingin sa lupang duguan. “Hindi ba sinabi ko na sa ‘yo ang anggulo nito? It could be a psycho who’s obsessed of arranging his victims like this.”     ‘Or black magic,’ sa isip ng dalaga. ‘Next will be thirteenth. It’s not good. These sacrifices will just get worse and worse.’ Pero siyempre hindi niya puwedeng sabihin dahil sino ba ang maniniwala? Besides, Egan Karra was a logical and practical person.     “Tama ang iniisip mo, Anzella,” ngising anang Davian.     Napasimangot siyang nakatingin sa multo. Palaisipan pa rin sa kanya kung paano nito nababasa ang kanyang isipan.     “Kung papayag kang tulungan kita—”     Umalis si Anzella, palayo sa crime scene. Iniwan ang partner niyang hinayaan na lang siya sa gustong gawin habang may ini-interview itong witness.     “Tigilan mo ‘kong multo ka! Matagal na akong nagtitimpi sa ‘yo. Ang kulit mo!” tiim-bagang na aniya sa mahinang boses para hindi mapansin ng ibang tao. Baka maisip na siraulo siya para magsalita nang mag-isa.     “Gusto lang naman kitang tulungan, eh.”     Pumasok sa kotse ang dalaga, umupo sa driver’s seat. Pumuwesto naman si Davian sa tabi niya, sa passenger seat.     “May kapangyarihan ka. Bakit hindi mo gamitin?”     Her green eyes wavered as she looked at his dark eyes. She didn’t want to get tempted by his suggestion but she wanted to stop this series of murders.     Napatawa si Davian. “Bakit takot kang gamitin ang kapangyarihan mo? Matagal mo na sanang naresolba ang kasong ‘to kung hindi ka lang takot, Anzella.”     She ignored him. She was thinking hard. Should she use her powers? But she knew there’d be consequences if she’d do it. Naipangako na niya sa sarili na hinding-hindi ito gagamitin pagkatapos ng nangyari sa kanyang pamilya sa Greece. Siya na lang ang nag-iisang Vasilikou. Pinatay ng kaaway nilang coven ang lahat ng miyembro ng pamilya at coven nila nang dahil sa mas makapangyarihang grimoire nilang gustong angkinin ng mga ito. Nagtagumpay nga ang mga ito. Pero kapag nalaman ng mga ito na may natitira pang Vasilikou, malamang mahahanap siya kahit dalawang dekada na ang nakararaan. Suwerte lang siyang isang Pinay na katatapos ng kontrata nito noon at pauwi sa Pilipinas ang nakakita sa kanya na nakatakas, nagtago sa isang basurahan, naghingalo at iniligtas siya. Isinama siya nito sa Pilipinas at trinatong sariling anak.                                                                                                     ***     Gabi na ay nag-research pa rin si Anzella sa internet tungkol sa dark magic at mga ritwal. Kung anuman ang mga natutunan niya noon mula sa coven ay alam niyang kulang pa dahil bata pa siya. Oo, alam niyang gumamit ng kanyang kapangyarihan pero limitado lang naman.     “Mávri mageía?”     She froze upon hearing his baritone voice. Napalingon siya nang marahan sa kanyang partner na nasa likod niya lang pala at malapit ang mukha nito sa kanya. Nagkabanggaan ang paningin nila. His gray eyes were soft and curious. His warm, minty breath fanned her face, sending shivers down her spine and making the butterflies flutter in her stomach.     “Greek for black magic. Lumayo ka nga!” Itinulak niya ang mukha nito.     Napatawa ito sa kanya. “Is that what you think this case is all about?” Umupo ito sa kanyang tabi.     Pasimple siyang napamasid sa paligid ng presinto. Wala ngayon si Davian. Alam niyang binibisita ng multo ang lugar kung saan ito pinatay o kaya naman ang libingan nito. Minsan na kasing sinundan niya ito noon para malaman kung saan ito nagpupunta kapag hindi nakabuntot sa kanya.     She blew her face. “I’m worried. It’s the twelfth victim. I think—” She suddenly stiffened. Why hadn’t she thought of it? She was so stupid!     Mabilis niyang kinuha ang kanyang jacket habang pinagtagpi-tagpi ang mga na-research. Agad namang sumunod sa kanya ang nag-aalalang partner. Nilampasan nila ang mga kapwa pulis at sumakay sa kanyang kotse. Agad na tumabi sa kanya ang lalaki at napakunot-noo siya.     “You won’t believe it even if I told you. So, just—”     “I know who you are, Zella. There’s no use hiding it.”     “A-ano? Paano?” Her brows knitted.     “My coven has been searching for you all this while.”     Namutla ang dalaga sa inilahad nito at lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Napalunok siya at naging alerto ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Her eyes turned into fiery green. Napataas ng mga kamay si Egan.     “I’m not your enemy. In fact, I’m here to protect you,” anito.     “I have no time for this, Egan! I’m sure Davian is on to something!” tiim-bagang na aniya na umaapoy pa rin ang berdeng mga mata. “Ayokong may iba na naman siyang bibiktimahin.”     “That… that wizard ghost has something to do with the killings?”         Pinaandar na niya ang kotse at mabilis itong pinaharurot pauwi sa kanila, which was just ten minutes away from Dumaguete police precinct.     Of course, Egan knew about Davian kung wizard din ito. Magaling itong magtago dahil hindi man lang niya na-trace ang magic aura nito. Bilang witch ay agad niyang nalalaman ang katulad nila sa pamamagitan lang ng aura. Nakatago ang sa kanya pero nalaman pa rin nito. That just meant he was more powerful than her.     “He was a wizard?”     “I’m sure you were more than acquainted with each other. Laging kasama mo ‘yon pero hindi mo alam?” he sardonically remarked. “I had to shield my thoughts from him.”     Saglit siyang napapikit. “Right. Alam ko na kung sino ang susunod niyang bibiktimahin. I can’t let him do it.”     “Sino?”     “It’s my foster sister,” aniya. “Nalaman ko na ang simbolong iyon. It’s pointed up, meaning strong foundation or stability. How can I be so blind? It means Davian wants to stop being a ghost. Gusto niyang mabuhay ulit!”     “Bakit?”     Napakurap siya. “I can only guess.” Her cute nostrils flared.     Napapreno siya nang dumating sa kanilang bahay na may dalawang palapag. Agad silang umibis ng sasakyan at tumakbo papasok. Narinig nilang sumigaw si Nylah sa loob.     Nanlaki ang mga mata nina Egan at Anzella. Walang malay si Nanay Allie niya na nakahiga sa may salas. Isang nag-aapoy na maitim na spirit knife naman ang hawak ni Davian. Itinutok nito kay Nylah na ngayon ay wala nang malay. Napalingon sa kanila si Davian na may evil smirk. “Sinabi ko na sa ‘yong tutulungan kitang maresolba ang     kaso, ‘di ba, Anzella?” Ang mga mata nito ay purong itim.     It sent goosebumps on her skin. Lalong kinabahan ang dalaga sa maaaring gawin nito.     “H-huwag mo siyang sasaktan, Davian. Please!” pakiusap niya.     Itinaas ni Davian sa ere ang babaeng walang malay. “Kukunin ko lang naman ang kaluluwa niya at ibibilanggo sa patalim na ito. Kailangang malapit sa ‘yo ang huling sakripisyo.”     “P-pero bakit mo ‘to ginagawa, Davian?”     “Mahal kita, Anzella! Ito na lang kapatid mo ang kulang. Mabubuhay akong muli at magkakasama na tayo!”     Lumingon sa kanya ang kaluluwa. Nakatutok pa rin ang patalim sa bandang puso ni Nylah. She could just imagine how he did it. Mula anit hanggang paa ay idadaan nito ang patalim at sa puso sa huli.     Dahan-dahan naman silang lumapit at nanlaki ang mga mata nitong napatingin kay Egan.     “I-isa kang…?”     Egan gave him a smirk this time. Nakita ni Anzella ang magic aura nitong kulay-ginto na tila sumabog. Biglang may pula at kahel na apoy na sumulpot sa kamay nito.     “I just know how to incinerate an annoying psycho criminal ghost like you,” anang binata.     Hindi na ito nagsasayang pa ng oras. Itinapon nito ang apoy sa multong napahumindig. Mabilis namang hinarangan ni Anzella gamit ng kapangyarihan niya ang apoy upang hindi madamay ang kapatid. A clear, thin film embraced Nylah. Pinalutang niya ito at pinahiga nang marahan sa sahig saka napatingin sa sumisigaw na si Davian. Naupos itong parang kandila hanggang sa naging maitim na abo ito. Biglang may hangin na umihip palabas ng bahay saka nawala ito sa kadiliman.     Nilapitan ni Anzella si Nylah.     “I’ll take care of them. Iisipin lang nilang isang masamang panaginip ang lahat ng iyon,” ani Egan. Gamit ang kapangyarihan nito ay inihiga ang ina’t anak sa kani-kanyang kama sa kani-kanyang kuwarto.     Napabuga ng hangin si Anzella na napaupo sa sofa. Nakadungaw sa kanya ang binata.     “Salamat sa ginawa mo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kay Davian.”     “You’re weak for hiding for decades. It takes a lot of power to suppress your aura and magic. Natunton kita dahil sa traces ng magic ko sa ‘yo at hindi mo napapansin na nag-ii-spark ang magical aura mo kapag nagre-relax ka. Those green sparks told me you’re the last of the Vasilikous.”     Napalunok ang dalaga. “H-hindi ba dapat kalaban kita?” alanganing aniya, may takot sa boses.     He smiled at her tenderly. He crouched in front of her. “Coven ko man ang pumaslang sa pamilya mo, wala akong kinalaman doon. I saw you that night, what they did to your loved ones. I knew it was horrible! So, I helped you get away. Hindi mo ba naaalala?” He touched her face gently. “I can’t ever forget these green eyes.”     Napalunok ang dalaga. Tama. May naalala nga siyang batang lalaki noon. Dahil sa hindi pa siya malakas noon at humina ang kanyang kapangyarihang apoy, ito ang naging pananggalang niya laban sa makapangyarihang coven nito kaya naman nakatakas siya. Why did she forget him? How could she? Maybe her memories were clouded by her entire family and coven’s deaths at the time. Wala siyang ibang inisip kundi ang pagkawala ng mga ito. And at least, hindi niya nakalimutan kung sino siya sa kabila ng paglipas ng panahon. Sa halip ay ninanais niyang makapaghiganti.     She looked deep into his eyes. “What if I’ll say I want to avenge my family and coven, Egan? Ano ang gagawin mo, ha? Pipigilan mo ba ako?” Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya at napakuyom ng palad.     His jaw tightened. “I can’t forgive their greed and what they did to you and to your coven, Zella. That’s why I left them.” Magkahinang ang kanilang mga mata na tila ayaw bumitiw sa isa’t isa.     “Egan…” tanging nasambit niya. Hindi niya alam kung ano pa ang sasabihin.     Banayad nitong hinawakan ang kanyang pisngi. “Wield me like a weapon, Zella.”                                                                         ** Wakas **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD