Emma’s Point Of View “Why are you not answering my damn question? Mahirap ba sa ‘yong sabihin kung sino ka?” tanong ko dahil kanina pa siya tahimik. Ni hindi man lang niya sinagot ang tanong ko sa kaniya kanina. Mahirap ba ‘yun? Simpleng tanong ay hindi man lang niya masagot. “Gusto mo ba talagang malaman?” malamig nitong tugon, sumabay pa ang malamig ding simoy ng hangin na bumalot na naman sa aking buong katawan. I was only wearing my school uniform. Maikling palda at blouse. Hindi na rin ako nag-abala pang umuwi dahil pagkagaling ko sa isang cafeteria kung saan kami tumambay nina Lily kanina, dito na ako dumiretso. Hindi kasi ako mapakali sa mga paulit-ulit na pumapasok isipan ko, gustong-gusto kong malaman ang totoo. “Yes,” sagot ko, without hesita

