Emma’s Point Of View The place filled by the lights of fireflies. Maging ang buwan ay kasama sa liwanag na bumubuo sa paligid. Hindi ko alam kung anong oras na ba, dahil wala na akong pakialam sa oras. “Matagal mo na bang alam ‘to?” I asked him. Nakaupo siya sa aking tabi dito sa lilim ng puno kung saan nagsisiliparan ang mga alitaptap. Napangiti ako nang may dumapong isang alitaptap sa kaniyang maskara. Gusto ko sanang abutin upang huliin ito ngunit baka bigla ring lumipad papalayo. Kaya pinagmamasdan ko na lang insektong na sa kaniyang maskara na tila naging disenyo ito roon. “Yes,” sagot niya. “When I was child, I used to play here. This is actually my favorite place.” Nahihiwagaan talaga ako sa kaniya. Tila ba may malalim siyang kuwento na hindi niy

